LUCY POV. Ilang araw bumagabag sa aking isipan ang mga napag-usapan namin ni Ate Leanne nung gabing iyon. Brianna is lying... Bakit naman? Para saan? Para sirain kami ni Sky? May gusto ba siya kay Sky kung meron, bakit niya ako pinush kay Sky noon? Sky is not the baby's father... Napapaisip ito ako dito na baka totoo nga ito dahil kahit kailan naman ay hindi nagbigay o nagpakita sa akin ng DNA result si Brianna. Pero bakit niya gagawin at sasabihin iyon? At naalala ko na parang pinaulit-ulit sa akin ni Kuya Carson na hindi kami sigurado kung kay Sky nga ba iyon. May alam kaya si Kuya Carson? Napapahawak na lang ako sa aking ulo. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip doon. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Should I trust Sky? Kahit kailan hindi gumawa ng kwento si Ate Leanne sa akin... Bakit niya naman gagawin iyon at magsisinungaling siya kung una pa lang ay hinuhusgahan niya na si Sky? Masungit nga siya dito dahil suplado ito sa akin. Protective si Ate Leanne sa akin at ayaw niyang nasasaktan ako kaya bakit ngayon kakampihan niya si Sky kung alam niya naman na masasaktan ako kung sakaling malaman ko na hindi totoo iyon? Bakit di siya magpapaimbestiga kung magsisinungaling lang din siya, diba? Tama din naman ang sinabi ni Ate Leanne... Hindi niya kami hahayaan na makasal kung hindi naman tapat at totoo sa salita si Sky. Hindi siya makikipag-away kila Mommy kung mauuwi lang sa wala ang lahat. Hindi rin kami ipagtatanggol ni Kuya Carson kung alam nilang sasayangin lang ni Sky ang lahat. "Done signing?" tanong ni Yena nung pumasok ito sa opisina ko. Tumango lang ako at nanatili sa harapan ko ang aking tingin. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtataka ni Yena habang kinukuha ang mga papeles sa desk ko pero nasa aking naman ang tingin. "Yena..." tawag ko dito nung malapit na ito sa pintuan. "Yes?" "Tumawag na ba si Sky para sa lunch?" tanong ko nang hindi siya tinitignan. "Oh? Bati na ulit? Tumawag na pero nagpadeliver lang dahil hindi siya makakaalis sa opisina nila ngayon dahil sa meeting..." sagot naman ni Yena na may ngisi sa kanyang mukha. "Call him. Pupuntahan ko na lang siya kung hindi siya makakaalis," sambit ko naman at kinuha ko na ang aking gamit bago nagdire-diretso sa paglalakad. "Pero, teka... Osige. Sabihin ko siya. Mag-iingat ka!" sigaw ni Yena nung malalayo na ako. Pagkababa ko ay nakahanda na ang driver makita pa lang ako nito na papalapit ay binuksan niya na agad ang pintuan. Hindi ko pa sinasabi kung saan kami pupunta pero alam niya na agad. Kala ko ba si Sky lang ang sinabihan ni Yena? Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at tinuon na lang ang pansin sa aking isipan ngunit kahit anong pag-scroll ang aking gawin ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga pinag-usapan namin ni Ate Leanne. "Argh! This is so frustrating..." iritang saad ko nung mas naguluhan lang ako sa mga dapat kong gawin. "Uh, Ma'am nandito na po tayo. Pasensya na po natagalan..." mahinahon na saad nung driver ko kaya napatingin ako sa paligid. "Ayos lang po. Sige, pwede na po kayong umalis. Bye!" saad ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Patungo pa lang ako sa front desk nung makasalubong ko siya. Siguro nasabihan na ito ni Yena o ang driver na naghatid sa akin kaya alam na nito na nandito ako. "Lucy..." bati nito sa akin at humalik pa ito sa aking pisngi kaya tinignan ko siya nang masama na binalewala niya naman. "Let's grab lunch?" tanong ko naman. "Here? In our cafeteria?" tanong niya. "Yeah. You're busy, you can leave for so long and besides, I have no problem eating in cafeteria," sagot ko at hindi ko maintindihan kung bakit nangingiti ito nung marinig ang sinabi ko. "Let's go, I'm hungry..." Nung sabihin ko na nagugutom ako ay hindi na ito nagdalawang-isip na hawakan ang kamay at dinala na ako sa cafeteria nila. Binabati kami ng mga tauhan na nando'n ang ilan pa sa kanila ay nagulat nung makitang kasama ako ni Sky, hindi ko na lang sila pinapansin. Nakaorder kami agad at hinatid naman iyon ng mabilis kaya hindi na kaming naghintay ng matagal bago nagsimula sa pagkain. Tahimik lang kami at parehas hindi nagsasalita marahil gustong sunduin ni Sky ang table rules ko. Tahimik lang kaming kumakain ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na tignan si Sky lalo na kapag naaalala ko ang napag-usapan namin ni Ate. Sinabi ni Ate na pagkatiwalaan ko si Sky. Kung sabagay... Palagi ngang sumusunod sa akin si Sky at hindi niya ginagawa o iniiwasan niya kapag alam niyang ikagagalit o ikaiinis ko. We've been married for so long and madalas akong wala sa bahay dahil sa trabaho ko pero never siyang nagloko o ano. Wala rin akong na rinig mula kanino na tungkol sa panloloko niya kaya nakakapag-taka nga naman na biglang gano'n ang sasabihin sa akin ni Brianna kaya siguro hindi ito pinaniniwalaan ni Ate Leanne. Sa tagal naming magkarelasyon ni Sky, never itong nagloko sa akin. Lagi akong iniintindi nito at ako ang palagi niyang iniisip, kung ano ang mararamdaman ko gano'n kaya bakit nga naman ang bilis kong naniwala sa mga sinabi nila? Bakit mas pinaniwalaan ko ang iba kesa kay Sky? Dahil sa evidence na binigay nila na hindi naman ako sigurado kung tunay nga... "What's wrong?" tanong ni Sky nung patapos na kami sa pagkain. Napaangat ako nang tingin nung bigla niya akong tanungin. "You look furious and stress, what's bothering you?" tanong pa nito sa akin. "Nothing. I'm just thinking about work..." palusot ko. Nagulat ako nung ilagay nito ang kanyang palad sa aking noo. "You look pale but your temperature is okay. Are you really okay?" tanong nito. "I'm fine..." sagot ko na binigyan niya nang matalim na tingin. "Nah, you're not. Whenever you're saying you're fine that's means you're not totally. You should go home now. I will just tell Yena that—" "No, no. Sky!" pigil ko dito kaya natigil ito sa pagkuha sa kanyang cellphone. "You should rest," "I'm okay. I'm alright. Is that what you wanna hear?" saad ko naman para makampante na ito. "I wanna hear the truth. I want to you to tell me the truth. Are you really okay?" paniniguro nito. "I'm okay, Sky. Nothing's bothering me, I'm just thinking about work but I can handle it. So stop being OA," saad ko dito para matigil na siya ngunit inirapan lang ako nito. "Alright. Just go home when you're done at work and when you're already tired." Tumango lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya na rin ako agad sa labas. Gusto niya akong ihatid mismo sa kompanya but i didn't allow him since he have a lot of things to do. Hindi naman nito hinayaan na mag-isa ako or magco-commute na lang ako pabalik sa kompanya kaya tinawagan pa nito ang tauhan namin. "Huwag mo na akong sunduin mamaya. Sasabay na lang ako kay Yena," saad ko sa kanya bago ako sumakay ng kotse. Ayaw niya pang sumang-ayon kaya lang ay wala na rin naman siyang magagawa dahil iyon ang gusto kong gawin kaya tumango na lang ito sa akin. Saglit na paalam pa at may kung ano pa itong sinenyas sa driver namin bago kami tuluyan na pinaalis. Kahit kailan daming arte. Pagbalik sa kompanya ay sa trabaho lang ako nag-focus. Tinapos ko lang lahat ng kailangan at doon ko na lang ginugol ang oras ko kesa ang isipin nang isipin ang mga sinabi sa akin ni Ate. Tumigil muna ako sa pag-iisip ng tungkol sa mga sinabi niya pero nagpatuloy naman ako sa pag-iisip ng dapat kong gawin at kung ano ba talaga ang desisyon ko kaya habang sa natapos na ang gagawin ko at nakauwi na ako ay iyon lang ang nasa isip ko. Late na kaming nakauwi ni Yena dahil parehas maraming ginagawa at inaasikaso ay parehas din nag-overtime. Madilim na ang loob ng bahay ngunit may iilang kasambahay pa rin ang naghintay sa amin. "Pagod na po ako kaya hindi na ako kakain. Matutulog na po ako," saad ko bago nagdiretso sa paglalakad patungo sa kwarto ko. Napahinto ako nung mapansin kong nakabukas ang pintuan ng study room. Nung lumapit ako at tinignan ko ang loob ay iyong lamp lang sa desk ni Sky, ang cellphone niya at ang nakabukas na laptop lang ang tanging nagbibigay ng ilaw doon. Pumasok na ako at nilapitan ko siya. May hawak pa siyang ballpen at mukang nakatulugan niya lang dahil sa sobrang pagod. Hinaplos ko ang kanyang buhok. "I love you, Lucy..." Napatigil ako sa paghaplos sa kanyang buhok. Hindi ko alam kung nagising ba siya or nananaginip lang ito pero nung tinignan ko naman ang mukha niya ay nakapikit pa rin ito. Mas napangiti naman ako at pinag-patuloy ko ang paghaplos sa buhok niya. Tss... Nananaginip na lang, ang ingay-ingay pa. Nasa gilid niya ang cellphone niyang nakabukas, doon nakaharap ang kanyang mukha kaya napansin ko iyon. Driver: Nakauwi na po kami. Nag-overtime po sila kaya ngayon lang nakauwi. Basa ko sa mensahe ng driver namin na mukang kaka-send lang. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone niya at nag-scroll para mabasa ang ibang mensahe pa doon. Sky: Update? Sky: Where is she? Marami pa rin bang ginagawa? Sky: I will ask Yena about it. Sky: Kumusta siya? Stress ba? Galit? Sky: Galit kanina? Ba't hindi niyo sinabi agad, dapat pala pumunta na lang ako. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko nung mabasa ko ang mga mensahe ni Sky sa driver ko. May mga mensahe rin ito kay Yena, Manager Caile at sa ibang mga tauhan ko/namin at puro pagtatanong sa akin at pag-uupdate sa akin ang mga mensahe niya. Napansin ko rin kung gaano karami ang mga unknown number na nagtext sa kanya na lahat naman ay naka-unread pa. May isang numero akong napansin sa mga naka-unread. Pamilyar sa akin iyon at alam ko kung kanino iyon dahil noon pa man ay iyon na ang gamit niya. Naka-unread? 99+ na message ang naka-unread sa numero ni Brianna at until now ay naka-unknown number pa rin ito. Binuksan ko iyon at puro si Brianna lang ang nagmessage doon. Nag-scroll pa ako doon ngunit hanggang sa dulo ay puro si Brianna lang. Wala siya ni isang reply kay Brianna. Doon pa lang ay parang onti-onti kong napatunayan may kakaiba kay Brianna. Maaaring tama nga si Ate Leanne... na nagsisinungaling si Brianna sa akin. Dahan-dahan na namuo ang mga luha sa aking mata. Binaba ko ang cellphone ni Sky at tinignan ko siya na mapayapang natutulog pa rin hanggang ngayon. Impossibleng dinelete ni Sky iyon dahil may mga text pa doon si Brianna nung time na nasa New York pa ako. Kung may relasyon silang dalawa at may tinatago silang dalawa sa akin ay dapat mensahe nilang dalawa ang binura ni Sky. Lagi ding nakikiusap si Brianna na mag-reply na si Sky sa kanya. Kung may relasyon na sila noon pa ay hindi na siya makikiusap dahil kaya naman siyang replyan ni Sky lalo pa't madalas akong wala sa bahay. Hindi nagrereply si Sky sa mga mensahe niya. Puro missed call lang ang meron sa numerong iyon. Kung nag-uusap sila ay dapat kahit isang beses ay may sinagot na tawag si Sky mula sa number na iyon. May kakaiba sa mga sinabi ni Brianna sa akin... Maaaring hindi totoo ang mga iyon. Pati din kaya sa anak niya? Should I start to trust Sky again? Dapat nga ba?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10/2025
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat