logo text

Chapter 25: News

LUCY POV.
Kumalat ang balita tungkol sa pag-uwi at hinto ko na sa pagmomodeling but I choose to not give any comments sa pag-alis ko sa modeling career, don't want them to blame Sky for my leaving in this industry. Dahil sa mga article at balita sa pag-alis ay madalang na lang kami umalis ng building ng condo kapag kailangan lang talaga.
Hindi ko pa sinasabi kay Sky ang pag-uwi ko doon because I want to surprise him kaya sana lang talaga hindi umabot sa kanya 'yong mga article at balita na iyon.
"Okay na. Naayos ko na lahat ng tungkol sa trabaho mo, Lucy. I canceled everything," saad ni Manager Caile at malungkot na ngumiti sa akin bago nagpatuloy sa ginagawa sa kanyang laptop.
"What about you? Ano na magiging trabaho mo pag-uwi natin?" tanong ko dahil alam ko na pag-uwi namin at pagtigil ko sa modeling ay wala na din itong trabaho. "You leave everything just to work with me, paano ka na niyan ngayon?"
"It's okay, Lucy. I can find another job but you can still contact me if you want to continue your modeling career, okay?" nakangiting saad nito habang nasa laptop ang tingin.
"Are you really okay?" tanong ko dito.
"Yeah. You know that fine and okay are different, right? So, yeah, I'm okay," nakangiting saad naman nito. Napatango na lang ako nung nakita kong seryoso ito at mukang totoo naman ang sinasabi niya.
"Sabi mo, eh..." Nagkibit-balikat ako at ang television na lang na nasa harapan namin ang tinignan.
"We can start to prepare the papers that you need para makauwi na din tayo. Sure ka ba na normal flight lang tayo, I mean, hindi 'yong private plane niyo ang gagamitin natin?" tanong niya naman.
"I'm okay with ordinary flight. Mas masu-surprise si Sky kapag hindi private plane ang gagamitin natin," sambit ko naman at ngumiti kaya nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag-irap ni Manager Caile at ang pagbuntong hininga nito na tila nagsasawa na sa ganong eksena kaya tinawanan ko na lang ito.
"Kung alam ko lang na magiging ganyan kayo ka-clingy sa isa't isa, hindi ko na lang sana kayo pinag-partner noon," napapailing na biro naman nito kaya mas tinawanan ko na lang ito.
"Then, thanks to you dahil mas napalapit kami sa isa't isa dahil sa ginawa mo," nakangisi na sambit ko naman ngunit nag-make face lang ito sa akin bago nagpatuloy sa kanyang ginagawa samantalang ako naman ay kundi sa television ang tingin ay ginugulo siya.
The whole day we just both spent our day in my condo and do the things that we needed to do. Nung nagkaroon ng oras si Sky ay nag-video call na din kami. Mukang hindi pa nito alam ang tungkol sa balita at sa article na kumakalat sa akin at nagtaka pa ito dahil maaga daw akong nasa condo pero nalusutan ko naman iyon kaya natutuwa ako dahil mukang magiging maayos ang surprise ko sa kanya.
We had a long conversation, natigil lang kami sa pag-uusap at tawanan nung may kailangan na itong puntahan kasama ang kanyang sekretarya kaya nagpaalam na din kami sa isa't isa.
"Finally, natapos din..."
"What? Saying something?" tanong ko kay Manager Caile at nilingon ito dahil bigla siyang nagsalita nung matapos na kami ni Sky sa pag-uusapan.
"Sabi ko bibili lang akong pagkain, may ipapabili ka ba?" tanong nito at tumayo na. Ngumisi naman ako dito dahil alam ko na naman iyon ang sinabi niya kanina.
"Wala naman. Busog pa ako," sagot ko kaya tumango na ito at nagpaalam bago tuluyan na umalis.
Sa television or kundi man ay pag-scroll lang sa cellphone ang pinagkaabalahan ko hanggang sa matapos na ang araw na iyon.
Kinabukasan ay inasikaso na namin ni Caile ang mga kailangan namin para sa pag-alis namin, medyo matatagalan dahil hindi naman private plane ang gagamitin at hindi kami agad nakapag-reserve ng ticket sa pag-uwi. We spent almost week to fix everything, maraming sumusunod sa akin kaya everytime na lalabas ako ay balot palagi at sa building lang ng condo ko hindi pero kahit nasa building na ako ng condo ko ay pakiramdam ko may nakasunod pa rin sa akin.
Alam ko gano'n din ang iniisip ni Manager Caile kaya hindi na ako nagtaka nung tawagan ako agad nito nung malaman na nagpunta ako sa restaurant ng building namin ng hindi siya kasama.
"Calm down, okay? Hindi ako mawawala. Nandito lang ako sa baba,"
["Lucy, alam mo naman na may mga tao pa rin na obsess na makakuha ng information galing sa'yo, ano ka ba!"] sermon nito sa akin na inirapan ko lang naman, panigurado naman kasing walang mangyayari sa akin na masama dahil alam ko na may mga nakabantay sa akin na bodyguard mula sa malayo.
"I know, I know. Kakain lang naman ako. Wala na tayong stock d'yan. Bukas pa dadating," saad ko naman at nagtawag na nang waiter para maka-order na.
["I can order you online,"] sambit nito.
"I can't wait for it, Manager. Nagugutom na ako. Tsaka saglit lang naman ako dito, so stop worrying about me," sambit ko naman para mapanatag na ito.
["Fine, pero tatapusin ko lang itong ginagawa ko at pupuntahan kita d'yan,"] sambit pa nito na hinayaan ko lang para matapos na rin ang pagtatalo namin.
Pagkababa ng tawag ay sakto namang dumating na ang order ko kaya nagsimula na akong kumain. Nagtitingin ako sa aking cellphone habang kumakain ako.
Patapos na ako sa pagkain pero hindi pa rin nakakapunta si Manager Caile kaya napatingin ako sa wrist watch ko. Hindi pa ata siya tapos sa ginagawa niya...
Nagkibit-balikat na lang ako at tinapos na ang pagkain nung natapos na ako at wala pa naman si Manager Caile ay nag-decide na lang akong umalis at itext na lang siya. Tinawag ko ang waiter at hiningi ko ang bill kaya saglit itong umalis kaya habang kinukuha nito ang bill ko at kumuha na rin ako ng pera sa wallet ko.
"Ito na po— Ay, sorry. I thought it was a waiter," saad ko nung mapagkamalan ko na waiter 'yong lalaki dahil huminto ito sa tapat ng table ko. "I'm done eating and magbabayad na din po ako, so, pwede na kayo dito," saad ko at nag-iwas nang tingin. Umakma na akong tatayo nung nanatili lang itong nakatingin sa akin.
"Lucinda Martinez?" Natigilan ako sa pagtayo at napakunot ang noo nung sabihin niya iyon. Nakilala niya ako. Napatingin ako sa paligid dahil baka mamaya ay may kasama itong mga reporter. "Don't worry, ako lang. Walang reporter or paparazzi. And I'm not a bad guy, in fact, may sasabihin ako sa'yo about sa asawa mo,"
Medyo kumalma na ako at bumalik sa pagkakaupo. Pero teka, alam niya na may asawa na ako and kilala niya si Sky?
"You know Sky?" takang tanong ko dito.
"Yeah, Skyler Hertz. We're friends and schoolmate before," saad nito at naupo sa tapat ko na hinayaan ko lang naman.
"But I never met you before,"
"I'm Drick. We're friends before he went to Law School. Actually nakikita na kita noon pa but hindi ka lang talaga approachable sa mga boys kaya siguro hindi mo na ako napapansin no'n..."
Tinignan ko ito nang maigi at napansin niya ata na nagdududa pa ako kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita para makumbinsi niya ako. Nagbigay pa ito ng mga information na nagpapatunay na kilala niya nga talaga kami, hindi dahil lang sa internet kundi dahil nakasama niya na nga kami noon pa.
"Okay. Pero sabi mo may sasabihin ka tungkol kay Sky, ano naman iyon?" tanong ko dito dahil sigurado naman ako na wala itong sasabihin na hindi ko alam dahil nag-aupdate naman sa akin si Sky kapag may gagawin ito or pupuntahan siya.
"He's cheating on you," diretsong saad nito na mabilis ko namang tinawanan dahil alam ko na hindi magagawa ni Sky iyon.
"It's not gonna happen. He's not a cheater..." sambit ko habang ngumiti at umiling pa.
"But it's already happen. Ngayon na wala ka sa tabi niya," seryosong saad nito.
"I know my husband, Mr. Drick..." siguradong sambit ko.
"Masasabi mo pa rin ba 'yan kahit na malaman mo na pinapapunta niya sa bahay niyo si Brianna at kung minsan ay pumupunta rin ito sa bahay ni Brianna nang hindi mo alam," saad niya at may nilagay na picture sa lamesa. Stolen picture si Brianna na nasa tapat ng bahay namin kaya natawa naman ako nung makita iyon. Ito siguro 'yong time na nag-wrong send sa akin si Brianna.
"Nag-text si Brianna sa akin nung time na ito, so, technically alam ko siya. My husband is not hiding something," saad ko at ngumisi.
"What about this?"
May mga picture pa siya na nilabas. Mga picture ni Sky na kundi papasok sa bahay ni Brianna ay kasama niya naman si Brianna. Stolen picture lahat iyon at halata hindi nila alam na may nagpi-picture sa kanila.
Aaminin ko na nagulat ako nung makita ko 'yong mga pictures at kung gano'n kadami iyon. Wala naman nabanggit si Sky o si Brianna sa akin na nagkikita sila.
"Hindi ko alam kung alam mo na ba ang dahilan kung bakit nagpakasal sa'yo si Sky pero pinakasalan ka lang niya dahil natulungan niyo ang kompanya nila. Siya ang inaasahan na magpapabangon no'n kaya nung nagtagumpay ito dahil na rin sa tulong niyo ay sinuklian niya iyon. Tinupad niya ang pangako niya sa mga magulang mo na magpakasal sa'yo," mahabang saad nito.
Maraming balita nga noon na papalubog na ang negosyo nila kaya tinulungan ito nila Mom ngunit naniniwala ako na hindi lang dahil sa amin kaya sila nakabangon muli. Magaling at matalino si Sky kaya alam kong kahit na hindi namin sila tulungan noon ay hindi niya pa rin naman hahayaan na lumubog ang negosyong pinag-hirapan ng mga magulang niya.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla siyang naging mabait sa'yo noon? Hindi ba't ayaw na ayaw niya nga sa'yo noon? Hindi ka rin ba nagtataka kung bakit sunod lang ito nang sunod sa mga sinasabi ng magulang mo?" Gustuhin ko mang huwag maapektuhan ngunit hindi ko mapigilan lalo pa't may pagkakatugma ang mga sinasabi niya.
"Hindi totoo 'yan! Mahal ako ni Sky kaya tumigil ka na kung ayaw mong ipakuha kita sa guard," matapang na saad ko at tinuro ang labas para makita niya ang guard na nakatayo sa pintuan. Matapang man ang tono ng boses ngunit alam kong nakikita na nito sa mga mata ko kung gaano ako nanghihina. Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng mga luha ko.
"Mahal ka niya? But he got your best friend pregnant..." saad niya at may binabang paperbag pati ang kanyang cellphone ay binaba niya rin kung saan nakita ko ang mensahe ni Brianna sa kanya.
Brianna:
Drick, help me. I'm pregnant with Sky's child. Tulungan mo ako. Hindi ko na alam gagawin ko, magagalit si Lucy kapag nalaman niya 'to...
May kasamang picture iyon kung nasaan may postive na pregnancy test. Nung tignan ko iyong paperbag at iyong pregnancy test na sinend ni Brianna ang laman.
Napatayo na ako nung hindi ko na napigilan ang sarili. Wala na akong ibang naisip nung araw na iyon kundi ang mga sinabi at mga pinakita sa akin ni Drick.
"Ano ba 'to?! Laro? Pwes ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na hindi ako natutuwa." That's not true, Lucy. Huwag kang maniniwala. Kilala mo si Sky, alam mong hindi niya magagawa 'yan sa'yo.
"Reunion namin nung nangyari iyon. Sa club ang theme ng reunion kaya kung makikita mong may picture din sila na magkasama sa club. Parehas silang lasing no'n. Pero hindi ko alam na naulit pa pala iyon."
"Stop this sh*t, Drick!"
"Oo, baka nga minahal ka ni Sky pero hindi mo naman siya masisisi kung magmahal ito nang iba habang wala ka. Lagi kang naka-focus sa trabaho mo, wala kang time sa kanya kaya hindi niya maiiwasan na hanapin sa iba ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman sa'yo..."
Aaminin ko for another time natamaan at nasaktan na naman ako sa sinabi ni Drick. May punto siya. Wala akong time kay Sky lalo nung nakasal na kami imbis na mas mapalapit kami ay iniwan ko pa ito sa pinas kaya oo, aaminin ko, may pagkukulang ako. Pero ako lang ba talaga ang dapat sisihin? Ako lang ba ang may kasalanan kung bakit nangyari 'yon?
"Or baka nga matagal na nilang mahal ang isa't isa, Lucy at baka hinintay lang talaga nila na makaalis ka para magawa ang mga bagay na iyon..."
"Tama na! Tigilan mo na ako! Umalis ka na!" Kasabay ng pagsigaw ko sa kanya at pagbagsak ng mga luha ko sa aking pisngi. Masakit lalo pa't pakiramdam ko ay totoo nga ang sinasabi niya.
Paulit-ulit ko man sabihin na nagsisinungilang lang ang lalaking nasa harap ko ngunit hindi ko rin mapigilan ko na maniwala sa kanya lalo pa't nando'n siya sa pinas nung nangyari ang mga sinasabi niya at may mga ebidensya samantalang ako, nandito at ang career ang inaasikaso kaya paano ko mapapatunayan na hindi iyon totoo? Ang tanging pang-hahawakan ko lang naman ay ang mga salita ni Sky na hindi na ako sigurado sa ngayon kung totoo nga ba talaga.
"Lucy?" Narinig ko na ang boses ni Manager Caile ngunit hindi ko maalis ang matalim na tingin ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Sinasabi ko ito hindi para sirain kayo ni Sky kundi dahil ayokong masaktan ka lang niya," sambit pa ni Drick. Umiling lang ako.
"Sinabi mo ang lahat ng alam mo para hindi ako masaktan? Bakit sa tingin mo hindi na ako masasaktan kapag nalaman ko 'yan! No! Dahil sa mga p*steng ito patuloy lang akong masasaktan!" puno nang hinanakit na sambit ko at hinawi ang mga picture na nasa lamesa bago naglakad na paalis dahil ayoko nang makarinig pa ng salita mula sa kanya.
Iniwan ko na lang sa counter ang bayad ko bago nagdire-diretso sa paglalakad kahit na naririnig ko ang pagtawag ni Manager Caile sa akin.
"Anong nangyari? Sino 'yon? Ayos ka lang ba?" sunud-sunod na tanong ni Manager Caile nung maabutan ako nito sa elevator. Hindi ko na nasagot ang tanong niya nung tumunog ang cellphone ko dahil sa isang mensahe na mas nagpatulo ng luha ko.

Komento sa Aklat (247)

  • avatar
    CABAUATANMINO

    good👍

    05/07

      0
  • avatar
    Amosog Danom

    enternal

    30/10/2025

      0
  • avatar
    SuganobMicah

    ✨nice

    22/05/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata