SCARLET'S POV Nang magising ako sa aking pagkakatulog eh napaisip nalang ako ng 'buti nalang at wala akong weird na napanaginipan'. hays buti nalang talaga. saglit lang ang biyahe namin dahil pauwi naman na kami kaya medyo mabilis magpatakbo ng bus si manong driver. pagbaba namin ng bus ay dumiretso agad kaming tatlo sa bahay.habang naglalakad eh napansin kong parang kinakabahan si avery "ayos ka lang?" tanong ko rito at alanganin naman siya tumango. (anyare don?) "ateeeee" isang masigla at malakas na sigaw ang bumungad saakin pagpasok ko ng gate. tumakbo si sophia papalapit saakin at niyakap ako "namiss kita ateee" sabi niya habang kinukuskos ang mukha sa damit ko. "hello ate victoriaaa" bati niya naman kay victoria "hi sophiaaa laki mo na ah" sabi naman ni Victoria sabay haplos sa ulo nito. "ate sino siya?" tanong ni sophia habang nakaturo kay avery "ah bagong kaibigan ko" paliwanag ko naman sakanya "h-hi i'm avery" pagpapakilala ni avery kay sophia "hello po!" bati naman ni sophia sakanya. pumasok na kami sa loob at pumunta kay mama "oh andito ka pala sca-" natigilan si mama sa pagsasalita nang ikalat niya ang tingin sa aming tatlo "may problema po ba ma?" tanong ko sakanya. "a-ah wala naman anak, napadalaw ka?" sabi ni mama "ah gusto kasi kayo bisitahin ni victoria" paliwanag ko naman sakanya "hi po tita!" masayang bati naman ni Victoria kay mama "hello iha" bati naman pabalik ni mama "halika't maupo muna kayo" tsaka pumunta si mama sa sala kaya sumunod kami sakanya. umupo na kami sa may hindi kahabaan at kalakihan na sofa. "kamusta pala si mama mo victoria?" tanong ni mama pagkaupo niya "ah ayos naman po si mama, nakauwi na po pala siya nung nakaraan" sabi naman ni victoria ng nakangiti "nakauwi na pala siya? osge sabihin mo sakanya bibisitahin ko siya" nakangiti namang sabi ni mama. nagkuwentuhan muna si mama at victoria kaya nakikinig nalang ako sakanila. kanina ko paring hindi mapakali si avery (na ccr ba to?) kinalabit ko siya at tinanong kung lang ba siya at tinanguan lang naman ako nito. habamg nagkukuwentuhan eh biglang sumulpot si sophia at may binulong saakin "ate alam mo kamuha mo iyang bago mong kaibigan" sabi naman niya sa tenga ko. tinignan ko si avery kung totoo ba pero hindi naman, katulad ng sinabi ni victoria na magkamukha nga daw kami ni avery. "hindi naman eh" bulong ko naman sakanya, nagkibit balikat lang ito atsaka umakyat sa kwarto. totoo bang magkamukha kami? kasi parang hindi naman eh. kung ano ano nanaman napapansin nila. "osge po tita uwi na kami ni avery" pagpapaalam ni victoria. tapos na pala silang dalawa magkuwentuhan mukhang namiss nila ang isa't isa at natagalan HAHAHAAHAHHA. hindi ko rin namang nakitang nag usap si mama at avery, dahil narib siguro hindi pa nila masyado kilala ang isa't isa. maya maya pa ay lumabas na sila victoria at avery kaya pumasok na kami ni mama sa loob. umakyat na rin ako sa kwarto para magpalit dahil naiinitan na ako sa suot ko, pagbaba ko ay tinanong ako ni mama "anak, sino iyong isa mong kasama kanina?" tanong ni mama. oo nga pala hindi ko pa napapakilala si avery kay mama "ah siya po si avery ma bago kong kaibigan" paliwanag ko naman sakanya habang kumukuha ng tubig sa ref, "wala ba siyang nakuwento o nasabi sa iyo?" nag-aalangan na tanong ni mama "tungkol naman po saan?" tanong ko naman pabalik sakanya "a-ah wala wag mo nalang iyon pansinin" sabi niya sabay akyat sa taas. napapansin kong ang we-weird ng mga tao ngayon ano bang nangyari?. umakyat na rin ako sa taas para sabihin kay mama na babakik na ako sa apartment dahil baka puro alikabok at dumi na doon, sasabihinbko na rin sa cafe na pinagtatrabahuhan ko na babalik na ako bukas para maschedule na yung shift ko. naglalakad na ako ngayon papunta sa apartment nang makita kong magkausap si ethan at...avery??!! tinitigan ko ulit kung tama ba yong nakikita ko at TAMA NGA!. oo gulat na gulat ako dahil ngayon ko lang sila na nakita na magkausap dahil hindi naman sila ganoon ka-close. habang nag-uusap si avery at ethan eh mukhang napansin yata ako ni avery kaya kumaway ako dito tsaka ako lumapit sakanila "ano pinaguusapan niyo?" nagtataka kong tanong sakanila "nothing important" sabi ni ethan sabay alis "anyari avery?" siya naman ang tinanong ko dahil siya nalang ang nandoon "a-ah may k-kinuwento lang ako" utal naman nitong sagot "tungkol saan?" tanong ko uli sakanya "samin na lang yon, cge babyee!" "t-teka-" magtatanong pa sana ako ulit ng bigla siyang tumakbo palayo habang kumakaway. hays ang weird talaga ng mga tao ngayon, ano naman kaya ang pinag-usapan ng mga yon?. naglakad nalang ako papunta sa apartment dahil naweweirduhan na ako sa mga tao ngayon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
so cute
22/07/2025
0okay mgnda
21/10/2024
0So cutee
18/10/2024
0Tingnan Lahat