LUCY POV. ["You must be tired, then..."] saad ni Sky mula sa kabilang linya nung natapos kong sabihin kung ano ang mga ginawa ko para sa araw na ito. We been talking like this for almost 5 weeks, hindi pa siya makabisita dahil katulad ko ay marami din siyang ginagawa doon sa Pinas. Tuwing umaga bago ako pumunta sa trabaho at pag-uwi ko lang sa condo ko siya natatawagan. Our situation is kinda tiring but you can conquer everything for love, right? "Yeah. But don't hang up yet, okay?" banta ko at tinignan siya dahil alam ko na kasunod kapag iyon na ang sinabi niya. Ayaw niya na mapagod ako lalo kapag minsan ay saglit lang kami nagkakausap dahil gusto niyang mas magpahinga na lang ako. ["Okay, okay, Miss!"] saad nito at sumaludo pa kaya natawa na lang ako sa kanya at napailing bago nagpatuloy sa paglalagay ng face mask. "And what about you? How was your day?" tanong ko dahil ako lang ang kanina pa kwento nang kwento sa kanya. ["Lonely and boring because my other half is not here..."] Malungkot ko naman itong nginitian at napabuntong hininga na lang ako. "So, ano? Uuwi na ba ako?" nakangisi na tanong ko naman sa kanya. ["No, I just think I need to visit you..."] saad niya at may kung anong pinindot sa laptop niya. "Pupunta ka na dito?" masayang tanong ko at natigilan sa ginagawa para harapin siya. ["Next month. I need to finish something here,"] sabi niya, bahagya akong napasimangot ngunit tumango din dahil mas okay na iyon kesa hindi. "Okayy! I will wait for you..." saad ko naman sa kanya. Madami pa kaming pinag-usapan para sa mga plano namin kaya hanggang sa nahiga na ako ay magkausap pa rin kami. Hindi ko alam kung anong oras na niya pinatay ang tawag dahil nakatulugan ko ito. Kinaumagahan ay medyo tinanghali akong nagising pero nag-gym pa rin ako at ayos lang naman kahit na-late ako nang gising dahil hapon pa naman ang guesting ko sa isang variety show. "Maganda ka, Manager Caile, bakit hindi ka pa mag-boyfriend ulit?" tanong ko kay Manager Caile kasama ko itong nag-gym. Kakatapos lang namin at naupo muna saglit para makapag-pahinga. "Tuloy ka pa rin sa show kaya huwag mo na akong utuin," saad nito at ngumisi pa sa akin bago uminom ng kanyang tubig. "Hindi, seryoso kasi! Ayaw mo na bang mag-try?" tanong ko dito. Hindi ito sumagot at ngumiti lang nang mapait sa akin. Alam kong dahil sa past relationship niya at nangyari sa buhay niya kaya pinipigilan niya ang sarili niya na magmahal. Takot itong magmahal dahil pakiramdam niya ay iiwan lang din naman siya sa huli. "Ayaw mo na ba talaga? Talagang gusto mo na mag-isa ka na lang at habang buhay na nagtatrabaho sa akin?" tanong ko pa dito. Simula nung nakilala niya ako ay parang sa akin na lang umiikot ang buhay niya. Ang pagtatrabaho at pagiging manager ko. Nagawa niya pang ipagpalit ang trabaho niya noon para lang sa akin. "I'm enjoying my work with Lucy..." nakangiting saad nito at pinunasan ang pawis ko. "Tss. Huwag ka nang plastik," nakangising saad ko dito. "Anong nakaka-enjoy? Ee, lagi lang naman kitang tinataray, I'm even a sarcastic," dagdag ko pa. "But I know you have a good heart and that's enough reason to be your manager," saad niya at ngumiti muli sa akin bago ako tinapik at tumayo. "Tara na, kailangan mo pang kumain at maghanda," Napabuntong hininga na lang ako nung sabihin niya iyon. Ayos na, eh! Panira talaga 'to... Napairap na lang ako nung ayain niya pa ako muli pero wala ring nagawa kundi ang sumunod na lang din sa kanya. Mabilis lang natapos ang oras sa araw na iyon. Hindi ko alam kung dahil ba marami akong ginawa or hindi ko lang talagang namalayan ang oras. May mga kung anong activity at Q&A akong ginawa sa variety show na pinuntahan ko kaya nagtagal ako doon at medyo napagod ako sa ginawa namin. Halos nakapikit ako habang papunta ako sa sasakyan. Nauna akong magpunta sa sasakyan namin dahil nag-aayos pa nang gamit ang mga kasama ko at gusto ko nang maupo. Kampante naman ako at hinayaan din nila dahil pare-pareho naman naming alam na secured nag parking area dito. May mga bodyguard din kami na nakabantay sa akin mula sa malayo kaya kahit nararamdaman ko na may nakatingin sa akin at nakasunod ay hindi na ako nabahala dahil alam ko naman na bodyguard lang iyon. Naupo ako agad sa sasakyan ngunit hinayaan ko muna na nakabukas ang pinto dahil dadating din naman sila Manager Caile at ang team namin. Nakasandal ang ulo ko at papikit na ako nung may naaninag akong tumakbo sa gilid ko. Napabangon agad ako nung makita ko iyon. Kinusot ko pa ang mga mata ko. Alam kong hindi namin bodyguard iyon dahil una sa lahat ay bakit sila tatakbo. And they don't act weird lalo na pagdating sa akin. Lumabas ako ng sasakyan para tignan ang paligid ngunit wala akong makita ni isang taong nando'n. Napatingin ako sa likuran nang sasakyan nung may marinig ako na ingay mula doon. Dahan-dahan akong naglakad palapit doon at may nakita akong anino habang lumalapit ako kaya alam ko na may tao doon ngunit nung pagpunta ko doon ay biglang nawala ito. Napakunot ang noo ko habang tinitignan ang paligid. What the heck? Am I dreaming? Or he/she's just fast? Or maybe, the team are pranking me? "C'mon, guys! I knew it. Stop this crap!" natatawang saad ko naman at ilang minuto akong naghintay ngunit walang lumabas ni isa sa mga team ko. Unti-unting nawala ang ngiti ko at kinakabahan na ako dahil pakiramdam ko ay may sumusunod talaga na kung sino sa akin kaya napatili ako nung may biglang yumakap sa akin mula sa likod. "No! Oh my gosh! Sky? Sky!" Mula sa gulat ay napalitan ito nang tuwa at mabilis ko siyang niyakap. "You scared me!" "I missed you..." saad nito at hinalikan ako kaya napangiti na lang ako. "I knew it! Kanina mo pa ako tinatakot 'no?" nakangiting sabi ko dito at bahagyang pinindot ang ilong niya. "I'm not. Kakadating ko lang..." sabi niya gamit ang seryosong tono niya at umiling pa ito but I know him really well. "Stop fooling around, Hon..." sambit ko naman kaya nagkibit balikat ito. "But anyway, I thought next month ka pa pupunta?" tanong ko dahil iyon ang sinabi niya sa akin. "I just can't resist your pouty face but saglit lang ako dahil may mga naiwan pa ako na trabaho doon. Babalikan din ako next month, okay?" sabi niya. Ngumiti ako at niyakap na lang ito kaya narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. Kahit kailan talaga ay hindi ako matitiis nito, well, ako din naman. He's really my source of energy dahil 'yong takot at pagod ko kanina ay biglang nawala ngayong yakap ko siya. I really love this man...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10/2025
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat