logo text

Chapter 19: California

Chapter 19: California
LUCY POV.
"Enjoying the view?" Isang mahigpit at mainit niyang yakap ang naramdaman ko pagkatapos niyang itanong iyon sa akin.
Nasa balcony ako at nakatingin sa mapayapang langit habang hinihintay ko ang pagsikat ng umaga. Unang umaga ko ito bilang asawa ni Sky. Nakakagaan na loob sa tuwing naiisip ko na kasal na kami.
"My lady..." saad niya na tila hinihintay ang aking pagsagot sa kanyang tanong. Bahagya akong natawa at nakiliti nung maramdaman ko ang kanyang mga halik sa aking pisngi at leeg.
"Yes, yes, Hon..." malambing na sagot ko kaya tumigil na ito sa pangingiliti sa akin. "Let's go, let's eat?" anyaya ko sa kanya at bahagya siyang nilingon.
"Alright..." saad niya naman at naglahad ng kamay sa akin. Hindi ko naman mapigilan mapangiti sa pagiging clingy ng asawa ko.
Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at sabay kaming nagtungo sa garden dahil doon niya daw pinahanda ang breakfast namin. Nabigla naman ako nung makarating kami sa garden dahil nakaayos doon. May mga petals sa lapag at halatang pinag-handaan iyon. Kaya pala ang aga nitong wala sa kama...
Nakangiti ko namang hinarap si Sky na agad namang ngumisi. Niyakap ko ito kaya agad na napunta ang kanyang kamay sa aking bewang.
"Thank you for preparing this special breakfast, Hon..." nakangiting sambit ko habang yakap-yakap ko siya.
"I love you so much, my wife," sagot niya naman at hinalikan ang aking ulo kaya mas humigpit ang aking yakap.
"Ehem! Ehem!" Napalingon naman kaming dalawa sa gilid namin dahil doon.
"Yena..."
"I just want to let you know that the food is getting cold kung magyayakapan lang kayo d'yan. Iyon lang, thank you and I will go now," sambit nito at mabilis itong pumasok sa loob. Seryoso ang mukha nito kabaliktaran ng tono ng kanyang pananalita kaya napailing at natawa na lang ako sa kanya. Kahit kailan talaga ang babaeng iyon...
Naupo na nga kami ni Sky at nagsimula nang kumain para pagkatapos ay maghanda na kami sa pag-alis. Ngayon kasi ang biyahe namin papuntang California dahil doon ang honeymoon namin.
Pagkatapos kumain na nagtungo na kami sa kwarto namin para makapag-ayos at handa para makapunta na kaming Airport. Nakaayos na ang mga gamit na dadalhin namin sa California.
"Mag-iingat kayo doon, okay?" bilin ni Mom pagkatapos ng yakapan namin.
Nagpunta sila sa bahay para makapag-paalam sa amin ni Sky bago kami umalis. Pagkatapos ng yakapan at mga bilin ay tumulak na kami paalis ni Sky.
Private plane ang gamit namin ni Sky at may mga kasama rin kaming bodyguard namin pero lagi itong malayo lang sa amin ni Sky. Hindi na sumabay sa pagbiyahe sila Mom at Dad sa amin dahil bukod sa hindi naman sa California ang tungo nila ay gusto na muna nila daw maglibot sa Pinas bago magtungo sa ibang bansa. Minsan lang kasi na umuwi sila Mom at Dad sa Pinas kaya kapag umuuwi ay sinusulit na rin nila iyon.
Nakasandal lang ang ulo sa mga bisig ni Sky at nakapikit lang ako the whole time na bumabiyahe kami samantalang siya ay nararamdaman ko ang paghaplos nito sa aking ulo tila pinaglalaruan niya ang aking buhok at nararamdaman ko rin ang paminsan-minsan na paghalik nito sa akin kaya napapangiti na lang ako.
Narinig ko agad ang mga hiyawan ng mga fans ko nung lumabas na kami sa airport ni Sky. Mukang nabalitaan nila na dito ang tungo namin ni Sky. I'm a international model at madalas ay sa New York or dito sa California ang mga runaway ko. I'm also model of super famous and luxury of a brand name kaya hindi na ako nagtataka na maraming nakakakilala sa akin.
Mabuti na lang may mga kasama kami mga bodyguard kaya ito ang mga humaharang sa paglapit ng mga fans. I don't hate my fans though but I want my privacy too and sometimes my fans forget to give me that.
Nginingitian at kinakawayan ko ang mga tumatawag sa pangalan ko samantalang si Sky ay kinukuha ang mga letter na inaabot ng mga malalapit na fans. What a supportive...
Nung nakasakay lang kami sa sasakyan na naghihintay sa amin sa airport ay doon lang kami nakawala sa mga fans. But mabuti na lang hanggang doon lang sila, hindi na nila sinusubukan na sundan ang sasakyan namin. Tinago na muna ni Sky sa aking bag ang mga nakuha niyang letters.
Malapit sa dagat ang bahay namin dito sa California kaya sigurado ako na magugustuhan ko ang pananatili namin dito dahil bukod sa tahimik at mapayapa ang lugar kung saan kami mananatili ni Sky ay malapit pa ito sa dagat. Malayo ito sa Airport kaya medyo mahaba-haba ang biyahe namin at madaling araw na nung nakarating kami doon.
Wala kaming kasambahay dito sa California, of course, this is not our main house at kaya hindi rin kami madalas magpunta dito. Kung magpupunta man ay kapag may runaway or saglit na bakasyon, hindi nagtatagal in short. Ang tanging tagapangalaga lang namin ang naabutan namin doon.
We're all tired kaya imbis na kumain ay pare-pareho kaming nagdesisyon na magpahinga muna at nagtungo sa mga kwarto namin. Nahiga ako sa kama agad nung pumasok ako sa kwarto namin ni Sky.
"Magpalit ka muna at magpahinga..." sambit ni Sky. Tumango ako at nagtungo na nga sa bathroom para makapag-palit.
Hindi na ako nagtagal dahil gusto ko na rin magpahinga kaya nung natapos ako agad ay bumalik na ako sa pagkakahiga kaya lang ay napansin ko na abala pa rin si Sky sa pag-aayos ng mga gamit na dala namin.
"Sky..." tawag ko dito kaya saglit itong lumingon sa akin at ngumiti bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Aayusin ko lang ito saglit, my lady," malambing na saad niya sa akin.
"Sky, magpahinga ka muna," saad ko naman habang pinag-mamasdan siya.
"Sandali na lang ito, my lady. Mauna ka nang magpahinga, panigurado pagod ka sa biyahe natin," sagot naman nito at patuloy lang sa pag-aayos.
"Sabay na tayo. Mamaya na 'yan..." sambit ko naman.
"Susunod na lang ako. Tapusin ko lang ito," sabi niya naman at ngumiti sa akin.
"My Sky..." malambing na sambit ko at kinindatan siya nung lumingon ito sa akin.
Mas ngumiti ito sa akin at tinigil na niya ang ginagawa niyang pag-aayos. Napahagikgik naman ako nung tumabi na ito sa akin, bahagya pa ako nitong kiniliti at binigyan ng halik bago ako niyakap.
"My Sky..." pang-aasar ko pa dito kaya mas siniksik nito ang mukha niya sa leeg ko kaya natawa na lang ulit ako at niyakap na lang din siya. Sa gano'ng pwesto kami nakatulog na dalawa.
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nakatulog na dalawa basta nagising na lang ako dahil nagrereklamo na ang tiyan ko. Naramdaman ko na may humahaplos sa buhok ko kaya alam ko na gising na ang asawa ko. Ngiti nito ang bumungad sa aking paningin nung idilat ko ang aking mga mata.
"I'm starving..." nakasimangot na saad ko.
"Let's go downstairs, then," sambit niya at inayos ang buhok ko.
Tumango ako at bumangon na nga kami para magtungo na sa baba. Nakahanda na ang pagkain namin sa dining area nung dumating kami doon kaya napatingin ako kay Sky.
"Did you cook this?" tanong ko sa kanya habang umuupo ako.
"Yeah. Maaga akong nagising kaya nagluto na ako para may makain na tayo kapag nagutom ka," sagot nito habang nilalagyan ng pagkain ang aming pinggan.
Parehas kaming dalawa na tahimik lang habang kumakain. Kaming dalawa lang din ang nandito sa dining area kaya wala akong naririnig na ibang ingay dahil mukang nasa labas ang mga bodyguard na kasama namin para magbantay at ang iba naman ay mga nasa silid lang nila dahil ayaw makaabala sa amin ni Sky.
Malaki ang bahay namin dito sa California, well, hindi naman papayag si Mommy Letitia sa maliit na bahay kaya kahit na magpagala-gala ang mga bodyguards na kasama namin ay ayos lang at hindi naman makakaabala para sa akin.
Mabilis lang kaming natapos sa pagkain ni Sky at pagkatapos namin kumain ay lumabas na muna kami at naglakad-lakad sa tabing dagat.
"Woah! It's so peaceful here," nakangiting saad ko habang tumitingin sa paligid. Nauuna akong maglakad sa amin ni Sky pero hawak-hawak ko naman ang kamay niya. "I love it here..."
"Either me. I always loving the place as long as I'm with you..." Bahagya na lang ako napairap nung marinig ko na sabihin niya iyon.
"Ang korni mo!" Bahagya kong pinisil 'yong ilong niya kaya napapikit ito kaya natawa na lang ako at mabilis na tumakbo nung ngumisi ito sa akin.

Komento sa Aklat (247)

  • avatar
    CABAUATANMINO

    good👍

    05/07

      0
  • avatar
    Amosog Danom

    enternal

    30/10

      0
  • avatar
    SuganobMicah

    ✨nice

    22/05/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata