Kabanata 27

Kinakabahan na nakatingin si Teresa sa dagat habang naka - sakay sa bangka kasama ang pamilya. Susubukan nilang mag - kapatid ang mag snorkeling.
"Hindi na ata ako tutuloy, Kuya." Nahihiyang ani niya ng makita ang mga isda na malalaki. Feeling niya ay aatakihin siya ng mag ito kaya ayaw niyang tumuloy.
Ibinaba ng kuya ang tingin sa kaniya. Naka - tayo ito sa bangka, habang silang pamilya ay naka - upo sa bangka. Papunta na sila sa area kung saan sila lalangoy.
"Pwede naman ho, Ma'am kung hindi po kayo sigurado." Ani nito sa kaniya.
Hindi na siya mapakali. Naglalaban ang isipan niya. Gusto niyang tumuloy dahil first time niya ito at mukhang masaya, ayaw niya dahil hindi siya marunong lumngoy at may makakasalubong pa siya na malalaking mga isda.
Nilapitan siya ng ama na naka - upo sa likod.
"You should try, para na din may kasama ang kapatid mo."
Tinignan niya ang kapatid na nasa kaliwang bahagi niya at nakitang masaya itong naka - tingin sa dagat. Naka - suot na silang dalawa ng attire ng pang - snorkel.
Tinignan siya ng nakababatang kapatid.
"Tara?" He asks.
Lumapit muli ang ama niya.
"Subukan mo na, kahit ngayon lang. I promise, ma - eenjoy mo ito." Pangungumbinsi ng ama niya sa kaniya.
Hindi alam ni Teresa na kinukumbinsi siya ng ama sa pagtuloy sa snorkeling dahil sigurado ang ama niya na makakalimot siya sa sandaling oras kapag tumuloy sa pag - snorkel.
Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tumingin nanaman sa ibaba.
Marami namang nag - sosnorkel. Sabi niya sa isipan niya. Lahat ng mga ito ay nasa dagat, nakakahiya naman kapag siya na naka - attire ay hindi tutuloy. Talo pa siya ng mga bata na nag - eenjoy ngayon.
"Ok, ok. Tutuloy na ako."
"Ayown!" Sabi ng kuya na nasa harapan niya.
Huminto ang bangka na sinasakyan nila. Inilingon niya ang tingin sa pinanggalingan nila kanina at nakitang nasa gitna na ang bangka na sinasakyan nila. Siguro ay nasa kalaliman na sila ng bahagi ng dagat.
"Dito na iyon, Ma'am at Sir."
Bigla ay kinabahan nanaman siya. Ang OA niya na, first time kasi niya na mararanasan ito.
Tumayo siya at pinagmasdan ang kabuuan ng dagat. Napaka - ganda.
"Mauna na kayo Ma'am?" Tanong ng kuya na pinagsabihan niya kanina.
"Ha, kuya? Bakit po ako?"
"Lady's first po, Ma'am diba?" Pagdadahilan nito.
Nilingon niya ang pamilya sa likod at nakitang diretsong naka - tingin ang mga ito sa kaniya. Now she feels the pressure. Nilingon niya ulit ang lalaki na naghihintay sa kaniya.
"Hindi po ba pwedeng unahin kuya yung mga malalakas ang loob?" Nahihiyang tanong niya.
Kung bakit pa kasi may pa sabi pa ito na 'Lady's First'.
"Bata ho iyan, Ma'am. Kayo ho muna para makita niya." Ok, wala na siyang magagawa. Tulad ng sabi ng kuya ay mauuna siya.
"Sige po." Pagkasabi niya ay nilapitan na siya ng dalawang lalaki.
Inayos ng mga ito ang mga gear na kakailanganin, pagkatapos ay ipinatayo siya sa gilid ng bangka.
"Handa na po ba, Ma'am?" Tanong ng isa.
Hindi na siya maka - sagot dahil sa suot na snorkeling mask kaya tinaguan niya na lang ito.
Kahit kinakabahan ay napag - desisyunan niya na tumuloy. Hindi tumingin sa ibaba si Teresa. Diretso lang siya naka - tingin sa paligid bago siya tumalon na naka - pikit ang mga mata.
Nang maramdaman ang tubig ay iminulat niya ang mga mata. Pagmulat na pagmulat ng mata ay bigla siyang naka - ramdam ng kaba at saya. Ang gaganda ng mga coral reefs na naka - paligid. Kinakabahan naman siya dahil sa mga isda na nagsisilapitan sa kaniya.
Iginalawa niya ang katawan para maka - punta sa ibang parte ng dagat ngunit hindi siya lumayo. Habang sinusuri ng tingin ang mga coral reefs ay naka - kita siya ng tao na tumalon.
Pagkatalon ng lalaki ay humarap ito sa kaniya at kinawayan siya. Ang kapatid niya ito na nag - pasimuno ng snorkeling na ginagawa nila ngayon.
Nilapitan niya ito at sabay nilang nilibot ang ibang parte ng dagat. Hindi na muli siya naka - ramdam ng kaba. Hindi namalayan ni Teresa na masaya na pala siya sa pag - lakbay sa dagat kasama ang nakababatang kapatid. Nakalimutan niya sandali ang problema sa lovelife niya.
Nang dumating ang hapon ay nag - empake na silang apat. Tapos na ang isang linggo nilang bakasyon sa napakagandang boracay.
Balik nanaman sa dati pagka - uwi nila ng maynila. Sabi niya sa isipan ng maka - sakay sila sa eroplano. Ngayon naman ay ang Tita niya Belle ang katabi niya.
Tahimik lang siyang naka - masid sa magandang view na makikita sa bintana. Sayang at iiwan na nila ito. Sabi niya sa kaniyang isipan.
Napansin ng Tita niya na matiim ang tingin ni Teresa sa view. "Marami kayong pictures sa akin ni Trev." Dahil sa gulat na kinausap siya uli ng tita niya ay tinignan niya ito.
Nakangiti ito at tulad niya ay naka - tingin din ito sa magandang view na nasa tabi niya.
"Oh, hehe. I didn't know na kinukuhanan mo pala kami ng pictures ng kaaptid ko po." Tinignan siya ng babae.
"I'm sorry, ang cute niyo kasi mas lalo na nung nag - snorkel kayo."
Umiling siya. "Ok lang po, Tita."
Ibinaba ng babae ang tingin pagkatapos ay huminga ng malalim.
"Guso ko din sana humingi ng tawad sa mga nagawa ko..." Iniangat nito ang tingin sa kaniya.
Nakikita ni Teresa ang pagsisi sa mukha ng babae na kaharap niya.
"Masyado kang mabait para tulungan akong maka - labas noon. Nagka - sala na nga ako sa kapatid mo pero tinulungan mo pa din ako na maka - laya sa kulungan. Malaking bagay na sa akin iyon, pasensiya na at hindi naging maganda ang trato ko sa inyo." Mahabang ani nito.
"Napapansin ko nga po eh. Nakikita ko na you are fixing yourself tita." Malumanay na sabi niya.
Tumango ang babae. "Gusto kong baguhin ang sarili ko dahil gusto ko din na bumawi sa inyo, sa lahat ng kawalang - hiyang nagawa ko. Salamat sa lahat ng nagawa mo, Teresa" Mangiyak - ngiyak na ani nito.
Hinawakan niya ang kamay ng babae.
"Maraming salamat din tita sa pag - alaga kay papa at trev. Kahit na hindi maganda ang mga balita na natatanggap ko ay alam ko naman na tumayo ka na nanay sa mansion." Ani niya habang hawak ang kamay nito.
Umikot sa dalawang oras ang byahe nila bago makarating sa mansion. Kaagad na tinungo ni Teresa ang kuwarto at pagod na humiga sa kama niya. Malalim na ang gabi ng makarating sila sa mansion. Hindi din siya naka - ramdam ng antok, siguro ay dahil na din sa byahe nila.
Kinuha niya ang telepono para tignan kung anong oras na ba.
Binuksan niya ito at nakitang madaling araw na pala. Binuksan niya ang mga notifications at inuna niya ang mga mensahe na tungkol sa trabaho. Una niyang binuksan ang mensahe galing kay Doc Montefalco.
Nang buksan ito ay nalaman niyang puwede na pala siyang maka - balik sa pagiging private Nurse niya within this week. Sinabi nito na bumalik an ulit sa maayos na lagay si Ma'am Aria at pwede na ulit alagaan sa bahay.
Napagdesisyuan niya na sa isang araw na lang siya babalik dahil marami pa siyang aasikasuhin. Ang mga gamit niya at ang sarili niya na laging kulang sa tulog dahil sa nobyo.
Sinagot niya ang mensahe at sinabing sa isang araw na lang siya babalik bilang isang private geriatric nurse.
Pagka - padala ng mensahe ay tinignan niya ulit ang ibang notifications pero sa social media naman. Inuna niya ang Facebook. Curious siya kung ano na ang meron sa post ni Luke na picture nila. Hindi kaya binura na nito ang post na iyon?
Sinearch niya ang profile ni Luke at nakitang nag - add pala ito sa kaniya. Sinagot niya ang request ng lalaki, pagkatapos ay ini - scroll upang hanapin ang post.
Nasa pinaka - una ito ng profile niya kaya hindi na siya natagalan pa sa paghahanap.
Nakita niya na mas dumami ang nakakita doon. talagang hindi pa ito binura ng lalaki. Nakita niya ang mga pagpupuri sa kaniya at mga bash sa kaniya. Siguro ang mga nagbabato sa kaniya ng masasamang mensahe ay puro ka - batch ni Andres. Sa isipan niya.
Wala siyang magagawa sa mga pagba - bash sa kaniya. Hindi niya na lang papansinin ang mga ito. Pinatay niya ang telepono at itinabi.
Aayusin niya na alang ang sarili niya para maka - tulog na din. Bukas na siya mag - aayos ng mga gamit niya. Nagtungo siya sa banyo upang linisan ang sarili bago matulog.

Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    Don NA

    done

    07/12

      0
  • avatar
    Andrew Anglo

    Ang Ganda guys

    24/11

      0
  • avatar
    Karen Marron

    bitin pa po . 😥

    01/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata