Homepage/Rebellious Compassion/
Chapter 03
"Nakatulog ka ba kagabi?' tanong n'ya sa'kin.
" At bakit naman hindi ako makakatulog kagabi? May rason ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kan'ya.
"Tumawag kasi ako kagabi 'di ba?" pagdadahilan n'ya.
"E' ano ngayon kung tumawag ka kagabi?"
"Hindi ka man lang ba naapektuhan ng boses ko?" sinimangutan ko s'ya dahil sa mga pinagsasabi.
"Tigilan mo 'ko d'yan sa mga kalokohan mo. Kahit kailan wala ka talagang nasasabing matino sa harapan ko." sabi ko at tumungo nalang sa desk dahil wala pa ang titser namin.
"Tss, sinasabi ko lang kasi baka napuyat kita kagabi. Nagpatulong ako sa'yo sa assignment na'tin, madami ako tinanong at anong oras narin 'yun. Galit ka ba?" hindi ko s'ya pinansin.
Science time namin ngayon at nagpaquiz si Ma'am Tina. Lima ang mali ko dahil capital letters pala dapat sa limang nahuli. Dinidistract ako ni Aldrus kanina kakatanong kaya hindi pa ako makapagfocus. Tapos ngayon, s'ya ang nakaperfect samantalang sabi n'ya kanina hindi daw s'ya nag-review. Ang galing.
"Ang galing talaga ng crush ko, perfect ang quiz." rinig kong sabi ni Alina na nasa likuran ko. Nakita ko ang pag ngising-aso ni Aldrus sa tabi ko kaya tinarayan ko s'ya.
"Dae." pagtawag n'ya sa'kin.
"Oh?"
"Dami ko ng pangarap dumagdag ka pa." napamaang ako sa sinabi n'ya. Anong pinagsasabi niya diyan? Malakas ang pagkakasabi n'ya no'n kaya malamang rinig ng mga kaklase namin pati narin ni Ma'am Tina.
"Ayieee!" kantyaw ng mga kaklase namin kaya kinilabutan ako.Muling nagtama ang paningin namin ni Aldrus kaya ipinukol ko sa kan'ya ang masamang tingin.
"Ewan ko sa'yo Aldrus, kilabutan ka nga!" pabulong na singhal ko sa kan'ya.
Napansin ko ang tingin ni ma'am Tina banda sa'min kaya umayos ako ng upo at nag-focus nalang sa whiteboard kung saan nakasulat ang mga sasagutan.
"Dae." bulong niya sa'kin habang sinisiko ng mahina ang braso ko para mabaling ang atensiyon ko sa kan'ya. Kahit kailan lagi n'ya nalang ako iniistorbo. "Ano ba? Kanina ka pa!" pabulong na singhal ko habang pinanlalakihan s'ya ng mata. Baka mamaya niyan mahuli kami ni ma'am tapos sabihin nagkokopyahan kami.
"Are you sure we haven't had a class together before?"
"Ano bang klaseng tanong 'yan? Malamang wala, hindi nga tayo nagkakilala noon."
Ngumiti muna s'ya bago sumagot."Really? Well, I think we had because I could have sworn that we had chemistry together." may sapi 'ata s'ya ngayon, kung ano-ano pinagsasabi.
"Ay inayy! Si president pumapag-ibig na naman." sabat ni Jerson na katabi ko lang din.Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy na ulit sa quiz. Nakakain 'ata s'ya ng lason kaya naman kung ano-ano lumalabas na salita sa bibig n'ya.
Lumipas ang buong oras sa klase at ng mag-uwian ay nauna na akong lumabas at pinuntahan si kuya Zamer sa section nila. Nagdadasal pa sila kaya nag-stay muna ako sa labas. Hindi ko naman alam na nakasunod na pala si Aldrus kaya nagkauntugan pa kami ng ulo matapos akong lumingon bigla.
"Ano ba kasing ginagawa mo d'yan?"
"Sinundan kita."
"Aso ba kita ha? Aso? Buntot ka ng buntot sa'kin ano bang kailangan mo!"
"Masama bang sumama sa'yo?"
"Oo, kung lahat nalang ng kilos ko nakasunod ka rin!"
"Sorry." paghingi niya ng paumanhin pero hindi ko na s'ya pinansin pa at sumilip nalang ulit sa classroom ni Kuya Zamer. Pero pinagsisisihan kong ginawa ko 'yon dahil pagsilip nakatingin na silang lahat sa'min. Pati ang teacher nila ay nawawalan ng pasensiyang nakatingin sa'min. Agad akong humingi ng paumanhin at hinila si Aldrus paalis doon.
Nakakahiya!
Malamang nakita rin ni Kuya Zamer iyon kaya baka mamaya pagalitan ako. Pero hindi naman gano'n si kuya sa'kin. Baka lang.
Ng makababa ay dumeretso ako sa quadrangle para doon nalang maghintay. Nakasunod lang sa'kin si Aldrus.
"Dito ka lang, kukunin ko pala kay Ate Dan 'yung hinihiram ko sa kan'ya." paalam ko sa kan'ya. Baka kasi sumunod na naman.
Tatayo na sana ako ng higitan n'ya braso ko at tumayo rin. Kakasabi ko palang. "Can I follow you?" kakasabi ko pa nga lang.
"Dito ka lang, babalik din ako agad!" sabi ko at binaba ang mini shoulder bag na dala ko para iwan nalang sa kan'ya.
"Hindi, sasama ako." pamimilit n'ya.
"Anak ng! Dito ka nga lang, hindi naman ako magtatagal."
"I won't let you, sasama ako."
"Bakit ba? Para naman akong mawawala nito!"
"Because mom tell me, I should follow my dreams." tumagal pa ang ilang segundo bago ko ma-gets ang sinabi n'ya. Kingina.
"Ewan ko sa'yo!" tinalikuran ko s'ya at naglakad na palayo. Salamat naman at hindi na s'ya sumunod pa pero habang papalayo ay naririnig ko ang pagtawa n'ya. Trip na naman n'yang asarin ako.
Si Ate Dan ang unang naging kaibigan ko rito sa loob ng paaralan kaya naman naging malapit na kami sa isa't-isa.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may makita akong nagbabangayan sa may dulo ng locker. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at napagdesisyunang 'wag nalang sila pansinin. Ngunit ng matapat sa kanila at marinig ang pinag-uusapan nila ay saglit akong napahinto.
" Really? 'Eh nakita ko nga kayo magkasama ni Zamer kagabi. Now tell me, wala ba talagang namamagitan sa inyo?" maarteng sabi ng babae. Nakataas ang kilay nito at nakakaintriga ang kaniyang tingin.
"Wala Eevie, magkaibigan lang kami. I have to go now-"
"Kinakausap pa kita!" walang pasabing hinigit ng babae ang braso ng kausap nito dahilan para malaglag ang mga libro at ilang gamit na dala nu'ng isa.
"Eevie, male-late na ako! I'm sorry!" may halong inis na sabi ng isa at patakbong umalis.
Bakit kaya nila pinag-uusapan si Kuya Zamer? Napaharap sa'kin ang babae kaya nagtagpo ang paningin namin.
"What now?" pagpansin nito sa'kin habang nakapukol ang kaniyang mataray na tingin kaya naglakad nalang ulit ako paalis.
"Chismosa." rinig ko pang pahabol na sabi n'ya.
Nakakalayo na ako ng maramdaman kong humabol s'ya at pinigilan ako sa paglalakad. "Hey! Wait! You're Zamer's sister right?!" abot tenga ang ngiti niya ng humarap ako.
"Oh, e' ano ngayon?" walang ganang tanong ko sa kan'ya. May pupuntahan pa ako!
"I'm Eevie! And you are?" nilahad n'ya ang kamay sa'kin. Tinaasan ko rin s'ya ng kilay gaya ng ginawa n'ya sa'kin kanina bago ngumisi at umalis sa harapan nya. Balimbing!
Dumeretso na ako sa building ni Ate Dan. Nasa music class daw sila at sakto naman ang dating ko dahil papalabas na sila. Naghintay nalang akong lumabas sila at ng makita s'ya ay lumapit ako.
"Ate!" pagtawag ko sa kan'ya habang nakataas ang isang kamay para makita n'ya ako agad. Madami kasing tao.
"Babes!" lumapit s'ya sa'kin.
"Owemji! I have something to tell you! Guess what?" sabi nito sa'kin. Tinanong ko kung ano iyon dahil wala naman akong alam sa sasabihin niya.
"I've already know him."
"Hala? Totoo? Nice! Pakilala mo sa'kin ha." sabi ko habang tumataas baba ang kilay.
Ang tinutukoy niya ay 'yung anonymous person na nanliligaw sa kan'ya. Anonymous talaga dahil nagpapadala lang ng mga gifts and nag-uusap sila through text. Hindi ko rin alam pero makikilala ko rin 'yun.
Bumalik na ako sa baba dahil baka naiinip na si Aldrus at saka ko palang naalala na may kailangan pala ako kay Ate Dan. Mamaya nalang siguro.
"Oh? Tara na!" pagyaya ko sa kan'ya habang sinasabit ang bag sa balikat.
"Why do you takes too long to come back? Kanina pa ako naiinitan dito." reklamo n'ya.
"Sino ba kasi nagsabing magpainit ka?" pambabara ko sa kan'ya. Nauna na akong naglakad palabas ng gate at nakasalubong ko pa si Manong guard na may malisyosong tingin na ipinupukol sa'ming dalawa ni Aldrus. Hays maissue talaga mga tao ngayon.
One of the rules dito sa school: No boyfriends, nor crushing by your classmates, schoolmates or teachers. Because this is a private school. Well, you can keep it secret but not private.
Ng makalabas ng gate at agad akong pumasok sa van dahil naghihintay narin doon ang driver. Pumasok narin si Aldrus dahil magkasama naman kami lagi, sumasabay sya sa'min ni Kuya Zamer at magkatapat lang din bahay namin.
Wala pa si Kuya Zamer kanina kaya naghintay kami. Ilang minuto ang itinagal bago s'ya dumating at hingal na naupo sa likuran, tumakbo ba s'ya? Hindi ko na tinanong pa at pumikit nalang habang pauwi.
Ng makarating ay hindi pa bumaba si Aldrus kaya kunot-noo ko s'yang binalingan ng tingin . "Ano pang hinihintay mo riyan? Grasya?" saka palang s'ya bumaba ng sinabi ko iyon.
"Review tayo mamaya, malapit na exam." suggest n'ya. Lagi naman kami magkasama mag-review total same grades kaming tatlo nina Kuya Zamer kaya um-oo nalang ako. Bakit sa'kin s'ya nagpapaalam? Puwede naman kay Kuya Zamer nalang.
Pumasok agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang nakitang oversized t-shirt sa ibabaw ng kama at isang maong short na nakalagay doon. Bago ako umalis nakahanda na ang mga iyon sa ibabaw ng kama para hindi na ako matagalan pa. Nilugay ko ang buhok at sinuklay, pero tinali ko ulit ng messy bun.
Wala si mom sa bahay at si dad naman nasa work. Oo, mom at dad ang tawag ko sa kanila pero hindi parin ako nasasanay na tinatawag iyon sa kanila. Kapag kasi nanay at tatay naman hindi bagay. Wala akong choice, since 'yun din naman ang tawag nina kuya sa kanila kaya nakigaya nalang ako. Maayos naman ang pakikitungo nila sa'kin. Hindi sila nagkulang sa mga pangangailangan ko sa paaralan at sa araw-araw na pamumuhay ko rito. Pakiramdam ko parin bisita lang ako rito kahit isang buwan na ang nakakalipas. Masaya ako na nakakasama ko sila lalo na ang mga kuya ko, ang saya pala kapag may mga kapatid.
Narinig ko ang katok ng kung sino si pintuan kaya pinagbuksan ko iyon. "Ija, pinapasabi ng kuya mo na 'andiyaan na si Aldrus, mag-aaral daw kayo." si Manang Fe.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at dumeretso sa study room. Nadatnan ko doon si Aldrus habang nag-i-strum sa gitara. Wala pa si Kuya Zamer. Binaba ko ang mga gamit ko at naupo sa tabi n'ya.
" Start na tayo? Wala pa si Kuya, tawagin ko muna." sabi ko at astang tatayo ng magsalita siya.
" He can't join us, may pupuntahan daw s'ya." sabi nito habang hawak parin ang gitara.
"Ah gano'n ba? Sige, start na tayo." sabi ko at kinuha ang English literature book ko.
"Ano pang ginagawa mo? Akala ko ba magrereview tayo?" pamamansin ko sa kan'ya dahil wala s'yang ginagawang kilos at nananatili paring nakaupo sa puwesto n'ya kanina.
"Tinatamad na ako." pag-amin n'ya.
"Ikaw nagyaya tapos ikaw rin tinamad."
"It's boring." sagot n'ya.
"Ang boring ko kasama? Mag-review ka mag-isa kung ganu'n." sabi ko sa kan'ya.
"No, that's not what I mean. I mean studying is bored , I'm not at the mood right now." excuse n'ya.
" Anong nakakaboryo sa pag-aaral? Parte ng buhay na'tin ang pag-aaral. At kung ayaw mo akong samahan mag-review mabuti pang umalis ka nalang dahil gusto ko ng katahimikan." sabi ko ng hindi nakatingin sa kan'ya.
Akala ko'y wala na s'yang sasabihin pero maya-maya pa'y narinig ko s'yang nagsalita. "Nagbago na ang isip ko, magreview na tayo."
Sinuot ko ang earpods at nakinig sa instrumental music para makapagfocus at para narin hindi ko marinig ang pag-iingay n'ya kung sakali man, ayokong naiistorbo.
Akala ko ay magiging tahimik na ang pagre-review naming dalawa kaya panatag ako pero ng napatingin ako sa kan'ya ay nakapatong na ang ulo niya sa table at nakaharap banda sa'kin habang nakangiti. Ano bang problema n'ya? Tinanggal ko ang earpods at hinarap siya. Tinaasan ko s'ya ng kilay, naghihintay na may sabihin s'ya.
"Netflix ka ba?" sabi n'ya kaya inirapan ko s'ya. Lumalabas na naman ang mga corny jokes n'ya.
"Kaya kasi kitang panuurin buong araw." narinig ko bago ilagay ang earpods sa tenga. Bahala siya diyan.
"Kung wala kang gagawin dito umuwi ka nalang." sabi ko at hindi na narinig pa ang sagot n'ya dahil may earpods na nakasalpak sa tenga ko.
Nag-focus na talaga ako sa pagre-review buong oras at maya-maya din ay pumasok si Manang Fe para dalhan kami ng meryenda, nakatulog na si Aldrus kaya hinayaan ko na. Pancakes, waffles at juice lang ang hiningi ko kay Manang kanina pero may dala pa s'yang pritong saging dahil alam n'yang paborito ko 'yun. Nagsimula akong kumain habang nagrereview.
Mga bandang mag-aalas singko na ng hapon ng magising si Aldrus at humingi ng pasensya sa'kin dahil tinulugan n'ya ako, ang sabi ko okay lang naman baka pagod s'ya.
"Can I ask?" biglang tanong n'ya sa'kin.
"Ano 'yun?"
"I hope you don't mind but are you a gay?" napatingin ako sa kan'ya.
"Bakit mo naman natanong?"
"Are you mad at me? It's just that, I've always notices it on how you act, how you talk sarcastically talk to people, your style, did you get it?"
"Hmm? Ano ba sa tingin mo?" pagbabalik ko ng tanong sa kan'ya habang ngininguya ang ubas na kinakain ko.
" Maybe you're a gay. Or a bi?" siguro kung itatanong n'ya 'yan sa ibang babae magagalit ba? Okay lang naman sa'kin 'yun, iyon ang napapansin n'ya sa'kin.
"Well, that's a nice question and I think the only thing importantly you need to know is I'm a human." Napapa-ingles na sagot ko at natawa naman siya.
"Nevermind."
"By the way, can I ask for a favor?" maya-maya'y sabi n'ya.
"Ano 'yon?"
"Can we go out?" nahihiya pang sabi n'ya.
"Lalabas? Bakit? Uuwi ka na ba? Bakit kailangan ko pa kasama?"
"No, I mean...you must be a fossil." ano na naman sinasabi n'ya?
"Eh?"
"You must be a fossil, because I would like to date you." kinunutan ko s'ya ng noo.
"Sasali ka ba ng 'pick-up lines contest'? Itigil mo 'yan sa harap ko baka akalain ng ibang tao seryoso."
"I'm serious."
"E'di sumali ka."
"Sasali saan?"
"Corny jokes and pick-up lines contest." sabi ko habang minomotion pa ang kamay ko bago s'ya tinarayan.
"I didn't say a thing." nagkibit-balikat s'ya.
"Ewan ko sa'yo." tinawanan lang n'ya ako.
"You know what? I like you." sabi n'ya habang patango-tango pa.
"Hindi kita gusto." sagot ko habang puno ang bibig ng kinakain.
"Yeah right. What I mean is I like your appearance, your personality, the way you act, you're different from other girls I've encountered." sabi n'ya.
"Oh tapos?"
"I just like the way you are...So, are we friends?" sabi pa nito.
"Hindi pa ba tayo magkaibigan sa lagay na 'to?" pagbabalik tanong ko sa kan'ya.
" I think we are, I just want to clarify things because you seems so unfriendly." sabi n'ya.
" So sa isang buwan na pagsunod-sunod mo sa'kin ngayon mo palang narealize na magkaibigan tayo? Hindi nga ako palakaibigan, kung sino ang lalapit sa'kin at willing maging kaibigan ko e' wala naman problema doon. Hindi ko kailangan ng kaibigan pero kailanman hindi ko pa nakita ang sarili ko na walang kaibigan dahil sila, ikaw mismo ang lumalapit sa'kin. Therefore we're friends." pagkaklaro ko.
"Good. Let's go out? I swear you haven't already buy art materials for tomorrow?" tama nga s'ya.
Napagdesisyunan naming lumabas nga para mamili ng art materials para sa activity namin bukas. Hindi ko na binago ang suot ko. White oversized t-shirt and faded maong shorts. Nagsuot nalang ako sapatos.
"Can I tie your shoes?" bigla n'yang pagkausap sa'kin kaya napatingin ako sa sapatos ko. Natanggal nga ang pagkakatali ng sintas niyon .
"I don't want you to fall for anybody else." sabi pa n'ya bago bumaba at walang pag-aalinlangang tinali ang sintas ng sapatos ko.
Pumasok na kami sa national bookstore. Dumeretso agad ako sa section ng art materials pero hindi s'ya nakasunod kaya nagpalinga-linga ako ng tingin bago ko s'ya makita sa section ng mga libro. Mahilig ba s'ya doon? Ng makuha ang mga kailangang art materials ay pumunta ako sa direksiyon kung nasaan siya at naabutan itong tinitingnan bawat libro.
Ng mapansing may tao sa tabi n'ya ay napatingin ito sa'kin. "Are you into books?" tanong n'ya.
"Medyo." bakit naman kaya n'ya natanong?
"Magkakasundo kayo ni Ania kung isa ka ring bookworm." sabi nito.
"Sino si Ania?"
"AJ's bestfriend."
"Sino namang AJ?"
"Oh, hindi mo pa pala sila kilala, I'll introduce them to you next time." tumango nalang ako.
"Oy! Aldrus and Daesyn?! Ba't magkasama kayo?" sigaw ni Jerson mula sa malayo ng makita kami.
Malisyosong tingin ang ipinupukol nito sa'kin kaya napapailing nalang ako."Oy kayo ha! Kayo ba?! Ackkk!!" ang hyper n'ya, may pagpalo pang nalalaman.
"Sira! Hindi. Magkapitbahay lang kami. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" ako na ang sumagot.
" Aywehba? 'Di mo sure! Eto, namili lang din ako ng art materials." tumango tango ako, malamang namili nga s'ya ng art materials.
"Sige sige a', may pupuntahan pa ako e'. See you around!" paalam nito at umalis na.
Lahat nalang ba ng makakakita sa'min kapag magkasama kami na agad? Hindi pa pupuwedeng magkaibigan lang? Masyado silang ma-issue.
Si Ate Dan nga at Kuya Damon, magkaibigan lang din naman sila. Ano bang masama doon?
Isang buwan na naman ang lumipas at nagkakaroon na ako ng mga bagong kaibigan. Ipinakilala sa'kin ni Aldrus sina Ania at AJ na tinukoy n'ya noon pati si Harvin na madalas din daw n'yang nakakasama.
Masaya sila kasama. Nagkakasundo din kami ni Ania sa ibang mga bagay. Gusto ko kung pa'no s'ya manamit. Maarte magsalita pero hindi sa kilos. Si AJ naman parang may lahi s'ya base s'ya kulay ng kan'yang nga mata pati ang kutis n'ya. Si Harvin tahimik lang pero kapag masaya s'ya ang hyper naman mas'yado.
Pero syempre first friends never dies. Nakakausap ko parin sina Ida at Riri. Nabalitaan ko rin na magtatrabaho daw sa Maynila si Kuya Tope, baka sakaling magkita kami, makapag-usap at magkumustahan. Nakakausap ko sina mama at papa tuwing libre ang oras ko at sa tuwing alam ko na oras na nasa bahay sila. Noong nawala ako ako ay sina Riri at Ida na ang pumalit sa'kin sa bahay at masaya ako na kahit papa'no may nakakasama sina mama at papa doon at maigi narin iyon dahil wala ng magulang na gagabay sa kanila kapag umalis din si Kuya Tope. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
☺️🥰
15/08/2023
0my masterpiece
30/12/2022
0500
03/08/2022
0Tingnan Lahat