LUCY POV. "Yeah, nasa labas na ako nang elevator. I'm on parking area na... Ano ba kasi gagawin ko dito?" tanong ko kay Sky, kausap ko ito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung anong gimik na naman nito at pinababa pa ako sa parking lot pero alam ko na surprise iyon dahil it's our wedding anniversary and usually ay may suprisang ginagawa iyon kapag ganito. "Oy, hello? Eh?" Taka kong tinignan ang cellphone ko dahil bigla namang namatay ang tawag. Napatingin ako sa paligid ngunit hindi ko naman siya nakita doon kaya sinubukan ko na humakbang dahil baka mamaya ay nagtatago lang ang isang iyon ngunit tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko ay biglang namatay naman ang lahat ng ilaw na nasa parking area. "Oh my gosh..." Napalingon ako sa magkabilang gilid ko kaya lang ay wala ako ni isang ilaw na nakita mula roon. Mukang nag-brown out pa ata, ah... "Great!" Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight ko doon bago nagsimula na ulit na maglakad kaya lang ay may naramdaman ako na kung ano sa paanan ko kaya tinapatan ko iyon ng ilaw. Red petals? Nakahilera ito papunta sa kung saan kaya sinundan ko ito hanggang sa huminto ako sa likuran ng isang sasakyan, bahagya akong nagulat nung biglang nagsibukasan na ang ilaw. Napatingala pa ako dahil biglang naging dim na ang ilaw ngunit hinarap ko na lang din ang sasakyan na nasa harapan ko. May nakapakat na paper doon na agad ko naman kinuha ko. "Ready to say yes?" takang basa ko doon sa nakasulat at iyong likuran naman ang tinignan. "Open the trunk..." Iyon lang ang nakasulat sa papel kaya nagkibit-balikat ako pero binuksan ko iyon. I immediately saw a balloons, red flowers and lettering na nakalagay 'choose wisely, so, choose me'. Napangiti naman ako nung makita ko iyon. Kinuha ko 'yong dalawang flowers na kulay blue dahil sa lahat ng bulaklak na nando'n ay sila lang ang naiiba at may nakapakat na papel pala sa kanila. Isang 'Yes' and isang 'No'. Nagtaka naman ako doon dahil wala naman akong question na nakita doon. Hinalungkat ko pa ang ilalim ng balloon at may nakita nga ako na paper pero iba naman ang nakalagay doon. "Please, look at your back, my lady?" Nagtataka ngunit tumingin din naman ako sa likuran ko at bumungad sa akin si Sky na nakatayo di kalayuan at nasa likuran niya ang mga empleyado ko na may kung anong hawak. Lumakad si Sky papalapit sa akin ngunit ang mga empleyado ko ay nanatili sa kinatatayuan nila. "What is going on, Hon?" tanong ko dito nung tuluyan na itong nakalapit sa akin. Nagtaas pa ako nang kilay dito. "They want to ask you something," nakangiting saad ni Sky ngunit nanatili ang tingin ko sa kanya kaya tinuro niya ang nasa harapan namin. Pabiro na lang akong umirap at nilingon ang mga empleyado namin na ikinabigla ko naman. Pare-parehas silang nakangiti at hawak na ang banner na naglalaman ng tanong na 'Will you marry me again?' "Sky... What is this?" Naiiyak kong nilingon si Sky na panay lang naman ang ngiti sa akin kaya bahagya ko itong hinampas kaya natawa siya at nagsalita na. "I want to marry you in church here. Sa beach ang kasal natin dito at gusto ko din na magsilbing pangako natin ang kasal na ito..." "Pangako?" "Pangako na wala nang mangyayari pa na hiwalayan sa atin. So, are you going to say yes?" Napatingin ako sa mga empleyado ko, sa trunk na puno nang dekorasyon, at pati sa paligid na kahit nasa parking lot at mukang madaling inayos nila ay halatang pinag-handaan pa rin bago ko binalik sa kanya ang aking tingin. "Please say yes..." Tinignan ko ang dalawang bulaklak na hawak bago nag-angat ng tingin sa kanya at ngumiti. "Is that even a question?" saad ko at inabot sa kanya ang bulaklak na naglalaman ng sagot ko. Kinuha niya iyon at tinignan agad ang laman. Mabilis itong napangiti at niyakap ako nang mahigpit nung makita niya ang sagot ko. "Paulit-ulit iyan ang magiging sagot ko sa'yo, Sky, kaya hindi mo na ako kailangang tanungin pa," nakangiting saad ko at niyakap din siya kaya naramdaman ko na mas humigpit ang yakap niya. "It's a yes, guys!" sigaw ni Sky kaya naghiyawan na ang mga empleyado. Tumakbo sila palapit sa amin at niyakap kami ni Sky. We never had a chance to do church wedding here in Philippines dahil nung nagpakasal kami dito sa pinas ay beach wedding iyon at sa New York lang kami may church wedding kaya ngayon iyon ang plano namin. We give invitations to everyone including Kerwin and Brianna, pinadalhan din namin sila nang invitation. Personal ko din pinuntahan si Caile sa kanyang tinutuluyan para ibigay sa kanya nag invitation. "Bridesmaid? You want me to be your bridesmaid?" gulat na tanong ni Caile nung mabasa ang nakalagay sa invitation. Gulat, nagtataka at masaya, katulad nung reaction ni Yena nung sabihin ko sa kanya na sila ni Caile ang gusto ko na bridesmaid ko. "Pero bakit ako?" tanong niya. "Bakit naman hindi?" nakangiting saad ko naman. Ngumiti s'ya at niyakap ako kaya napangiti na lang din ako at tinapik ito. "Pumunta ka, ah..." "Oo naman! Pupunta ako," masayang saad nito. Naiiyak pero nakangiti ako nitong tinignan. "I'm so happy for you! Huwag na kayong maghihiwalay, ah..." Hinawakan niya ang mukha ko pero natawa na lang ako sa huli niyang sinabi. "Hindi na talaga dahil baka mamaya kung sinu-sino na naman kausapin nitong si Sky..." biro ko naman at mapang-asar na tinignan si Sky na napailing at napangiti na lang. We prepare everything that we need for the wedding. Kahit hindi na ako model ay marami pa ring reporters na nagpunta nung araw na iyon, marami naman kaming bodyguard na nakabantay no'n kaya hindi ito nakalapit sa amin at hanggang labas lang ang mga ito. Sigurado na ako na wala na talagang hiwalayan na mangyayari sa amin dahil pinakikinggan na namin ang isa't isa and pinag-uusapan nang maigi kapag may di pagkakaunawaan. Nung wedding na namin ay nagpasalamat kami sa isa't isa pati sa mga taong tumulong sa amin para hindi kami magkahiwalay. Hindi na kami nangako pa sa isa't isa dahil gusto namin kapag may gusto kaming tuparin ay gagawin na lang talaga namin. Naniniwala kasi kami na kung may gusto kang gawin ay hindi dapat sa pangako lang kundi gagawin mo din talaga para mapatunayan na kaya mo. At ngayon, sinasabi ko na sa inyo na kaya ko. Na kaya namin. At mananatiling kami hanggang dulo...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10/2025
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat