First Day

“Wow, kahit hindi gano'n kaganda ang place bumawi sila sa uniform.” Umiling ako habang tinitingnan ang sarili sa isang salamin na narito sa aming kwarto.
Inaayos ko ang aking buhok habang nakaharap sa salamin.
“Marj, sobra ka,” dinig kong puna ni Am. Kahapon ay napagkasunduan namin na huwag ipakita na nangangamba kami at umaktong inosente sa pagsisimula ng unang araw namin rito bilang isang estudyante. At hindi naman ako nakatulog ng maayos dahil na rin sa takot mula sa mga bagay na napagtanto ko kahapon.
Tiningnan ko ang mata, mabuti naman hindi nangitim ang ilalim ng mata ko. Ayaw ko rin naman pumasok na pangit.
“I'm just telling the truth here.” Ngumiti ako kahit napipilitan lamang, sinabi ni Ezzy na kahit narito sa loob ng kwarto dapat umasta kaming parang walang alam. Hindi raw kami nakakasiguro kung may mga hidden camera o nagmamatyag sa bawat kilos namin rito.
May punto siya kaya sinang-ayunan na namin, malaki rin naman ang tiwala namin sa kaniya.
“Bilisan na natin baka ma-late pa tayo niyan.Kakausapin pa tayo ni Mr. Davis.” Tumingin ako kay Marj habang sinasabi iyon,naglalagay pa kasi siya ng kung anong kaartehan sa mukha.
“Matuto siyang maghintay,” napailing ako sa sinabi niya habang naglalagay ng liptint sa labi. Maya-maya pa ay tumigil siya sa pagsusuklay ng buhok habang nakakunot ang noo. Katabi ko siya at nananalamin din.Mula sa salamin ay mukhang nakatingin siya kay Ezzy na abala sa pagsusuot ng puting relo.
“Can you apply a red tint on your lip, Ezzy? Napuputlaan ako sayo, may sakit ka ba?”
“I'm fine,” tanging sagot ni Ezzy habang inaayos ang puting relong pambisig. Kanina ko pa napapansin na pilit niya ring ibinababa ang palda dahil nakikita ang maputi niyang hita.Napapangiti nalang ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Hindi naman kasi ganun kaiksi ang palda para sa mga hayskul sa dati naming eskwelahan at isa pa hindi siya sanay sa mga maiiksing kasuotan.
“Are you okay, Ezzy?” tanong ko dahil hindi siya talaga mapakali habang naglalakad kami patungo sa opisina ni Mr. Davis. Imbis na sumagot ay tanging pagtango lamang ang naging tugon niya na halata namang pilit lamang.
Pinigilan ko na huwag matawa nang mapansin na hawak niya ang tela ng palda, natatakot na liparin ng hangin.
“Iba talaga pag maganda hinahabol ng mga mata.”
“Lakas,” natawa ako sa kahanginan ng ulo ni Marj.Nangunguna siya sa amin at panay ang hawi ng buhok, kapansin-pansin nga ang tinginan ng mga estudyante sa amin. Karamihan talaga iba makatingin pero gaya ng naging usapan naging normal lamang ang kilos ko.
“Good morning girls, have a seat.” Ngumiti kami nang makapasok sa opisina ni Mr. Davis. Naupo ako tabi ni Marj at sa kabila naman ay sila Am at Ezzy. Habang nakatingin kay Mr. Davis ay hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang tinatago ng ngiting hindi mawala-wala sa kaniyang mukha. Ang dami ko tuloy gusto malaman ngayong kaharap namin siya.
“So here's the rules, bawal ang masyadong matanong. If may gusto kayong malaman kayo mismong bahala mag-research pero huwag niyo na abalahin ang iba okay? Isa pa bawal ang magpagabi sa labas ng eskwelahan. Kung sakali na maabutan kayo ng dilim sa labas hindi namin magagarantiya ang inyong kaligtasan. Yes, we have a strong security system here pero hindi lahat ng nakapapahamak na bagay ay nasa labas ng eskwelahan na ito.” Pakiramdam ko nakakuha agad akong ng impormasiyon dahil sa salitang binibitiwan niya. He's too obvious.Sumandal siya sa swivel chair niya habang nakahawak ang magkabilang kamay sa magkabilang dulo ng isang itim na ballpen na kaniyang hawak mula pa kanina.“You know, what if maaksidente kayo at dahil gabi kami ang magiging masama sa mata ng mga magulang niyo, 'di ba?”
Walang sumagot sa amin, pasimple akong sumulyap kay Ezzy na kaharap ko lamang at katabi si Am. Tumingin siya sa akin bago tumingin sa direksiyon ni Mr. Davis bago tumango. Panay ang pagkumpas ng kamay niya habang nagpapaliwanag.
“Okay. Dahil nagkaintindihan naman na tayo, you may now go to your respective classes, good luck.”
Nagsipagtayuan kami bago nagpasalamat at nagpaalam. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Marj sa aking braso kaya napatingin ako sa kaniya. She smile but because of what we plan I know there's something about her smile. I just ignore her since I can feel that Mr. Davis is still watching us.
Nang makalabas kami sa opisina ay hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid. Siguro naman may mga tao rito na nagpapanggap lamang.
“Bakit kasi ang layo ng building ng mga fourth year?” Mayamaya'y pagdadabog ni Marj na lalong nagpainis sa akin.
“Manahimik ka nga, Marj!” saway ko dahil maski ako ay naiirita na rin. Ang layo kasi nang nilalakad namin at hindi pa kami nakakarating sa building ng mga fourth year.
“Am?” tawag namin ni Marj dahil bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nilapitan siya ni Ezzy at hinawakan sa braso, nakatingin siya sa malayo pero tanging isang malaking puno lang sa pagitan ng dalawang building ang nakita ko nang sundan ko ang tinitingnan niya.
“Hey, what happened?”
“I think I saw someone,” sagot ni Am sa tanong ni Ezzy.
“Let's not talk about it here, let's go.”
Tumango kami sa sinabi ni Ezzy, sumulyap ako sa malaking puno pero wala akong nakita. Nagpasiya kaming magpatuloy sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang building namin. Matapos umakyat sa third floor kung nasaan ang silid namin ay sunod-sunod ang bulungan na aming narinig.
“Sila yata 'yon pero malabong isa sa kanila ang the one.”
“Ano raw?” bulong ni Marj.
“The Juan daw,” tugon ko kahit hindi ako sigurado. Basta iyon ang pagkakaintindi ko.
“Ah 'yong band? Hindi ba puro lalaki 'yon?”
Ngumisi lamang ako sa sinabi Marj.
“So you're the new students huh?” Napatingin ako sa grupo nang mga babae na tumayo sa aming harapan. Nakaupo kami ngayon sa bandang unahan ng klase dahil iyon nalang ang bakante. At isa pa gusto rin naman namin na malapit sa white board.
“Lei, be careful baka isa sa kanila 'yon.”
Napatingin ako sa lalaking may hawak na bola, nasa kabilang side ng silid at nakaupo sa bangko. Kapansin-pansin na karamihan sa estudyante ay hindi maayos ang pagkakalagay ng necktie at hindi maayos ang uniporme, maging ang mga babae na nasa harapan namin ay hindi sinuot ang dapat pinaka-blazer ng uniporme nila.
“Isa sa kanila? Look Steven, they look so innocent, parang tanga lang 'yong idea na nakapasok sila rito dahil na-expell sa dating eskwelahan kahit na saksakan daw ng talino.”
“Sino ka ba huh?!” Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Marj, matangkad si Marj kaya parang nanliit ang babaeng may makapal na red lipstick sa labi.
“Ako? Baka pagsisihan mo kapag nakilala mo ako,”maarteng sagot ng babae at inayos pa ang collar ni Marj pero iwinaksi agad ni Marj ang kamay ng babae na ikinatawa naman iyon ng babaeng 'yon.“Hindi magiging isa sa kanila ang hinihintay niyo,” tumawa siyang muli bago umatras at itinago ang kamay sa likuran.“Look!”
“Ah!”
“Am!”
Nanlaki ang mata ko nang sa isang mabilis na kilos ay may itinarak na matulis na bagay ang babaeng 'yon sa desk ng upuan ni Am dahilan para mapatili silang dalawa ni Marj.
“Oh my God!” Agad kong sinaklolohan si Am na parang nahihirapan sa paghinga, siguro dahil sa takot. Mabilis kong itinapon ang matulis na bagay sa sahig.
“See? Mga duwag sila, so paano na ang isa sa kanila ang tagapagligtas niyo, aber? No one can save us from this hell. She will never come back here, dahil makasarili siya. She don't care about us.”

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Macrina Ladura

    ganda nito pag masdan

    31/08/2024

      0
  • avatar
    Algrace Abian

    Butterflies in the stomach

    20/08/2024

      0
  • avatar
    USNANALSON

    love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata