Hoping

NANG marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ay mabilis din akong lumabas ng cubicle bago inayos ang itsura. Tinitigan ko ang sarili sa salamin at hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman. Awa ba o takot, napaka-inosente ng itsura ko pero hindi imposibleng maging mamamatay tao rin ako sa paglipas ng panahon. I should look so strong, hindi ako pwedeng magmukhang mahina.
Kinuha ko ang make-up sa bag para takpan ang namumugto kong mata. Mabuti nalang dala ko ito palagi kahit hindi ko madalas gamitin.
Lumabas ako ng banyo at binaybay ang daan papunta sa building namin. Pero bago man makarating doon naagaw na ang atensiyon ko ng grupo ng mga estudyante na mukhang nagkakagulo.
Mula sa malayo ay natanaw ko ang isang lalaki na naka-hoddie pilit na inaagaw ang bagay na pinagpapasa-pasahan ng mga lalaki na tuwang-tuwa naman sa pagpapahirap sa kaniya.
Napahakbang ako patungo sa kanila nang biglang pilit na inagaw ng kawawang lalaki ang isang bagay na hula ko ay kinuha sa kaniya. Ngunit bigla ring umiwas ang lalaking may hawak ng bagay na 'yon dahilan para diretsong matumba ang lalaki sa sahig kasunod ay ang malakas na tawanan.
“Lampa! Ano may nahuli ka ba? Gag* ka pala, pati sa walang tubig lumalangoy ka!”
Mabilis akong lumapit sa kanila at tiningnan ang lalaking nasa sahig.
“Oh sayo na ang burger mo, baliw!” Ibinato ng isang lalaki ang burger at nainis ako dahil doon.Pati ang grasya ay binababoy nila.
“Mga walang magawa sa buhay.” Masamang tingin ang iginawad ko sa kanila. Bago inalalayan na tumayo ang lalaki at hinarap ang mga nangbubuyo kanina.
“Oh bakit nakikialam ka? Gusto mo ikaw ang patayin ko?”
Imbis na matakot ay umismid lamang ako at inirapan siya.
“Pwede ba? Wala ka talagang awa e, 'no? Nakita mo na ngang hindi siya lalaban. Bakit mahihina lang ba ang kaya mo? Lalaki ka bang talaga?!”
“Aba at---”
“Gigs, h'wag mo na patulan. Parating si Ma'am Corpuz.”Sinulyapan ko ang lalaking umawat, nakatingin siya sa likuran namin.Nang tumingin ako sa likuran ay nakita ko nga ang isang guro.
Tsk. may takot din pala sila sa teacher.
“May araw rin kayo sa akin.” Hindi ko pinansin ang banta ng lalaki bago hinarap ang biktima nila. Nakayuko siya at nakatingin sa burger.
“Are you okay?” tanong ko pero hindi siya sumagot kaya pumeke ako ng tawa.“Of course you're not, para naman akong baliw. Let me help you,” saad ko pa nang magsimula siyang maglakad habang nakahawak sa balakang. Hindi ko alam kung napuruhan siya roon dahil sa pagkakabagsak niya kanina.
“Alin ang masakit?” tanong ko pero nag-angat lang siya nang tingin sa akin nang tumigil siya sa paghakbang. Pakiramdam ko nahipnotismo ako nang tumitig ako sa kaniyang mata. Gwapo siya sa totoo lamang, maputi at makinis ang mukha.Nakakainggit rin ang tangos ng ilong, napalunok pa ako nang mapatitig sa kaniyang labi.“You're lips is bleeding. Gamutin ko, okay lang ba?”
Napansin ko na natigilan siya at maging ako rin nang mapagtanto ang tanong ko.
Bobo! Anong tanong 'yon, Sam?
Gusto ko tuloy sampalin ang aking sarili.
“Ah e---”
Napabuntong-hininga ako dahil mukhang naiilang siya sa akin, maging ako man ay ganoon din.“Hindi kita sasaktan, okay?” tumingin lamang siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
Bakit kasi kailangan tumitig pa?
“Tara sa clinic,” hindi ko siya hinayaang tumanggi dahil hinigit ko kaagad ang braso niya. Hindi ko na binalak na lingunin siya hanggang sa makarating kami sa clinic.
Kumatok muna ako bago sumulyap sa babaeng nasa isang mesa. Ang ilan sa nurse ay mukhang abala sa ibang sulok ng clinic.
“Nurse Cha,” tawag ko sa babaeng may sinusulat na kung ano sa isang papel. Napatayo siya nang makita kami.
“What are you two doing here?”
“Ah, he needs help,” hinila ko sa gilid ang lalaki at tiningnan niya lang 'yon.“Pwede ba makahingi ng gamot at panlinis sa sugat niya?”
Hindi siya agad sumagot, nakatitig siya sa lalaki kaya naman napatingin rin ako roon. Nakayuko lamang siya at parang hiyang-hiya.
“Sandali lang,” paalam ni Nurse Cha bago kami talikuran. Hinila ko namang muli ang lalaki at pinaupo siya sa isa sa mga kama malapit lamang sa pinto.
Mas mainam na rito para may hangin na presko.
“Here,” nilagay ni Nurse Cha ang isang kit sa tabi ng lalaki at tumingin sa aking gawi.“Maiwan ko muna kayo.”
“Thank you, Nurse Cha.” Tumango lamang siya sa akin bago sumulyap sa lalaking kasama ko. Hindi rin siya nagtagal at tinalikuran kami bago bumalik sa pwesto niya kanina.
“Okay,” humarap ako sa lalaki bago binuksan ang kit. Kinuha ko roon ang kakailanganin ko para linisin ang pumutok niyang labi.
“Huwag ka malikot huh? Mabilis lang 'to.”
Hinawakan ko ang baba niya at hinarap sa akin. Naiilang man ay ginawa ko ang dapat kong gawin.
“Ah!”
“Sorry,” paghingi ko ng tawad nang mapadiin ang pagdampi ko sa labi niya ng bulak na may gamot. Nanginginig kasi ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan.
“O-Okay lang,” napatigil ako sa aking ginagawa nang marinig ang malalim niyang boses. Hindi ko napigilang titigan ang mukha niya.
Shit! Kung makikita siguro 'to ni Marj, malamang inangkin na niya na itong lalaki.
“Nagsasalita ka pala?”
Ngumiti ako pero yumuko lamang siya at napansin ko pa ang paghimas niya sa kaniyang daliri. Hindi ko tuloy alam kung nahihiya siya sa akin o hindi talaga siya sanay na kinakausap.
“Don't be shy, I'm Samantha by the way, you can call me,Sam or anything you prefer.” Inilahad ko ang aking kamay at tiningnan niya lamang 'yon. At hindi ko inaasahan na matapos ang ilang sandali ay kukunin niya ang kamay ko bago tumingin sa akin.
“Abi.”
“Huh?” hindi ko agad siya naintindihan dahil nakatitig ako sa kaniyang mukha. Pakiramdam ko kasi nakita ko na siya noon dahil pamilyar ang mukha niya. Siguro dahil gwapo siya at may kamukhang artista na hindi ko lamang maalala kung sino.
“Abi is my name. Thank you, Samantha.” Tumango lamang ako bago nagpatuloy sa pagdampi na bulak sa labi niya.“You're one of them?”
“Ano?” Mas lalo naman akong naging lutang sa tanong na pinakawalan niya. Hindi ko tuloy alam kung makakaramdam na ako nang kahihiyan ngayon. Bakit parang ang slow ko yata?
“'Yung bago sa eskwelahan.I heard rumors about you and your friends. Matatalino raw kayo, I was curious why you guys  are here? Puro kasi expelled at matitigas ang ulo ng mga taong narito.”
Wala akong balak ikwento kay Abi ang totoo, kung bakit kami narito. Ngumiti lamang ako sa kaniya bago inaayos ang kit at naupo sa tabi niya.
“And you're one of them? I mean, isa ka rin ba sa mga na-expell dahil matigas ang ulo at pasaway?” pagbibiro ko habang nakatingin ako sa kaniya pero nanatili siyang nakayuko. Ang gwapo niya tapos tinatago niya lamang ang kaniyang mukha.Sayang.
Hep! Hep! Anong sayang? Anong iniisip mo, Sam?!
Umiwas ako ng tingin kay Abi dahil sa mga naiisip ko tungkol sa kaniya.
“Anak ako ng isa sa mga professor dito kaya ako narito.” Agad ding bumalik ang atensiyon ko sa kaniya dahil sa gulat.Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
May alam kaya siya sa nangyayari sa eskwelahan? Sa lahat-lahat ng impormasiyon patungkol sa Royal Academy of Moloch?
“Masakit pa rin ba ito?” turo ko sa bewang niya dahil nakahawak pa rin siya roon.
“A little bit.”
Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa naisip ko na basagin iyon.
“Abi, can I ask you something?”
“Sure, what is it?”
“About the Game of Death.May narinig kasi ako patungkol doon, anong laro ba 'yon?”
Tumahimik siya bago lumingon sa likuran namin, kaya lumingon din ako. May nakita akong nurse na nakatingin sa amin pero binalewala ko nalang nang magsalita si Abi, mahina lamang pero sapat na para marinig ko.
“Isang laro ng mga demonyo, sa loob ng maze pakakawalan ang mga estudyante. Mahahati sila sa dalawang grupo, ang isa ay prey at isa naman ay predator.”
Napalunok ako sa impormasiyong iyon, bakit parang hindi ko gusto ang ideya ng larong 'yon. Pangalan palang talaga hindi na maganda sa pandinig.
“You mean hunting game ang Game of Death?”
“Oo at kapag ang predator ay hindi napatay ang naka-assign sa kaniya na prey niya, siya ang kukunin ng anak ni Mr. Santiago para gawing pagkain at laruan. Teka alam mo naman na siguro ang tungkol sa eksperimento hindi ba?”
“Huh?” Nalito ako sa biglaang tanong na 'yon. Hindi ko pa siya ganoon kakilala at kailangan umasta ako ng walang alam na kahit ano tungkol doon.“Ah e hindi pa masyado,”pagsisinungaling ko.
“May binubuo muli silang eksperimento, pero isang lason na papatay sa babaeng hinihintay ng lahat, ang taga-pagligtas ng lahat ng mga estudyante rito.”
“You mean alam nila Mr. Santiago ang paparating na taga-pagligtas?”
“Sa talino ni Mr. Santiago walang impossible sa kaniya.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Abi, paulit-ulit na pumasok sa utak ko ang sinabi niya.
“Sa talino ni Mr. Santiago walang impossible sa kaniya.”
Tama siya. Nagawa ni Dr. Santiago na gumawa ng isang malakas at matalino na nilalang na malayong-malayo sa normal na tao. Sapat na, na ebidensiya 'yon sa talinong meron siya na hindi basta-basta.
Pero kung alam na nga ni Dr. Santiago kung kailangan babalik ang anak niyang babae, ibig sabihin nun naghahanda na lamang sila? Paano na kaming mga estudyante na nakulong dito?
Wala mang kasiguraduhan pero umaasa ako na kung sakali na bumalik siya, sana magtagumpay siya. At kung mangyari man 'yon sana ligtas ang mga kaibigan ko. Kahit sila nalang kahit hindi na ako.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Macrina Ladura

    ganda nito pag masdan

    31/08/2024

      0
  • avatar
    Algrace Abian

    Butterflies in the stomach

    20/08/2024

      0
  • avatar
    USNANALSON

    love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata