logo text

Chapter 16: Think

LUCY POV.
Lagi akong maagang gumigising dahil maraming kailangan gawin sa kompanya kaya kailangan kong pumasok ng maaga. Gano'n din naman si Sky sa trabaho, that's why, we both busy.
Parehas kaming maraming ginagawa at inaasikaso ang trabaho kaya halos hindi na kami makapag-usap at nagkikita kapag kumakain. Kahit parehas lang ng bahay ay hindi pa rin halos nagkakasama dahil madalas may tinatapos si Sky sa study room habang ako naman sa kwarto nananatili.
Nagsisimula na rin kami sa promotion para sa new products namin at ang ibang products pa namin ay nakuha bilang susuotin ng model sa runaway kaya mas naging abala kami.
"The sponsored already check our design, Lucy. All of our design passed their standard kaya baka halos lahat ng products natin ay gagamitin nila," saad ni Yena na may mga papeles habang naglalakad kami sa hallway ng kompanya.
"That's good to hear," komento ko.
"I received a lots of emails. May mga nagpapa-appointment to meet and talk to you. May mga urgent and may mga willing to wait naman," saad ni Yena na cellphone naman ang tinitignan ngayon.
"If I have a free time today, pwede kong puntahan iyong mga urgent and para sa mga willing to wait pakisabihan na lang na I will check my schedule first," saad ko.
"And Ate Leanne wants to have dinner with you. Kayong dalawa lang daw. Kailangan ka daw pwede?" tanong ni Yena nung nasa elevator na kami.
"Tell her I will check my schedule kung kailangan pwede. I still have a lot of things to do here," sagot ko naman.
Gano'n ang madalas nangyayari. Kakapasok ko pa lang sa kompanya ay marami na agad akong kailangan gawin. Ilang beses din akong tinanong ni Ate Leanne but lagi kong natatanggihan dahil wala pa akong free time kaya sabi ko sa kanya ay after runaway na lang.
"It's open..." saad ko nung may kumatok nung isang gabi.
"You want snack?" tanong ni Yena na mabilis kong inilingan.
"Not hungry," sagot ko at pinag-patuloy na lang ang ginagawa sa laptop dahil alam ko naman na aalis na rin siya ngunit pumasok lang ito at naupo sa kama.
"Bakit bumalik ka pa dito?" tanong ni Yena habang ginagala ang kanyang paningin sa aking silid.
Umalis na sila Mom sa bahay nung nakaraan pa kaya bumalik na rin ako sa Guest Room kung saan ako nananatili noon. Hindi pa ako pwedeng umalis ng bahay dahil hindi pa umaalis ng bansa sila Mom baka magtaka pa ang mga iyon.
"Maghihiwalay pa rin kami ni Sky, Yena..." saad ko at bumuntong hininga.
Narinig ko ang padarag na paghiga nito sa kama at ang malakas na pagpapakawala niya nang hininga na para bang nanghihinayang sa isang bagay o ano.
"Muka na naman kayong okay na dalawa. Akala ko pa naman hindi na tuloy..." parang malungkot na saad ni Yena na 'kala ko siya si Sky kung makapag-maktol dito sa kama ko.
Isang irap ang pinakawalan ko bago napahinto sa ginagawa nung marinig ko kung ano ang sinabi ni Yena.
"Meron naman boyfriend si Brianna kaya bakit si Sky pa ang ginugulo niya ngayon?" I don't actually know about that but parang narinig ko na ang tungkol doon kay Sky. Hindi ko lang inaasahan na pati si Yena ay alam ang tungkol doon. I never met Brianna's husband or boyfriend kaya hindi ko rin kilala kung sino iyon.
"Maybe her boyfriend don't accept the baby because Sky is the real father. Most of the people doesn't want to be a second, step-dad pa kaya?" saad ko naman at nagkibit balikat.
"Hay! Bakit gano'n ang mga tao..." sabi naman ni Yena at bigla na lang itong naglakad paalis sa aking kwarto.
Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan ko na lang ito na malungkot dahil wala na rin naman mangyayari. Maghihiwalay at maghihiwalay pa rin kami ni Sky. The baby deserves everything dahil wala naman itong kasalanan para pagkaitan ko.
Instead na isipin ko ang tungkol kay Brianna ay ginugol ko na lang ang oras ko sa paggawa ng trabaho. I don't want to be so hard to myself but I need it, so I won't feel the sadness, the pain...
Isang mahaba at nakakapagod na week ang nangyari nung magsimula na ang runaway fashion. Abala kaming lahat at maraming ginagawa pati kailangan imeet kaya madalas ay hindi na ako nakakauwi sa bahay.
Magagaling ang mga modelo namin kaya naging maayos ang lahat. Walang kung ano na nangyari kaya kahit nakakapagod ay nakakatuwa pa rin naman.
"Congratulations, Mrs. Hertz,"
"You're really amazing, Lucy. Congrats on your successful runaway event,"
"Nothing's change. You're really great,"
Ilan lang 'yan sa mga komento ng mga nanood ng runaway. Pinilit ko naman ang sarili ko na nginitian at pasalamatan sila sa mga papuri nila kahit na ilang beses ko nang narinig ang mga iyon mula sa kanila. It's actually annoying dahil paulit-ulit na lang sila but good mood naman ako at maganda pa rin kahit na ilang araw ng puyat kaya nginitian ko pa rin ang mga ito.
Nagulat ako nung makita ko si Ate Leanne at kahit may kausap pa ako ay mabilis akong lumipat kay Ate Leanne para batiin ito. Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya, gano'n din naman siya.
"Ako nang bahala dito. Pwede ka nang sumama kay ate Leanne," saad ni Yena nung lingunin siya ni Ate Leanne. Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na ako ni Ate Leanne paalis kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kanya.
Sasakyan na lang ni Ate Leanne ang ginamit namin para mamaya ay may magamit sila Yena sa pag-uwi.
"You're so busy kaya tinakas na kita dahil baka mamaya ay hindi natin masulit ang pananatili ko rito sa pinas dahil sa dami nang trabaho na gusto mong gawin," simula ni Ate Leanne nung makarating na kami sa ni-reserve niyang restaurant para sa aming dalawa.
Naka-order na siya kanina pa kaya pagdating namin ay marami at nakahanda na ang lahat. Madalas talaga may pagka-OA si Ate Leanne. Talagang kailangan buong restaurant ang ipasara para lang makakain kami.
"You're popular and I want a peaceful dinner, so I did this," paliwanag ni Ate nung makita niya siguro ang mapang-husgang tingin ko sa paligid.
"We can also have a peaceful dinner kahit na may ibang tao," sabi ko naman.
"That's impossible! Crew pa nga lang namamangha na sa'yo and I'm not Skyler who has a intimate stare to others para matakot sila at hindi tayo lapitan. Tsaka hindi ako nagtitipid kaya ayos lang 'yan," mahabang sambit naman ni Ate Leanne na inirapan ko lang pero hindi ko na pinatulan.
"So, ano ba kasing pag-uusapan natin at kailangan tayong dalawa lang?" tanong ko naman sa kanya habang sinisimulan na ang pagkain.
"Simulan mo na..." saad naman nito bigla kaya naguluhan ako kung ano ang tinutukoy niya.
"Simulan ang alin?" takang tanong ko naman.
"So slow... Iyong kwento mo, duh. Hindi ba sabi mo kapag umuwi na ako sasabihin mo na lahat sa akin, so ngayon na 'yon. Dali. Start..." sabi nito kaya napairap ako.
"Hindi na kailangan n'yan," sabi ko naman at pagkain na lang ang hinarap.
"C'mon, Lucy. Just tell me everything. Ano ang nalaman mo habang nasa ibang bansa ka pa? Anyway, bakit nasa ibang bansa ka na naman that time at bakit hindi mo sinama si Sky?" tanong ni Ate Leanne.
"I'm doing modeling and Sky managing our company. Susunod din siya dapat sa akin kaso maaga rin akong umuwi kaya hindi natuloy," sagot ko naman sa huling tanong niya.
"So, ano nangyari habang nasa abroad? Just tell me everything, Lucy..." sabi naman ni Ate Leanne kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya kung ano ang nalalaman ko.
"Wala naman kami naging problema ni Sky habang nasa abroad. Lagi kaming nag-uusap kapag free time but one time nagkaroon ako ng doble project kaya hindi ko siya nakausap ng halos isang linggo. Hindi siya nagalit sa akin no'n kaya akala ko wala lang but one night in New York, Brianna send message to me na dapat para kay Sky. Hindi ako nagduda nung una because she's my friend, my best friend. Until one day, nagsend siya ng picture kung saan kasama niya si Sky sa isang club party, sila lang mag-isa, Ate. Alam mo ang masaklap, Sky lied to me. What he told me is he's going to a reunion, and hindi club party ang theme ng reunion..." Natigil ako saglit sa pagsasalita nung maramdaman ko na may namumuo na sa aking mata na luha.
Hinawakan ni Ate Leanne ang kamay ko nung mapansin niya. Umiling ako at pilit na pinigilan ang pagbagsak ng mga luha sa aking mata.
"I met Drick in New York. Drick told the he's old friend of Sky and he have a evidence. Siya ang nagsabi sa akin ng totoo. Na pinakasalan lang ako ni Sky kasi gusto niyang maligtas ang kompanya nila. Na hindi talaga ako minahal ni Sky dahil pera lang naman talaga ang habol niya sa akin noon pa man. Magulo ang utak ko nung nasa New York pa ako, Ate lalo na nung sinabi ni Drick na nabuntis ni Sky si Brianna at gano'n din ang inamin ni Brianna sa akin. Nabuntis si Brianna, Ate, dahil habang wala ako dito no'n palihim din sila nagkikita. Naguguluhan ako, Ate. Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko until now... Hindi ako sigurado kung sino sa kanila ang totoo sa akin..."
Umiling at kumurap-kurap pa ako pero hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha na matagal ko nang pinipigilan.
"Masakit, Ate... Nahihirapan na rin ako..." pag-amin ko. "Minsan sa sobrang sakit tinatago ko na lang sa pamamagitan ng pagtrabaho. Pinahihirapan ko ang sarili ko dahil baka iyon ang tanging paraan para mawala ang sakit..."
"Shh... It's okay, Lucy..." sabi ni Ate Leanne at lumapit sa akin para yakapin ako.
"Ayaw ko siyang pakawalan, Ate... Pero kailangan siya nang anak niya..." Hinayaan ko ang aking sarili na maging mahina at umiyak sa harapan ng isang babaeng hindi napagod na intindihin at damayan ako.
"Just cry right now and after that think carefully and decide kung ano ba talaga ang gusto mo..."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya dahil hindi ko na rin alam kung ano nga ba ang gusto ko. Umiyak lang ako sa braso niya.
"Pwede mo siyang pakawalan kung iyon ang gusto mo, kung kaya mo at hindi mo pagsisihan sa huli..." sabi nito sa akin. Umiling ako dahil hindi ko na alam kung kaya ko nga bang gawin talaga 'yon. "Pwede din hindi mo siya pakawalan..."
"Paano? Paano 'yong anak niya? Ayokong maging selfish, Ate..."
"You can adopt the baby, Lucy. Kung mahal mo talaga si Sky at ayaw mo siyang mawala sa'yo, you should accept everything because sometimes loving someone means sacrificing too. At hindi ba, sinabi mo sa harap ng altar noon na mamahalin at tatanggapin mo ang lahat ng tungkol kay Sky, and this is part of Sky too..."
Hindi ko pwedeng gawin iyon. Paano si Brianna? Hindi ba parang pinag-kakaitan ko na rin ang bata na makilala niya ang kanyang nanay?
"Look, Lucy... If you're thinking about being selfish, hindi ka naman magiging selfish dahil hindi mo naman itatago kung sino ang nanay niya. You will adopt the baby but hindi mo ipagkakait na makilala niya ang parents niya. You just need to endure everything for love... For the baby... For Sky..." saad ni Ate Leanne.
Napahawak ako sa aking ulo. Parang hindi ko ata kaya iyon. Hindi ko kakayanin iyon. Paano kung hindi naman ako tanggapin nung bata? Paano kung—Hay!
"I can't do it, Ate..." umiiling na sambit ko.
"Then, you should know the truth first..." saad naman ni Ate Leanne at bumalik na ito sa kanyang upuan.
"Huh?" tanong ko naman dito.
"Gaano ka kasigurado na nagsasabi ng totoo ang mga iyon?" tanong ni Ate Leanne pabalik.
"They have an evidence, Ate. Picture and video," sagot ko naman.
"How sure you are na totoo iyon, Lucy? Did you do an investigation already? A observation? What about the baby? Talaga bang buntis siya? Paano mo masasabi na kay Sky iyon kung may asawa naman si Brianna? May DNA ba siyang pinakita?" sunud-sunod na tanong ni Ate Leanne.
Napaisip naman ako doon. Hindi. Hindi ko ginawa iyon. Wala ring DNA. Naguguluhan ako kaya hindi ko magawang masagot ang lahat ng tanong ni Ate Leanne.
"Paano mo masasabi na hindi sila nagsisinungaling?" tanong pa ni Ate Leanne.
"I don't know, Ate. Pero bakit nila gagawin iyon?"
"I think they want something kay Sky. I did a research and investigation together with my friend, Danica. She's trusted friend and secret agent and also detective, Lucy. Hindi pa kami sigurado sa ibang information but may mga nalalaman na kami. I can't tell you everything here but isasama kita kapag tinawagan na ako ni Danica..." mahabang sambit ni Ate at medyo humihina ang pagsasalita nito sa huling bahagi. ''But two thing that I'm sure, Lucy... Brianna is lying to you, never silang nagkita ni Sky and Sky is not the baby's father,"
"Pero, Ate..."
"We have a team, Lucy. I won't stop your decision but please, think carefully before you decide. Ayokong pagsisihan mo ang magiging desisyon mo, hindi namin kayo hinayaan ni Kuya Carson na makasal para lang masayang," saad ni Ate Leanne at nanatili nang sa pagkain ang tingin nito.

Komento sa Aklat (247)

  • avatar
    CABAUATANMINO

    good👍

    05/07

      0
  • avatar
    Amosog Danom

    enternal

    30/10/2025

      0
  • avatar
    SuganobMicah

    ✨nice

    22/05/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata