Tahimik kami dito sa loob ng kotse. medyo nakakaramdam na nga ako ng hilo dahil ang bilis magpatakbo nitong si ethan. nga pala namimiss ko na si avery, medyo matagal na rin nung umalis si avery para pumunta sa states. ano kayang naging problema nila roon at antagal niya bago bumalik?. "stop daydreaming" sabi naman ni ethan kaya bahagya akong nagulat. "may iniisip lang naman, panira ka eh noe" naiirita kong sabi. ayoko pa naman sa lahat ay yung iniistorbo ako lalo na pag nag iisip ako ng mga bagay bagay. "we're here" tsaka niya ipinark ang kotse sa gilid. marami naring mga kotse dito ang iba pa nga ay van. nakita ko rin ang kotse ni victoria kaya malamang ay nag aantay na yon roon. "tagal nio ha, ano pa bang ginawa nio?" bungad samin ni victoria. "nakatulog kasi ako, sorry naaa" pa-cute kong sabi sakanya. "hays, eto namang si ethan naturingang birthday boy siya pa tong late." nakapamewang na sabi ni victoria. hay nako parang nanay talaga kung umasta tong si victoria. "opo na nga nay, papasok na nga po diba?" pang aasar ko dito tsaka siya hinatak papasok sa loob. sa backdoor naman dumaan si ethan para pumunta sa harapan. "laki pala ng bahay nila ethan noe?" sabi ko sa aking isipan habang nililibot ang tingin sa buong mansion. ito talaga ang masasabi mong professional ang nag design. may mga chandelier din sa itaas. ay basta! parang isang ball itong napuntahan ko. "hello our dear visitors!, thankyou for coming in ethan's birthday!" sabi nang papa ata ni ethan sa harapan habang naka mic at sakanya lang nakatutok ang ilaw, parang siya ba yung spotlight ganon?. "let's welcome the birthday boy, my dearest son! ethan wilson!" tsaka nagpalakpakan ang nga bisita. kasabay rin non ang paglabas ni ethan sa isang gilid. naka long sleeves si ethan na itinupi naman ang manggas hanggang sa siko, naka unbutton din ang taas ng kanyang puting long sleeves na polo na ikinagwapo niy------na ikinacool pala niya. hay scarlet kung ano ano talaga ang naiisip mo!. "uhm, goodevening everyone!, i'd like to thank all of you for coming in my birthday, kahit na busy kayo, again thankyou everyone!" tsaka niya itinaas ang wine na hawak niya kaya itinaas rin ng mga bisita ang mga wine na hawak nila. ganto pala magbirthday ang mga mayayaman noe? samantalang pag kami nag bibirthday ni sofia, kumakain lang kami sa labas na mag pamilya. minsan naman konting handaan lang atsaka videoke. parang gusto ko tuloy bumalik sa nakaraan kung kailan kasama pa namin si papa. "hoy scarlet!" sabay kalabit saakin si victoria. "nakatulala ka nanaman!" dagdag pa niya. "sorry naman may inaalala lang". nagulat naman ako nang may biglang yumakap sa likuran ko. "hi ate scarletttt, i'm happy to see you again!" masayang sabi nito. si samantha pala.medyo matagal na rin pala nung huli kaming magkita. kahit papano namiss ko rin tong bata na to eh. "hi samanthaaa!" yakap ko sakanya pabalik. "namiss po kita ate" pacute nitong sabi. "hmm, talaga ba? namiss din kita" saad ko naman. tsaka siya kumalas sa pagkakayakap saakin. "who's this girl?" taas kilay nitong sabi. "she's my friend since third year highschool" nakangiting paliwanag ko rito. "really? then is she my friend too?" masayang sabi nito habang kumikinang ang mga mata. "yes baby girl, i can also be your friend" nakangiting sabi naman ni victoria. mabait naman talaga tong si victoria pero napapagkamalan talaga siyang maldita dahil sa attitude niya HAHAHAHAHAHHAHA. naalala ko pa nga nung una naming pagkakakilala, akala ko talaga apaka maldita nitong babaita nato. ikaw ba naman pag taasan ng kilay kahit wala kang ginagawa, cnong hindi siya paghihinalaan na maldita diba? HAHAHAHAHHAHAHA. pero hindi warfreak tong si victoria ha, nang aaway lang yan pag ako na ung inaway. oh diba protective friend?. so back to the topic na tayo. naging malapit na rin si victoria kay samantha kaya gumaan ang loob ko. "hey, goodeveningg!" sabi ng isang lalaki sa likuran tsaka ako tinapik sa balikat. ang aces gang pala. "oh, goodevening sainyo!" bati naman ni samantha sa AG. "hey samantha, long time no see" sabi ni oliver tsaka nakipag apir kay samantha. "long time no see kuya oliver!" nakangiting sabi naman ni samantha. nagkwentuhan muna ang AG at si samantha kaya hinayaan muna namin ni victoria. syempre para naman mah magawa kami dito ni victoria nakipag usap nalang kami sa ibang guest na galing rin sa university. alanganaman kausapin namin yung mga hindi namin kakilala diba?. may bigla naman humatak saamin ni victoria kaya nagulat kamj. "WHAT THE-" hindi natuloy na sabi ni victoria. "teka lan-" putol ko ring sabi. ano ba nangyayari? hindi naman pangbabaeng kamay tong humatak saamin dahil malaki ito at maugat. kamay ito ng isang lalaki na laging nasa gym. san naman kaya kami nito dadalhin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
so cute
22/07/2025
0okay mgnda
21/10/2024
0So cutee
18/10/2024
0Tingnan Lahat