Homepage/Rebellious Compassion/
Chapter 37
Warning
"It was supposed to be your birthday—"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "No. It wasn't important. It's not time to celebrate." Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Kuya Sin.
"I'm sorry. K-kasalanan k—"I'm guilty.
" Shhh. It wasn't your fault." Pag-aalo nito sa'kin pero hindi pa rin ako matigil sa kakaiyak. Masakit.
"K-kasalanan ko! I lost him." Pagsisisi ko sa sarili habang hindi matigil ang makamundong sakit na nararamdaman.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo."
Flashback...
[Kasama ko si Dema ngayon, nasa'n ka?] Tanong nito sa kabilang linya. Naisipan kong tawagan siya dahil nababahala ako. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape sa pantry.
"Puwede bang ikaw muna mag-attend para sa kaniya ngayon? Pasensya na ha, naabala pa kita. Wala na talaga akong matawag na iba pa, ikaw lang." Sabi ko rito habang unti-unting sumisimsim sa mainit na kape.
[Sige. Oo naman, walang problema, ano ka ba. Balitaan kita sa mangyayari ngayong araw, paniguradong mag-eenjoy sila. Bakit nga pala dika makakapunta?] Rinig kong sagot nito mula sa kabilang linya.
"Na-move kasi yung date ng trial, hindi ko rin inaasahan 'to. Kailangan ko munang asikasuhin, ikaw na munang bahala sa kanila please? Maraming salamat." Malumanay ang boses na sabi ko. Family day ngayon sa school ng mga bata pero hindi ako makakapunta dahil sa biglaang pagbabago ng schedule dahil na rin sa pandemya.
[Alright. Kita nalang tayo mamaya, ako na maghahatid sa kanila sa bahay mo.]
"Salamat." Pinutol na niya ang tawag.
Nagpatuloy ang proseso sa trabaho ko. Inasikaso ang dapat asikasuhin. Masyadong kulang sa ebidensiya ang kampo namin, todo imbestiga naman kami, kasama ko si Prosecutor Athan na hindi ko alam kung bakit bigla nalang lumapit sa'kin at kusa akong tinutulungan. Kinuntyaba na rin namin si Major Villamor—kapatid ni Ate Dan, para mas mapabilis ang pagkalap ng ebidensya. Nasisiyahan naman akong makatrabaho sila pero parang may mali.
"Attorney Guillana." Pagtawag sa'kin ni Villamor.
"Major Villamor." Tugon ko at humarap na sa kaniya bago nakipagkamay.
"Galing ako sa head quarters kanina, wala ka roon." Pagbibigay alam ko sa kaniya.
"Umalis ako, may inasikaso lang. Huwag mo naman ipahalatang sabik kang makita ako Attorney Guillana." Sagot nito ng may kasama pang pagbibiro.
"Sira! So anong balita?" Straight to the point na sambit ko. Alam niya kung ano ang tinutukoy ko.
"Nakapanayam ko si Miss Cardinal at handa niya tayong tulungan." Napangisi ako sa naging sambit niya. Pero may parte pa rin sa'kin na nangingibabaw ang paghihinala. Subalit ayaw kong ipagbigay-alam iyon kay Major Villamor, baka mali ang hinala ko mahirap na.
"Mabuti kung gano'n, alegro na tayo. Tutukan mo si Miss Cardinal, ako na ang bahala sa mga pamilya ng namatayan." Sabi ko sa kaniya bago kami nagpaalam sa isa't-isa.
---
"Mister Prosecutor." Pagtawag ko sa lalaking nakatalikod banda sa'kin. Kasalukuyan siyang nakasandal sa swivel chair at nakaharap sa overlooking view city lights sa harap ng building.
"Any updates Mrs. Guillana?"
"Galing na ako kay Major Villamor. Sa totoo lang Athan, talagang may naiambag siya sa kasong ito pero hindi ko alam kung bakit kailangan natin siya gayong hindi na niya trabaho iyon, trabaho ko 'to." Pagsabi ko ng totoo.
"Just like what you said, he had contribute. We need him because he's involved." Sagot naman nito ngunit hindi ko maintindihan.
"Involved? He's involved because we involved him! He's not part of it from the first place." Sagot ko sa kaniya. Naguguluhan ako pero sinusunod ko pa rin ang sinabi niya.
"He's part of it whether we involved him or not!" Ngayon ay humarap na siya at tumayo habang nakatukod ang dalawang kamay sa lamesa at nakatingin sa'kin ng seryoso.
"How come?" Naguguluhang tanong ko. Nakatingin lamang ako sa mga mata niya na para bang makakahanap ako ng sagot doon. Muli siyang tumalikod sa'kin. "Sabihin mo nga sakin! May alam ka ba?" Prangkang tanong ko sa kaniya.
"Find it for yourself." Tanging sagot niya sa'kin na mas nakapagpadagdag ng agam-agam at hinala ko. What if? Talaga namang sinusubok ako.
"You can't just hide a secret from me Mr. Prosecutor! Iisang kaso ang tinatrabaho natin, bakit kailangan mong magtago ng impormasyon sa'kin?" Paghabol ko sa kaniya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"I'm just doing my job. I mind what's mine and you mine your own." Sagot nito at tuluyan na akong iniwan. Ako naman ay nakatanga paring nakatitig sa nakasarang elevator habang pababa iyon. Napahilamos ako sa mukha at nasuntok pa ang pader sa tabi—ako lang din ang nasaktan.
Ginamit lang niya ako. Napakatanga. Lumapit siya sa'kin at malugod ko namang tinanggap dahil ang buong akala ko magtutulungan kami. Pero ngayon ang naging resulta ay lumapit siya sa'kin para lang sa trabaho niya. Alam niyang magka-dugtong ang kasong hinahawakan namin kaya sinamantala niya ang kabaitan ko. Wala siyang utang na loob. Ultimong impormasyon na hinihingi ko ay ipinagdamot niya samantalang tinulungan ko siya. Ngayon, kailangan kong alamin ang tungkol doon at talagang panindigan ang pakikipagkasundo kay Major Villamor, siya nalang ang alas ko. Putangina!
Lumabas ako ng opisina at hinabol pang muli si Athan. Nang makalapit sa kaniya ay hindi na ako huminto at bigla na lamang kinabig ang balikat niya saka pinadapuan ng malutong na sampal ang pisngi. "What the..." Angil nito.
"You deserve it." Huling salitang binitawan ko bago bumalik sa opisina. Hindi nakaligtas ang pagsinghap ng Pasalamat siya hindi ako marunong gumanti. Sapak lang kaya ko sa ngayon.
Nang sumapit ang dapit-hapon ay agad na akong umalis sa opisina at dumeretso sa bahay. Hindi ko nadatnan doon si Demalion kaya ipinagtaka ko pa iyon. Hanggang alas-tres lang ang family day pero bakit wala pa sila? Saka nasa'n din si Decarli?
Tinawagan ko si Mama para itanong sa kaniya dahil hula ko ay baka nandoon lang sa kaniya ang dalawa. Ngunit maging siya ay hindi rin daw alam. Ang buong akala niya ay kasama ko na dahil sinabi sa kaniya ni Kuya Tope na pauwi na sila kanina pa. Pero ano ngayon at wala sila?
Sa pagkakataong iyon ay sunod ko namang tinawagan si Kuya Tope pero cannot be reach daw. Wala akong ibang choice kaya walang pasubali akong pumunta sa bahay nila para siguraduhin kung nandoon ba sila pero wala akong nadatnan ni isang anino sa pamamahay niya. Napatawag na ako kay Riri ngayon pero wala daw silang alam kung nasaan ang kuya nila. Dahil sa pangamba ay minabuti kong puntahan ang lugar kung saan madalas niyang ipasyal ang mga anak ko. Ngunit sa lahat ng lugar na napuntahan ko ay hindi ko sila nahagilap. Lubos na akong nababahala dahil makailang beses ko ng tinawagan si Kuya Tope pero ni isang beses ay hindi siya rumesponde. Bumalik ako sa bahay at nadatnan ang mga gamit nila doon. Nandoon din ang damit na sinuot nila kanina. Nagawa ko pang amuyin ang mga iyon habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha. Bakit wala sila rito? Nawawala ang mga anak ko. Diyos ko wala naman sanang nangyaring masama sa kanila.
Natigil ako nang may tumawag sa telepono ko. Iyon ang lumang number ni Aldrus makalipas ang ilang taon. Alam kong cellphone niya iyon dahil iyon ang ginamit ni Assilla pantawag sa'kin nung gabing nalasing si Aldrus sa party. Nanumbalik ang kaba sa dibdib ko kaya agad kong sinagot iyon. [Nasaan ang mga anak ko?!] Singhal ko sa telepono habang parito't paroon.
[Arah, ako 'to.] Boses iyon ni Kuya Tope kaya mas lalo lang akong nagngalit. Ibig-sabihin ba no'n magkasama sila ni Assilla?
"Putangina! Bakit magkasama kayo?! Saan mo dinala mga anak ko?!" Galit na tanong ko sa kaniya.
[Saka na ako magpapaliwanag. Magkita tayo.] Sagot nito kaya mas lalo lang napuno ang galit ko sa kaniya. Ngayon wala na akong tiwala sa kaniya. Alam kong magkasama sila ngayon ni Assilla.
Nang makarating sa naturang lugar na sinabi niya ay agad nanumbalik ang kaba sa dibdib ko. Bumaba na ako ng sasakyan at agad tinungo ang lugar kung saan nakikinita kong naroon si Kuya Tope. "Nasa'n sila?" Agad na tanong ko nang makarating sa harapan ko.
Ilang segundo ang lumipas bago niya ako sagutin. "Ang ganda ng paglubog ng araw." Pero hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya.
"Hindi 'yan ang tanong ko, nasa'n ang mga anak ko?!" Seryosong sambit ko habang nakapukol sa kaniya ang masamang tingin.
"Nagagalit ka na naman." Kamuntikan ko na siyang masampal dahil doon. Malumanay ang pagkakasabi niya nito na para bang hindi alintana ang masamang tingin at ekspresyon na ipinupukol ko sa kaniya.
"Sagutin mo ang tanong ko! Nasaan ang mga anak ko!" Napapasigaw na ako dahil sa inis. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya ngayon at humarap sa'kin ng maayos.
"Pa'no kita sasagutin kung pagalit ka magtanong?" Dahil sa mga salitang binitiwan niya ay nakatanggap siya sa'kin ngayon ng isang malutong na sampal.
"Kung sayo parang biro lang lahat ng ito, ako walang panahon makipagbiruan sa'yo! Nasa'n ang mga anak ko!" Singhal ko sa kaniya.
"Akala ko pa naman biro lang lahat para sa'yo." Isang sagot pa nito kaya unti-unting nauubos ang pasensya ko.
"Ano bang gusto mo!" Madiing sabi ko.
"Ikaw." Sagot nito kaya napapabuntong hininga ako ng malalim.
"Nakainom ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang kunot na kunot parin ang noo.
"Hindi ah, hindi naman ako umiinom." Natatawang sabi nito pero nang lumapit pa ako ay amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya.
Kinalma ko ang sarili bago siya muling tanungin."Nangako kang ikaw ang maghahatid kay Dema sa bahay, bakit wala siya." Nararamdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Para naman siyang natauhan at nagawa pang ilibot ang tingin sa paligid na para bang nariyan lang ang mga anak ko.
"Anak mo? Nasa'n sila? Hindi ko alam." Hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya. Hanggang sa halos isang dipa na lang ang layo niya sa bangin ay umaatras pa rin siya. Agad kong tinakbo ang distansya namin, hinihiling na sana maabot ko pa siya pero huli na ang lahat. Nahulog siya sa bangin. Nang dungawin ko ay ipinagpasalamat kong nakasabit siya sa sanga na nakatunghay sa bangin pero isang galaw lang niya ay paniguradong mahuhulog siya doon.
Akmang tatawag ako ng tulong pero saka naman ang paglitaw ni Assilla na hindi ko malaman kung saan nanggaling. Makita ko palang mukha niya ay napupuno na ako ng galit. Alisto ko siyang sinugod pero walang ano-ano'y nagpaputok siya ng baril dahilan para matigil ako para manatili ang distansya sa pagitan namin.
"Napakahayop mo! Hindi ka pa rin nabulok sa kulungan, tangina ka! Saan mo dinala ang mga anak ko!" Galit na sigaw ko sa kaniya.
"Oh, how poor. Don't worry, nagpapahinga na sila. Sayang nga eh hindi ka nila kasama ngayon." Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Anong ginawa mo?" Nanghihinang sabi ko habang nararamdaman ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
"I haven't done anything yet." Parang inosenteng batang sambit nito. Dahil sa panghihina ay napaluhod ang tuhod ko sa damuhan.
"Ibalik mo sa'kin ang mga anak ko!" Singhal ko habang naghihikahos na makatayo.
"What if I don't want to?" Mapang-asar na aniya.
"Ano bang nagawa naming kasalanan sa'yo?! Bakit mo ginagawa 'to?!" Nagugulumihang tanong ko. Hindi ko mawari kung ano ang puno't-dulo ng lahat ng ito. Basta ang alam ko isang araw, siya nalang ang nag-iisang kontrabida sa buhay ko.
"Hm let me think?" Sabi nito at itinukod pa ang kamao sa baba nito. Sa pagkakataong iyon ay nagawa kong makahakbang papalapit sa kaniya pero agad ring natigil ng tumingin sa'kin. Tumawa siya ng pagak at saka muling itinutok sa'kin ang baril.
"Nakakaawa ka alam mo 'yun? But I enjoyed seeing you in that state really." Natatawang ani nito ngunit hindi ko na inintindi pa iyon at walang tigil ang unti-unting paghakbang ng paa patungo sa kaniya. Naninigas binti ko dahil na rin sa lamig ng hangin at biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.
Kahit nakatutok sa'kin ang baril niya ay hindi ko inintindi iyon, bagkus, minabuti kong mas lumapit pa sa kaniya. Hanggang sa isang dipa na lamang ang layo namin sa isa't-isa ay agad ko siyang dinambahan at pumaibabaw sa kaniya. Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko kasabay ng putok ng baril. Ginamit ko ang kaliwang kamay para sabunutan siya at ibinuhos ang galit ko sa kaniya. Magkahalong sampal at suntok ang pinaulan ko sa kaniya at walang tigil na ginawa iyon hangga't hindi humuhupa ang galit ko. Ramdam ko ang pagganti niya at iilang paghampas ng kung ano sa ulo ko pero hindi ko na magawang intindihin iyon dahil ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ng mga anak ko. Papalapit na kami ng papalapit sa bangin dahil sa kakagulong. Nakapailalim ako sa kaniya ngayon kaya ilang beses niya akong sinampal na naman. Walang ano-ano'y tumayo siya at akmang kukunin ang baril na tumilapon sa tabi ngunit naunahan ko siyang maitulak kasama ang buong puwersa ko. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagkahulog ng katawan naming dalawa. Nabitawan ko siya. Ipinikit ko na lamang ang mga mata at hinintay ang pagkahulog sa baba.
Nagising ako sa gitna ng kadiliman. Hindi ko mapangalanan kung nasaang lugar ako. Nang mag-adjust ang paningin ko at dahil din sa tulong ng maliwanag na buwan ay nagawa kong maaninag kahit papa'no ang lugar na kinalalagyan ko. Rinig ko ang pagbugso ng alon sa malapitan. Hula kong nasa tabing dagat ako ngayon. Ang tanging nasa isip ko lamang simula pa kanina ay malaman kung nasaan ang mga anak ko. Kaya kailangan kong makaligtas rito. Naaalala ko na ring sabay kaming nahulog sa bangin ni Assilla. Suwerteng nahulog ako sa bangin kaya galos at konting sugat lang 'ata ang natamo ko.
Para akong isang musmos na batang naliligaw. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at hihingi ng tulong. Ang gusto ko lang ay makauwi at makasama ang mga anak ko.
At sa kaawaan ng Diyos ay binigyang liwanag ang kahinaan ko. May nakita akong liwanag. Sinundan ko iyon kahit ilang beses pang natalisod at madapa sa kabatuhan. Nang maaninag na ang pinagmumulan ng liwanag ay laking pasasalamat ko. Agad kong tinahak ang daan patungo doon para magpatuloy. Isang bahay. Kumatok ako doon pero walang nagbukas ng pinto para sa'kin. Nang pihitin ko naman ang siradora ng pinto ay napag-alaman kong nakabukas iyon. Pumasok ako sa loob at nagsimulang magtawag para malaman kung may tao ba doon. Nakumpirma kong walang tao nang malibot na sa loob. Dala-dala ang isang flashlight', lumabas akong muli ng bahay na iyon at naglakad paalis. Kailangan kong makaalis dito at mahanap ang mga anak ko.
Sa gitna ng paglalakbay at paghahanap ng tamang lugar para makalisan, nakatagpo ako ng kakaibang bagay na nakapagpa-antig sa kuryusidad ko. May isang malaking kahon sa tabi ng sabang. Sa laki niyon ay kakasya ang ilang tao sa loob. Dahil sa kuryusidad ay minabuti kong lapitan iyon at buksan. Nang sandaling masilayan ko ang laman niyon ay binalot ng kaba ang sistema ko at nanghihinang tumitig sa laman nito. May katawan, may tao—ang mga anak ko.
Dahan-dahan ko silang hinawakan at niyakap ng mahigpit. Hindi maaari. Sa puntong iyon ay ramdam ko ang panghihina dahil sa pagod at sa nasaksihan ngunit minabuti kong kunin sila at isa-isang ilabas sa kahong iyon. Inalis ko sila sa tubig at dinala sa tabing-dagat. Humihinga pa sila, ipinagpasalamat kong buhay ang mga anak ko. Naluluha naman akong makita ang mga anak na may mga sugat at pasa sa kawatan. Kasalanan ko... naging pabaya akong ina.
Kasabay ng unti-unting panlalabo ng paningin ko ay ang pagkawala ng pag-asa.
Nagising akong muli sa lamig ng tubig, umaga na. Agad akong napabangon at napagtantong hindi pa rin kami nakakaalis dito. Nanginginig ang aking katawan dahil sa ginaw, nanunuyo ang lalamunan, at kumakalam ang tiyan dahil sa pagkagutom. Nanghihina ako. Hindi pa rin nagigising ang mga anak ko at halos namumutla na sila. Hindi ko gusto ang aking iniisip kaya minabuti kong mag-isip ng paraan para makaalis kami rito. Nasa tabing dagat kami, walang katao-tao at kung titingalain ay bangin at dagat lamang ang nakapaligid sa amin. Muli kong tinanaw mula rito ang bahay na natagpuan ko kanina, sa isip ko'y baka magkaroon kami ng pag-asa doon. Unti-unti kong ginalaw ang mga paa at hindi magkandaugaga sa pagkarga sa dalawang anak ko papasok sa bahay na iyon. Agad akong umakyat sa taas para kunin ang first aid kit na nakita ko kagabi. Daplis lang ng baril ang tumama sa braso ko kaya hindi ko na nagawa kong tiisin pa iyon at unahin ang mga anak ko kaya naman agad kong binigyan ng pangunahing lunas ang mga sugat sa katawan nila. Habang ginagawa iyon ay hindi ko mapigilang maiyak. Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganito. Hindi na makatao ang pagpapahirap na ito ni Assilla.
Nang matapos ay nagawa ko pang mag-gatong
para makagawa ng apoy. Masyadong malamig ang paligid. Nang matapos roon ay napapabuntong hininga akong umupo sa tabi ng mga anak. Ipinikit ko na lamang ang mga mata para maibsan ang sakit na nararamdaman, sa loob at sa labas.
Nagising ako sa hindi ko malamang lugar. Unang bumungad sa akin ay ang puting paligid. Hanggang sa napagtanto kong nasa isang silid ako. Parito't paroon ang mga taong nakauniporme ng pamilyar na kasuotan. Hanggang sa nahagip ng paningin ko ang unti-unting paglapit ng pamilyar na tao sa akin at saka ako niyakap, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-aalala sa mga mata niya. May kung ano siyang sinasabi pero para bang nabingi ako ng mga oras na iyon at ang tanging nasa isip lamang ay ang mga anak ko.
Tumayo ako at hindi inintindi ang taong lumapit sa'kin kanina. Tuliro kong iginala ang paningin sa paligid, hinahanap ang mga anak ko.
"Daesyn!" Napatigil ako dahil sa pagkagulat nang may tumawag sa pangalan ko. Ako iyon diba?
"N-nasan ang mga bata." Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang tono ng boses ko. Malumanay ito at parang walang lakas ng loob magsalita.
"Tara, sasamahan kita sa kanila." Sumunod na lamang ako sa kaniya kahit hindi ko maintindihan kung bakit napupuno ng luha ang mga mata niya.
Tumakbo kami sa isang ward. Nakita ko si Decarli doon nang bahagyang hawiin ang kulay berdeng kurtina. Ang anak kong babae. Nabuhay ang galit ko ng makitang may kung ano silang tinitingnan sa lamang loob ni Carli. Nasuntok ko ang salamin at sumugod sa loob, may pumipigil sa'kin pero buong puwersa kong itinulak iyon kaya nauntog siya sa dulo ng lamesa. Hindi ko siya inintindi kahit kilalang-kilala ko ang mukhang iyon—si Mama. Lumapit ako sa mga taong may masamang balak sa anak at pinagmumura sila habang pinapatigil sa ginagawa.
"Arah tama na!" Nabalik ako sa ulirat ng makatanggap ng isang malakas na sampal. Pagtingin ko'y si Mama iyon. "Inooperahan ang apo ko at nag-aagaw buhay siya! Huwag ka namang mag-eskandalo dito at pairalin 'yang nasa isip mo!" Natauhan ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtantong mga doctor sila. At oo, nasa emergency room kami. Nanghihina akong nakatingin sa anak kong walang malay na nakahiga doon habang hinihila ako papalabas.
Sa sandaling nakalabas ako ay biglang pumasok sa isip ko ang puno't dulo ng lahat ng ito. Akmang aalis ako ng lugar na iyon nang mahagip ng dalawang mata ko ang taong minsan na ring pinagkatiwalaan ko ng buo pero ngayon kinamumuhian ko na ng husto. Nagawa pa nitong tawirin ang distansya naming dalawa at lumapit sa'kin.
"May gana ka pa talagang magpakita sa'kin matapos ang ginawa mo." Puno ng hinanakit at mariing sambit ko.
"Arah..." akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit umiwas.
r
"Lasing ako no'n, sorry, patawarin mo ako sa nagawa ko. Alam ng Diyos kung gaano ako nagsisisi sa nagawa ko. Hinding-hindi ko dapat—"
Ang mga salitang binibitawan niya ay pumapasok sa isang tenga at lalabas sa kaliwa. Hindi ko siya magawang paniwalaan . "Kahit lasing ka pa alam mo sa sarili mo kung anong ginawa mo! Bakit ka pumayag! Bakit hindi mo naisip mararamdaman ko? Wala kang kuwenta!"
"Walang kuwenta? Walang kuwenta ha? Halos ako na tumayong ama para sa mga bata pero walang kuwenta ang tingin mo sa'kin?!" Natigilan ako sa sinabi niya pero nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kaniya.
"Hindi ka ba nag-iisip?! Tanga tanga, kahit pumayag ka sa gusto ni Assilla, hinding-hindi pa rin kita mamahalin! Bakit ba hindi ka nalang makontento sa kung anong meron tayo ngayon? Dinamay mo pa mga inosenteng anak ko?" Napapasinghap na sumbat ko sa kaniya sa oras na magkita kami.
"Dey—"
"Huwag na huwag ka na ulit magpapakita sa'kin."
"Nag-aagaw buhay ang anak ko! Hindi pa ba sapat 'yun ha?! May natitira pa bang konsensiya sa'yo? O pinaiiral mo lang 'yang nararamdaman mo? Sa lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko, ang buong akala ko ikaw ang lubos na makakaintindi sa'kin... pero binigo mo ako. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa'kin....ni anino mo ayoko ng lumapit pa sa anak ko!" Binitawan ko ang mga salitang iyon bago siya iwan. Kapag napapatingin ako sa kaniya, para siyang isang sumpa sa buhay ko na kailanman ay hindi na matatanggal at mababago pa. Pareho sila ni Assilla.
Papalabas na ako sa ospital ng harangin ako ni Kuya Sin. "Dey..." Niyakap niya ako ng mahigpit. Kita ko ang pangamba sa mga mata niya. Wala akong naging ikinilos o isang kibo.
"How are you? M-may masakit ba sa'yo?" Tanong nito sa'kin. Nanatili akong nakatulala sa likod niya bago siya pagtuunan ng pansin.
"Hindi ako okay." Pagsabi ko ng totoo habang nakatingin sa kaniyang mga mata na para bang makakahanap ako ng lunas doon.
Muli niya akong niyakap. Alam kong ayaw niyang makita ko siyang umiiyak pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko iyon. "Bakit ka umiiyak?" Walang emosyong tanong ko habang inaalo siya. Hindi naman masama sa lalaki ang umiyak. "Nandito ako." Sabi ko sa kaniya kahit hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya.
Nang matapos siya ay humingi pa ito ng tawad sa akin kahit hindi naman kailangan iyon.
Basta na lamang niya akong niyaya papunta sa kung saan. Ipinagtaka ko pa ang daang tinatahak namin sa loob rin ng hospital. "Anong gagawin na'tin dito?" Pagtatanong ko sa kaniya dahil sa puntong iyon ay lubos akong nababahala pero ni isang salita ay wala siyang sinabi. Ni hindi rin siya makatingin sa'kin.
Pagpasok palang namin sa isang pinto ay napuno na ng kilabot ang sistema ko. "Kuya, akong ginagawa natin dito?!" May diing tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa'kin pero hindi pa rin nagsasalita.
Unti-unti siyang lumapit sa isang puwesto at tinanggal ang takip na tela doon. Nilantad niyon ang mukha ng taong lubos kong hindi matanggap na ngayon ay nasa harapan ko at wala ng buhay. Demalion. Dahil sa panghihina ay bigla na lamang akong napaluhod sa sahig at napapatakip sa bibig.
"Bakit?" Namumukod tanging salita na nagawa kong maibigkas habang nakatingin kay Kuya na ngayon ay nakayuko na at hindi makatingin sa'kin. Unti-unti siyang lumapit at bigla na lamang akong niyakap.
"He's... he's dead. Dead on a-arrival." Mahinang boses nito ng sabihin iyon. Halos hindi pa rin magproseso sa utak ko ang narinig. Unti-unti akong bumangon at muling pinakatitigan ang bangkay na nasa harapan ko.
"Hindi...hindi pa patay ang anak ko. Hindi siya iyan." Pagtanggi ko.
"It's h-him." Sabi ni Kuya pero hindi pa rin ako naniniwala. Baka kamukha lang siya ng anak ko pero hindi siya ang anak ko. Hindi pa patay ang anak ko!
Muli akong niyakap ni Kuya. Hinayaan ko siyang gawin iyon pero tutol parin ang sistema ko sa isiniwalat niya kanina. "Huwag ka ngang magbibiro ng gano'n, hindi magandang biro iyon Kuya!" Banta ko sa kaniya.
Tumingin siya sa'kin ng natitigilan. "Hindi ako nagbibiro. " Sabi nito. Ayoko na makipagtalo sa kaniya kaya iniwan ko na lamang siya doon. Hindi pa patay ang anak ko!
Nakasalubong ko ang dalawa kong ina. Hindi sila matigil sa kakaiyak at niyayakap ako. Ako naman ay nakatingin sa kanila ng may pagtataka. Ano bang pinag-iiyakan nila?
"W-wala na ang apo ko." Rinig kong sambit ni Mama kaya napakunot ang noo ko. Hindi. Hindi 'yon totoo!
"Ma, ano bang sinasabi mo? Magtigil nga kayo!" Sambit ko sa kanila pero hindi pa rin sila tumigil. Ang weirdo ng mga tao ngayon. Iniwan ko na muna sila doon.
"H-hayaan na muna na'tin siya." Rinig kong sabi ni Mama Daisy.
Hindi ko alam kung bakit nandito ako basta't dinala na lamang ako ng mga paa ko rito. Sa tapat ng hardin sa ilalim ng bilog na buwan ay nakatingala ako. Napapatanong ako sa kaitaasan, anong nagawa kong kasalanan at bakit na lamang ako pinaparusahan ng ganito.
Naramdaman ko ang pagtabi sa'kin ni Kuya Sin. Tinaptap niya ang balikat. "I know it's not easy...just let it out." Rinig kong sambit niya.
Napatingin naman ako sa kaniya."Sa sobrang sakit wala na akong maramdaman." Pagsabi ko ng totoo. Alam kong nagsasabi sila ng totoo pero hindi matanggap ng sistema ko.
" I'm here. I can be your mending ears and comforting shoulder." Dahil sa sinabi niya ay ngayon ko palang nailabas ang mga luhang kanina ko pa hinahanap.
Masakit iwan ng kabiyak pero mas masakit mawalan ng anak.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
☺️🥰
15/08/2023
0my masterpiece
30/12/2022
0500
03/08/2022
0Tingnan Lahat