LUCY POV. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Brianna dahil nung kinasal ako ay hindi ko na rin ito nakakasama. Bigla din kasi siyang nawala noon kaya wala akong naging balita sa kanya. Kaya ngayong nagkita na kami ay hindi ko na siya maintindihan. Ilang araw ko ring iniisip kung ano ang possibleng mangyari sa kanya ngunit mas naguluhan lang ako. Gustuhin ko mang intindihin siya ay hindi ko na magagawa dahil sa tuwing nagkikita kami ay pagtatalo lang ang nangyayari at bumabalik lang ang galit ko sa kanya. Hay nako, Brianna! "Thinking something or... Maybe, someone?" tanong ni Sky. Nasa study room kami ngayon para gawin ang mga natirang trabaho at gawain namin sa opisina. Imbis na sumakit ang ulo dahil sa iniisip ko ay bahagya na lang akong natawa dahil hanggang ngayon ay nagseselos pa rin ito kay Crater kahit na hindi ko na naman iyon nakakausap. "Kung may iniisip man akong tao, hindi si Crater 'yon," saad ko naman. "Alam ko. Kasi ba't ka iisip pa nang iba kung nandito naman ako sa tabi mo, diba?" mayabang na saad nito at kumindat pa siya. "Bakit kasi iisipin ko pa kung pwede ko naman tawagan kung nami-miss ko, diba?" mapang-asar na sambit ko naman at inangat ko ang cellphone ko na mabilis niyang hinablot para hindi ko matawagan si Crater kahit na wala naman talaga akong balak na tawagan 'yon. "Akin na 'yan!" Sinubukan kong kuhanin iyon kaso tumayo na siya para lumayo sa akin. Tumayo naman ako at nilapitan siya ngunit inangat niya naman iyon na sinubukan ko naman kuhanin sa kanya. "Oy, akin na kasi!" "Go for it, my lady, if you can," malambing na saad nito at hinawakan ang bawyang ko at mas nilapit ako sa kanya kaya natigilan ako sa pag-abot no'n. Nanliit ang mata ko pero nung may naisip na gawin ay ngumisi ako. "Of course, baby. I can..." malambing na tugon ko naman. Dahan-dahan kong nilagay ang aking kamay sa kanyang pisngi kaya sinundan niya iyon ng tingin. Bahagya din akong tumingkayad para malapit ang aking mukha sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko at kita ko rin ang pag-uwang ng kanyang labi nung nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Midnight snack! Oh my—" Rinig ko ang boses ni Mom at ang pagbukas ng pintuan ng study room namin. Napalingon si Sky sa likuran ko dahil sa biglaang pagdating ni Mom kaya kinuha ko na ang time na iyon para kuhanin sa kamay ni Sky ang cellphone ko at nagawa ko nga nang maayos. "I told you, I can," nakangisi na bulong ko sa kanya bago lumapit kay Mom. "Hi, Mom!" masiglang bati ko. "Did I disturb you, sweetheart?" tanong ni Mom at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Sky. "No, Mom. You came in a perfect time," nakangiting saad ko at kukuhanin na sana ang tray nahawak niya kaso naunahan na ako ni Sky na ngumisi lang sa akin bago dumiretso sa desk para ibaba iyong tray. "Let's have a seat po muna, Mom..." saad ni Sky at tinuro 'yong sofa na malapit sa book shelves. "Hindi na, sweetheart. Matutulog na rin naman ako, hinatiran ko lang kayo nang snacks," tanggi naman ni Mom. "Are you sure, Mom?" tanong ko naman. "Oo naman. Sige, aalis na ako. Have a nice night," sabi ni Mom at makahulugan pa itong ngumiti bago tuluyan na umalis. Bumalik na rin naman kami ni Sky sa upuan namin pagkalabas ni Mom. Ramdam ko ang pagsulyap ni Sky sa akin habang may tinitignan ako sa laptop pero sa tuwing tinitignan ko naman ito ay nakakaiwas na ito nang tingin kaya napapairap na lang ako. "What are you looking at, Skyler?" tanong ko nung maramdaman ko na naman itong tumingin sa akin. "Huh? I'm not looking at you," saad nito na nagpairap sa akin. "C'mon, Sky. I can feel it..." sambit ko naman. "Well, yeah. I'm just thinking if I heard you right kanina..." sabi niya na ipinag-taka ko naman. "I heard you called me 'Baby' kanina, right?" Medyo nanlaki ang mata ko at napaisip ako nung sabihin niya iyon. Uh... Tinawag ko ba talaga siya no'n? Hindi. Hindi, Lucy. Itanggi mo 'yan. Bahala ka d'yan! "What? Baby? I didn't call you that!" kunwaring natatawang sabi ko naman. "No. I heard it." Bakit kasi sinabi mo 'yon sa taong malakas ang pandinig at matandain sa salita? Paano mo ngayon 'yan malulusutan? "Uh, maybe you misheard it. I only call you as Sky or Skyler." Tama. Oo, misheard ka lang. At maniwala ka na d'yan, Skyler dahil nauubusan na ako dito nang palusot. "Baby talaga 'yong rinig ko," sabi niya naman na napapaisip na dahil naguguluhan na rin ito. "Parehas kasing 'Y' 'yong dulo nung Sky at Baby kaya misheard lang 'yan..." sabi ko naman para makumbinsi na namali lang siya nang rinig. Nanliliit pa ang mata niya nung tinignan ko pero sa huli ay nagkibit balikat na lang din ito at hindi na nakipag-talo sa akin. Mabuti naman... Dahil wala na akong ipapalusot sa kanya. Madalas pa rin ang pagsulyap-sulyap nito sa akin kaya hindi ko na mapigilan ang bahagyang pagtawa ko sa kanya at pag-iling. Psycho talaga... "Alam mo gutom lang 'yan. Ayan oh... Kumain ka na lang," saad ko at nilapit sa desk niya 'yong cookies na dinala ni Mom para sa amin. Sumunod naman ito at kumain pero hindi pa rin ako tinigilan sa pagtingin kaya pabiro ko na lang itong iniirapan. Hindi ko alam kung paano naman natapos ang trabaho nung gabi iyon. Sabay rin kaming pumunta sa kwarto nung nakatapos na kami. Nilingon ko siya na nahiga na sa sofa at ang pwesto sa tabi ko bago ako umiling at nahiga na lang. Bakit ko naman siya papahigain sa tabi ko, ee pwede naman siya doon sa sofa na lang? Hay nako, Lucinda! Maaga akong nagising at naghanda na para sa pagpasok. Gano'n din naman si Sky na pagkagising ko pa lang ay nasa baba na ito agad. Mukang maaga talagang nagigising ang isang iyon, ah... Naabutan ko siyang nasa dining area at kakwentuhan na sila Mom doon. Nung naupo ako ay doon lang sila nagsimula. Pagtatanong sa trabaho lang naman ang ginagawa nila Mom habang kumakain kami. Hindi naman ako nagsasalita at hinahayaan ko na lang si Sky ang sumagot sa mga tanong nila. May photoshoot ako mula sa solo project ko para sa araw na iyon kaya sa studio ako hinatid ni Sky. Maraming fans na ang nag-iisip na may relationship kami ni Crater kaya puro solo project na lang ang tinatanggap ko para hindi na sila mag-isip pa nang kung ano at ang alam ko rin ay may pupuntahan na interview si Crater at doon niya lilinawin ang lahat. Naghihintay na si Manager Caile sa labas nung tumigil ang sasakyan ni Sky sa tapat ng studio. "Ako nang bahala sa asawa mo, Mr. Hertz..." saad ni Manager Caile na siyang nagbukas ng pintuan ko. Inirapan ko naman ito at mabilis na bumaba na lang ng sasakyan bago may masabi pa ito na kung anu-ano. "Sunduin kita mamaya," sambit ni Sky nung nakababa na ako. "Okay... Ingat," saad ko. Mabilis kong sinarado 'yong pintuan at naglakad na ako agad papasok ng studio nung makita ko pa lang ang ngisi sa mukha ni Manager Caile alam ko na agad kung ano ang gagawin nito. "Ingat..." mapang-asar na saad nito nung nasa elevator na kami. "Bakit? Ano ba dapat sabihin ko? Huwag siyang mag-iingat para maaksidente siya?" sarcastic naman na tanong ko sa kanya. "Well, hindi naman masama na magsabi ng 'ingat' but that's not the usual you. Mas gugustuhin mo pa nga na wala kang pakialam kesa ang magsabi ka nang gano'n...." sabi niya na hindi pa rin nawawala ang nakakaasar na ngisi sa kanyang mukha. "Hindi ko alam na bawal palang magbago. Next time, inform mo 'ko para alam ko, diba..." sambit ko gamit pa rin ang sarcastic na tono. "At bakit naman?" natutuwang tanong niya naman. "Anong bakit? Kailangan ba may dahilan para magbago? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?" "Hindi. Baka naman dahil—" "Bahala ka kung ano gusto mong isipin," putol ko sa sinasabi niya at nauna nang lumabas nung bumukas na ang elevator. Rinig ko naman ang paghalakhak nito sa likuran. Masaya siya dahil napikon niya na naman ako ngayon... Hay! Sino kaya pwedeng ipalit sa kanya? Mabilis naman nagsimula ang photoshoot dahil nung nakita nila ako ay mabilis na silang nataranta at agad na akong inasikaso samantalang si Manager Caile ay hindi pa rin matigil-tigil sa pag-ngiti-ngiti niya sa akin. Tiniisin mo na lang, Lucinda... May back-up 'yan kaya kapag sinabunutan mo 'yan ngayon ay panigurado gagantihan ka naman nung back-up niya. "Okay, ganyan nga, Lucy..." komento nung cameraman. Sinusunod ko lang naman ang mga sinasabi at pinapagawa niya sa akin. Ilang oras din ang photoshoot kaya medyo napagod rin ako lalo pa't wala pa akong kain dahil tuloy-tuloy lang ang photoshoot. Hindi na kami tumitigil para mag-break saglit. Tumitigil lang kapag magpapalit ako ng outfit or kapag inaayusan ako. Nakaupo at nagpapahinga ako nung makarinig ako nang isang boses mula sa aking likuran. "Tired, my baby?" saad nito na ikinalingon ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat pero hindi ko naman mapigilan ang aking pagngiti nung makita kung sino ang nagsalita na iyon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10/2025
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat