Homepage/Rebellious Compassion/
Chapter 35
[If you still didn't show up, I'll talk with legal malpractice attorney at irereklamo kita. You'll deal with it!] Sigaw ng client ko mula sa kabilang linya.
"Sinabi ko na ho sa inyo, as of now hindi po available ang office ko! Kung maaari, ipapasa ko nalang po ang kaso sa ibang attorney, talagang hindi ko po talaga maaasikaso iyan. Sa una palang tinanggihan ko na kayo pero nagpumilit pa rin. Tatawagan ko si Attorney Salcedo at ilalapit ko po kayo sa kaniya." Paliwanag ko at saka pinatay ang tawag. Talagang makulit ang kliyente kong iyon, gusto ako ang aasikaso. Gusto ko naman sana tanggapin 'yung kaso para alegro na total trabaho ko naman iyon at isang oppurtunity iyon para sa'kin pero hindi naaayon sa sitwasyon lalo na ngayong nakauwi na ako sa probinsya. Paniguradong hindi ko rin maaasikaso sakaling tanggapin ko.
"Anak, kumusta na paran sa Rhealyn doon? Puno ninyo kinuha si-ya ni Tope mae ko na lamang sila makamusta. Madyag mandaw 'yung sitwasyon nila doon?" (Kumusta na pala doon sina Rhealyn anak? Simula noong kinuha siya ni Tope hindi ko na sila nakaka-musta manlang. Okay naman ba ang kalagayan nila doon?) Pagtatanong sa'kin ni Mama.
"Gaadar na tabi utro 'yung dawha nintoyan, buda ikan na sila sadiring baray. Bago ako maghari doon igapagayon na baga tabi ni Kuya Tope 'yung baray nila. Buda ikan na sila kaniya-kaniyang trabaho kaya natutustusan man nila kaniya-kaniyang gastuson sa ur-ardaw. Ka-proud sila baga. (Nag-aaral na po ulit ngayon 'yung dalawa, saka meron na silang sariling bahay. Bago rin ako umalis doon, pinapaganda na lang ni Kuya Tope ang bahay nila. Saka may kaniya-kaniyang na rin silang trabaho at kaya natutustusan naman nila kaniya-kaniyang gastusin sa araw-araw. Nakaka-proud nga eh.) Napanatag naman si Mama dahil sa ibinalita ko.
Mahaba-habang usapan ang nangyari sa pagitan namin dahil sa pag-uusap sa mga bagay-bagay lalong-lalo na tungkol sa'kin. Nakuha pa niya akong pagalitan at magalit kay Aldrus pero sa huli wala din kaming nagawa kundi iiyak nalang ang galit.
"Kaipuhan mong ipaaram to yan ki Daisy. Pati sa mga pugto mo. Buko Magayon na rason yang pagtago mo, buko yun ang solusyon. Hay ipagpasadiyos na sana nato. Kahiraki ka Ning Diyos." (Kailangan mong sabihin kay Daisy ito. Pati sa mga kapatid mo. Hindi magandang ideya ang pagtatago anak, hindi iyon ang solusyon. Ipagpasadiyos nalang na'tin ito. Kaawaan ka sana ng Diyos.) Bakas sa mga mata ni mama ang pag-aalala.
"Magpakatatag ka anak, para sa apo ko, para sa magiging anak mo." Dugtong nito at saka ako niyakap
"Anak huwag mong pahirapan si Mama ha, kapag lalabas ka na hinay-hinay lang mahina ang kalaban." Natatawang sabi ko habang himas himas ang tiyan. Kung titingnan sa salamin nahahalata na ang umbok nito pero hindi naman gano'n kalaki, para lang akong busog.
"Madyag pang magkaon na kita tanganing magkaloog na yang bituka mo, mae ka magpasanay na malipasan ka ning gutom, data yan sa bata." (Mabuti pang kumain na tayo para magkalaman na yang tiyan mo, huwag ka magpasanay na malipasan ka ng gutom, hindi yan maganda para sa bata.) Pagyaya nitong kumain sa'kin habang may kasama pang sermon.
Kararating ko lang kanina. Binigla ko siya at hindi nga ako nakapagsabing uuwi ako. Nasa laot pa raw si papa ngayon. Maganda na itong bahay at gawa na sa semyento, may pinagkakakitaang negosyo, nakakain tatlong beses sa isang araw at may sapat na pangtustos araw-araw pero hindi pa rin mawawala sa mga magulang ko ang nakasanay nilang trabaho noon, kung saan kami nagsimula. Masaya ako't nagkaroon ako ng pagkakataong makasama ulit sila.
Nang dumating si Papa ay mangiyak-ngiyak siyang makita ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at tuwang-tuwa makita ako rito.
"Matagal na panahon na ang nakalipas, mabuti't naalala mo pa kami." Maya-maya'y sabi nito sa'kin.
"Una iso tabi! Kamo pa malimutan kong sa inyo ako hari." (Aba'y opo! Kayo pa bang makakalimutan ko eh sainyo ako galing." Pagmamalaki ko.
"Proud na proud kami sa imo ni Mama sa naabot mo na sa buhay. Bilib kami sa imo, hamak pang ikan na ako batang attorney, kaginhawa baga sa boot." Napapangiti ako sa bawat salitang binibitawan nila. Lahat ng paghihirap ko kasama sila, wala ako dito ngayon kung wala sila. Ang sarap lang sa feeling na ganito natanggap kong treatment mula sa kanila kahit hindi sila tunay kong magulang, kahit alam nila sa una palang na hindi kami magkadugo. Pero sila naman ang bumuo sa'kin at pumuno ng pagkukulang, ang nagturo sa'kin para maabot ang kabihasnan. Sila ang tahanan ko noon hanggang ngayon, lagi silang nandito sa puso ko, mananatili magpakailanman.
Nang sabihin ko kay papa ang tungkol sa pagbubuntis ko, ni walang nagbago sa ekspresyon niya. Nananatili pa rin ang pait sa labi niya ngunit lumambot ang tingin sa mga mata. Alam kong kahit hindi ko sabihin, para bang nahulaan na niya. Wala akong kasamang dumating, wala akong pinakilala, wala. Pakiramdam ko dismayado sila sa'kin sa parteng iyon. Pero matapos ang katahimikan at pagbuntong-hininga, isang yakap ang ginawad niya sa'kin. Yakap na nakapagpapakalma na para bang matatanggal ang bagabag sa nararamdaman ko. "Lolo buda Lola na kami ni Mama mo. Huna ko ngani matigbak na sana akong maeng apô." (Lolo at Lola na kami ng Mama mo. Akala ko mamamatay nalang akong hindi magkakaapo.) Napatawa na lamang ako sa sinabi niya bago sila muling yakapin.
Sinabi ko sa kaniya ang tungkol kay Aldrus. Hindi naman maipagkakailang dismayado siya sa lalaking inilarawan ko. Ang komento pa nga niya'y sa una lang magaling. Maghanap nalang daw ako ng lalaking mamahalin ako ng buo pero ang sagot ko hindi na ako maghahanap pa. Walang tutumbas kay Aldrus , siya lang ang lalaking minahal ko pero hindi ko na hinahangad na magkabalikan kami sa sandaling magbago siya. Ang anak ko na lang ang tanging nagbibigay lakas sa'kin para magpatuloy. Hinding-hindi ko siya bibiguin. Ako ang magiging ama't ina sa kaniya at hindi ko siya hahayaang magaya sa sitwasyon namin ng ama niya ngayon sa panahong matuto na rin siyang umibig. Balang-araw, makita ko lang siyang masaya at payapa ang buhay, maaari ko nang tanggapin ang kamatayan.
---
5 months
"Arah! Sânō ka tabi mapaultra-sound? Mae ka na gabisita sa clinic." (Arah! Kailan ka magpapaultra-sound? Hindi ka na bumibisita sa clinic.) Tanong sa'kin ng Midwife na si Mrs. Narciso nang makasalubong ko sa bayan. Ang huling bisita ko kasi ay noong 3rd month pa. Hindi na ako pumunta doon simula noong may sinabi siyang hindi kaaya-aya sa anak ko. Noong chine-check niya kasi dati hindi daw mahanap 'yung heartbeat, at ang sabi ba naman baka daw tiyanak ang anak ko, siyempre nakakabastos 'yon sa parte ko kahit sabihin pang biro lang iyon. Nagpapahilot nalang ako kay Aling Sinta doon sa baryo saka may bumibisita ring ibang midwife sa baryo tuwing Linggo.
---
6 months
Anim ma buwan na akong buntis pero nagagawa ko paring tumulong kina Mama at Papa papuntang bukid, kumukuha ng mga tanim doon. Mas maigi nga iyon na maglakad lang ako ng maglakad para madaling bumaba at makalabas anak ko, sabi ni Mama. Hindi naman mawawala ang pag-inda ko ng sakit ng likod at balakang, normal lang naman iyon sa buntis. Nananaba na rin ako pero blooming daw, baka raw babae ang magiging anak ko. Nakabili na rin ako ng mga gamit, pang-advance galing na rin sa natitirang ipon ko. Nasabi ko na sa mga Kuya ko ang tungkol sa kalagayan ko ngayon at nagalit pa sila sa'kin kasi hindi man lang daw ako nagsabi ng mas maaga para naman maagapan nila ako, hindi ko naman kailangan ng tulong nila sapat na sa'kin ang suportang ibinibigay nila bilang kapatid. Ayun kahit hindi ako humihingi kung ano-ano na naman ang ipinadala nila. Mas excited pa nga sila kaysa sa'kin. Nung sinend ko nga sa kanila ang ultrasound, ang sabi ba naman parang hindi raw bata ang nasa loob ng tiyan ko, mga baliw talaga. And the blessing, kambal.
---
8 months
Halos araw-araw akong kumakain ng ice cream lalo na kapag wala sina Mama at Papa. Kinukuntsaba ko 'yung kapitbahay namin na may tindang icecream, halos ako na nga nakakaubos ng tinda nila. Simula noong maglihi ako doon hindi ko na tinitigilan. Hindi naman bawal sa buntis ang ice cream lalo na 'yung soft icecream, pero hindi pa rin ako papaawat kapag gusto kong kumain.
---
Labor day
Kahapon pa ako namamanas kaya kahit maaga pa nag-prepara na sina Mama ng gamit. Pero ang sabi ko next week pa ata ang labor day ko. Actually nakaramdam na ako ng pagkahilo at medyo kumikirot na rin ang tiyan ko pero hindi ko ramdam na lalabas na, nagawa ko pang maligo. Pero kinagabihan nagsimula na sumakit tiyan ko kaya last minute saka kami lumarga papuntang bayan. Pumutok na nga ang panubigan ko, talagang manganganak na ako. Nang dumating sa hospital halos sabunutan ko na 'yung nurse sa daming itinatanong sa'kin eh halata namang manganganak na ako, nakakairita lang. May nakasalubong pa kaming patay jusko nenenerbyos ako bigla.
Nang makahiga na ako sa kama ay talagang gusto ko nalang umire ng umire para makalabas na, parang mapupunit eh. Talagang lalaki pa nga ang magpapaanak sa'kin, medyo nakakahiya iyon pero ano pa bang gagawin ko kundi manganak dito. Sa unang bata mabilis naman nakalabas, hindi pagsidlan ang saya ko nang marinig ang iyak nito. May isa pa sa loob pero nanghihina na ako, kamuntikan pa akong himatayin pero sinubukan ko parin—mailabas lang ang bata sa sinapupunan ko. Kahit nanghihina ay nagawa kong kargahin ang mga anak sa magkabilang braso. Ang amo nilang tingnan. Kinuha din ito agad sa'kin at pinahiga ako, ipinikit ko na lamang ang mata dahil sa panghihina. Ramdam ko ang pagbuhat sa akin at mailipat sa isa pang hospital bed.
---
Nagising ako sa liwanag ng paligid. Unang bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Mama. Agad kong naalalang kapapanganak ko pa lang. Walang pasubali akong bumangon pero pinigilan niya ako at sinabing magpahinga muna, ramdam ko parin ang sakit pero mas namumutawi ang saya ko sa ideyang nanganak na ako at mahahawakan ko na sila. "Asiin mga bata ko, Ma?" (Nasaan mga anak ko, Ma?) Pagtatanong ko naman sa kaniya.
Sumilip ang ngiting ngiti nitong labi bago sumagot sa'kin. "Asa maternity sila nintoyan, adoon gabantay si ama mo. Mae ka mag-isip Ning kung ano tad Madyag sila doon. Kahawony (Nasa UCU sila ngayon, nandoon nagbabantay ang papa mo. Huwag ka mag-alala at mabuti naman sila doon.) Napanatag ako dahil sa sinabi niya.
"Gusto ko sila makita tabi Ma." Sabi ko rito. Tumango naman siya at lumabas saglit. Pagbalik niya ay may kasama na siyang nurse, may dala itong wheelchair.
"Una kong darhon na sana na'to ditoyan mga bata? "( Dalhin nalang kaya na'tin dito ang mga bata?) Suhestiyon ni Mama pero sabi ko pupuntahan nalang namin dahil ayoko ring humiga lang dito.
"Kaya n'yo po ba Ma'am?" Pagtatanong sa'kin ng nurse. Tumango na lamang ako at naghikahos na makalipat sa wheelchair.
Tulak tulak ni Mama ay pumunta kami sa maternity ward. Tinuro sa'kin ni Mama ang mga anak ko. Mula sa salamin ng bintana sa labas ay nakikinita kong nahihimbing sa pagtulog ang dalawa. Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo dahil sa biyayang ito na ibinigay sa akin ng Diyos. Sila ang patunay na kailangan kong magpatuloy. Hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha sa pisngi ko kaya nang mamalayan ay agad ko itong pinahid para hindi makita nina Mama. Maya-maya ay tumawag din sina Kuya, napag-alaman pala nilang nanganak na ako dahil agad itong ibinalita nina Mama sa kanila.
"A twin? Whoa." Namamanghang sabi ni Kuya Zamer kahit noon pa man ay alam na nilang kambal ito.
"Does it hurts gaving birth?" Kuryosong pagtatanong ni Kuya Sin kaya napatawa ako. Para namang wala pang anak ah.
"Aba'y malamang. Para kang tinatamaan ng kidlat." Pagsabi ko ng totoo at biniro pa siya. Natawa naman sila dahil doon. Pero totoo, hindi biro manganak. Pakiramdam ko ikamamatay ko na nga eh, buti't nakaabot pa ako rito.
"Here's Mom!" Inilapit ni Kuya Damon ang telepono kay Mama. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nang makita ko siyang umiiyak doon. Bakit siya umiiyak???
"I'm... I'm sorry. I was just so happy for you. Magkakaapo na naman ako, I'm really aging." Sabi nito sa'kin kaya nangingiti na lamang ako. Kahit may mga hindi kami pagkakaintindihan noon ay nangingibabaw pa rin ang pagiging ina niya sa akin.
"What's their name anyway?" Pagtatanong naman ni Kuya Damon. Napagtanto ko namang wala pa akong naiisip na pangalan para sa kanila. Pero agad ring pumasok sa isip ko ang ideya.
"Decarli Azaleah and Demalion Andrew." Ngayon lang pumasok sa isip ko iyon.
"Woah, nice name."
---
[Uwi ka na dito sa bahay.] Rinig kong sabi ni Kuya Sin mula sa kabilang linya. Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Kung handa na ba ako. Kaya ko na ba?
"Uuwi din ako diyan, pero hindi pa sa ngayon." Sagot ko sa kaniya.
[We respect your decision. Just let us know if you need someone to lean on.] Napangiti ako dahil sa sinabi niya. He's my older brother after all.
Matapos ang pag-uusap namin ay nakatanggap ako ng Gmail. Nang buksan ko iyon at mabasa ang nilalaman nito ay agad nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung papa'no nangyari ito. Sa pagkakaalam ko areglo na ang tungkol sa kliyente ko noon. Matatandaang inilapit ko siya kay Attorney Salcedo at malugod naman nitong tinanggap pero bakit umabot pa rin sa ganito. Hindi ako sigurado kung siya nga ang gumawa nito pero hindi tama ito.
Natanggal ako sa firm at tanggal din lisensya ko. Kung sino man ang gumawa nito sa'kin sisiguraduhin kong magbabayad siya. Kailangan ko na ngang bumalik.
---
Wala sa plano ko ang desisyong ito pero kailangan kong gawin para sa ikabubuti ng propesyon ko. Kapapanganak ko palang pero ibabyahe ko na sila. Sinabi ko kay Mama na nagkaroon ng problema sa trabaho ko at labis akong nababahala kapag hindi ko pa aasikasuhin iyon. Kailangan kong mabatid kung bakit hindi ko nalaman kaagad ang tungkol dito at bakit hindi man lang ako kinunsulta bago gawin sa'kin 'to. Paglabas sa batas ang ginagawa nila.
Lumuwas ako ng Maynila kasama si Mama at ang dalawa kong anak. Sinalubong naman kami nina Kuya. Sinabi ko sa kanila ang dahilan ng biglaang pagluwas ko at maging sila ay walang kamuwang-muwang tungkol doon. Isa na namang kababalaghan ito, hindi ko mawari kung sino ang maaaring gumawa nito sa'kin dahil iisang tao lang ang may galit sa akin at iyon ay si Assilla—pati ang sunod-sunuran na si Aldrus. Pero nakakulong na ngayon si Assilla at paniguradong pinaghahanap ng otoridad si Aldrus na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala matagpuan. Ang akala kong mapayapa nang buhay ko ay hindi pa pala. Hindi pa tapos.
Napag-alaman ko ring nakalaya pa rin si Assilla. Sa halos isang taon lang na nawala ako nakalaya na pala siya. Hinding-hindi ko 'to mapapalagpas. Patong-patong ang krimen na nakapatong sa kaniya bago ako lumayo pero nakapagtataka lang na hindi pa siya mabulok sa kulungan. Hindi patas ang batas. Masyado itong hindi pabor sa akin.
"You mean, your professional license has already been revoked or suspended?" Tumango ako sa tanong ni Kuya Sin.
"I have a contact with some license defense lawyer. Try to regain your license after a period of 1 to 3 years, predominantly, or as mandated in your case, you may seek to Petition for Reinstatement of your License. In order to successfully position yourself for a petition for reinstatement, you should want to act swiftly to demonstrate you are qualified for licensure." Sabi sa'kin ni Kuya Sin. Perks of having a lawyer brother. Ipinagpapasalamat ko at kahit papa'no may laban ako. At hinding-hindi talaga ako makakapayag na ganito na lamang ang mangyayari sa'kin. Babawiin ko ang nawala sakin.
"It is never too early to position yourself to make a Petition for Reinstatement." Dagdag ni Kuya Damon. Desidido na ako. Sa tulong nila, ilalaban ko. Inosente ako at wala akong ginawang mali para mapatunayang lumabag nga ako. Kung tutuusin puwedeng-puwede ko ring kasuhan ang firm dahil sa biglaang pagtanggap sa'kin, ni hindi ko nakausap ang air manager.
Gaya ng dapat kong gawin, inasikaso ko lahat ng dapat asikasuhin bago ako nagpetisyon para sa lisensya ko. Kasabay ng pagsampa ko ng reklamo kay Assilla ay ang pagbawi ko ng lisensya ko, sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.
Bilang isang ina hindi madaling iwan ang mga anak basta-basta lang para asikasuhin ang kapakanan ng ibang bagay. Walang mas importante pa sakin bukod sa kanila kaya naman kahit busy sa ibang bagay ay sinisiguro kong nagagampanan ko parin ang responsibilidad ko bilang ina sa kanila, mga sanggol pa lang ito at wala pang mga muwang. Mabuti't nariyan din ang dalawa kong ina at mga kapatid para tulungan ako. Si Ate Dan, nagugulat pa siyang makita ang sitwasyon ko at the same time masaya siya para sakin.
Matagal na proseso ang nangyari dahil sa dinami-dami ng kinailangan kong asikasuhin. Kasama ang suporta ng pamilya ko mapagtatagumpayan kong maipanalo.
Hinalungkat ko ang background ni Assilla. Hindi illegal itong ginagawa kong pag-iimbestiga at para sa'kin, wala akong nawala, hindi kukupas ang bunga ng pinaghirapan ko noon, mananatili ako sa naiwan kong posisyon. I still am a criminal lawyer—an attorney. And no one can steal it from me.
Sa loob ng halos kalahating buwan ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat. Hindi sapat ang ebidensya noon at makapangyarihan din ang angkan nila lalo na ang kaniyang ama na namumulitika. Perjury; nagsinungaling si Assilla sa korte si Assilla. Ituturing ko na ring Bigamy ang pagpapakasal niya sa isang mayamang negosyante na kasal na rin pala.
Assault; hindi maipagkakailang hindi lang niya sa'kin ginawa ang hindi makataong gawain niya, marami pang katulad ko pero wala lang sila kapangyarihang magsalita.
Bribery; binabayaran niya ang sinumang hindi pumanig sa kaniya, palibhasa alam niyang madadaan sa pera ang kapakanan niya— puwes ngayon hindi na.Cybercrime, marami siyang nasira dito at kahit papa'no ay ipinagpasalamat kong hindi ako isa doon sa kasong iyon pero labag pa rin iyon sa batas
Genocide; sira na talaga ang tuktok niya para gumawa ng karumaldumal na mga krimen. Isa pa ang frustrated murder at Kidnapping. Isa siyang demonyo at ang mga katulad niya ay nararapat ng malagas sa mundo. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
☺️🥰
15/08/2023
0my masterpiece
30/12/2022
0500
03/08/2022
0Tingnan Lahat