LUCY POV. Hinatid ako ni Manager Caile kina-umagahan. Nakabalik naman daw ito nang ligtas sa kwarto niya dahil kay Crater. Hindi siya nakainom kaya hindi ito nalasing kaya wala rin namang masama nangyari sa kanya. Kahit na late nang natulog ito ay maaga pa rin siyang gumising para lang makapag-paalam ako sa kanya. Nagbilin lang ito at nag-sermon dahil binantaan ko daw si Crater kagabi. Next week pa ang balik niya sa Manila kaya next week niya din ia-approve ang mga magpapa-appointment sa modeling dahil ayaw niyang magtrabaho ako sa modeling ng wala siya. "Mag-iingat ka..." bilin nito at isang yakap pa ang binigay sa akin bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik lang ang driver at ayoko rin naman itong kausap kaya pag-scroll na lang sa cellphone ang ginawa ko the whole time ng biyahe namin pauwi. Mabilis lang ang biyahe kaya maaga kaming nakauwi. Sinalubong agad ako ng mga kasambahay naman. "Yeah, I'm home..." sagot ko sa tawag ni Manager Caile. ["That's good. Nasa biyahe na kami ngayon,"] "Okay, I will call you again later. Mag-ingat na lang kayo," sabi ko at pumayag naman siya kaya pinatay ko rin 'yong tawag para makapag-ayos na ako nang gamit. Tanghali na nung nakababa na ako at may kung anong inahanda ang kasambahay namin sa dining area. "Bilisan niyo na d'yan," utos ni Manang sa mga kasambahay na may kung anong nilalagay sa papaerbag. "Ano 'yan?" usisa ko naman at dahil pare-parehas silang abala sa ginagawa ay bahagyang mga nagulat ito dahil sa biglaang pagtatanong ko. "Lunch ni Sky 'yan, iha. Madalas kasing busy sa kompanya 'yon kaya minsan hindi nakakakain kaya ngayon para di malipasan ng gutom ay dadalhan namin ng pagkain," paliwanag ni Manang bago nagpatuloy sa pagmamando sa kasambahay. "Pwede bang sumama sa paghahatid?" tanong ko na dahilan ng biglaan nilang paglingon sa akin kaya para di na sila mag-usisa ay tinaasan ko na lang sila ng isang kilay. "Oo naman, iha! Oh, ito, ayos na 'yan. Dalhin mo na doon..." sabi ni Manang na mabilis na binigay sa akin 'yong paperbag. Kahit nagtataka ay kinuha ko na lang iyon at naglakad na palabas para maihatid na ang pagkain ni Sky. Wala akong magawa sa bahay at ayoko namang biglaang pumasok sa trabaho, hindi na rin naman masama na ihatid ko ito. Pansin ko ang panay pagsulyap nung driver at bodyguard na kasama ko sa akin kaya napapailing na lang ako at nagpanggap na lang na may ginagawa sa cellphone kesa pansinin ang kabaliwan nila. Pagkarating namin doon ay ang tahimik ng hallway tanging front desk lang nandoon. Walang masyadong tao kaya kami lang ng bodyguard ko ang nasa elevator, siguro dahil lunch time na kaya gano'n. "Matutuwa ngayon si Boss Sky, Madam..." ngiting-ngiti na saad ng bodyguard na kasama ko ngayon pero nanatili ang tingin nito sa harapan. "Bakit clown ba ang maghahatid sa kanya ng pagkain?" mataray na tanong ko at tinaasan ito nang isang kilay. "Pinakamamahal na asawa, Madam..." sagot pa nito kaya di ko na napigilan ang sarili sa pag-irap at may matalim na tingin akong humarap sa kanya. Handa na akong diwaraan ito kaso bumukas na 'yong elevator kaya imbis na makipag-talo sa isang walang kwentang bodyguard ay lumabas na lang ako nang elevator at nagtuloy na sa paglalakad. Napadahan-dahan ang paglalakad ko nung makita kong may babaeng nasa opisina ko ngayon kasama ni Sky. Nakikita iyon ngayon dahil nakabukas naman ang blinds. Kahit nakatalikod ito sa akin ngayon ay kilalang-kilala ko na agad kung sino ito. Mabilis akong tumalikod nung makita ko na naglakad ito palapit kay Sky. Isang bumuntong hininga ang pinakawalan ko at umiling bago ko hinarap ang bodyguard na kasama ko na nakatingin na ngayon sa akin. "I think your Boss is busy with someone else right now. We should go now," saad ko at mabilis na naglakad pabalik sa elevator. Malakas na bumuntong hininga na naman ang pinakawalan ko nung nakalabas na ako nang elevator at napairap na lang ako nung napatingin ako sa paperbag na hawak ko. Padabog kong binaba iyon sa front desk at walang salita na naglakad palabas ng kompanya. "Madam, uuwi na po—" "Kila lola." Tumingin lang ako sa labas pagkatapos kong sabihin iyon. Wala naman akong gagawin sa bahay at ayoko rin umuwi muna. Sinunod naman ng driver namin ang sinabi at hinatid nga ako nito sa mansion ni Lola. "Sweetheart?" gulat na saad ni Lola nung makita ako nito na bumaba sa sasakyan namin. Ngumiti lang naman ako sa kanya at tumakbo ako para yakapin siya. "I just got home. Wala pa akong work kaya nag-decide ako na bisitahin ka," nakangiting paliwanag ko nung makita ko ang pagtataka nito sa kanyang mukha. Tumango naman ito at ginaya ako sa garden area since doon daw ang tungo niya bago niya makita ang sasakyan namin. Mag-painting daw siya ngayon para malibang. Wala na itong ginagawa dahil bukod sa sila Mom at kami na ang namamahala sa mga family properties namin ay marami pa siyang kasambahay na kasama kaya kahit gawain sa bahay ay di niya magawa. Si Lolo naman ay madalas bumisita sa rancho kasama ang ibang tauhan nila kaya para malibang si Lola habang wala si Lolo sa bahay ay kung anu-anong hobby niya na lang ang ginagawa niya sa araw-araw. Kaya masaya rin ito kapag nandito kami dahil kahit papaano ay may nakakausap ito. "Ano naman po ang i-paint ko?" natatawang tanong ko nung abutan ako ni Lola ng brush para mag-paint kasabay niya. "Kung ano ang sinasabi ng puso mo," nakangiting sagot naman ni Lola at tinuro ang puso ko. Mas natawa naman ako pero sa huli ay nagkibit balikat na lang at nag-isip ng pwedeng i-drawing. Nung nakaisip na ay sinimulan ko na ang pag-paint. Isang babae na pinag-mamasdan ang kanyang mag-ama na malapit sa dalampasigan ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang ginuhit ko. "So cute." Natigil ako pagtitig at pagngiti sa gawa nung biglang nagsalita si Lolo sa likuran ko. Nagulat pa ako nung una pero agad ko rin naman itong nginitian at niyakap. Bahagya naman itong natawa pero niyakap din ako nito pabalik. "What a baby..." "Hindi ko napansin na dumating na kayo," saad ko nung bumitaw na ako sa yakap. "Because you too busy looking at your dreams, sweetheart..." sagot naman ni Lola at inayos ang buhok ko na bahagyang nagulo dahil sa pagyakap ko kay Lolo. Humagikgik lang naman ako dahil totoo rin naman ang sinabi ni Lola. "Kumain na ba kayo?" tanong ni Lolo pero tinuro lang naman ako ni Lola kaya ako ang binalingan ni Lolo. "I'm starving..." nakasimangot na saad ko. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng lunch. Natawa 'yong dalawa at napailing bago nag-aya na pumasok muna sa loob para makakain muna kami. "Kailan ka dumating?" tanong ni Lolo habang nasa hapag kami. "Today po..." "Alam na ba ni Sky?" tanong ni Lolo kaya napahinto ako sa paghiwa ng ulam. "Oo nga, sweetheart. Nagkita na ba kayo?" tanong naman ni Lola. "Nope, he's busy with something," sagot ko naman at bahagyang ngumiti na lang. "Oh! That kid is so workaholic talaga..." komento naman ni Lola. Binago ko na lang ang usapan sa pamamagitan ng pag tatanong tungkol sa rancho na pinuntahan ni Lolo at iyon na nga lang ang pinag-usapan namin. Doon lang ako sa bahay nila Lola nag-stay the whole time at sinamahan ko si Lola sa mga gusto niyang gawin, gano'n din naman si Lolo. Pinauwi ko na ang driver at bodyguard kasi may tauhan naman sila Lola na pwedeng maghatid sa akin mamaya pero kaya naman daw nilang maghintay kaya hinayaan ko na lang sila. Nung napagod na kami sa mga outdoor activities na aming ginawa at nag-decide na kaming magpahinga muna sa living area at manood ng kung anu-anong pelikula. Nasa kalagitnaan ako nang pagtawa dahil sa pinapanood namin nung bigla akong napaayos ng upo dahil nakita ko ang pagpasok ni Sky sa bahay nila Lola. "Oh, Sweetheart? You're here?" may gulat na bati ni Lola habang nilalahad ang kanyang kamay para mayakap si Sky. Pagkatapos yumakap ni Sky kay Lola at Lolo ay sa akin naman lumapit ito para humalik at maupo sa tabi ko. "Already done sa work?" tanong ni Lola kay Sky. "Not yet, La, but it's just checking something papers, so, I can do it later at home," saad ni Sky at sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. "You're look tired..." puna ni Lola. "Dami pong ginawa sa kompanya," sagot ni Sky at bahagya itong ngumiti. "Yeah... You're really busy," napapairap na saad ko at binaling na lang ang paningin sa pinapanood. Naramdaman ko ang bahagyang pagtingin nito sa akin. Tss. Totoo naman. Busy ka naman talaga kay Brianna! Tsk! "She saw you..." saad ni Lolo naman. Bahagyang naman nanlaki ang mata ko nung sabihin ni Lolo iyon. Hindi ko naman sinabi iyon kanina, ah! Gusto kong magreklamo pero mas pinili ko na lang na huwag silang lingunin para ipakita na hindi naman ako apektado. Like, so what kung busy siya sa babae niya! "Bumisita po kasi si Madam kanina, Boss kaso nakita niya na... Ah, okay! Shut up na." Mabilis na tinikom nung bodyguard namin na nasa likuran lang namin ang kanyang bibig nung matalim ko itong tinignan. Diretso lang ang tingin nito sa harapan. "She saw what?" nagtataka na tanong naman ni Sky at bahagyang bumangon para matignan 'yong bodyguard at sila Lolo na nagkibit balikat lang sa kanya. "Anyway, Sky, don't worry. She had fun here. We did a lot of activities kanina..." pagbabago ni Lola ng topic. Good thing. Hinayaan ko sila na mag-usap nang mag-usap, ako naman ay tahimik lang na nanonood sa tabi nila. Doon na rin kami kumain ng dinner kila Lola bago kami umalis doon. Kay Sky na rin ako sumabay para hindi magduda sila Lola. "Did you saw Brianna?" tanong niya nung nasa biyahe na kami pauwi. Bumuntong hininga lang ako at tumingin sa labas, hindi sinasagot ang tanong niya. Saglit din siyang natahimik, hinihintay ang pagsagot ko pero nung maramdaman niya na hindi ako sasagot ay nagsalita ito. "Are you bothered or mad?" tanong pa nito na hindi ko ulit sinagot. Panay lang ang pagtanong nito sa akin habang nag da-drive siya pero lahat naman iyon ay hindi ko sinasagot at nanatili lang akong tahimik. "Lucy..." tawag nito nung diretso lang ang lakad ko papasok. Huminto ako sa paglalakad at huminga nang malalim bago siya hinarap. "Look, Sky! It doesn't matter if I saw you so busy with your girl. But can you please don't bring her to my company," naiiritang saad ko at mas kumunot ang noo ko nung bumaba ang mata nito sa aking kamay. "Are you jealous?" Mas nairita ako nung marinig ko ang malambing niyang boses. Tss! "I can't be mad! I shouldn't be jealous!" "You can, you should. You're my wife... And I'm sorry..." saad nito. Umiling lang ako sa kanya at padabog na pumunta sa kwarto namin. Naiinis kong binaba ang bag na dala-dala ko sa upuan na nasa tapat ng tukador pagkapasok ko nang kwarto namin. Tinignan ko 'yong kamay ko na tinignan ni Sky kanina. Madiin itong nakatikom hanggang ngayon. Na nangyayari lang kapag galit ako or nagseselos. "Hay nako, Lucy! Hindi ka pwedeng magselos!" Binaon ko sa kama ang aking mukha. Bakit? Sabi naman ni Sky kanina pwede, ah... Hindi nga! Nakakairita ka naman, eh! Hindi ka pwede mag-selos. Hindi. Okay? Okay?! Nagtatalo ang puso at isip ko kaya mas lalo lang akong nairita.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good👍
05/07
0enternal
30/10
0✨nice
22/05/2025
1Tingnan Lahat