logo text

Chapter 8: Crater

LUCY POV.
After kausapin ni Mom ang aking Manager ko ay marami na agad na nakaschedule sa akin na photoshoot dahil marami naman daw talagang nag-aabang sa akin. Kaya nagsimula na rin ako sa trabaho no'n.
Trabaho sa kompanya, photoshoot sa modeling, pag-accept ng appointments sa bahay, iyon lang laging ginagawa ko. Bumalik na rin sa trabaho si Sky nung nagsimula na ako sa trabaho kaya parehas kaming busy at laging may ginagawa. Matatapos na daw ang bahay kaya malapit na ring umalis sila Mom sa bahay namin na sa tingin ko ay ayos lang at makakabuti rin para sa amin ni Sky ang ganito.
Kahit na maraming ginagawa si Sky ay nagagawa pa rin nitong magpadala nang pagkain kahit sa photoshoot ko ay nagpapadala ito na nasasayang lang dahil may libreng pagkain naman doon sa studio kaya iyon ang kinakain ko.
Lagi din akong hinahatid at sinusundo nito kahit na magkaiba ang schedule naming dalawa.
Naglalagay na ako nang facial mask sa mukha at kausap ko ang manager ko para sa schedule ko nung pumasok si Sky sa kwarto namin.
"Kumain ka na?" tanong nito sa akin.
"Yeah..." tipid na sagot ko at hinarap ko ang manager ko.
"Good evening, Mr. Hertz! We're just fixing her schedule, ayaw niya kasi sa baba or sa office dahil mag-aayos daw siya nang mukha niya," nakangiti na sabi ni Manager Caile.
"Alright, may pagkain sa baba kapag nagutom kayo," sabi ni Sky bago nagpaalam at umalis na.
"Ang gwapo! D*mn! Sarap pakasalan," kinikilig na saad ni Manager Caile na inirapan ko lang naman.
"E'di pakasalan mo kapag nagkahiwalay na kami," mataray na sabi ko.
"Ayoko nga. Ang sa'yo ay sa'yo na. Girl code..." sabi niya naman habang may kung ano na tinitignan na sa cellphone.
"Iyan din ang sinabi ng bestfriend ko noon pero di rin natupad." Malakas na bunting hininga lang ako pinakawalan ko.
"Well, because that's your bestfriend, not a manager..." sabi niya na inilingan ko lang naman pero hindi na ako nakipag-talo pa dahil panigurado hindi rin ito magpapatalo sa akin.
"Tapos na ba?" tanong ko na lang para 'yong schedule ko na lang ang pag-usapan namin.
"Yeah. And I already sent to you e-mail, just check it, okay?" sabi niya at tinago na sa bag niya ang mga gamit niya dahil mukang aalis na ito.
Tumango lang ako at binilisan ko na lang ang ginagawa ko. Saktong tumayo ako nung nagpaalam na siya kaya hinatid ko na siya sa labas.
"They still wanted to paired you with Crater, the famous idol..." Sabi niya pa habang bumababa kami nang hagdanan.
Isang clothing company iyon na nag-alok sa akin na mag-endorse ng new project nila kaso ayun nga ang kondisyon. Magiging partner ko doon si Crater. Matagal ko nang sinabi sa kanila na hindi ako tumatanggap na nang project na may partner lalo na kung lalaki pero itong company na ito ay hindi pa rin napapagod na mag-alok sa akin kahit na ilang beses ko nang tinanggihan.
"Tell them—"
"I already told them. Alam ko na ang magiging sagot mo but sabi nila baka pwede naman kahit isang beses and it's Crater na ang makakapartner mo, girl, kaya tinanong na kita," putol niya sa sinasabi ko kaya inirapan ko siya.
"Fine!" labag sa loob na sabi ko.
"Fine? What do you mean? Payag ka na?" gulat at natutuwang tanong ni Manager Caile, bahagya pa ako nitong tinignan na parang di nakapaniwala.
"Kung ayaw mo e'di wag," masungit na saad ko.
"G*ga! Alright, wala nang bawian 'yan ah. Sasabihan ko na sila. Nako! Matutuwa sila for sure but, bakit biglang nagbago isip mo?" nakangiti saad nito nung mahinto na kami sa pintuan.
"Bakit bawal ba?"
"Sungit nito! Pero baka dahil kay Crater kaya nagbago isip mo?" sambit nito at may mapanuksong ngiti pa sa kanyang mukha pero mabilis niya ring hinawi nung dumating si Sky. "Ay joke! Mr. Hertz, tapos na kaming mag-usap kaya uuwi na po ako,"
Inirapan ko naman ang masyadong pagiging magalang niya sa lalaking ito.
"Okay, mag-iingat ka..." Tss.
"Sure, Mr. Hertz," nagpipigil ng kilig na saad ni Caile bago ito tuluyan na lumabas.
Nung makita ko na nakalabas na si Caile ay naglakad na ako pabalik sa kwarto namin ni Sky para makapag-pahinga.
"So, you finally accepted the offer?" saad ni Sky na mukang narinig ang usapan namin ni Caile. Sinabayan ako nito sa paglalakad.
"Obviously," walang gana na sambit ko.
"Nagbago ata isip mo. Is it because Crater is the one who paired with you?" tunog nagseselos na sambit niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya na tumigil din sa paglalakad at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Don't tell me you're jealous?" Humalukipkip pa ako at tinaasan ko ito nang kilay.
"Of course not," sagot niya na tinanguan ko naman.
"Good. Dapat lang. At huwag na huwag mong susubukan na magselos. Maghihiwalay na tayo," seryosong saad ko bago tuluyan na pumasok sa kwarto namin.
Diretso ako sa study table na nandoon sa kwarto namin para gawin ko na 'yong natirang trabaho ko sa opisina. Hinintay ko ang pagpasok ni Sky dahil alam kong pupunta na rin iyon dito kaso ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin pumapasok pero binalewala ko na lang dahil mamaya ay pupunta din naman iyon.
Imbis na isipin si Sky ay binuksan ko na lang ang laptop ko at ginawa na lang ang trabaho ko kaso nakatapos na ako sa ginagawa ko ay hindi pa rin ito dumadating.
Pumunta ako sa banyo para maghanda na sa aking pagtulog. Ilang oras akong nanatili sa banyo pero paglabas ko ay wala pa rin siya sa loob.
Anong oras na, ah... Pupunta pa ba 'yon dito? Dito ba siya matutulog? Aba! Dapat dahil nandito pa sila Mom.
Hinawakan ko ang doorknob at handa na akong lumabas para puntahan s'ya nung natigilan ako. Bakit ko naman siya kailangan pa puntahan? Ano naman ngayon kung hindi siya dito matulog? E'di, wag. Bahala siya.
Imbis na lumabas at puntahan siya ay nahiga na lang ako at natulog na kaso hindi ko alam kung bakit di ako mapakali kaya hindi ako agad nakatulog.
Mabuti na lang at may alarm ako kaya kahit na late akong natulog ay maaga pa rin akong nagising. Pagbangon ko ay napansin ko na magulo ang sofa kaya alam kong doon pa rin siya natulog kagabi. Sabi na eh, dito pa rin siya matutulog.
Bumuntong hininga ako at tumayo na para magtungo sa banyo para makaligo na.
Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako at nagtungo sa dining area para makakain. Nandoon na sila Mom nung dumating ako.
"Good morning, my lady!" masiglang bati niya na inirapan ko lang naman dahil hindi naman nakatingin sila Mom.
"Morning..." Naupo ako sa tabi niya kung saan may pagkain na nakalagay sa plato ko na mukang nilagay niya na.
Hindi na ako nagreklamo sa paglagay niya nang pagkain, kinain ko na lang iyon.
"How was your sleep, darling? Probably great... Late ka nang nagising," nakangiting tanong ni Mom.
"Not really, Mom," sagot ko.
"Oh? Nako, Sky, mukang masyado mo atang pinuyat ang anak ko kaya ayan mukang papasok sa trabaho ng puyat at pagod..." Halos mabuga ko 'yong kinakain ko nung sinabi iyon ni Mom pero imbis na mag-alala ito ay tinawanan lang ako nito.
"Mom!"
"What? Anong problema sa sinabi ko? Ikaw, masyado kang ano d'yan," natatawa na saad ni Mom kaya napailing na lang ako at napairap dahil pati si Dad ay nakitawa na.
"Hayaan niyo, Mommy Letitia, hindi ko na siya pupuyatin kapag may trabaho," nakangisi naman na saad ni Sky kaya mas napahagikgik si Mom.
"Sky! Hay nako!" Matalim ko silang tinignan at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Puro pang-aasar lang ang ginawa nila habang kumakain kami kaya mabuti na lang dumating si Manager Caile para sunduin ako. Sinundo niya na daw ako para sabay kaming pumunta sa studio para sa photoshoot ko ngayon.
"Hindi ka na sasabay kay Sky?" tanong naman ni Dad.
"That's okay, Daddy Cosmo, Mag-iingat na lang kayo, my lady," saad naman ni Sky. Tumango ako sa sinabi niya.
"Sunduin mo na lang ako mamaya sa kompanya. I gotta go," paalam ko at bahagyang hinalikan sa pisngi si Sky dahil hinihintay nila Mom na gawin ko iyon at nung ginawa ko nga ay kita ko ang ngiti nila.
Pagkatapos magpaalam ay mabilis na akong tumayo at umakyat sa taas para kuhanin ang mga gamit ko. Pagkababa ko ay hinila ko na si Manager Caile paalis.
Sa labas ay may van na naghihintay sa amin na siyang maghahatid din sa amin. Pagkadating sa studio ay nakaayos na sila. Susunod na araw pa sana ang tapos nitong shoot ko ngayon kaso pina-advance ko dahil sa susunod na araw rin ang photoshoot namin ni Crater.
Sinimulan namin agad ang photoshoot. Si Yena muna ang pinaiwan ko sa kompanya dahil alam kong matatagalan ako dito sa photoshoot namin.
Pose lang ako nang pose at ginagawa ko lang ang sinasabi ng photographer. Ilang take ang ginawa namin kaya ilang oras kaming nasa studio at nagpi-picture.
Hapon na nung natapos kami sa photoshoot pero paglabas ko ay nagulat na lang ako nung makita ko si Sky sa labas nang studio. May trabaho pa ito nang ganitong oras, ah... Nilapitan ko siya para tanungin.
"What are you doing here?" tanong ko at tinago 'yong cellphone ko.
Tatawagan ko na kasi sana ang driver namin para magpa-sundo kaso dahil nandito na nga si Sky ay mukang hindi ko na kakailanganin ang driver namin.
"I know you need to shop now for your next photoshoot, so, let's go?" Gusto kong magtanong pa pero mas pinili ko na lang na tumango na lang sa kanya at lumapit ako kay Manager Caile para kuhanin ang gamit ko at makapag-paalam.
"Alright, ingat kayo!" Tumango ako sa bilin ni Manager Caile at naglakad na pabalik kay Sky.
Binuksan niya na ang pintuan sa front seat kaya doon na ako sumakay. Kita kong tinanguan niya pa sila Caile habang naglalakad siya papunta sa driver seat kaya malaki na naman ang ngiti ni Caile at nagawa pang hampasin 'yong katabi niya.
Napairap na lang ako at hinarap ko ang aking cellphone para magtingin doon ng email. Sa daanan lang naman naka-focus si Sky kaya tahimik kami parehas habang bumibiyahe papunta sa Mall.
Tawag sa kanyang cellphone ang bumasag ng katahimikan namin. Hindi ko na tinignan kung sino dahil alam ko naman na sasagutin niya rin iyon.
Hinihintay ko na sagutin niya ang tawag habang ni-rereplyan ko 'yong mga nag-email sa akin pero tumigil ang tawag kaya akala ko sinagot niya 'yong tawag pero mukang pinatay niya lang iyon dahil wala akong narinig na nagsalita.
Napaangat na ako nang tingin sa cellphone ni Sky na nasa phone holder ngayon nung tumunog ulit ito.
"Brianna?" basa ko sa pangalan ng tumatawag sa kanya.
Mabilis siya napatingin sa akin at pinatay 'yong tawag.
"Tss. You can answer it, just don't put it on loud speaker. I don't wanna hear her voice," seryosong saad ko at tinignan ko na lang 'yong cellphone ko.
"She can call her boyfriend," sagot niya.
"Maybe, she wants you," saad ko naman.
"But I want someone else. Someone like the girl who's sitting besides me right now..." Napahinto ako sa pagtitipa ng reply dahil sa sinabi niya at matalim ko siyang tinignan. Nanatili lang sa daanan ang tingin niya pero kita ko pa rin ang bahagyang pagngisi niya.
"But then, that girl wants the hot male model named Crater," saad ko at bahagyang ngumisi pero napamura ako nung biglaan niyang tinigil 'yong sasakyan.
"We're here," sambit niya at mabilis na lumabas.
Sinundan ko siya nang tingin. Bahagya akong natawa at napailing bago inunahan na siya sa pagbukas ng pinto.
"Let's go..." malamig na sambit ko at nagsimula na sa paglalakad.
Pumunta lang kami sa iba’t ibang department para mabili ko 'yong mga kailangan ko. Sa isang resort gaganapin ang photoshoot ko with Crater at sa pagkakaalam ko ay ilang linggo kami doon.
"Ako nang bahala sa kompanya kaya huwag mo nang isipin iyon," sabi niya nung mabanggit ko 'yong kompanya.
"May trabaho ka..." saad ko naman.
"I can manage them both," sambit niya na inirapan ko naman.
"Fine, whatever," sabi ko at nagtungo na sa cashier para makapag-bayad na.
Pagkatapos doon ay nagdesisyon na kaming umuwi dahil nabili na naman ang lahat ng kailangan ko pero napahinto ako sa paglalakad nung may makita ako sa isa sa mga boutique.
"Is that Crater?" tanong ko nung makilala ko 'yong isang lalaki na nasa boutique at may kasamang babae. Hindi naman ito mahirap makilala kaya kahit na nakasuot siya ngayon ng sunglasses at cup ay makikilala mo pa rin.
"Yeah... I think..." walang gana na saad ni Sky kaya napatingin ako rito at naabutan ko nga ang pag-irap nito kaya bahagya akong nangiti.
"Gwapo niya talaga..." nakangiting sambit ko.
"Tss! Nakatago nga 'yong mukha," sabi niya naman at ngumiwi pa.
"Exactly! That's means, sobra siyang gwapo kaya kahit na nakatago ang mukha niya ay naga-gwapuhan ko pa rin siya..." mapang-asar na saad ko kahit ang walang kwenta naman talaga ang itsura nung Crater. Sinasabi ko lang naman iyon dahil natutuwa ako sa reaction ni Sky.
"Alam mo ang mabuti pa, tara na..." saad niya at hinila na ako paalis doon.
Nagdadabog na ito at nakasimangot nung sumakay sa sasakyan niya kaya bahagya na akong natawa pero agad ding nagseryoso nung nilingon niya ako.
"Liking it, huh?" napapailing na sambit niya at sinimulan ng paandarin 'yong sasakyan.
"Maybe..." nagpipigil ng ngiti na saad ko at tumingin na lang sa labas.
Nanatiling nakabusangot si Sky pero kahit na nagseselos siya kay Crater ay hindi niya naman ako pinigilan sa ginagawa at tinutulungan niya pa ako sa pag-iimpake ko. Hindi na ako nagreklamo sa pagtulong niya dahil napapabilis naman ang ginagawa ko.
"Ano pa ba ang kulang? Let me check..." saad niya. May tinitignan siya kung ano sa cellphone at tinitignan niya rin ang maleta ko.
Noon pa man ay lagi lang naman talaga siya nakasupporta sa mga gusto kong gawin. Pinapayagan niya akong gawin kung ano ang gusto kong gawin na kahit kailan ay hindi ginawa ng mga magulang ko. Pinapayagan niya ako sa pagmomodelo kahit na madalas ay hindi niya ako nakakasama.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagngiti habang pinag-mamasdan siya.
"I think kulang pa 'yong damit mo. Three weeks ka doon sa resort, hindi ba?" tanong niya na tinanguan ko lang naman. "Kukuha pa ako..." sambit niya at nagtungo na sa walk-in closet.
Sinundan ko siya nang tingin at huminga ako nang malalim bago kumurap at umiling.
Kakayanin ko ba na pakawalan ang lalaki 'to? Makakaya ko ba? Tss! Tama na nga. Oo, Lucinda! Kakayanin mo, okay?

Komento sa Aklat (247)

  • avatar
    CABAUATANMINO

    good👍

    05/07

      0
  • avatar
    Amosog Danom

    enternal

    30/10/2025

      0
  • avatar
    SuganobMicah

    ✨nice

    22/05/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata