logo text

CHAPTER 29: Secretly

LUCY POV.
"She will be okay soon. Maybe, sa ngayon kailangan niya lang talaga nang panahon para mag-heal at para lumaban kasama 'yong anak nila," sambit ni Sky habang hawak nito ang kamay ko.
I don't want to disturb him but hindi ako mapakali habang nasa opisina ako kanina kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumunta sa kanya. After nang ilang linggo nung nag-usap kami ay may nabalitaan ako tungkol kay Brianna kaya pinuntahan ko si Sky para makausap tungkol doon.
"But she's too broken. I want to help her..."
"It's not easy to lose your love ones, kaya gano'n siya and we can't stop the pain she's feeling, Lucy..." saad naman ni Sky.
"I really want to help her. Kahit financially, Sky... I heard from Kerwin that she's broke now," saad ko at inalog ang kamay ni Sky para pumayag ito.
"Okay, okay, but I think we should ask Kerwin first about the details or kung paano natin siya matutulungan ng hindi malalaman ni Brianna," sambit ni Sky kaya napangiti naman ako at sumang-ayon sa sinabi niya.
Alam ko na si Kerwin lang ang makakatulong sa amin para magawa iyon. Panigurado kasi hindi tatanggapin ni Brianna lalo na kung alam niyang sa amin manggagaling iyon.
Kaya nung nagkaroon kami nang chance na makausap si Kerwin ay nakipag-kita na kami dito at sinabi namin ang plano namin ni Sky.
"That's a good idea, makakatulong sa kanya 'yan lalo na ngayon. Well, she lost everything when her husband died. Her husband, her mother, her child, her money, her happiness, her kindness and her bestfriend, the both of you... And kahapon lang, muntik na pati ang buhay niya," simula ni Kerwin sa pagkukwento sa nangyari kay Brianna.
Napahawak naman ako agad sa aking ulo nung marinig ko iyon. Napailing ako at agad na nangilid ang aking luha sa mga narinig ko.
"Pangalan mo kaya sinasabi niya habang nanghihina siya sa hospital kahapon but I suggested na huwag mo muna siyang lapitan. Iyon din kasi ang sabi nung doctor para hindi siya ma-trigger na saktan ulit ang sarili niya," sambit ni Kerwin.
"Pero kumusta na ang lagay niya ngayon?" nag-aalalang tanong ko.
"Kalmado na siya pero kailangan niya pa rin manatili sa hospital hanggang bukas. She also said that she's fine but not okay, I don't get it pero ang mahalaga ay ayos na siya. Kasama niya ngayon si Mom doon sa hospital kaya she's safe now," mahabang saad ni Kerwin kahit na sinabi niya na maayos na si Brianna ay hindi pa rin talaga ako mapakali lalo nung marinig ko kung ano ang sinabi sa kanya ni Brianna.
"She's fine but not okay, ibig sabihin hindi talaga siya okay. She's still on the process of being okay. Para sa kanilang magkaibigan ay magkaiba ang 'Fine' at 'Okay'. Fine means ayos lang kaya pwedeng sabihin kahit nasasaktan pa talaga. Okay means okay talaga kaya sinasabi lang nila ang salitang iyon kapag totoong ayos at okay lang sila," paliwanag ni Sky sa salitang sinabi ni Brianna kay Kerwin. Bahagyang nalaglag ang panga ni Kerwin at napatango ito, mukang naiintindihan niya na iyon.
"Gano'n pala 'yon kaya pala madalas niyang sabihin iyon," saad ni Kerwin. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinipa doon saglit bago kami hinarap muli. "Pwede ko kayong tulungan kung gusto niyong tulungan siya nang palihim. I can be your way to her," saad pa ni Kerwin.
Nagpasalamat ako agad dito. Nakikita ko na mabuting tao talaga si Kerwin kaya alam kong mapapag-katiwalaan talaga namin ito pagdating kay Brianna. Sigurado ako na mabuti ang hangarin niya kay Brianna, well, I did the background check though.
Nung araw na iyon ay nagbigay kami sa kanya nang pera para pambayad sa hospital bills ni Brianna. Ayaw niyang tanggapin dahil kahit siya na daw ang bahala doon but I told him na kaibigan ko ang tinutulungan ko at hindi siya kaya wala rin itong nagawa kundi ang tanggapin ang binibigay ko.
Nagpa-therapy din si Brianna para sa anxiety and depression niya nung lumabas siya nang hospital, 'yong family therapist namin ang sinabi ko kay Kerwin para wala na silang iisipin na bayarin at magaling naman iyon. Pumayag si Kerwin at tulad nang sabi ko sa kanya ay hindi niya nga sinabi kay Brianna na ako na ang magbabayad doon.
Tinatawagan ako ni Kerwin kapag may kailangan na bilhin or bayaran si Brianna, iyon ang utos ko sa kanya kaya natutuwa ako na sumusunod ito sa akin kahit na alam kong gusto niya siya ang gumagawa no'n.
Nagpapadala din ako ng groceries kay Brianna as a anonymous person para hindi niya isipin ang bagay na iyon. Sinasagot ko na rin iba pang kailangan niya. Kailangan niya magpagaling kaya kahit sa mga ganitong bagay man lang ay matulungan ko siya.
"She looks okay now than before," saad ni Sky na nasa tabi ko.
Nasa loob kami nang sasakyan ngayon at pinag-mamasdan si Brianna na bisitahin ang mga puntod ng kanyang mahal mula sa malayo. Nakikita ko na unti-unti na ulit itong nagiging okay sa ngayon pero talagang masakit lang ang nangyari sa kanya kaya humahagulgol pa rin talaga ito habang kausap niya ang puntod nila.
Gusto ko siyang lapitan para damayan kaya lang alam kong hindi makakatulong sa kanya kung gagawin ko iyon. Ang sabi nila ay huwag akong lumapit sa kanya at hayaan siya na mismo ang lumapit sa akin dahil kapag naging maayos na talaga ito ay paniguardo na iyon naman talaga ang gagawin niya kaya hihintayin ko na lang iyon. Hihintayin ko, my litte sister...
Mabuti na lang talaga at palagi nand'yan sa tabi niya si Kerwin na laging handang punasan ang mga luha niya at handang maging sandalan niya sa tuwing nalulungkot siya. Handa siyang damayan kahit na anong mangyari.
Nababalitaan ko na madalas itong awayin ni Brianna at tinataboy ngunit pasalamat na lang talaga at matatag ang isang ito kaya kahit anong tulak ni Brianna sa kanya ay nananatili pa rin siya sa tabi nito.
I want her to be healed ngunit hindi ko siya matutulungan ng harap-harapan dahil baka lumala lang ang kalagayan niya, that's why, i will help her in a secretly way...

Komento sa Aklat (247)

  • avatar
    CABAUATANMINO

    good👍

    05/07

      0
  • avatar
    Amosog Danom

    enternal

    30/10/2025

      0
  • avatar
    SuganobMicah

    ✨nice

    22/05/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata