AVERY'S POV nangyari na ang matagal naming kinakatakutan ni papa. ang bumalik si tito sa pilipinas para pahirapan si scarlet. kaya nang malaman naming nakidnap si scarlet ay gumawa na agad si papa ng plano kasama ang papa ni ethan. "can you please pack your things in a faster way?" sambit ni papa. "eto na nga po oh binibilisan na" sarakstikong sabi ko. alam ko namang nagmamadali si papa. pero pacensia siya dahil mabagal ako kumilos. bat naman kase kailangan pa pumunta ng u.s kahit wala namang gagawin. kung ano-ano tuloy ang palusot ko sa prof at kina victoria. "ano hindi ka parin tapos?mahuhuli na tayo sa flight" dagdag ni papa na kanina pa tingin ng tingin sa relo niya. ay nako ano bayan, nagpapanic na tuloy ako kakamadali. "tapos na pa, tara na" sigaw ko tsaka kinuha amg maleta at bagpack. *BEFORE AND AFTER FLIGHT* nakatulog si papa dahil siguro sa pagod. napaisp tuloy ako kung alam na ni scarlet ang matagal na sikreto? panigurado akong sinabi na yon ng napaka walang hiya kong tito!. kung bakit ba naman kasi kailangan pa mangyari saamin ang ganitong sitwasyon. kung hindi lang talaga humiwalay saamin si mama malamang tahimik ang buhay namin. maya-maya lang ay nakarating na kami sa pilipinas. medyo matagal rin ang flight namin kaya mahaba haba ang tulog namin ni papa. "let's go to mansion first" saad ni dad at dali daling tinawag ang driver namin para dalhin kami sa bahay. medyo napagod din ako dahil sa matagal na pag kakaupo sa eroplano. "welcome sir, ma'am" bati ng mga maids saamin pagpasok namin ng mansion, nginitian lang naman namin sila. "you can go to your room, mag-uusap lang kami ng tatay ni ethan." sabi nito at pumasok sakanyang office. sinunod ko nalang siya at umakyat ng hagdan para makapunta ng kwarto ko. pinadala ko nalang sa isa sa mga bodyguards namin ang maleta at bag ko dahil napapagod talaga ako. pagpasok ko ng kwarto ay agad namang binaba ni kuyang bodyguard ang gamit ko atsaka umalis. dumiretso ako sa kama ko at humiga. nakatitig ako sa kisame ng biglang tumunog ang cellphone ko. "see you soon, my dearest pamangkin" isang text na ikinagalit ko ng husto. napakasama talaga ng hayop na to. kung bakit ba kase siya pa ang naging kapatid ni papa. hindi naman ganyan ang ugali ni dad. magkaibang magkaiba talaga sila. minsan nga napapaisip nalang kung talaga bang magkapatid sila. "come on, we're going ethan's mansion" sabi ni papa mula sa labas ng kwarto ko. nag ayos muna ako ng sarili ko dahil ayokong magmukhang gurang sa harap ni oliver noe. matagal na rin nung huli kaming nagkita ah. namiss niya kaya ako?ako kase namiss ko siya. okay tama na ang kaharutan. lumabas na ako at nagdiretso na sa kotse dahil sabi ng maids nauna daw siya. "ano napag-usapan nio dad?" tanong ko habang nakatingin sa relo si papa. "nothing, important" seryosong sabi nito. hindi na ako muling nagtanong pa dahil baka ayaw niya lang talaga sabihin. masikreto pa naman tong tao na to. "andito na po tayo sir" "okay thankyou" tsaka kami bumaba ni dad sa kotse at nag doorbell sa mansion nila ethan. "kayo pala sir, ma'am pasok po" sabi ng guwardiya at pinagbuksan kami ng gate. sinalubong kami ng mga maids at nag bow. syempre nung magkita si dad at ang papa ni ethan ay nagkamustahan muna sila bago pag-usapan ang dapat nila pag-usapan. syempre ako nakay oliver ang aking atensiyon. mula talaga pag kabata inlove na inlove na ako sakanya. kung bakit ba naman kasi pinanganak siyang gwapo. ayan tuloy baliw na baliw ako sakanya. "hoy!kanina kapa kinakausap nakatulala ka." tsaka ako pinitik sa noo. "aray ko naman!" reklamo ko at hinawakan ang noo dahil masakit talaga. "bakit kaba kasi nakatulala?ang malala pa nakangiti ka jan mag isa, nababaliw ka naba?" sabi ni oliver. "oo say---este hindi ako baliw no! may naalala lang." pag dedeny ko na muntik nang dumulas. "ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko. "wala" maikling sagot naman nito. edi wag niyang sabihin, damot!. seryosong nag-uusao si papa atsaka si tito rayder ng mag ring ang cellphone ni dad. "hello, kamusta kapatid?" sabi sa kabilang linya. alam ko na kung sino ang tumawag dahil kilala ko ang tono ng boses kung kanino iyon. "anong kailangan mo?" tanong naman ni papa. "paulit ulit nalang ba tayo victor?alam mo naman kung ano talaga ang gusto ko diba?" "kahit kailan hinding hindi ko ibibigay sayo ang gusto mo!" "hays ayan kananaman, kung ayaw mo edi wala na akong magagawa kundi.." "kundi ano?" "edi pahirapan ang pamilya mo, lalo na ang.....unica iha mo" nang galaiti sa galit si dad kaya pinatayan niya ang walang hiya kong tito. ang kapal ng mukha niyang pahirapan si scarlet! kung may lakas lang talaga ako ng loob matagal konang napatay ang hayop na yon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
so cute
22/07/2025
0okay mgnda
21/10/2024
0So cutee
18/10/2024
0Tingnan Lahat