LUCY POV. Months and days passed and each days ayoko nang dumilat dahil panibago at sandamakmak na trabaho na naman ang haharapin ko para sa mga araw na iyon. Bawat araw ay may kailangan akong puntahan at gawin kaya ni isang rest day ay hindi ako nagkakaroon. Napasalampak na lang ako nung matapos na ang napakahaba at nakakapagod na araw. Malakas na buntong hininga pa ang pinakawalan ko nung nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Mom. "Did I really need to go there? Hindi ba pwedeng rest time ko naman 'yon? May ramp pa ako kinabukasn no'n," saad ko dahil kailangan daw namin umattend ng party sa thursday. "Yes. It's full of media. Hahanapin ka doon kung mawawala ka baka mamaya magkaroon ka ng issue kung hindi ka aattend," saad naman ni Mom at nagpatuloy pa ito kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang at tumango. Ibinalita ko ang tungkol doon kay Sky at nalaman ko na kailangan din pala nitong pumunta sa reunion nila next week lang din, sayang nga lang at isasama niya sana ako doon kaya lang ay hindi umabot ang pag-uwi ko dahil na-adjust ang pag-uwi. Uuwi na sana ako after two weeks dahil matatapos na din naman ang project ko but I need to attend this party na sinasabi ni Mom dahil may media at halos lahat ng famous model ay pupunta din doon. Malaki ngang event ang pinuntahan namin nila Mom. It's exhausting but had a little fun naman dahil nagkaroon din ako ng time to have a chitachat with my colleagues. "This is my last project, Mom..." saad ko habang inaayusan ako nung make-up artist. May panibagong project na naman itong sinasabi sa akin. "But, Lucy, malaki ito and matutuwa ang fans mo kapag nalaman nila na tinanggap mo ito," sambit ni Mom para makumbinsi ako na tanggapin iyon. "No, Mom. Ayoko na. This is the last. Manager Caile, no more project and reject those offers dahil gusto ko nang umuwi," saad ko naman. "Okay, noted," sabi ni Caile at nag-thumb up pa sa akin kaya tinignan ito ni Mom pero nagkibit-balikat lang siya dito. "Lucy, kahit ito, last na talaga," "No, Mom. Iyan din ang sinabi niyo last year pero hanggang ngayon nandito pa rin ako at gumagawa ng another shoot and ramp," "Sweetheart—" "Mom! I want to settle in Philippines. I want to be Sky's wife. I'd been spending my years here and in this modeling career. I don't wanna spend my whole life doing this modeling things," mahabang saad ko. Pagod na tinignan ko pa si Mom dahil napapagod na rin akong makipag-talo sa kanya pero ngumiti lang ito at niyakap ako. "Ew... Mom!" "You grow a lot. Okay, I will let you do your things," sambit ni Mom at 'yong mga staff naman ang ginulo niya kaya napailing na lang ako pero hinayaan ko na lang ito kesa naman magbago ang isip niya at ang plano ko naman ang guluhin. Mahaba ang araw na iyon, kumalat doon na last ko na iyon kaya sinulit na din nila at nagpahanda rin sila kaya nagkaroon ng simpleng salu-salo at anong oras na kami nakauwi dahil doon. Nasanay na ang katawan ko na maaga nagigising kaya kinabukasan ay maaga din akong nagtungo sa gym. Alam ko na reunion nila Sky nung araw na iyon kaya hindi na ako nagtaka nung mabasa ko ang huling mensahe niya na papunta na daw siya sa venue with his picture. Gwapo... Hindi naman sa club ang venue nung reunion nila according sa sinabi ni Sky sa akin kaya kampante ako na walang haliparot na aaligid sa kanya doon. Bumisita sa condo sila Mom and Dad nung lunch, okay na rin para naman may kasama at kausap kami ni Hermana Kye. Maagang umalis si Manager Caile sa condo, may inaasikaso ito sa kanyang personal na buhay pero babalik din naman ito pagkatapos no'n. Hinayaan ko lang ito dahil ayoko naman na buong buhay niya ay sa akin lang nakaikot at puro tungkol sa akin lang ang ginagawa niya. Matagal nanatili sa condo sila Mom. Nagpapaint lang ako sa canva ko habang kausap ko sila Mom at Dad. "Talagang desidido ka na ba? Ayaw mo na talagang iextend 'yong trabaho mo dito?" tanong ni Mom sa akin. "Letitia, ilang taon na siyang nag-extend ng trabaho niya dito dahil sa pagtanggap mo ng mga project niya nang hindi niya alam," saad naman ni Dad na tinawanan ko kaya tinignan agad siya nang matalim ni Mom. "That's for her own good, Cosmo," mataray na saad ni Mom at umirap pa ito na nginisihan lang naman ni Dad. "So, you both stay here to fight?" tanong ko at tinignan sila parehas. "Anyway, you want to settle as Sky's wife, that's why, you want to go back in Philippines?" sambit naman ni Mom na binalewala ang tanong ko. "Yes, Mom. Kaya huwag mo na akong kulitin sa mga offer nila dahil hindi ko na talaga tatanggapin 'yon at uuwi na ako," saad ko naman sa tono na napapagod na dahil pagod na talaga akong makipag-talo sa kanya. "Okay, okay. Ayos na sa akin 'yong pag-uwi since maganda ang dahilan mo. Ipapaayos ko na lahat ng kailangan mo para makauwi ka agad..." excited na saad naman ni Mom na mabilis kong pinigilan. "Nah... Kami na ni Caile ang bahala d'yan. Gagawin namin bukas para makauwi na din kami agad," saad ko dahil kaya na naman namin ni Caile gawin ang mga iyon. "Pero mas— Okay! Ayan na naman ang tingin mo, fine. Kung 'yan ang gusto mong gawin, just contact us if you need help," sambit naman ni Mom nung nilingon ko ito nung umamba siya na kokontra sa gusto kong gawin. "Hayaan mo na kasi siya, Letitia. Malaki na 'yan, alam niya na kung paano magdesisyon ng maayos at tama. Magsasabi din naman 'yan kung kailangan niya nang tulong natin," si Dad na hindi ko alam kung lahat ba talaga nang desisyon ko ay sinusupportahan niya or gusto niya lang asarin si Mom dahil maloko pa itong ngumiti kay Mom kaya ayun nagsimula na naman panibagong bangayan nila. Napapailing na lang ako habang pinapakinggan sila pero nagpatuloy lang ako sa pagpapaint at hindi na sila inawat pa dahil alam ko naman na hindi rin naman nila seseryosohin ang awayan nila na 'yon. Hay! They're just both childish...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10/2025
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat