Chapter 34

Ayoko, ayoko pa, pero nandito na.
Hindi ako mapakali. Lagi ko paring binabalikan at gustong siguraduhin kung totoo nga bang nangyayari ito ngayon. Buntis ako pero ayoko. Ayokong makulong dito pero ayoko ring pumatay ng bata. Sa lahat nga naman ng pagkakataon bakit ngayon pa? Bakit kung kelan sinusubukan ko na siyang kalimutan saka naman darating ang posibleng magkonekta ulit sa'min. Hindi ko na hahayaang mangyari pa iyon. Galit ako kay Aldrus pero walang muwang ang batang dinadala ko, bibigyan ko siya ng pagkakataong mabuhay pero hindi ko ipapaalam kay Aldrus. Iyon ang magiging kaparusahan niya sa kabila ng mga kasalanan at kataksilan niya.
Hindi ko rin ipinaalam sa mga Kuya ko ang tungkol doon. Ginawan ko ng paraan para hindi nila malaman. Ni hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko o kahit kanino pa man sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Walang nakakaalam niyon kundi ako lang. Bumalik ako sa apartment na binili namin ni Aldrus noon, nag-empake ako at umalis doon. Ayoko nang maalala pa ang tungkol sa kaniya, lahat ng bagay na makapagpapaalala sa'kin sa kaniya ay iiwasan ko. Hindi ko binenta ang apartment dahil sayang naman ang ipinundar namin doon. Sakto't naghahanap rin si Manang Fe ng matutuluyang bahay para sa mga anak niya kaya sinabi kong doon nalang muna sila sa apartment, ipinagkatiwala ko na sa kanila iyon basta't sila na ang bahala sa mga bayarin.
Sa ngayon, isang tao nalang ang tanging tao matatakbuhan ko. Kahit labag sa loob ko ay kailangan kong gawin ito. Ang sabi ko sa pamilya ko gusto kong lumipat at wala naman silang naging pagtanggi doon bukod sa pangambang baka bumalik si Aldrus at gambalain na naman ako. Pero sinigurado kong hindi na mangyayari iyon.
[Nasa'n ka na?] Tanong nito mula sa kabilang linya.
"Huwag ka mag-alala malapit na ako, huwag mo na akong sunduin. Alam ko na kung nasaan bahay niyo." Sagot ko habang hinahabol ang hininga dahil sa paakyat na daanan.
"Ang taas naman ng lugar ninyo." Kapagkuwan ay reklamo ko.
[Sunduin na nga sabi kita, nasaan ka na ba ngayon?] Muling sambit nito.
"Huwag na malapit na ako sa inyo. Ilang lakad nalang 'to oh." Sabi ko.
[Marami ka siguro dalang gamit, sunduin na kita lakarin ko na.] Sabi pa nito bago putulin ang tawag.
Maya-maya nga ay nakikinita ko na siyang naglalakad papasalubong sa'kin mula sa espalto. Tumakbo na siya nang makita ako. Inagaw niya sa'kin ang mga dala kong gamit at siya na ang nagbuhad. Tinanguan ko siya bago pigilan. "Teka lang! Pahinga muna ako." Sabi ko rito. Hinihingal na kasi ako sobrang taas ng lugar nila. Sanay naman ako sa ganito kalayong lakarin dati pero ngayon ewan ko nalang. Pero maganda naman dito at marami ring puno, presko.
Tinawanan niya ako bago ginulo ang buhok. At dahil sa ginawa niyang iyon ay bigla kong naaalala si Aldrus. "Okay ka lang?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita siya. Tumango na lamang ako para hindi siya makahalata.
"Tara na." Pagyaya ko para magpatuloy na kami.
Nang makarating sa bahay nila ay agad kong nilibot ang paningin sa tirahan. May kalawakan ang espasyo nito at may second floor pa. Noong huling punta ko dito wala pang syemento sahig nila pero ngayon nakatiles na at mukhang pinapagawa narin ang ilang parte ng bahay. Napapangiti na lamang ako. Napaka-independent na tao ni Kuya Tope kaya deserve niyang makarating sa ganitong sitwasyon, unti-unti niyang bumabangon ang sarili kasama ang pagiging ama't ina sa dalawang kapatid.
"Nasaan pala sina Ida at Riri?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Upo ka muna." Paanyaya nito sa'kin matapos isensyas ang sala.
"Nasa trabaho, may part-time job sila pagkatapos ng klase kaya naman unti-unti na naming nabubuo itong bahay dahil sa ipon namin." Sabi nito sa'kin. Nakakatuwa namang marinig iyon. Oo nga pala't tumigil sa pag-aaral noon ang dalawa at ngayon ipinagpapatuloy nila iyon.
"Nasa'n pala boyfriend mo? Bakit 'di mo kasama?" Inaasahan ko ng itatanong niya sa akin iyon, oras na makarating ako dito. Nawala ang ngiti ko dahil doon.
Akmang sasagot na ako ng makarinig ako ng ingay sa labas. "Kuya! Nandiyan na ba si Arah?!" Rinig kong sigaw ni Riri mula sa labas kaya agad akong napatayo at nagpasilip ang ngiti sa labi.
Nang makapasok siya sa bahay at makita ako ay agad siyang tumili at tuwang-tuwa na makita ako. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya gano'n din ang ginawa ko. "Grabe sandali nga! Amoy mamahalin ka na ah! Nakakahiya namang lumapit sayo amoy araw pala ako." Sabi nito at inamoy pa ang sarili ko.
"Sira! Pabango lang 'yan." Sagot ko rito.
"Pati itsura mo oh nagmukha ka ng artista! Grabe nakakahiya talaga, hindi na ikaw 'yung kaibigan ko eh mas gumanda ka lalo nakakainis!" Sambit nito na animong nagtatampo. Natatawa naman mula sa tabi si Kuya Tope. At nang pumasok si Ida ay mas lalo lang umingay ang paligid. Dami nilang ikinuwento sa'kin at napahaba ang pag-uusap namin. Namiss ko 'to. Namalayan nalang namin ay tapos na makapag-luto ng ulam si Kuya Tope.  Hanggang sa hapag-kainan ay hindi pa rin sila matigil sa pagkukuwento kaya napuno ng tawanan buong oras. Pansamantala kong nakalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
"Alam mo ba Daesyn? Itong si Kuya wala balak mag-girlfriend. Madami na akong nireto diyan pero lahat busted sa kaniya, aba kalalaking tao. Pero sa totoo lang, kung wala ka sigurong boyfriend malamang kayo ang nagkatuluyan ngayon. Yieeeee." Si Ida. Napangiti na lamang ako ng pilit bago napatingin kay Kuya Tope. Parehas kaming umiwas ng tingin ng makasalubong ang mata ng isa't-isa.
Tumikhim siya bago magsalita. "Tumigil ka nga diyan babae, wala ka ng ibang ginagawa kundi asarin ako." Sumbat nito sa kapatid habang kunot ang noo.
"Ay sauce! Alam mo Kuya bagay na bagay talaga sa'yo ang pangalan mo! Napaka-torpe!" Pang-aasar pa sa kaniya ni Riri. Dalawang magkapatid talaga. Hindi na nagsalita pa si Kuya Tope at nagpatuloy na sa pagkain.
Hindi na lamang din ako nagsalita dahil hindi maipagkakailang naiilang ako dahil sa pinag-uusapan nila. Talaga namang may gusto sa'kin si Kuya Tope noon inamin nga niya pero hindi naman siguro kami aabot noon kahit hindi dumating si Aldrus sa buhay ko. Magkaibigan lang kami at para naring magkapatid ang turingan sa isa't-isa.
"Silence filled between us. I wish I knew it before. Sana umamin nalang ako noong hindi pa huli ang lah—"
"Ang ingay mo Riri seryoso na nga eh." Narinig kong sumbat sa kaniya ni Ida.
"Tanga gano'n kasi Pov sa Wattpad sa mga ganitong sitwasyon. Panira ka naman ng moment." Sagot naman ng isa. Hinayaan ko silang magbangayan hanggang sa matapos kaming kumain. Napapatingin naman ako kay Kuya Tope at nginitian nalang siya ng magtagpo ang tingin namin para mawala ang pagkailang sa pagitan namin.
Ako na ang nag-presintang maghugas ng mga pinagkainan pero inagaw sa'kin iyon ni Kuya.
"Magpahinga ka na dapat, ikaw pa ang pinaghugas nito. Pagpasensyahan mo din na pala mga kapatid ko, alam mo na sadyang mapagbiro lang mga 'yon." Sabi nito sa'kin pero ngumiti lang ako.
"Ako ang bisita kaya ako dapat ang mahiya dito sa bahay ninyo. Saka hayaan mo sila, may totoo naman sa sinabi nila ah, bakit nga ba hanggang ngayon hindi ka pa nag-g-girlfriend? Tatanda kang binata niyan." Sagot ko sa kaniya ng may kasamang biro sa huli.
"Tss, kahit na. Ano naman sa'yo 'yon? Eh sa ayaw ko maghanap ng girlfriend eh." Sabi nito sa'kin habang nakasimangot pa at seryosong naghuhugas ng mga plato sa tabi ko. Pabiro kong kinuyumos ang labi niya gaya ng lagi kong ginagawa sa kaniya noon kapag nakasimangot din siya. Kaya naman ipinukol niya sa'kin ang masamang tingin pero wala naman siyang ginawa at umiwas na lamang ng tingin. Tinawanan ko siya. Ngayon ako naman ang ginaganahang asarin siya.
"Alam mo ba kung bakit wala ka pang jowa? Kasi bitter ka masiyado." Pang-iinsulto ko sa kaniya. Mapang-asar akong tumawa sa kaniya pero ni isang pagsilip ng ngiti sa labi niya ay hindi ko nakita. Napatikhim nalang din ako at nanahimik na. Wala siya sa mood ngayon.
Tapos na siya maghugas ng mga pinagkainan. "Hindi." Maya-maya sabi niya kaya pinangunutan ko siya ng noo. Bigla-bigla nalang siya nagsasalita diyan.
"Anong sinasabi mo diyan?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Naupo naman siya sa tabi ko kaya umayos ako ng pag-upo at handang makinig sa kaniya.
"Kung hahanap lang naman ako ng babae, sisiguraduhin ko 'yong katulad mo." Sabi nito sa'kin kaya nagugulat naman akong nakatingin sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko. Ano bang meron sakin?
"Wala. Huwag mo na isipin 'yon." Pambibitin nito kaya inismiran ko siya.
"Nasa'n boyfriend mo?" Matapos ang panandaliang katahimikan sa pagitan namin ay muli siyang nagsalita.
"Wala naman." Wala sa kondisyong naisagot ko habang kinukutikot ang mga kuko. Bakit ba niya itinatanong iyon. Ayokong pag-usapan ang tungkol kay Aldrus.
"Anong wala naman? Wala kang boyfriend?" Pangungulit niya.
"Wala na." Pagsabi ko ng totoo. Namumutawi na ang kaba sa dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung pa'no sasabihin sa kaniya na lumayo ako dahil buntis ako at dinadala ang magiging anak sana namin ni Aldrus.
"Sorry, hindi ko na dapat itinanong pa." Hindi ko naman inaasahan ang paghingi niya ng tawad.
"Para kang sira. Ba't ka mag-s-sorry kung wala ka naman ginawang masama. Say sorry if you really mean it." Sabi ko sa kaniya. Napakunot pa ang noo niya pero nawala din iyon.
"Ang totoo kasi..." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba.
"May problema ba?" May pag-aalalang tanong niya.
"A-ano...uhm s-si Aldrus kasi..." Muli kong pinutol ang sasabihin. Parang hindi ko kaya.
"Bakit? Anong ginawa niya sa'yo!" Ngayon ay may halong inis na sa boses niya?
Hindi ko na napigilan ang namumuong sama ng loob ko kaya natagpuan ko na lamang ang sarili na umiiyak sa harapan niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin. Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya hanggang sa tumahan ako. Nahiya pa ako matapos mapagtanto ang nangyari, ngayon lang ako umiyak sa harapan niya. Nakikita ko na rin ang panunubig ng mata niya kaya mas lalo akong nahiya. "Pasen-siya na haa. H-hindi ko lang kasi lubos na maisip na nagawa niya sa'kin 'yon hik." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.
"Shhh tahan na. Nandito lang ako." Pagpapatahan niya sa'kin pero ngayon ay ayaw na naman tumigil ang pag-iyak ko.
Pinigil ko ang pag-iyak at nagpaalam na kay Tope. Ipinagbigay-alam niya sa'kin ang magiging kuwarto ko kanina kaya dumeretso ako doon. Hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko pero wala akong ganang ayusin iyon ngayon. Nang makapasok ay saka na naman kumawala ang silakbo ng damdamin ko. Muli na naman akong umiyak hanggang sa makatulugan ko na iyon. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Akala ko okay na ako, hindi pa rin pala.
Kinabukasan ay nahiya pa ako nang makitang tirik na ang araw sa labas pero kakagising ko palang. Namamaga pa ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. Ewan ko ba hindi naman ako ganito eh, napakaemo ko ngayon palibhasa buntis. Naturingan pa naman akong independent pero tingnan mo nga naman ang nangyayari sa'kin ngayon, dito lang pala mapupunta lahat. Nagsayang lang si Aldrus ng panahon na inilaan niya sa panliligaw sa'kin ng walong taon. Kung alam ko lang na dito lang ang bagsak, sana tuluyan ko ng pinutol ang koneksyon namin sa isa't-isa noon pa man. Pero nangyari na ang nangyari. Hindi pa malaki ang tiyan ko kaya hindi pa halata pero kailan ko pa ba sasabihin eh paniguradong mahahalata nila ito sa oras na lumaki ang tiyan ko.
"Hoy!" Napaigik ako at abot-abot ang kaba dahil sa panggugulat sa'kin ni Ida. Bahagya akong nainis sa kanya kaya pinangunutan ko siya ng noo. Nang makita naman niya ang itsura ko ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at humingi ng paumanhin sa'kin.
Inakay niya ako at inayang lumabas. Bumungad agad ang sikat ng araw sa paningin ko. Doon kami kumain sa labas dahil may ginagawa pa pala sa loob. Hindi ko parin maayos ang damitan ko. Nagdadalawang isip pa rin ako kung mananatili ako rito o hindi. Ni hindi ko parin nasabi sa kanila ang tungkol doon. "Okay ka lang Arah? Lagi ka nalang tulala diyan." Maya-maya ay pamamansin sa'kin ni Ida. Nginitian ko na lamang siya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtingin ng dalawang magkapatid sa isa't-isa.
"May sasabihin sana ako sainyo." Panimula ko. Napagdesisyunan kong sabihin na sa kanila.
""Ano 'yon?"" Kuryusong pagtatanong sa'kin ng dalawa.
"Hindi ko alam kung pa'no sisimulan. Nahihiya ako sa inyo pero wala akong ibang matakbuhan." Abot-abot ang kaba ko sa puntong iyon.
"A-ano bang sasabihin mo? Nakakakaba naman 'yan." Si Riri.
"B—"
"Naku malelate na pala tayo sa klase Rin dalian mo na!" Pagsulpot ni Ida kaya hindi natuloy ang sasabihin ko.
"Hala oo nga! Naku maiwan ka na muna namin Arah, nandito naman si Kuya mamaya, pasensya na. Mwaps bye!" Nagmamadaling sambit ni Riri at bumeso sa'kin bago nawala ang dalawa sa paningin ko.
Kailan ko ba masasabi sa kanila?
Naiwan akong mag-isa dito sa bahay nila kaya sinamantala ko ang pagkakataon para maglinis at ayusin na rin ang mga gamit ko. May mga kapitbahay naman pero magkakalayo ang distansya. Wala pa si Kuya Tope dahil kasalukuyan siyang nasa vulcanizing shop. May tao naman siya doon pero siya parin may-ari no'n.
Matapos maglinis ay pagbagsak akong humiga sa kama. Nasaktan lang ang likod ko dahil kahoy pala ang ilalim no'n at manipis lang ang foam. Mabuti nalang hindi bumigay dahil sa bigat ko. Kakain lang namin kanina pero nakararamdam na naman ako ng pagkagutom. Naisipan kong lumabas ng bahay at maglakad-lakad dahil malilim naman sa mga kapit-bahay, maaraw lang dito kasi ito ang bungad. Habang naglalakad ay napapahimas nalang ako sa tiyan ko dahil makati iyon, normal lang naman ito sa mga kagaya ko, mamalayan ko nalang may stretch marks na ako.
"Balita ko babae daw 'yan ni Tope, ang daming dalang gamit kahapon diyan na siguro titira. Naku baka buntis 'yan." Napapataas ang kilay ko sa naririnig. Mag-chi-chismisan na nga lang dito pa sa naririnig ko.
"Magandang umaga ho Aling Marites!" May pananadyang bati ko sa kanila. Nasa tindahan kasi sila.
"Sinong Marites? Walang Marites dito oy." Sagot naman ng ginang na may nakakaintrimitidang tingin. Napatawa na lamang ako sa isipan.
"Ah gano'n ho ba, narinig ko lang po kasi iyon kay Kuya Tope." Pagsisinungaling ko.
"Kuya? Aba'y bakit, hindi ba't ikaw ang gerlprend nung si Tope?" Tanong naman ng isa. Kulang nalang humagalpak ako ng tawa ngayon.
"Grabe naman ho kayo, saan n'yo ho ba nasagap ang balitang iyan?" Sabi ko. Napatigil naman sila at tumingin sa isa't-isa.
"Wala naman ija, narinig lang namin kay Maria. Pasensya na." Sabi ng isa kaya nakikipag-plastikan lang rin ako ng ngiti.
"Power of chismis." Bulong ko pa.
"Ah ano iyon?" Tanong ng isa.
"Ah ang sabi ko, okay lang po 'yun, lam n'yo na, dami ng fake news ngayon." Sagot ko. Napatango naman siya. "Ah kung mamarapatin n'yo po, padaan po ako, may bibilhin lang." Dugtong ko habang nakaturo sa tindahan na kulang nalang ay harangan nila para wala ng bumili. Nagbigay naman sila ng daan at maya-maya rin ay umalis na.
"May ice cream kayo?" Tanong ko sa dalagang nagtitinda.
"Meron po, yung malaki lang." Sagot niya.
"Anong flavor meron diyan? Saka magkano beh?"
"Uhm cookies and cream, double dutch—"
"Yung cookies and cream nalang." Sabi ko rito. "Pabiling dalawa. Magkano nga isa?" Dugtong ko.
"120 po isa." Sagot naman nito.
"So bale 240?" Pagkuwenta ko. Tumango naman siya. Dumukot ako ng pera sa bulsa.
"Five hundred? Wala po kaming barya diyan." Sabi nito sa'kin kaya napapakamot naman ako sa ulo.
"Ibabalik ko nalang puwede? Magpapabarya lang ako." Sabi ko rito.
"Iwan nyo po muna yung ice cream." Sabi nito kaya sumang-ayon nalang ako.
Dumako ako sa kabilang tindahan para magpabarya ngunit katulad ng unang tindahan ay wala din silang barya doon. Maaga pa raw kasi at wala pang kita. Namomroblema naman akong naglalakad sa initan pababa ng kalsada para doon nalang magpabarya. Inaasahan kong meron na doon.  Mahaba pa ang nilakad ko bago makarating sa baba. Ngunit hindi pa man nakakarating sa paroroonan ay may dalawang tambay na humarang sa'kin. Iiwasan ko na lamang sana sila at hindi na papansinin pero sinasadya talaga nilang humarang sa daanan ko. Napapamura naman ako sa isipan ko habang hinihiling na umalis na sila sa harapan ko. Akmang sasampalin ko na ang isa dahil sa inis pero saka naman ang pagdating ng taong nagligtas sa'kin sa kapahamakan.
"Hoy! Ano 'yan!" Agad na kumaripas ng takbo ang dalawang lalaki ng marinig ang boses nito.
"Arah, bakit nandito ka? Alam mo namang delikado dito sa labas sana hinintay mo nalang ako." May panunuya sa boses niya ng sabihin iyon bago ako inakay pabalik sa daan pauwi.
"May ginawa ba sa'yo 'yung mga tarantadong 'yon?" Tanong niya habang kunot na kunot ang noo. Nagawa pa niyang sipatin ang kabuuan ko.
"I am a criminal attorney, hindi ako nakarating dito para hayaan lang ang sarili na bastusin ng mga gagong 'yon." Walang ano-ano ay nasabi ko.
"Walang silbi 'yang estado mo kung nasa kapahamakan ka na. Babae ka pa rin, sana hinintay mo nalang ako o tawagan man lang para ako na ang mag-asikaso ng gusto mo." Sumbat nito sa'kin kaya napapabuntong hininga naman akong umiwas ng tingin.
"Anong gusto mong gawin ko tumunganga doon sa bahay ng walang ginagawa?" Sabi ko pa.
"Eh ano ba kasing sadya mo dito sa labas at bakit nagawa mo pang makarating dito? Delikado na at kung hindi pa ako dumating eh baka kung ano pa nagawa sa'yo ng mga 'yon. Ni isang galos hinding-hindi ko hahayaang magkaroon ka, ako pa ang malalagot sa mga Kuya mo." May inis pa rin sa boses nito habang magkasabay kaming naglalakad paakyat.
Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto na rin siya. "Okay sorry. Gusto ko lang naman bumili ng ice cream, nando'n lang ako sa taas bumili pero naikot ko na lahat ng tindahan doon wala naman akong mapabaryahan ng pera...kaya umabot ako dito sa baba. Huwag ka na magalit diyan." Paliwanag ko sa kaniya.
"Haist pasensya na ha. Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Sa susunod sabihin mo na kapag may pupuntahan ka para masamahan kita." Sabi nito at tinaptap pa ang ibabaw ng ulo ko. Isang ngiti na lamang ang sinukli ko sa kaniya.
Nang makarating sa bahay ay siya na ang bumili ng ice cream sa pinagbilhan ko kanina. Dahil wala nga akong barya ang sabi ko sa susunod ko na lang babayaran. At doon niya rin naitanong kung hanggang kailan ba ako rito. Ipinagtapat ko sa kaniya na kung puwede ay dito muna ako maninirahan sa kanila pansamantala. Pumayag naman siya doon pero hindi pa rin maiaalis sa kaniya ang pag-aalala lalo't alam niyang may pamilya din ako na kung susumahin ay mas maganda pa ang buhay ko doon pero nakuha ko pang makitira sa kanila dito.
"Ayoko munang malaman nila." Ito na nga at aaminin ko na.
"Ang alin? Hindi kita maintindihan." Kuryusong tanong nito sa'kin.
"Buntis ako." Agad akong napayuko ng sabihin iyon.
Naramdaman ko ang paggalaw niya hanggang sa nakatayo na siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang balikat ko at pinatingin sa kaniya. "Totoo ba ang narinig ko?" Kunot noong tanong nito. Tumango ako habang napaapayuko na naman. Nakakahiya ito sa totoo lang pero heto na nandito na. Desisyon ko 'to.
Narinig ko ang pagsinghap niya at pagtalikod sa kaniya. Nakita kong napahilamos sa mukha at napamewang bago muling humarap sa'kin. "S-sinong ama niyan?!" Pagtatanong niya.
"Si A-ald-rus." Utal na sagot ko sa kaniya.
Walang ano-ano ay pinagsusuntok niya ang kahoy sa tabi namin kaya napapamaang ako bago siya daluhan at patigilin sa ginagawa. "Kuya, tama na!" Sabi ko sa kaniya. Ramdam ko ang sakit niyon at paniguradong may sugat narin ang mga kamay niya.
"Tangina Arah! Ni isang beses! Hinding-hindi ako gumawa ng kagaguhan sa'yo tapos ganito lang ang gagawin sa'yo nung lalaking 'yon?! Nasa'n siya ngayon? Anong klaseng lalaki siya! Bubuntisin ka para iwanan lang?" Paniguradong naririnig na kami ng kapitbahay dahil sa pagsigaw niya. Bakas ang galit sa mukha niya.
"K-kuya..."
"Tangina." Pagmumura niya habang nagpipigil ng galit.
"Hi-hindi niya alam....hindi niya alam na dinadala ko ang magiging anak namin. At a-ayoko nang malaman pa niya. Ayokong ipaalala sa magiging anak ko ang... ang kasamaan ng ama niya, ililibing ko siya sa bangungot ko." Sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.
"Anong plano mo?" Ngayon ay huminahon na siya.
"Uuwi ako kina Mama...sa probinsya. Paniguradong hindi niya na ako matutunton doon." Pagdedesisyon ko.
"Susuportahan kita sa desisyon mo. Sana tuluyan ka na ngang mapanatag doon, mas ligtas kayo doon. Pero pa'no ang trabaho mo?"
"Hindi ako naghirap mag-aral para lang makarating dito, but I'm willing to sacrifice everything I have just to raise this child." Makahulugang sabi ko sa kaniya.
Wala siyang nasabi doon at naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya ng mahigpit sa akin. "Gusto kitang ipagdamot noon pa man, pero alam kong hindi ka mapapasakin. Sana...sana sa pagbangon mo marami kang natutunan. Huwag mong kakalimutan na kapag kailangan mo ng taong tutulong sa'yo sa oras ng pangangailangan, nandito lang ako." Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Kahit nadismaya ako sa sarili ko. May mga tao paring katulad niya para samahan akong makabangon muli

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    LopezLaverne

    ☺️🥰

    15/08/2023

      0
  • avatar
    Sinclaire

    my masterpiece

    30/12/2022

      0
  • avatar
    GuzmanArvinjake

    500

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata