LUCY POV. Isang halik at mahigpit na yakap ang ginawa namin ni Sky bago ako nagpaalam na at pumasok na sa loob ng airport. Hindi siya makakasama pa sa New York dahil maraming kailangan gawin sa kompanya pero kapag naging maluwag naman daw ang schedule niya ay bibisitahin niya rin ako doon. Kasama ko si Manager Caile, Mom at Dad sa New York. Nando'n na ang ibang team namin, nauna na silang pumunta sa amin para ayusin ang mga kailangan pa namin doon. I was so silent the whole time na bumibiyahe kami kahit na maraming sinasabi si Manager Caile about sa magiging schedule ko sa New York. Tumatango lang ako at saglit lang na tinitignan ang ipad sa tuwing may pinapakita ito sa akin. Pagkarating at paglabas namin ng airport ay dinumog na agad kami ng mga reporters at fans ko doon, mabuti na lang at may mga bodyguard na kaming nag-aabang doon kaya hindi na ito nakakalapit pa sa amin. Ngumingiti at kumakaway lang ako sa kanila. Marami silang tanong ngunit wala ni isa doon ang sinagot ko. "Be careful, everyone!" saad ko sa kanila at kumaway pa bago pumasok sa sasakyan. I'm not rude to those reporters and especially to my fans, but may mga tanong sila na di ko nagugustuhan kaya kesa sagutin at magalit sa kanila ay pinipili ko na lang na tumahimik or binabalewala ko na lang iyon at hayaan sila na isipin na 'I'm snob model'. Iyon din ang hindi ma-gets ni Mom dahil gusto niya na maging friendly ako kaya habang bumibiyahe kami papunta sa tinitirahan namin dito sa New York ay iyon ang bukambibig niya. "I told you to be a little friendly to them. Sasagutin mo lang 'yong tanong nila, mahirap ba 'yon?" Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa para hindi na kami mag-away pa. Panigurado kasi na hahaba lang ang usapin namin kapag sumagot pa ako. "Ano na lang ang sasabihin nila sa'yo? Hay nako! Paano 'yong mga haters mo? Panigurado dadami na naman 'yan dahil naging snob ka na naman ngayon!" Napairap na lang ako at sinenyasan si Manager Caile na siya na lang ang kumausap kay Mom. Hindi ko naman iniisip ang sinasabi ng iba sa akin dahil alam ko naman na kahit anong sabihin nila ay wala ring katotohanan ang mga iyon. Dahil alam ng sarili ko at ng taong naniniwala sa akin ang totoo. "Ayy, Tita Letitia, madami naman po talagang gano'n. Kahit mabait ka man po o hindi, may masasabi pa rin sila," sambit naman ni Manager Caile. Kailangan pala sinisiko muna ito para makapag-salita at magkaroon ng lakas ng loob. "Caile, maiiwasan ang pagdami nila kung nagiging mabuti ka," saad naman ni Mom. "That's enough, Letitia... We are all here because of Lucinda's Modeling career, not to make her haters happy," singit naman ni Dad na mabilis kong tinanguan kaya wala nang nagawa si Mom kundi ang matalim na tignan si Dad at umiling. Sa condominium ako titira together with Caile while Mom and Dad ay sa bahay naman sila. Mas malapit sa studio ang condominium ko dito sa New York kaya pumayag sila Mom na doon ako tumira. Sa labas ng building ng condominium ko ay may nag-aabang din ang mga reporters doon but mabuti na lang nung pumasok na kami sa parking area ay nawala na sila marahil hindi sila makapasok dahil very secured at private ang building na ito kaya ang tanging makakapasok lang ay ang nakatira dito. Kahit na nasa loob na kami ay may mga bodyguard pa rin na nakapaligid sa amin. Pagkapasok namin doon sa condo ay sinalubong agad kami ni Hermana Kye. Matamis na ngiti at mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya nung nakalapit na ito sa akin. "Hermana Kye!" masayang saad ko habang yakap ko ito. Hermana Kye is one of my manang, she's the caretaker of my condo here in New York. Naging kasambahay at caretaker ko na siya since nung binili ko ang condong ito. Kapag nandito kasi ako ay madalas puro photoshoot at trabaho lang talaga ang ginagawa ko kaya mas pinili ko na mag-hire na lang ng kasambahay at caretaker para habang wala kami ay may mag-aalaga pa rin ng condo ko. She's half-australian and half-pinoy but she's living near at my condo here in New York kaya kahit umuwi kami sa pinas ay ayos lang sa kanya dahil nakakauwi naman siya sa kanila. She's middle-aged and no husband, no boyfriend, no partner but have one adopted child. Pagkatapos ng kamustahan with Hermana Kye ay nagsimula na kami ni Caile na mag-ayos ng gamit namin habang si Hermana Kye ay nagluto na para may makain na daw kami after namin mag-ayos. Mom and Dad stayed at my condo for a while habang nag-aayos kami ni Caile ng mga gamit namin. Like the usual, marami na naman paalala sa akin si Mom dahil bukas ay magsisimula na ako. "Mom, I know. I get it, okay? Alam ko na lahat iyan," saad ko nung natapos na ako sa ginagawa at lumabas na ako sa kwarto ko pero nakasunod lang si Mom sa akin at nagpatuloy pa rin sa pagsasalita. "Yeah, yeah, yeah! Usual. Iyan ang sasabihin mo but you really get it? I don't think so," "Letitia..." tawag ni Dad sa kanya kaya natigil ito at hinarap si Dad. "Lucinda already know it, as she said. Just stop and trust her." Napairap naman agad si Mom nung sabihin iyon ni Dad. "Mom don't worry, I won't disappoint you..." saad ko at ngumiti sa kanya. Bumuntong hininga pa ito bago tumango. Kalaunan ay nagpaalam na din sila ni Dad dahil kailangan na nga nilang magpahinga kaya hinatid ko sila hanggang labas. Nung lumabas kami ay wala na doon ang mga reporters marahil kumuha lang sila nang litrato ng pagdating ko kaya nandito sila kanina. Kumaway ako kila Mom, isang busina pa ang ginawa nila bago tuluyan na umalis. Hinintay ko na makaalis sila bago ako pumasok ngunit bago ako tuluyan na makapasok ay may napansin akong lalaki na nakatayo hindi kalayuan, nakatingin ito sa gawi ko. Napatingin ako sa gilid ngunit bumungad naman si Manager Caile sa tabi ko kaya bahagya akong nagulat at napahawak sa aking dibdib. "Oh? Okay ka lang? Sabi ni Hermana Kye ay puntahan na kita dahil ang tagal mo daw makabalik," saad nito sa akin with her innocent face kaya napairap na lang ako. "Kanina okay pa ako pero dahil nanggulat ka ay hindi ko na alam," mataray na saad ko ngunit tinawanan lang naman ako nito. "Tara na nga sa loob, naghihintay na si Hermana Kye doon," anyaya ni Caile at tinuro ang loob. Napatingin muna ako doon sa pwesto nung lalaki na nakita ko kanina ngunit wala na ito doon. Napatingin pa ako sa paligid ngunit wala na akong nakitang bakas niya, napakibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob. Nakasunod lang naman si Caile sa akin. Nakapag-luto na si Hermana Kye nung bumalik kami kaya kumain na rin kami. Dahil matagal na nung huli kaming nagkita ay nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan. Kinabukasan ay maaga akong gumising at nagtungo sa gym na madalas kong puntahan dito sa New York. Ilang oras akong nando'n ay may kakaiba akong nararamdaman ngunit binabalewala ko dahil baka 'yong nag-gym lang din iyon. Papasikat na ang araw nung makabalik ako. Pababa ako nung taxi at kausap ko si Sky sa phone nung maramdaman ko na parang may nakasunod sa akin kaya napahinto ako sa pagpasok sa building ng condominium ko at napatingin sa likuran ko ngunit wala akong nakitang tao doon. ["What's wrong, Wife?"] tanong ni Sky dahil hindi na ako nakasagot sa huling sinabi niya. "I just feel..." Naputol ang sinasabi ko nung napansin kong gumalaw ang halaman na hindi kalayuan sa akin. Lalapitan ko na sana iyon ngunit may humawak sa braso. "Lucy! Good thing nandito ka na. You need to prepare, nakalimutan mo ba na may appointment ka ngayon?" si Manager Caile at inaya na ako papasok. "Yeah, I know, Manager Caile," sagot ko naman at pumasok na. "Hon, I will call you again later, okay?" ["Alright, Wife, I will wait..."] "Okayy, bye. I love you..." malambing na saad ko kaya nakita ko ang pag-irap at pagngisi ni Manager Caile sa tabi ko. ["I love you more. Take care, okay?"] saad pa ni Sky bago namin tinapos ang tawag. Tinignan ko lang nang matalim si Manager Caile ngunit hindi na ako nagsalita pa. Hindi na ako nagtagal sa pagligo at pagbibihis dahil kanina pa nagmamadali si Manager Caile. Susunduin daw kami nang team kaya hindi na namin kailangan mag-commute ni Manager Caile. Nung lumabas ako ay nando'n na ang team namin kaya umalis na rin kami agad at nagtungo na sa studio. Like the usual, may naghihintay na agad na mga fans ko doon. Halatang alam nila na may photoshoot ako. Saglit ko silang inapproach at kinausap muna. May mga nag-picture at nanghingi nang autograph na pinahintulutan ko naman ngunit hindi rin ako nagtagal doon dahil kailangan ko na rin pumasok sa loob para masimulan na ang photoshoot. Ngumiti at kumaway ako sa mga fans ko pagkatapos nagpaalam sa kanila at pumasok na sa loob kasama sila Manager Caile. Inaayusan na agad ako nung naupo ako at nagsimula na nga ang trabaho ko para sa araw na iyon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat