Homepage/Rebellious Compassion/
Chapter 26
College days came. Same school parin ako under Legal Management. Aldrus naman ay B.S Psychology, hindi ko alam kung bakit. Kuya Zamer take TVL.
After college, I entered law school for another 4 years. I'm occasionally studying second year in law school, inuhanan ako ng Mentor ni Dad. We're officially good.
It's already 9 years since I became part of family Guillana and I'm currently 23.
Magkahiwalay na kami ni Kuya Zamer at hindi na rin kami magkasama ni Aldrus lagi.
We take each other's own path.
Si Ania naman ay halos isumpa ko nang sabihin niyang stay strong daw kami ni Aldrus. Ang buong akala niya ay noon pa man may namamagitan na sa amin ni Aldrus ngunit nilinaw ko sa kaniya na magkaibigan lang kami simula pa noon at nililigawan palang niya ako ngayon. Kaya naman naliwanagan na siya.
At oo walong taon na akong nililigawan ni Aldrus. Kamangha-manghang hindi siya pumalya ni isang beses o nagsawa man lang para iparamdam sa'kin yung nararamdaman niya. Pero alam ko sa sarili ko na hangga't hindi ako nakakapagtapos, hinding-hindi ako papasok sa isang relasyon na alam kong magdadala lang sa'kin ng sakit ng ulo. Kaya ngayon, makuntento muna siya sa sitwasyon namin. Nirerespeto niya ang desisyon ko. Hindi naman siya mahirap mahalin gaya ng sabi ni Ate Dan pero wala namang nananatili, lahat nagbabago at walang kasiguraduhan. Maghihintay nalang sa tamang panahon. Pero sigurado na ako sa kaniya.
"Walong taon mo na siya nililigawan, hindi ka pa ba niya sinasagot?" Rinig kong tanong ng kaibigan ni Aldrus sa kaniya. Lalapitan ko sana siya nang makitang may iba siyang kausap. Lumiko muna ako para kumuha ng libro sa isang bookshelf pero naririnig ko ang usapan nila mula rito. Hindi nila ako napapansin. Magme-meet up kami ngayon.
"Dude, I know. And I respect her decision. Maghihintay ako."
"Hanggang kailan?"
"Hanggang sa handa na siya. She promised to me, sa tamang panahon." Sagot nito pero tinawanan siya ng kasama.
"Tamang panahon? Anong akala niya nasa makalumang panahon kayo? Maghihintay ng ilang taon? Ang daming babae diyan pre, maghihintay ka sa kaniya?" Namuo ang inis ko sa kausap niya kaya walang pasubali akong sumingit sa usapan nila.
"Huwag mo akong igaya sa ibang babae diyan na isang sitsit lang nakukuha na! Anong akala mo sa'kin, marupok at malandi?" Pamamranka ko sa kaniya. Umalis na lamang ito.
Naramdaman ko ang paghawak ni Aldrus sa braso ko."Hey, I'm sorry about that." Usal nito.
Hinarap ko siya. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, hindi ko nagugustuhan ang tabas ng bibig niya. Siguro maraming babae 'yon." Mahinahong sabi ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang balikat ko at pinantayan ang tindig ko. "Don't mind him. Ako na ang humingi ng pasensya sa nasabi niya." Pagpapalubag-loob nito.
"May totoo din naman sa sinabi niya. Sa dinami-dami kasi ng babae sa mundo, bakit sa'kin ka pa nagkagusto? Talaga bang sigurado ka na diyan sa nararamdaman mo?" Walang ano-ano'y sabi ko.
Bumuntong hininga siya. "Two years Day, dalawang taon na kitang nililigawan. Are you still doubting about my feelings?" Ako naman ngayon ang nadali.
"Sorry. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang akin lang, sana hindi ka mapagod maghintay. Well, ginusto mo din naman iyan." Sagot ko.
"I won't promise but I know I will never quit."
---
Kahit magkalayo na kami ng pinapasukang universidad ay hindi parin mawawala sa kaniya ang pagkukunsulta sa akin. Kapag magkasama kami, hindi siya nawawalan ng kuwento. Busy kami pareho sa school at ngayon nga ay ginagawa ko ang project namin sa biology. He's here beside me, nagkukuwento ng kung ano-ano. Hindi ko siya magawang mapakinggan ng maayos dahil abala ako sa ginagawa. Masakit ang ulo ko pero kailangan kong tapusin 'to.
"Are you listening?" Maya-maya'y tanong nito sa'kin.
"Huh? O-oo." Nasabi ko na lamang.
"Don't lie, you're not listening. You don't even react from my news." Tunog nagtatampong wika nito. Hindi nga ako nakikinig kaya naman hindi ko talaga alam.
"Haist. Oo na, hindi kita mapakinggan ng maayos dahil kailangan ko muna 'tong tapusin. Bukas nalang tayo mag-usap ha, pasensya na busy pa ako ngayon." Sabi ko ngunit hindi na tumingin pa sa kaniya.
"Halos wala ka nang oras sa'kin." Napalingon ako dahil sa sinabi niya.
"Anong sinasabi mo?"
"Lagi naman ganito eh. Sa tuwing bibisita ako, busy ka, bukas na tayo mag-usap, sa susunod nalang tayo magkita." Sabi nito kaya napaharap na ako sa kaniya.
"Aldrus..." Lumapit ako sa kaniya pero tumayo na siya.
"Sorry. Mag-usap nalang tayo kapag hindi ka na busy." Mahinahong sabi nito at ngumiti pa sa'kin na para bang okay lang sa kaniya.
Hinawakan ko ang dulo ng damit niya pero umalis parin siya. Naiwan naman akong nakatunganga. Galit ba siya?
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago iwan muna ang ginagawa at tumayo na. Sinundan ko sa labas si Aldrus. Nakita kong papatawid na siya kaya nagawa ko pa siyang habulin. Siya namang pagdaan ng humaharurot na kotse mabuti at nahila ko ang damit niya. Tumingin siya sa'kin ng kunot ang noo.
"Mag-usap tayo." Sabi ko rito.
"What for? Akala ko ba busy ka." May panunuya ang tingin nito sa'kin.
"Oo nga busy ako. Pero ayokong patagalin pa 'to. Galit ka diba? Kasi wala na akong oras para sa'yo–"
"Bukas na tayo mag-usap." Sabi nito pero humarang ako sa daanan niya.
"Kulang ako sa tulog, masakit ang ulo ko, wala na akong panahon kumain. Lahat ng oras ko nakalaan lagi sa pag-aaral, wala na akong oras sa'yo! Iyon yun Aldrus. Sana maintindihan mo. Kaya ayaw kitang lagi bumibisita sa'kin kasi busy ako, hindi kita maaasikaso, hindi kita makakausap ng maayos— nakakahiya na sa'yo. Gusto kita kumustahin at pakinggan pero kailangan kong unahin 'yon, yung ginagawa ko." Halos mautal-utal na paliwanag ko sa kaniya.
"Pero kahit isang beses nagawa mo man lang ako pakinggan diba? Sa tuwing pupunta ako para lang akong hangin sa tabi mo. Hindi mo 'ko magawang pansinin." Hindi ako makasagot sa sinabi niya.
"Mas...mas mabuti siguro kung—"
"No." Pagputol nito na para bang nahulaan niya ang dapat kong sabihin.
"Nakakapagod ba? Sabihin mo lang." Pakiramdam ko, ang selfish ko.
"I said I'll never quit. Ang gusto ko lang, atensyon! Sana kahit minsan pansinin mo naman 'yung effort ko. Well, kasalanan ko naman eh, sapilitan akong nanligaw. Baka nga napipilitan ka lang sa sitwasyon—"
"Aldrus..."
"Bakit, totoo ba?"
"Hindi!" Pagtanggi ko.
"Aldrus. Kahit ilang araw lang."
"Huwag mo naman masyadong ipahalata na ayaw mo sa'kin." Natatawang sambit nito.
"Hindi sa gano'n–"
"Halata ngang hindi ka nakikinig. Kanina, kaya kita pinuntahan kasi gustong ipaalam sa'yo, mawawala ako." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong mawawala?
"May sakit si Mama, gusto niyang umuwi sa Cayagan at baka doon narin muna ako mag-stay." Pagsabi niya ng totoo. Napapalunok naman akong umiwas ng tingin.
"Kanina ko pa sinabi 'yon, pero mukhang wala naman sa'yo. Nagpaalam ako pero hindi ibig sabihin no'n ititigil ko na panliligaw sa'yo, maghihintay pa rin ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami doon, sana pagbalik ko hindi ka na busy at makapag-usap na tayo." Mahinahong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Nakakaramdam ako ng guilt. Nahihiya ako sa kaniya.
"Mag... mag-ingat ka." Sabi ko nang hindi makatingin sa kaniya. Pumiyok pa ang boses ko.
Naramdaman ko ang paglapit nito sa'kin hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili na nakakulong sa mga bisig niya. Niyayakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako kumilos. "Don't miss me... it's illegal." Bulong nito kaya napapaikot mata ko. Okay na ba kami?
"Bukas na ang alis namin." Pagbibigay alam nito at tumango naman ako.
"Basta pagbalik ko, mag-usap tayo."
"Maghihintay ako." Otomatikong sambit ko. Napaiwas ako ng tingin ng ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.
"Go inside, finish your work." Utos nito sa'kin kaya sumunod na ako. Bago isara ang gate ay muli ko siyang nilingon, nakatingin parin siya sa'kin at saka muling ngumiti.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Ngunit kahit anong gawin ko ay pumapasok parin sa isip ko ang nangyari kanina. Talaga bang hindi ako namamansin? Pakiramdam ko ang selfish. From the very first place, hinayaan ko siyang manligaw. Pero gaya nga ng nakikita nila, hindi ko daw naaapreciate 'yon pero ang totoo kahit konting kilos lang niya ay malaking bagay na iyon sa'kin. Hindi lang ako showy kaya baka gano'n ang dating.
Dahil naman sa napag-alaman ko kanina, hindi ko alam kung ano pa bang kulang. Pakiramdam ko meron. May kailangan akong gawin. May kung anong nagsasabi sa'kin na pigilan ko siya, mag-usap kami ng maayos pakiramdam ko hindi naaayon sa kondisyon. Sa dalawang taon na panliligaw niya, hindi naalis ang respeto niya sa'kin. At lubos ko siyang hinahangaan dahil doon pero wala akong maramdaman na higit pa doon. Hindi pa ako handa. Kaya sana, hindi siya magsawa o mapagod na maghintay hanggang sa kaya ko na.
Kahit sumasakit na ang mata ko sa antok, hindi parin ako makatulog. Ala-una na ng madaling araw. Anemic na 'ata ako. Ipinikit ko na lamang ang mata at sinubukang i-blangko ang utak. Pero kung kelan naman unti-unti na akong hinihila sa pagtulog, saka naman tumunog ang cellphone ko kaya nagising muli ang diwa ko. Nakapikit kong inabot iyon sa katabing lamesita at sinagot habang nakapikit ang mata.
"Hello?" May halong inis na sagot ko.
[Hi. Nagising ba kita?] Agad akong napabangon nang mapag-alamang si Aldrus iyon. Pinilit kong imulat ang mata at nakitang pasado alas-dos na.
"Bakit ka napatawag?" Sabi ko at muling ipinikit ang mata.
[Sorry, nagising ata kita. Puwede ka ba lumabas? Gusto sana kitang makita bago umalis.] Kahit wala sa wisyo ay nagawa kong tumayo ngunit halos matumba nang mahilo. Nagawa ko paring lumabas sa balkonahe ng kuwarto kahit papaano.
[Are you sleep walking?] Tarantang tanong nito mula sa kabilang linya. Nakita siguro akong nakapikit. Iminulat ko ng kaunti ang mga mata.
"Hindi. Hindi kasi ako makatulog, masakit mata ko." Pag-amin ko.
[I advice you to take vitamins or some medicine prescribed by doctor. You should rest longer, pasensya ka na naabala pa kita.] May pag-aalaa sa boses na sabi nito.
"Hindi, okay lang. Nga pala, ngayon na alis niyo? Ingat sa biyahe."
[I will. Ikaw rin, mag-ingat ka lagi. Ibinilin na kita sa mga Kuya mo.] Natawa pa ako ng sabihin niya iyon. Sa mga Kuya ko pa nga.
[Sige na, goodnight milady.] Paalam nito.
"Goodnight."
---
Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng tawag sa smart phone ko. Agad ko itong sinagot at napag-alamang si Aldrus iyon. Nasa bus na raw sila. Ngayon ko lang din napagtantong umaga na at malelate na ako sa klase. Tatlong oras lang ata ang tulog ko. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makapag ayos, sa halos limang minutong itinagal ay lumabas na agad ako ng kuwarto at nagpahatid papunta sa unibersidad. Talagang late na ako nakarating lalo pa't traffic at malayo pa ang destinasyon–sa Ortigas ba naman. Napagalitan pa ako ng professor at halos hindi na makapasok sa isang subject, mabuti't nakahabol pa.
Ilang buwan ang nakalipas. Tuwing weekend ay tumatawag si Aldrus. Nagvivideo call kami minsan. Magkasama pa kaming nag-aaral matapos ang klase. Perks of being a psychology student, alam na alam niya ako. Kuhang-kuha niya ang kahinaan ko. Mahilig siya magmanipula ng isip kaya minsan naiisahan niya ako, nababaligtad rin niya ang isang sitwasyon kaya isa siyang threat sa buhay ko buwiset siya. Tapos mahilig din siya magbigay ng mga theories at mga supported evidences kaya kapag lagi kami nagsasagutan mas tumatagal ang tensyon. Lintik naman talaga ang lalaking yon. Pero kahit gano'n, aminado akong magkasundo kami. Minsan pa nga ay tinutulungan niya ako sa ibang topic na hindi ko maintindihan lalo na kapag lumulutang ang utak. Naturingan akong law student pero kung papansinin parang mas may alam pa siya sa akin.Nalalapit na kasi ang LSAT kaya todo review din ako. Laging tambak ng makakakapal na libro ang mesa at laging may nakalagay na schedule para sa mga kailangan gawin sa calendar plan. Halos wala na din akong tulog at laging puyat, ngunit kahit gano'n masaya ako't hindi naman ako laging nagkakasakit. Gan'to na ang set-up namin. Nagkakasundo na kami sa mga bagay-bagay.
Matalino si Aldrus. Doon na nga siya nag-aral sa probinsya pero napapanatili parin niya ang matataas na grado. Lagi niyang iniiwas ang sarili sa distraksiyon at pinapanatiling positibo ang sarili sa kabila ng mga pinagdadaanan niya. He's focused on his goals. Nakakamangha. Lagi niyang nakukuwento sa akin ang nangyari sa araw niya kaya naman tuwang-tuwa ako sa tuwing mapapakinggan ko iyon. Syempre hindi mawawala ang mga biro niya. Lagi din niya pinapaalam sa akin ang mga plano niya sa buhay, mataas ang pangarap niya at consistent siyang maaabot lahat ito. At aminadong kasama na ako doon.
Ang gusto ko sa isang ay iyong may mga prinsipyo sa buhay at malawak ang pag-iisip ng mga ideya. Kapag tinuturuan ako lalo na sa mga bagay na kulang sa kaalaman ko, na walang pahiwatig ng pagmamaliit. Isang tao na nagpapaliwanag ng isang bagay sa nang may kahinahunan at talino sa kanyang boses. Ngayon tinatanong ko ang sarili ko. Nagugustuhan ko na ba s'ya?
I'm halfway through falling in love.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
☺️🥰
15/08/2023
0my masterpiece
30/12/2022
0500
03/08/2022
0Tingnan Lahat