Homepage/Rebellious Compassion/
Chapter 24
Nang tumuntong ng senior highschool ay saka ko palang napagtanto kung ano ba talaga ang gusto ko.Desidido akong sumunod sa yapak ni Kuya Sin. HUMMS ang strand na kinuha ko. Si Aldrus naman at si Kuya Zamer ay parehong ABM ang kinuha.
Bukas na magsisimula ang inter-high. Hindi ko maisip kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Parang kahapon lang nasa bukid pa ako kasama sina Mama. Ngayon malapit na akong tumuntong sa kolehiyo. Mabilis lang ang isang taon at sa susunod matatagpuan ko na ang sarili ko habang nagtatrabaho. Maikli lang talaga ang buhay kaya hangga't maaari sulitin ko na ang ganitong pamumuhay.
"Nagawa mo na 'yung pinapasagutan sa PD?" Pagsulpot ni Kaia sa harapan ko.
"Huh? Oo." Sagot ko rito. Hinihingal pa ito kaya inabot ko sa kaniya ang tumbler ko na may lamang tubig.
"Salamat." Binalik niya sa'kin matapos uminom. Inayos nito ang uniform na nagulo at saka humarap ulit sa akin. "Lintik, 'diko pa nagagawa 'yung sa Gen. Math, may gawa ka? Pakopya ako ng mga given. Dapat pala hindi na ako nag-cutting class kahapon." Iritadong sambit nito kaya tinawanan ko siya.
"Ayan cutting class pa." Pagdaragdag ko sa inis niya bago iabot ang hinihiling niya.
Kahit abala ang lahat sa paghahanda para sa inter-high hindi parin paawat ang mga professors namin na magbigay ng school works at activities. Mabuti nalang at ginagawa ko na agad dahil ayokong may poproblemahin pa ako sa mga susunod. Maigi na 'yung maaga matapos para bawas isipin.
Tumayo na ako matapos ayusin ang mga gamit."Kunin ko nalang sa'yo mamaya. May pupuntahan lang ako ah." Sabi ko kay Kaia at tumango naman siya kaya umalis na ako.
Naglalakad ako sa hallway ng maalala na may kailangan pa akong kuhanin kay Aldrus. Pero ngayon ay papunta na ako sa principal's office dahil may importante akong papipirmahan. Tumuloy na ako sa paglalakad at napagdesisyonang pumunta muna sa P.O dahil malapit na ang cut-off niyon. Pagbalik ko saka nalang ako pupunta kay Aldrus.
"Miss Guillana, are you heading to the office?" Tanong sa akin ni Mrs. Bernabe ng makasalubong ko sa baba.
"Good morning Ma'am. Opo, papunta na ako ngayon." Sagot ko.
"Ay mabuti. Pasuyo naman, paabot sa office ni Sir Jayson." Sabi nito habang inaabot sa'kin ang isang tambak ng mga folders. Inayos ko muna ang pagkakalagay ng bag ko sa balikat at saka inabot iyon.
"Salamat." Ngumiti nalang ako at tumango sa kaniya.
Bitbit ang iniutos sa akin ni Miss Athena, dumaan muna ako sa office ni Sir Jayson bago dumeretso sa principal's office. Pero kamalas-malasan naman at hindi ko na naabutan, cut-off na sila. Mamayang hapon naman panigurado hindi ko na magagawang papirmahan pa ang kailangan ko kaya bale bukas nalang ulit ako babalik.
Dumeretso na ako sa room kung saang section si Aldrus. Pawisan ako ng makarating sa taas, ilang hagdan ba naman ang nilakad ko para lang makarating dito. Nitong mga nakaraang araw mabilis na ako mapagod at konting pagbubuhat lang ng mga kagamitan halos malagutan na ako ng hininga. Habang noon mabibigat na kahoy ay kaya ko pa. Hindi ko rin maintindihan dahil wala naman akong sakit, wala akong hika. Ang ginagawa ko lagi nalang ako nagbabaon ng tubig para naman hindi matuyo lalamunan ko.
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy at sumilip sa room nina Aldrus kung nandoon pa siya. Halos humaba ang leeg ko kakasilip sa bintana habang iniiwasang ding may makapansin sa akin. Nakumpirma kong wala sa loob si Aldrus kaya tumalikod na ako pero saka rin ang pagbungad ng mukha ni Aldrus sa harapan ko. Sobrang lapit niya sa'kin kaya napaatras ako ng ilang hakbang.
"Are you looking for me?" Tanong nito sa'kin.
"Tss, akin na 'yung scientific calculator ko. Sa susunod huwag mo na kalimutang dalhin ang sa'yo." Sabi ko rito.
"Noted ma'am." Sagot nito sa mapang-asar na tono bago buksan ang bag para kunin ang kailangan ko.Oo nga pala at naka-excuse siya sa klase dahil may training sila.
"Alis na'ko."
"Take care." Pahabol pa nito.
Bumalik na ako kay Kaia. Last two subjects nalang ang in-attendan namin bago matapos ang klase. Umuwi na agad ako pagkatapos.
Gaya ng lagi niyang ginagawa may ipinadala na namang pagkain si Aldrus. Hindi ko malaman kung para saan ang mga iyon. Halos isang taon na niyang ginagawa ito. Mukha ba akong namumulubi sa pagkain para padalhan ng kung ano-anong pagkain. Halos araw-araw na niyang ginagawa kaya kahit pagsabihan ko siya hindi parin siya papaawat.
"Is that a french baguette?" Agad na tanong ni Ate Dan ng makapasok ako sa loob. Ngayon ko lang nalaman na nandito pala siya.
Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang tawag doon kaya tumango lang ako. Tinapay lang naman 'ata iyon. Inalok ko siya na kumain no'n at kumuha siya ng isa.
"You're a member of music club right?" Pagtatanong sa'kin ni Ate Dan. Tumango naman ako bilang sagot.
"Do you know Kaia?" Napatingin ako sa kaniya ng mabanggit niya si Kaia.
"Oo."
"I don't like that girl." Halos mapamaang ako sa sinabi niya.
"Bakit naman?" Pagtatanong ko.
"She's getting out of my nerve! She's very...careless." Nagugulat naman ako sa sagot niya.
"P-parang hindi naman." Wala sa kondisyong naisagot ko.
Napalingon siya sa akin dahil sa sinabi ko. "Are you defending her?" Kunot-noong tanong nito sa'kin.
"Huh? Hindi. Ang akin lang, h-hayaan mo na. Baka hindi naman niya sinasadya. Pero teka ano ba kasing nangyari?"
"Her actions are upsetting! Ilang beses na siya nakagawa ng katangahan sa harapan ko. Pati ako nadadamay." Iritadong paliwanag nito kaya napapalunok ako. Hindi ko alam na gano'n pala ang tingin niya kay Kaia. Pero maging ako aminadong hindi ko nga naman kilala pa si Kaia dahil baguhan palang kaming magkakilala. Dahil lang sa music club, naging malapit kami sa isa't-isa. Pero hindi parin sapat na pag-isipan ko pa siya ng masama. Pero pa'no nga naman kung totoo ang sinabi ni Ate Dan? Pero totoo nga! Ay bahala na.
"Hayaan mo na ate. Kalimutan mo nalang, dagdag isipin lang 'yun." Bilin ko sa kaniya bago umakyat na sa taas para magbihis.
Dumating ang araw ng inter-high. Maaga magsisimula ang laro nila Aldrus kaya maaga din ako pumunta. Pasado alas otso palang ay puno na ang court, mabuti at maaga akong dumating at nakapili ng magandang puwesto. Saktong alas-nuwebe at nagsimula na ang laro. Sa una ay liyamado ang team pero kalaunan ay nakabawi din kaya panalo parin sila. Pangalawang laro ay muli silang nanalo kaya ilalaban ulit sila sa isa pa. At kung sinusuwerte, team Fatima ang tinanghal na champion.
"-PRISAA Regionals MVP Aldrus Augustus, Congratulations Team Fatima!"
Napuno ng hiyawan ang lugar nang mag-anunsyo sa speaker. Iyon palang ang naririnig ko at natatalo pa ng ingay ng lahat ang anunsyo sa speaker.
Nakita kong masayang nakikipag-usap si Aldrus sa mga ka-grupo niya. Kaniya-kaniyang hiyawan ang lahat at suportado talaga ang laro. Hindi magkamayaw ang ingay. Nakita kong ini-interview na ang isang coach at nakapaligid dito ang grupo ni Aldrus. Hindi ko alam kung ito ang unang beses na nanalo sila pero parang gano'n na nga 'ata, ngayon ko lang din naman sila nakita sa ganitong pagdiriwang.
Tatalikod na sana ako para lumabas na pero saka naman ang paglapit sa'kin ng tatlo kong Kuya. Sinalubong nila ng pagbati si Aldrus at dahil malaki na ang ulo nito nagyayabang na naman. Well, may maipagmayabang naman siya.
"Congrats dre!" Nasabi ko nang lumapit siya.
"Salamat." Ngiting ngiti paring sagot nito. Masaya siya.
"What's next? Then a celebration!" Hiyaw ni Kuya Sin. Proud kaibigan.
"Uh, huwag na pre, hindi nga rin ako sumama noong niyayaya ako ng team. Uuwi na ako, salamat sa inyo." Pagtanggi ni Aldrus na ipinagtaka ko naman.
"Ang kj mo naman." Si Kuya Zamer.
"Nangangalay kasi paa ko, ipapahinga ko lang 'to. Kung gusto niyo, bukas, baka puwede ako, ituloy na'tin." Pag-amin nito kaya medyo nabahala ako.
Sa ilang araw nilang puspusang paghahanda o training sa laro na naganap ngayon, hindi maiiwasan ang sakit ng katawan lalo't mahigpit na coach si Coach Randy. Walang excuse pagdating sa kaniya kaya naman grabehan talaga.
Kapansin-pansin rin ang kamay nitong nakabenda paikot sa daliri kaya naman kanina ay medyo nahirapan siyang mag-lead at minsan pang nabibitawan ang bola pero salamat narin at nairaos din nila. Nang makita niyang nakatingin ako dito ay napakuyom ang kamao niya sa kamay na iyon at bahagya itong itinago sa likuran.
"Uwi na ako." Paalam nito bago kami lagpasan. Halos paika-ika itong maglakad pero ng mapansing may mga matang nakamasid sa kaniya ay agad nitong inayos ang paglalakad. Napapakunot-noo akong nakamasid sa kaniya, halata namang hindi maganda ang pakiramdam niya nagkukunwari pa. Nagpaalam na ako sa mga Kuya ko at humabol kay Aldrus na ngayon ay dinadagsa rin ng mga ibang estudyante.
Hinila ko na siya paalis doon, kawawa naman. "Okay ka pa ba?" Tanong ko rito dahil kung pagbabasehan ang itsura niya halatang hindi.
"Ano ba sa tingin mo?" Wala sa mood na sagot nito kaya hindi nalang ako sumagot.
Sumama ako sa kaniya pauwi. Nag-iiwan ako ng distansya sa pagitan naming dalawa dahil parang may iba pang masakit sa kaniya hindi ko lang mawari. Kapag inaalalayan ko naman siya ang sabi niya kaya naman daw niya.
Imbes na dumeretsong uwi sa bahay namin ay sumama ako sa kaniya, sa bahay nila. Nadatnan namin doon si Celestine na hindi ko inaasahang nandoon pala. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa basta simula noong highschool naging malapit sila sa isa't-isa hanggang ngayon. Wala naman kaso sa akin iyon dahil sino ba naman ako para mangialam sa kanila. Basta nandito lang ako bilang kaibigan niya.
"Oh, hi Celes!" Ako ang unang bumati dito. Mukhang wala padin sa mood si Aldrus dahil wala itong naging imik at hindi man lang pinansin si Celestine.
"Nandito ka pala, kanina ka pa ba?" Tanong ko rito.
"Uh no, kakarating ko lang actually. May kailangan lang ako kay Rich." Sagot nito. Tumango tango naman ako.
"Ako naman hinatid ko lang siya, mukhang may masakit sa kaniya pero ayaw naman magpadala sa hospital. Wala sa mood, baka pagod lang 'yon." Sabi ko. Ngumiti naman siya ng mapait bago nagpaalam sa'kin.
Lumabas na ako at umuwi sa'min.
Natulog lang ako at nang magising ay saka nag-meryenda. Dala-dala ko ang cellphone at nagscroll-scroll habang kumakain. Bigla namang may nag-pop up na notipikasyon sa screen kaya pinindot ko iyon.
Aldrus:
Tara let's!
Seen
You:
Huh?
Seen
Aldrus:
Mag-b-beach kami
Reply niya.
You:
Oh tapos?
Aldrus:
Kasama sina Ania,
baka gusto mo sumama
You:
Sige lang
Delivered
Kahit wala naman akong sinabi na sasama ako, nang araw ding iyon ay binulabog ako ni Aldrus sa bahay. Takang-taka pa siya kung bakit hindi pa ako naghahanda. Wala naman sinabi kung ngayon na pala aalis. Napilitan tuloy akong mag-empake ng mga pagkain at kakailanganing gamit kung sakali pati ang ultimong tatlong pares ng damit dahil panigurado hindi naman kami magtatagal ng ilang araw. Miski si Manang Fe ay tinataboy ako. Pumayag ako dahil walang pasok ngayon hanggang sa susunod na araw.
Hindi niya pinasama ang drayber nila dahil siya na ang nag-presintang mag-drive dito. Noon pa man ay marunong na siya mag-drive at may student license na rin pero hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba siya sa pagmamaneho. Kinarga naman ang mga gamit na dala at saka ako sumakay sa passenger seat ng sasakyan nila.
Sa una ay okay naman ang pagda-drive niya pero kalaunan nang malampasan ang traffic ay mabilis na siyang magpatakbo kaya halos mauntog untog ako lalo na't baku-bako ang daan, nakasandal kasi ako sa may bintana. Hinayaan ko siya kung doon mapapabilis ang biyahe namin. Maya-maya pa'y inantok ako.
"Gisingin mo nalang ako kapag nakarating tayo at tulog pa ako." Sabi ko sa kaniya bago ipinikit ang mga mata.
Mahal kita, pero 'di mo lang alam....mahal kita~~
Nagising ako sa ingay ng radyo. Sumakit ang tenga ko sa biglaang paglakas ng tunog nito. Parang tinatambol naman ang dibdib ko sa gulat. "Ano 'yan?" Reklamo ko.
"Sorry, tina-try ko kasing lakasan kanina pero ayaw gumana. Ngayon naman sobrang lakas na, nagising ka pa." Napapakamot sa sentido ng sabi nito. Hindi ko na siya pinansin at tumingin nalang sa labas. Nasa biyahe parin kami at puro puno lang ang nakikita sa bawat gilid ng highway.
Nang tumingin sa oras ay pasado alas-sais na. Hindi ko alam kung mag-n-night swimming ba kami? Bakit ngayon pa kasi nagyaya.
"Malayo pa ba?" Tanong ko.
"In two kilometers ahead, turn left." Rinig kong sabi sa cellphone speaker na nakaconnect sa speaker.
"4 hours more." Sabi nito kaya napakunot naman noo ko. Malayo pa pala.
Buong biyahe ay wala akong ginawa kundi mag-cellphone at kumain. Matapos ang mahabang biyahe ay nakatulog ulit ako ng makarating kami sa sinasabi niyang beach. Nilibre din niya ako sa bayad ng cottage house na tutulugan. Sinabi kong hiwalay kami pero nakapag-register na daw siya ng isang bahay lang. Edi ang nangyari siya sa sala at ako doon sa kama. Nakakahiya naman at siya pa ang nagbayad, pero wala akong magagawa dahil ginusto din naman niyang matulog doon.
Kinabukasan matapos gumising ay naligo agad ako habang hindi pa gising si Aldrus. Paglabas ko naghihintay narin siya sa labas at halata namang maliligo din ito dahil nakasampay ang tuwalya sa balikat nito. Sinabi ko sa kaniya na mag-o-order na ako ng makakain namin para pagbalik ko kakain na kami. At gano'n nga ang nangyari.
Matapos mag-almusal ay nanatili ako sa loob ng cottage habang tinatanaw sa bintana ang pagsikat ng araw na nagtatagpo sa kulay asul na karagatan. Si Aldrus naman ay nagpaalam na umalis dahil may sasalubungin daw siyang kaibigan na paparating din dito.
Nang mataas na ang sikat ng araw at naboboryo na ako saka palang ako lumabas. Suot ko ang kulay puting bestida na hanggang tuhod. Nililipad pa ito kaya pinagsisisihan kong nagsunod ako ng gano'n. Bumalik na lamang ako sa loob at nahagilap ng tingin ang swimsuit na pinadala sa akin ni Ate Dan, hindi ko alam na nadala ko pala iyon. Dinampot ko ito at sinuot. Pinatungan ko din ng may kahabaang shorts bago lumabas.
Sakto namang nakita ko sina AJ. Sila pala ang sinasabi ni Aldrus na paparating din dito. Oo nga pala at nabanggit niya sa akin iyon bago kami umalis.
Buong maghapon ay wala kaming ginawa kundi maligo sa dagat at sumakay sa mga rides katulad ng banana boat at iba pa. Nagawa rin naming magpaligsahan gamit ang speed boat at halos mapatalon narin ako nang makitang nahulog si Ania. Kawawa naman. Mabuti nalang at may life jacket ito. Bigla namang binilisan ni Aldrus ang pagpapatakbo kaya halos mahulog din ako. Mabuti at hindi talaga ako tuluyang nahulog. Tinawanan pa ako nito kaya hinampas ko siya sa braso. Mukhang wala namang ubra iyon sa kaniya.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pag-eenjoy. Kumain kami ng tanghalian maya-maya. At morena na nga ako mas lalo pang nasunog ang balat dahil babad sa initan. Okay lang naman iyon.
Kinagabihan naman ay gumawa kami ng bonfire sa tabi ng dagat. Puwede naman pala iyon dito sa Potipot island. Sumama sa amin ang ilan pang kaibigan ni Aldrus. Hindi ko sila mamukhaan at kilala pero wala akong magawa kundi makisama.
Katabi ko na naman si Aldrus at hindi ko nagugustuhan ikinikilos niya. Dikit na naman siya ng dikit sa'kin. Tahimik ang lahat habang umiinom. Ako naman ay sitsirya lang ang pinuntirya. Nagyaya si Aldrus na maglaro daw, hindi ko alam kung anong nakain niya at biglang paglalaro ang naisipan.
Naupo na rin si Ania sa grupo namin. Kanina kasi ay mag-isa itong nakaupo doon sa bench sa tabi rin ng dagat. Kumakanta kanta pa ito kanina, hindi ko man naririnig, nahahalata ko naman sa buka ng bibig nito.
Ipinaliwanag na ni Aldrus ang mechanics ng laro kaya nagsimula na kami. Nang mahinto kay Harvin ay ako ang nag-presintang mag-dare.
"Daesyn ayusin mo, sinasabi ko sa'yo." Rinig kong sabi ni Aldrus pero hindi ko na siya pinansin pa.
"Date-"
"I'm telling you, are you going to date your ex-crush, huh? Pinapalitan mo na ba ako?" Hindi pa man ako tapos magsalita ay pinutol na naman ni Aldrus. Talaga naman. Pinagbibintangan niya akong crush ko daw si Harvin kasi mas pinili ko itong maging partner noong prom night. Napakaisip-bata.
"Ang oa mo! Patapusin mo na muna kaya ako!" Reklamo ko sa kaniya at tumahimik na ako.
"Date Anissa." Sabi ko. Naalala kong may gusto iyon kay Kuya kaya irereto ko nalang siya sa iba.
"Who's Anissa?" Tanong ni Harvin sa'kin.
"Acquaintance." Sagot ko.
"I still don't know her and besides-" Magrereklamo pa sana ito ngunit pinutol ko ang sasabihin niya.
"Huwag na maraming rek-"
"Let's talk about Harv's dare later; for now, let's continue the game." At siya namang pagsapaw ni Aldrus sa usapan kaya ipinagpatuloy nalang muna namin ang paglalaro.
Inabot kami ng hating gabi sa pag-iinom nila at pagkukuwentuhan namin. Maya-maya ay nagyaya na ang nagngangalang Trevor na matulog na kami total gabing-gabi na at kami nalang ang tao dito sa labas.
Bumalik na kami sa kaniya-kaniyang cottages.
Kinabukasan ay nakita ko si Ania sa harap ng dalampasigan. Nilapitan ko siya doon. "How long have you been with AJ?" Panimula ko. English speaking ako ngayon.
"Huh? Uhm, we've been best friends since we were kids." Sagot niya.
"You're lucky to have him." Muling pagsasalita ko kahit hindi ko alam kung tama ba. Gusto ko lang may mapag-uusapan kami.
"Ah yeah, he's been there for me always and I'm lucky to have him as my best friend." Sagot nito kaya napangiti narin ako. Tama naman pala.
"What do you mean by best friends? Hindi ba kayo?" Pagtatanong ko. Akala ko sila?
"Huh? No of course not, we're just friends." Pagsabi nito ng too kaya napatango nalang ako.
"Hm, ganon ba."
"Daesyn tara na!" Maya-maya ay rinig kong sigaw sa'kin ni Aldrus mula sa malayo.
"Pa'no, mauna na kami ha." Muli akong humarap kay Ania at nagpaalam.
"Ania? What are you still here?" Hindi ko alam na nakalapit narin pala sa amin si Aldrus. Pero bakit naman parang takang-taka siya na nandito pa si Ania?
"Why? Am I not allowed here?" Pamimilosopo ni Ania kaya napangisi ako.
"Hindi! Putcha, si AJ." Seryosong sabi ni Aldrus kaya ipinagtaka ko. Ano namang meron kay AJ?
"Why? What's wrong? " Tanong ni Ania.
"He already left, just now. I thought you're at the car so I didn't ask him where you are." Sa una akala ko ay nagbibiro lang ito ngunit mukhang seryoso talaga siya.
Bumalik kami sa cottage at kinuha na ang mga gamit. Hinanap namin si AJ pero wala na siya sa loob pati sa hotel na pinagcheck-inan nila. Ang sabi ng guwardiya ay may lumabas na daw na kotse ngayon lang kaya kami naman ay takang-taka kung bakit niya iniwan si Ania dito. Isinama nalang namin si Ania pag-uwi. Hindi siya mapakali at mukhang alalang-alala. Pasalamat at nakita din siya sa tulay sa daan namin pauwi kaya bumaba na si Ania at dinaluhan si AJ doon. Kaming dalawa ni Aldrus ay walang muwang at takang-taka parin sa nangyari.
Hanggang sa napag-alaman namin ang tungkol sa sitwasyon niya nang sumunod na araw. Nakakagulat na bigla na lamang nangyari iyon. Inimbitahan kami ni Ania sa bahay nina AJ, magkapitbahay lang pala sila. Kinuha namin ang pagkakataong iyon para makatulong kahit papa'no. Umuwi din kami kinagabihan.
"Nga pala. Sino kasama mo sa IG story mo? Yung isang babae doon...hindi ko kilala 'yun." Kuryusong pagtatanong ko kay Aldrus. Nasa garden kami. Bakasyon na namin kaya wala nang pasok. Naparito daw siya para tanungin kung anong kukunin kong kurso sa susunod na pasukan. Ang sagot ko hindi ko pa alam dahil iyon naman ang totoo.
"Bakit? Selos ka?" Makapal ang mukhang bintang nito sa'kin.
"Hindi! Bakit naman ako magseselos? Gusto ba kita?"
"I didn't say a thing. Bakit ka kasi nagtatanong?" May ngisi sa labing tanong nito. Nang-aalaska pa nga.
"Gusto ko lang malaman." Sagot ko sabay ikot ng mata sa kaniya.
"And why?" Naghahamon na tanong niya.
Ngumiti ako ng nakakaloko bago siya sagutin. "Maganda siya. " Sabi ko at sumimsim na sa kape kong ngayon ay medyo malamig na.
Nakita ko kung pa'no umikot ang mata niya kaya napangisi ako. "Stop liking girls, babae ka. Mas bagay ka sa'kin." Kahit kailan makapal talaga ang mukha niya. Feelingero.
"Then stop liking me too, hindi tayo bagay." Umasim ang mukha niya sa sinabi ko at nag-tiim bagang pa. Nagawa ko namang mag-make face sa kabila ng hindi maipintang mukha niya. Asar-talo.
"Pa'no ako?" Halos maibuga ko ang kapeng iniinom sa kaniya. Katawa.
"Pa'no ka? Bakit....hindi ka ba makakahinga ng wala ako?" Natatawang sabi ko sa kaniya.
---
[Enter study room and chat with a stranger.] Sabi ni Rona mula sa kabilang linya.
"Huh? Ano 'yun?" Pagtatanong ko dahil hindi ko alam iyon.
[Basta search mo study room tapos maglog-in
ka. And then enter meeting.] Sabi nito kaya tumango naman ako kahit hindi ko siya nakikita.
"Sige sige gawin ko mamaya."
[Okay, alis na din muna ako. Maya nalang tayo magchikahan.] Natatawang sambit nito bago patayin ang tawag.
Ano naman kayang study room? Classroom?
Ininom ko ang Chuckie na hawak habang binubuksan ang laptop. Saka naman ang pagdating ni Aldrus na hindi ko malaman kung saan nagmula at bigla-bigla nalang sumusulpot. Palibhasa welcome siya dito sa bahay eh halos araw-araw na siya dito. Hinablot niya ang Chuckie na hawak ko kaya hinayaan ko muna siya habang naglalogin ako para makapasok sa study room na sinasabi nina Rona.
Pagtingin ko kay Aldrus ay iniinom na niya ang Chuckie ko kaya inagaw ko sa kaniya iyon. Pero sa paghawak ko niyon ay ramdam ko ang gaan nito na parang karton na lamang ang natitirang bahagi nito. Wala na'ng laman.
Pinalo ko siya sa braso."Bakit mo inubos? Wala pa nga ako naiinom eh!" Iritadong reklamo ko sa kaniya. Nag-sorry naman siya at sinabing kukuhanan nalang ako kaya umalis narin ito. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa.
Pagkaenter ko palang ng meeting ay bumungad sa akin ang mga mukha ng hindi ko mapangalanan. Hindi ko sila kilala. Nakatingin lang ako sa kanila. Halos magkasing-edaran lang kami. Ang iba ay may kung anong tinitingnan sa baba na animong nagsusulat. Ang ilan naman, katulad ko ay nakatingin lang sa screen. Ano namang gagawin ko dito?
Lumabas nalang ako sa website na iyon at isinara ang laptop. Ang sabi ko kasi kay Rona hindi ako makapag-pokus sa pagsusulat ng tula at ang sabi niya pumasok daw ako doon kaya ginawa ko pero wala naman akong napala.
"How's it going?" Tanong ni Aldrus at inabot na sakin ang Chuckie. Syempre meron din siya. Pangalawa na iyon pero hayaan na.
"Ang alin?" Pagtatanong ko.
"Akala ko makikipag-video call ka?"
"Huh? Hindi."
"M'kay." Hindi ko na siya pinansin at nag-pokus nalang sa pagsusulat.
"Day." Maya-maya'y pagtawag niya.
"Bakit." Hindi ko na minabuti pang tumingin sa kaniya.
"Kailan mo 'ko papayagang manligaw sa'yo?" Napalingon na ako dahil sa sinabi niya.
"Ano?!" Kunot-noong sambit ko. Nagkibit-balikat naman ito.
"Alam mo Aldrus, wala ako panahong makipagbiruan sa'yo. Kung wala kang magawa umuwi ka nalang muna." Sabi ko sa kaniya.
"I'm not joking. Seryoso ako." Sabi nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Kailan ka pa nagseryoso?" Natatawang sabi ko. Naging sila ni Celestine noon pero naghiwalay din. Tapos ngayon ako naman pinupuntirya niya? Noong isang araw din anong tinawag niya sa'kin? Babe? Nakakakilabot!
"Wala ka bang tiwala sa'kin?" Lukot na ang mukha niya ngayon na para bang nadismaya sa sinabi ko.
"Wala." Prangkang sabi ko.
"Grabe ka naman." Nakasimangot nang bulong nito kaya tinawanan ko siya bago guluhin ang buhok.
"Sabi ko na eh, nagbibiro ka lang." Dagdag ko pa.
"Lahat naman biro para sa'yo." Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya doon.
"Huh?" Hindi na niya ako pinansin kaya tinap ko ang balikat niya. "Huwag mo nga akong dramahan diyan, baka isipin ko seryoso ka talaga." Sabi ko dito.
"Seryoso nga ako! Bakit ayaw mo maniwala?" Asik nito kaya nagdadalawang isip tuloy ako kung maniniwala ako.
"Talaga?" I'm confused.
"Talagang talaga!" Hindi na ito ngumingiti. Talagang seryoso siya? Ano na naman ba 'to?
Hindi na rin muna ako nagsalita. Mukha siyang galit na ewan.
"Ayoko maniwala sa'yo kasi pabago-bago ka." Maya-maya ay pagsasalita ko.
"Pabago-bago? Am I unpredictable?"
"Noong grade 10 tayo, sa pagkakaalam ko dalawa naging ex mo. Hindi ko lang alam sa mga nakaraan kung meron pa. Kaya tigilan mo 'ko diyan sa kalokohan mo."
"Kalokohan?"
"Ayoko sa babaero." Mukhang nasapol naman siya sa sinabi ko kaya napatango tango ito bago nag-tiim bagang. Totoo eh.
"Babaero. Yun ba tingin mo sa'kin?"
"Oo." Pagsabi ko ng totoo.
"Tss." I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
☺️🥰
15/08/2023
0my masterpiece
30/12/2022
0500
03/08/2022
0Tingnan Lahat