LUCY POV. "You both did a great job!" saad ni Manager Caile at niyakap kami ni Sky nung makabalik na kami sa backstage. Hindi ko pa nakikita ang reaction ng mga fans ko dahil pagkatapos ng speech at confession ko about sa status namin ni Sky ay nag-decide na kaming bumaba at umalis. I just really hope na maging ayos lang sa kanila. I know this decision such a big heartache for fans but alam ko naman maiintindihan nila kung bakit pinili ko ang desisyon na ito. I closed my phone and social media accounts for a while. I also take a vacation on our villa in Cebu City. Kami lang talaga ni Sky ang dapat pupunta doon but our family found out na nagbakasyon muna kami kaya ayun sumunod sila dahil ayaw nilang kulitin sila nang media. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang dahilan kaya sumunod sila or gusto lang nilang obserbahan kung talaga bang nagkaayos na kami ni Sky. They don't look bothered at media though kahit na kanina lang ay pinagkaguluhan sila sa airport ay masiglang-masigla pa rin sila at nagawa pang mag-post sa kanilang social media kasama kami ni Sky. "Hey, good morning!" bati ni Ate Lorine mukang maaga ring nagising at nakita na nakatambay ako sa veranda kaya lumapit. "How was your sleep?" nakangiting tanong ko rito. "Wanna drink coffee?" "Mamaya na lang," sagot niya naman at napatingin sa paligid. "This is my grandparent's Villa, pinamana kay Mom pero ayaw naming pag-agawan nila Kuya at Ate kaya we suggested na gawin na lang bakasyunan kapag pupunta kami dito," saad ko dahil mukang hindi siya pamilyar sa lugar na ito, hindi pa siguro siya nadadala ni Kuya Carson dito. "Woah! Ang lawak nito tapos bakasyunan lang? I can say that Martinez's family is so so so rich. Kahit ata hindi kayo magtrabaho, hindi kayo maghihirap," namamanghang saad ni Ate Lorine. "You mean, tayo," si Kuya Carson na biglang sumulpot at naupo sa tabi ng kanyang asawa. "You're also a Martinez, remember?" "Yeah, right. Maganda pala dito, bakit hindi mo ako dinadala dito?" Nakasimangot namang tumingin si Kuya Carson sa paligid at nagkibit-balikat. "I didn't know you're fond of nature and I'm not interested with this kind of places though," diretsong sambit ni Kuya Carson at kinuha 'yong kape ko kaya sininghalan ko ito pero hinayaan na lang siya na inumin iyon. "Yeah, mas gusto mo nga pala ang party than peace," saad ni Ate Lorine at napabuntong hininga. "More like kabalikataran mo, Ate..." sambit ko naman at inirapan si Kuya Carson. "Fine, ililibot ko na siya sa ibang properties natin kapag hindi na busy ang sched. ko." Kita ko ang pagtango at bahagyang pagngiti ni Ate Lorine habang nakatingin ito sa paligid, mukang satisfied na sa narinig mula kay Kuya Carson but I'm not satisfied with my brother's word kaya nakiepal ako. "Huwag ka nang masyadong mag-expect, Ate Lorine sa gano'n ni Kuya Carson. Ganyan din siya noon sa akin pero in the end iba ang pinasama niya sa akin no'n. Kaya huwag ka nang magtaka kung hindi niya magagawa 'yan. Tss," masungit na saad ko. Mabilis akong nilingon ni Kuya Carson at nanlalaki ang kanyang mata nung tignan niya ako pero tinaasan ko lang ito nang isang kilay. "What? Totoo naman, ah!" saad ko at umirap. "Ayos lang. Sanay naman ako sa mga pangakong napapako, Lucy..." Mas ngumisi ako nung makita na bahagyang naalarma si Kuya Carson nung sabihin iyon ni Ate Lorine. Tss. Ayan kasi, sungit mo pa, sige! "Tsk tsk tsk... Grabe naman. Kaya huwag mo na talagang asahan 'yong gano'n, Ate..." napapailing at seryosong saad ko pero mapang-asar kong tinignan si Kuya Carson. "I gonna call your husband," saad ni Kuya Carson at mabilis na pumasok sa loob para tawagin si Sky kaya hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko. "Pero joke lang 'yong sinabi ko kanina, Ate. Noon lang siya gano'n, ngayon medyo hindi na," sambit ko dahil baka maniwala talaga si Ate Lorine sa akin. "Alam ko, sinakyan ko lang naman ang mga sinasabi mo," nakangiting saad ni Ate Lorine. Hindi nga nagtagal ay dumating na si Kuya Carson kasama si Sky na mabilis naupo sa tabi ko at humalik sa akin. Doon na rin sila nagpahanda ng breakfast namin, ang mga kasama namin ay mukang mamaya pa kakain dahil tulog na tulog ang mga ito hanggang ngayon. Tinigilan ko na ang pang-aasar kay Kuya Carson dahil baka mamaya ay mapikon na ito sa akin at ako naman ang gantihan kaya nagkwento na lang ako kay Ate Lorine at nagsabi tungkol sa mga lugar at lupain namin dito. Manghang-mangha at halatang interesado talaga ito sa mga sinasabi ko sa kanya kaya pagkatapos namin kumain ay sinamahan ko itong maglibot gamit ang mga kabayo namin. Nagpaiwan na 'yong dalawa kaya kami lang ni Ate Lorine ang naglibot pero alam ko naman na mga nakabantay ito sa amin mula sa malayo. Enjoy na enjoy si Ate Lorine at dahil malawak ang lupain namin ay halos ilang oras din kaming natapos doon. Pagbalik namin ay sinabi sa amin ng mga kasambahay na gising na ang mga kasama namin at nasa pool area ang mga ito kaya nagtungo na kaming apat doon sa pool area. Mahaba ang mga naging tulog nila kaya mga sobrang hyper at energetic na naman ang mga ito at mga walang tigil ang bibig sa kakasalita. Doon na rin kami sa pool area kumain. We stayed there for a long hours and we just have fun. Walang tigil na paglilibot, kwentuhan at kasiyahan lang din ang mga ginawa namin sa mga sumunod pa na mga araw na pananatili namin doon. "I'm glad that they supported us," nakangiting saad ko. Pagkatapos ng ilang araw ay nag-decide na rin ako na buksan ang aking cellphone para makibalita na rin kay Yena at tignan ang aking social media na kahit mga naka-private ay napuno pa rin ang notification ko. Wala akong nakitang bad/negative comments. Hindi ko alam kung dahil ba pinatanggal nila Manager Caile at Yena kaya wala or talagang wala lang pero masaya pa rin ako na wala akong nakita na negative at puro supporta lang pati ang co-model ko dati ay binati rin ako at pinangungunahan iyon ni Crater na hindi ko alam kung nagpapalakas lang or ano. "We have a great chemistry, so they really will," saad naman ni Sky kaya pinindot ko na lang ang ilong nito. Kahit kailan talaga... "Sus! Baka mamaya nga may kinausap ka lang na magbura nung mga bad comments kaya wala na ngayon," biro ko naman dito kaya nakita ko agad ang pagbusangot nito. "Madali ko lang magagawa 'yon pero as you can see naman hindi rin ako humawak ng cellphone habang nandito tayo," saad niya naman at nagkibit-balikat. Oo din, lagi itong nakabuntot sa akin at everytime na kasama ko naman ito ay hindi ko siya nakitaan na humawak ng cellphone. Camera nga lang ang ginagamit namin nitong nakaraang araw dahil ayaw pa naming buksan ang mga cellphone namin kundi lang ako makikibalita kay Yena ay hindi ko pa ito bubuksan. Maayos naman daw sila Yena doon at nagawa naman nila ang mga bilin ko. Masasabi ko talaga na maaasahan ko sa mga gano'n bagay si Yena, sayang nga lang at hindi ko ito maisama dito sa Cebu sa ngayon pero baka sa susunod ay isama ko na siya. Pagkatapos ng ilang linggo naming pananatili doon ay umuwi na rin kami. Nauna kami ni Sky na umuwi sa mga kasama namin dahil nauna ang flight namin kesa sa kanila at mukang gusto pa nila na manatili doon. Bumalik na rin ako sa pagtatrabaho sa kompanya namin. Mainit pa rin ang balita tungkol sa amin ni Sky ngunit maraming nakabantay na bodyguard sa amin kaya hindi na sila makalapit pa sa amin ngunit kahit sa mga meetings na pinupuntahan ko ay iyon din tinatanong sa akin. Minsan sinasagot ko, minsan hindi lalo na kung hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pagtanong nila. "Lucy..." pabulong na tawag sa akin ni Yena habang nasa kalagitnaan kami nang meeting kaya bahagya ko itong nilingon. "Brianna is outside. Ayaw umalis at gusto ka daw kausapin," Ayokong paunlakan ngunit naisip ko na dito ko na masasabi sa kanya ang gusto kong sabihin. Tumango ako kay Yena bago nagsalita. "Samahan mo siya sa conference room. Susunod ako after this meeting." Nakita ko na bahagyang nagulat si Yena nung sabihin ko iyon pero tumango din naman ito at sinunod ang utos ko. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ang meeting na iyon kaya nagtungo na ako sa conference room. Nakasunod sa akin ang mga bodyguard namin hanggang sa makarating ako doon at sinalubong ako ni Yena. "Should I call Sky?" tanong nito sa akin na mabilis kong inilingan. May mga ginagawa pa si Sky sa kanyang trabaho kaya ayokong maabala siya. "I won't do fight cats, so relax..." saad ko naman dito. "Just please, huwag kang makipapag-away, okay? Ayoko masermunan na naman ng madiwarang asawa mo," paalala nito na hindi ko alam kung tatawanan ko ba o ano pero tinanguan ko na lang at pumasok na ako sa loob ng conference room. Pinili ko manatili na lang sila sa labas at kami na lang ni Brianna dito sa loob dahil ayokong isipin ni Brianna na pagkakaisahan namin siya. Mabilis na tumayo si Brianna at umakma ito na yayakap sa akin nung makita niya ako ngunit hindi ko iyon sinuklian at naupo na lang ako sa gitnang upuan. Mabilis itong naupo sa tabi ko. "Kumusta ka na?" "I'm okay, Brianna," sagot ko at ngumiti. I know that she knows the difference of 'Fine' and 'Okay'. "Okay? Sabagay, nakita ko nga pala sa internet. I heard that... You announce... Iyong relasyon niyo ni Sky. Akala ko ba magdi-divorce na kayo?" malungkot na saad nito. "Mahal namin ang isa't isa—" "Pero paano ang anak namin, Lucy?" tanong nito sa akin at hinawakan ang kanyang tiyan. "I'm just wondering... Anak ba talaga ni Sky iyon?" tanong ko sa kanya. "Anak ito ni Sky. Hindi mo ba nakita sa pictures namin? Iyong PT? Sinend ko iyon agad sa'yo nung nag-test ako," "After mo mag-test sinend mo sa akin, right?" tanong ko rito. "Yes! That time, I was two weeks pregnant with his child!" mabilis na sagot naman nito. "Two weeks pregnant? Are you sure about that?" tanong ko sa kanya. "Yes... At si Sky ang ama kaya hindi ka ba naaawa sa baby namin?" Hindi siya makatingin sa akin nung sabihin niya iyon. "Kung two weeks pregnant ka na, bakit malaki na ang tiyan mo nung umuwi ako? Nung sinend mo sa akin ang PT, nag-decide ako na umuwi agad. Ni hindi ako umabot ng ilang buwan or kahit isang buwan bago nakauwi dito sa pinas. So, now, tell me. Buntis ka pa rin ba talaga hanggang ngayon? Are you really sure na si Sky ang ama niya at hindi ang asawa mo?" Nakitaan ko na siya nang pagkagulat sa kanyang mukha bago siya nag-iwas nang tingin sa akin. "At oo, tama ka. Naaawa ako sa baby mo. Dahil ikinailangan niya na mapunta sa ganitong sitwasyon at gamitin mo para lang makapag-higanti sa taong kahit kailan walang ginawang masama sa'yo," "Meron! Meron, Lucy! Lalo na 'yang asawa mo! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito," "At bakit? Dahil sabi ni Drick? Naniniwala ka talaga sa mga sinabi niya kesa sa amin na kaibigan mo noon pa man..." nasasaktan na saad ko. "O baka tama nga si Kerwin na pinili mo lang paniwalaan na tama si Drick dahil gusto mo na may masisi ka sa pagkawala ng asawa mo?" Napayuko na si Brianna at nakita ko na ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ni Brianna kaya napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya. "Alam kong masakit sa ngayon at gusto man kitang tulungan na mag-heal pero di ko alam kung paano gagawin 'yon dahil ikaw at ang puso mo lang ang makakagawa no'n..." saad ko sa kanya. "You can still have your perfect life without doing any revenge, Brianna. You can still heal and live a your life, you just need time to do that," Alam ko hindi sapat ang mga salita ko para maging okay siya at para mawala ang sakit na nararamdaman niya ngunit gusto ko na maramdaman niya na kaibigan niya ako at hindi kaaway. "And I just want you to know that I already forgive you..." saad ko dahil ayokong isipin niya na galit pa rin ako sa kanya. Pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tumakbo na agad ito paalis. Agad naman akong pinuntahan ni Yena para tanungin kung ayos lang ba ako or ano. "Hayaan niyo na siya at sabihan niyo na lang si Kerwin na nakaalis na si Brianna," saad ko nung marinig ko ang bulungan nila tungkol kung susundan ba si Brianna or hindi. Kahit na utusan ko na sila na sabihan si Kerwin ay tinext ko na rin ito para masiguro na alam niya nang nakaalis na si Brianna sa kompanya namin. Gumaan naman ang pakiramdam ko nung malaman na kasama niya na ito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10/2025
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat