Trust

Nagkatinginan kami ni Ezzy,tumingin siya sandali sa pinto kung saan lumabas ang babae.
Then she walked towards my direction and took the medicine, she stared at it and her forehead creased.
“I think we need to trust her about this, she warn us Marj. Drink this medicine.”
“But Ezzy---”
“No buts, kailangan nating malaman ang meron sa eskwelahan na ito for us to survive.”
Noong una nag-alangan pa si Marj na kunin ang maliit na botilya na may lamang asul na likido. Pero sa huli inabot niya iyon at ininom, gusto ko magtanong kung anong nangyari pero wala namang makakasagot. Wala pang isang minuto pero sumuka si Marj ng isang berdeng likido at sinabing parang hindi na siya nanghihina. Mabilis rin ang pagbalik sa ng dati ng kulay ng kaniyang labi na kanina ay halos mangitim na.
***
“Ouch!”
Napatingin ako sa babaeng sadyang binunggo si Marj. Nagdesisyon kami na pumasok nalang para huwag mahuli sa aralin, gusto rin kasi ni Marj na mag-imbestiga kami tungkol sa nangyari.
“Uy, ikaw pala 'yan?”
“What the hell is your problem?” Halos balutin na ng boses ni Marj ang buong pasilyo.
“Marj,” awat ko dahil natatakot ako na baka may gawin na naman silang masama. Ang babaeng kaharap namin ngayon ay ang babae pa rin na nagtarak ng kutsilyo sa desk ni Am kanina lamang. Kung hindi ako nagkakamali ay Lei ang pangalan niya.
“Nothing, just want to inform you that your end is near. So good luck, girl. Bago ka lamang pero mukhang hindi ka aabutin ng graduation.”
“What do you mean?”
“Don't listen to her, Marj. She's spitting nonsense,”singit ko pero tumawa ng babae maging ang mga kasama niya.
“Oh really? Tingnan lang natin, I'm sure one of these days isa na sa inyo ang na-drop.”
Natigilan ako sa paraan nila ng pagtawa, para silang mga kontrabida sa pelikula. Hinabol ko sila ng tingin nang umalis sila sa harapan namin. Napansin ko pa ang pag-iwas ng mga estudyante sa daraanan nila, maging ang isang lalaki na naka-hoddie na maroon at nakasalamin. Napagtanto ko na siya lang itong nakita ko na hindi naka-uniporme pero maraming dala na libro.
Habang nakatingin ako sa lalaki na papadaan doon ko napansin ang babae na kanina ay tumulong sa amin. Papadaan rin siya pero nakatingin sa kaniyang bag at waring may hinahanap. Sinabi ko kina Ezzy, Am at Marj na pumasok na dahil pupunta ako ng CR. Noong una ayaw pa ni Ezzy at gusto pa akong samahan pero sinabi ko na ayos lamang.
Matapos magpaalam mabilis kong sinundan ang babae na nasa hagdan na patungo sa baba.
“Sandali,” tumigil siya at nilingon ako. Napansin ko ang panlalaki ng mata niya bago luminga-linga sa paligid.“Carol, right?” tanong ko nang makalapit sa kaniya ngunit tumango lamang siya.
“What do you want?”
“I want to know something please I know you can help me.”
“What help?”
“Tell me something about this school,” walang alinlangan kong sagot. Tumingin siya paligid bago tumingin sa akin.
“Not here,” mabilis siyang humawak sa braso ko at kinaladkad ako pababa ng building. Nagtataka ako dahil hinila niya ako patungo sa isang lumang comfort room. Dahil sa kagustuhan ko makakalap ng impormasiyon ay hinayaan ko nalang siya.
Nang makapasok ay hindi ko napigilang takluban ng ilong. Sa sobrang luma ng c.r ay puro putik, dahon at sobrang dumi rin ng lugar. Maging ang doorknob ng pinto ay sira na, ang pinto ng mga cubicle ay inanay na rin.
“Why here?”
“Basta.” Ibinaba niya ang bag niya sa sink bago tumingin sa akin mula sa salamin na my crack na pero nakikita pa rin ng malinaw ang repleksiyon ng sarili.
“Sam, kung mamatay man ako dahil dito. Isang babala lang ang gusto ko sabihin sa inyo.”
“Sandali, paano mo nalaman ang pangalan ko?” Hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Nakatingin lamang siya sa salamin.
“Hindi na importante kung paano ko kayo nakilala. Pero kailangan kita balaan.”
“Tungkol saan?”
“Huwag na huwag kayo lalapit sa may-ari ng eskwelahan na ito, sa dean at sa mga anak niya. Huwag kayo gagawa ng ingay na magiging dahilan para mapansin nila kayo.”
“What? I don't understand you. Pero nakilala ko na si Dr. Santi at Mr. Davis bago pa man kami dalhin dito. They look nice.”
“'Yan ang mali mo, Sam. Huwag kang magpapalinglang sa nakikita mo.” Nawalan ako ng sasabihin dahil may punto naman siya.“Nabuo ang eskwelahan na ito dahil sa isang eksperimento. Gusto ni Mr. Santi na makabuo ng isang tao na may tripleng lakas gaya ng naunang ginamit niya sa kaniyang kabaliwan.”
“Teka, sandali. Eksperimento? At ano may nauna na taong napag-eksperimentuhan?” Tumango siya matapos yumuko bago may kuhanin sa bag. May kinuha siya roong papel bago iabot sa akin.
“Oo at ang pagbabalik niya ang hinihintay ng mga estudyante para iligtas sila. At hinihintay din siya ni Dr. Santiago para tapusin at pag-aralan muli.”
Tiningnan ko ang litrato na inabot niya. Litrato iyon ng mga bata, may pitong lalaki sa litrato at nag-iisang babae na may hawak na puting laruang kuneho. Ang batang babae ang nasa gitna at sa lahat siya lang ang nakangiti, lahat ng batang lalaki ay seryoso.
Kapansin-pansin din ang masamang titig ng isang lalaki, imbes na sa kamera tumingin ang batang lalaki na may itim na itim na buhok at bilugang pisngi ay nakatingin lamang sa batang babae.
“Sino sila?” tukoy ko sa mga batang nasa litrato.
“Sila ang walong bata na naging pambihira ang lakas at talino dahil sa eksperimento. At ang babae sa litrato ang pinaka-angat sa lahat. Tumakas siya sa impiyerno na ito dahil taliwas siya sa plano ni Dr. Santiago. Siya rin ang hinihintay ng lahat.” Pinakatitigan ko ang babae sa litrato, hindi ko maintindihan kung bakit ba parang pamilyar ang batang iyon.
Saan ko ba siya nakita?
Tumingin ako kay Carol na ngayon ay nakatingin sa pinto na pinasukan namin. Nakasarado na iyon pero hindi maikandado dahil sa sira na ang doorknob.
“Bakit kailangan namin mag-ingat sa kilos namin?” Sumulyap siya sa akin bago sumandal sa lababo.
“Dahil ginagamit ni Mr. Santiago ang ilan pa niyang anak na may pambihirang lakas upang kontrolin ang mga estudyante rito. At hindi tayo narito para mag-aral.”
Naguluhan naman ako sa huli niyang sinabi.
“Narito tayo para babuyin at kainin ng mga anak niya na naging demonyo na dahil sa eksperimento na hindi lubusang nagtagumpay.” Pakiramdam ko nagtayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya.
Babuyin?
Kainin?
Ano bang eskwelahan ito?
“May paraan ba para makalabas dito?” pilit kong kinakalimutan ang narinig pero tumatak yata sa isip ko iyon.
“Meron.”
“Talaga?”
Ang marinig iyon ay nagpabuhay ng pag-asa sa akin. Seryoso siya at hindi tumitingin sa akin kundi sa isa sa mga cubicle.
“Ma-drop ka O maka-graduate.'Yan lang ang choice mo, Sam.”
“Fourth year na kami,kaya ibig sabihin lang nun ay sa isang taon graduate na kami.”
“No, Sam. Mali ka ng iniisip mo.” Kumunot ang noo ko dahil doon.Anong mali?
“Hindi madali makatapos dito sa RAM. Buhay ang puhunan, isang maling kilos drop out ka. At alam mo ba ang drop out dito?” Bumuntong-hininga siya bago tumitig sa akin ng diretso.“Kamatayan.”
Beat.
Nang marinig ko muli ang salitang iyon ay parang tumigil na naman ang aking sistema sa paggana. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig nang marinig ang salitang iyon.
“One of these days magsisimula na naman ang Game of Death, ihanda niyo ang sarili niyo. Pupusta ako na isa o ang dalawa sa inyo ang mapapaglaruan nila, tandaan mo ito.Papatay ka? O ikaw ang mamamatay? Kaibigan mo? O sarili mong kaligtasan?”
Tila ba nabingi ako sa tanong na iyon. Bakit parang wala akong pasusuotan sa tanong niya. Kinuha ni Carol ang bag at sinukbit iyon bago lumapit sa pinto kung saan kami pumasok kanina.
“Kung apat kayong pumasok dito, huwag kang umasa na makakalabas pa kayo ng buo ang samahan niyo. Dahil parang isang hibla lang ng buhok mo ang tiyansa na makalalabas pa tayo rito ng buhay.”
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at niwan niya ako sa lugar na iyon. Natatakot ako sa kamatayan pero mas kinatatakutan ko ang mga tanong na binitiwan niya. Kaibigan ko ba? O sarili ko?
Naalala ko ang huling salita niyang binitiwan.
‘...huwag kang umasa na makakalabas pa kayo ng buo ang samahan niyo...’
Wala namang trayduran na magaganap hindi ba?
Hindi naman darating sa punto na kami-kami mismo ay magpapatayan. Malaki ang tiwala ko sa mga kaibigan ko, alam kung hindi nila kayang sirain ang pagkakaibigan namin.
Pero buhay sa buhay na ang usapan, Sam. Gaano nga ba kalaki ang pagmamahal at tiwala namin sa isa't isa?

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Macrina Ladura

    ganda nito pag masdan

    31/08/2024

      0
  • avatar
    Algrace Abian

    Butterflies in the stomach

    20/08/2024

      0
  • avatar
    USNANALSON

    love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata