Homepage/Rebellious Compassion/
Chapter 33
Sobrang sakit ng katawan ko at pakiramdam ko naparalisa na ang kabuuan ko. Nakatingin ako sa puting kisame habang naririnig sa paligid ang mga taong may pagmamalasakit sa akin. Hindi ako makagalaw at ang tanging nagagawa ko lamang ay idilat ng bahagya ang mga mata. Naririnig ko ang sinasabi nila pero hindi ko magawang sumagot at maibuka ang mga bibig para magsalita. Unti-unting hinila ng panghihina ang sistema ko at tuluyan ng sumara ang mga mata.
Muli akong nagising sa hindi pamilyar na lugar. Kulay puti lahat. Sa una ay hindi ko pa mapangalanan kung ano iyon pero nang mapagtanto ang lagay ay saka ko palang napag-alamang nasa hospital ako. Sa puntong iyon alam kong makawala na ako sa kamay ni Assilla. Hindi ko rin alam kung paano ako nakatakas doon basta ang mahalaga ligtas na ako ngayon, sana nga ligtas na ako. Iginala ko ang mga mata sa paligid. Hindi ko maramdaman ang katawan ko at mga mata ko lang ang tanging nagbibigay kaalaman sa akin. Maya-maya pa ay bumungad sa paningin ko ang isang pigura ng tao. Hindi ko siya maaninag noong una ngunit nang mag-adjust ang paningin ay napag-alaman kong si Zamer iyon.
"Day. How are you feeling now?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Tinitigan ko na lamang siya dahil hindi ko maramdaman ang katawan ko. Sinubukan kong magsabi pero utal-utal naman iyon. Lumulunok ako ng laway pero tuyong tuyo lalamunin ko. Nagsalita ako ng tubig kahit walang boses at ipinagpapasalamat ko namang nakuha iyon ni Kuya. Tinulungan niya akong bumangon at pinainom ng tubig, kulang pa sa akin ang isang baso kaya binigyan lang niya ako. Parang ang bigat din ng dila ko.
"K-ku..l." Kinakapos parin ang boses ko.
"D-dont force yourself, I bet you can't feel your tongue and body because of the anesthesia. Just rest for now, you're safe." Sabi ni Kuya Z kaya tumango nalang muna ako.
Talaga ngang nakaligtas na ako.
Ipinagpahinga ko muna iyon para mas bumuti pa ang aking pakiramdam. Kita ko ang mga galos sa braso at alam kong hindi lang iyon ang natamo ko. Nang muling magising ay nakakaramdam na ako, hindi katulad kanina na halos para na akong paralisado. Marahan akong tumayo at kumuha ng maiinom na tubig na nakalagay sa table. Nang mapadaan naman sa salamin ay saka ko napagmasdan ang hitsura ko. May mangilan-ngilan akong galos sa mukha at braso, may benda sa ulo at mga bandage sa iilang bahagi ng katawan kagaya ng tuhod. Ramdam ko na rin ang kirot sa likuran ko sa tuwing gumagalaw ako, alam kong doon ako hinagupit ni Assilla. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon pero sisiguraduhin kong magbabayad siya sa kasamaang nagawa niya.
Muli akong bumalik sa hospital bed at umupo doon habang nakasandal sa pader, nakararamdam ako ng bahagyang pagkahilo. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpakawala ng isang buntong hininga. Sa pagdilat ko ay siya namang pagbukas ng pinto, senyales na may pumasok sa kuwarto pero hindi ko na nagawang lumingon pa.
"Gising ka na, kumusta na pakiramdam mo?" Si Kuya Sin.
"Eto, humihinga pa naman ako." Sagot ko sa kaniya.
Inismiran niya ako bago muling nagsalita. "May dala akong pagkain, kumain ka na." Sabi niya at isa-isang inilabas ang pagkain na nakalagay sa paper bag. Hinayaan ko siyang asikasuhin iyon hanggang sa maihanda na niya sa harapan ko.
"Kumain ka." Utos nito sa'kin.
"Eto na nga po." Sagot ko at nagsimula ng sumubo. Mabango ang ulam pero wala akong panlasa. Hindi ko na inintindi pa iyon at itinuloy nalang ang pagkain.
"Nasa'n na si Assilla?" Maya-maya'y pagbasag ko sa katahimikan.
"Huwag mo muna siyang isilin—"
"At bakit naman?" Pagputol ko sa sinasabi niya.
"Tapusin mo muna pagkain mo." Sabi nito habang nakapandekuwatro sa upuan.
"Bakit hindi na'tin ngayon pag-usapan habang kumakain ako?" Pangungulit ko.
"But—"
"Hindi ko ba puwedeng malaman kung nasaan na ngayon ang nanakit sa'kin?" Sabi ko.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "She's got arrested.," Pagsabi niya ng totoo kaya mas lalo akong nagkaroon ng interes.
"So kailan ko siya puwede makita? Mamaya?" Sabi ko habang nililigpit na ang pagkain.
"Hindi ka pa lumabas ng hospital, magpagaling ka muna." Pagkontra ni Kuya sa gusto ko.
"Ano pa bang gagawin ko rito? Para naman akong mamamatay nito! Sugat lang 'yan at sakit ng ulo, hindi ako nag-aagaw buhay." Pagmamayabang ko sa kaniya. Nakita ko ang pag-iling niya.
"You need to get well before facing that criminal." Sabi ni Kuya. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.
Pinilit at pinilit ko parin si Kuya na palabasin na ako rito hanggang sa bumigay siya. Nagawa pa niyang paupuin ako sa wheelchair kahit hindi naman na kailangan pa. Pinagalitan niya ako ng tanggalin ko ang swero na nakakabit sa akin pero hindi na siya nagpumilit pang ipabalik iyon dahil ayaw ko talaga niyon, ni hindi ko alam kung para saan ba iyon.
Magkasama naming pinuntahan si Assilla sa kulungan. Hindi ko na maintindihan ang sitwasyon niya, para na siyang baliw na tumatawa mag-isa at iiyak nalang bigla. And perks of being a criminal attorney alam ko na ang posibleng ibig sabihin ng ikinikilos niyang iyan. Imbes na magalit sa kaniya sa kabila ng ginawa niya sa'kin ay wala akong ibang naramdaman kundi maawa sa kaniya ng makita ko siya. At gaya nga ng hula ko, she's determined by her illness. Kailangan niyang pagbayaran ang kasalanang nagawa niya pero mas kailangan niya magpagaling. Tao rin siya, hindi imposibleng makaramdam ako ng simpatya. Sa huli, unti-unting nawala ang kasuklaman ko sa kaniya pero hindi parin ibig-sabihin no'n ay napatawad ko na siya. Nakararamdam lang ako ng awa.
Kinasuhan si Assilla ng patong-patong na kaso sa mga krimeng nagawa niya at paniguradong apektado rito ang imahe ng pamilya niya. Diyos lang ang may alam sa nakatadhanang mangyari. Nahaharap siya ngayon sa patong-patong na krimen kagaya na lamang ng Cybercrime, Frustrated murder, Kidnapping at Bigamy. Hindi pa nakatulong ang impormasyong hindi lang pala ako ang ginawan niya ng hindi makataong kilos na iyon.
Samantala, ang isipin namang niloko lang pala ako ni Aldrus ay siyang nakapagpapabagabag sa akin. Talaga ngang binigo niya ako. Kung noon karapat-dapat siyang maipanalo ako dahil sa respeto niya sa'kin, ngayon hinding-hindi ko na nakikita ang pagmamahal niya, hindi na siya ang Aldrus na nakilala ko noon, ibang-iba. Noong pinapahirapan ako ni Assilla, wala man lang siyang nagawa kundi titigan ako at maging blangko na para bang naglalaro lang na mga bata ang nasa harapan niya. Hindi lang iyon, dahil sa pagiging mapagmatyag ko alam kong may kakaiba sa mga nangyaring eksena, parang may mali. At iyon ang aalamin ko. Hahanapin ko si Aldrus at hihingin ang paliwanag niya.
Nakaalalay sa'kin si Kuya nang makalabas ako ng sasakyan. Ang sabi ko sa bahay na muna ako uuwi. Ayoko munang umuwi sa apartment ko dahil hindi ako puwedeng makampante lalo na't ngayong alam ko na ang katotohanan. Wala na akong tiwala pa kay Aldrus. Baka nga nagmamasid lang iyon sa paligid ko, hindi ko maintindihan kung anong pinakain sa kaniya ni Assilla at bigla na lamang siyang umamo at nagpaalipin dito. Dismayado ako.
Hindi ko sinabi sa pamilya ko ang totoong nangyari bago pa man ako ipakidnap ni Assilla, lalong-lalo na ang nangyari samin ni Aldrus. Sa lahat talaga ng lalaki sa kaniya pa ang una ko, nakakalungkot isipin na minahal ko siya pero dito lang pala mapupunta lahat. Kapalaran nga naman.
I checked my business website. Naalala kong may kliyente pa akong dapat asikasuhin. Kahit hindi pa masyadong mabuti ang mga natamong sugat ay minabuti kong makipagkita sa kanila. Well this is my job. Nagulat pa sila ng makita ang iilang galos ko sa mukha pati ang sugat sa ulo pero ipinaliwanag ko naman sa kanilang naaksidente ako at okay na ako. My client is actually our family's friends kaya naman pala nakuha nila ako. And I'm glad they trust me with this one. Ipinagpatuloy namin kung ano man ang aming napag-usapan sa pag-asikaso ng mga proseso. But when everything starts to goes smoothly and I'm being consistent, unfortunately I lost the case. That's part of my job as well, I may lose or win the case but I'm still an attorney that become devoted to law. Nakakalungkot nga lang, I disappoint them. But the real deal is to be fair from justice, I just did my job.
It's been 2 months, hindi pa rin ako makahanap ng clue kung nasaan ngayon si Aldrus. Gusto ko siyang magpaliwanag at marinig ang point of view niya pero hindi ko siya mahagilap. Hahayaan ko nalang siguro ang panahon na maglapit samin sa isa't-isa, hindi para muling maibalik ang dati kundi para maliwanagan ako sa lahat. Deserve ko rin ng katotohanan at gusto kong marinig iyon mula sa kaniya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-eehersisyo ng makaramdam ako ng pagkahilo. Para namang hinahalukay ang tiyan ko at sa isang iglap natagpuan ko na lamang ang sarili na naduduwal sa lababo. Kunot-noo kong tinitigan ang repleksyon sa salamin habang nag-dadalawang isip kung paniniwalaan ang nasa isipan. Buntis kaya ako? Agad ko ring iwinaksi sa isipan iyon at nagpahinga na lamang sa sofa. Nangangalahati palang ako sa pag-eehersisyo gaya ng routine ko pero sobrang tinatamad ako at parang gusto ko na lang muna kumain. Sa huli kumain nga ako. Sayang lang ang exercise ko.
Naikuwento ko kay Ate Dan ang tungkol doon. Sinabi ko sa kaniya lahat pati ang tungkol sa nangyari samin ni Aldrus. Hindi naman siya makapaniwala doon at nagugulat sa mga isiniwalat ko. Pero siya lang ang pinagkatiwalaan ko doon,siya lang ang tanging nakaaalam ng tungkol doon kaya umaasa akong huwag na sana itong umabot pa sa mga Kuya ko. Ngayon ay plano kong i-check kung totoo nga ba ang theory ni Ate Dan na buntis ako. Minsan ko ng inisip iyon pero hinihiling kong sana hindi. Sana hindi totoong buntis ako. Pero ika nga, expect the unexpected...
"Congratulations Miss Guillana, you're 2 months and 6 days pregnant." Halos magpanting ang tenga ko sa narinig.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
☺️🥰
15/08/2023
0my masterpiece
30/12/2022
0500
03/08/2022
0Tingnan Lahat