logo text

Chapter 10: Manager Caile

Chapter 10: Manager Caile
LUCY POV.
Maaga ang gising namin dahil maaga rin ang simula nung photoshoot namin.
"I didn't post it," saad ni Crater nung mabanggit ko 'yong article na kumalat tungkol sa amin.
"Yeah, right..."
"Maybe, 'yong kasama nung nag-picture sa atin ang nagkalat no'n..." sabi niya na parang kinakabahan pa ito sa magiging reaction ko. "But, don't worry, may kakilala akong magaling sa computer kaya naalis din iyon kagabi," sambit niya pa.
"Mabuti naman," sabi ko at sinenyasan ko ang make up artist ko na tumigil kaya nahinto ito. Tumayo ako at bahagyang lumayo para matignan ko ang outfit ko sa salamin.
"Mabilis kong pinaalis iyon dahil baka nga magalit ka..." Tinanguan ko lang ang sinabi ni Crater. Umalis na 'yong mga make up artist dahil tapos na ito sa pag-aayos ng mukha namin kaya naiwan kaming dalawa ni Crater doon.
"Or maybe, you're just worried," sabi ko naman. Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya bago umalis doon at pumunta na lang sa area kung saan kami mag-photoshoot.
Nakaayos na ang lahat doon. Nandoon na ang Director at ibang staff, nakaupo na sa mga upuan na nakalatag doon at nasa harapan naman nila ang mga monitor. Pati ang camera ay nakaayos na din at halatang kami na lang ni Crater ang hinihintay nila.
"Oy, madam! Tapos na?" tukoy ni Director sa pag-aayos ng make-up ko.
"Yeah, shall we start?" tanong ko at lumingon sa likod para tignan kung lumabas na ba si Crater. And I saw him talking with his manager.
"I also think we should. Where's Crater, anyway? Oh! There you are, Crater..." sabi ni Director nung tumalikod ito para saan hanapin si Crater kaso ito na mismo ang lumapit sa kanya.
"Let's start?" tanong naman ni Crater kaya pumunta na ako sa pwesto namin.
"Okay..."
Kaya lumapit naman si Crater sa akin at nagsimula na nga kami. Pagtingin sa camera at pagsundo sa sinasabi ng photographer at ni Director lang ang ginagawa namin. May mga kung anong pose silang pinagawa sa amin kasama ang mga product na pino-promote namin, syempre.
Ilang oras kami doon at ilang change outfit din ang ginawa namin. Saglit na pahinga lang ang ginagawa namin para matapos agad para sa araw na ito.
Hapon na nung natapos kami sa araw na iyon. May kanya-kanyang plano ang bawat isa sa amin kaya pagkatapos ng photoshoot ay si Manager Caile na lang ang kasama kong kumain sa isang Italian Restaurant na nandoon sa resort. Abala ito sa laptop at cellphone na nasa harapan niya habang kumakain kami.
"What are you doing?" tanong ko sa kanya kaya bahagyang nag-angat ito nang tingin sa akin.
"Fixing your schedule and replying some emails. May mga nagpapa-appointment kasi. Nakakainis nasabi ko na naman na puno na ang schedule natin this week," saad nito habang may kung anong tinitipa sa kanyang laptop.
"Sabihin mo after 3 days doon na lang natin sila i-meet," sabi ko at tumingin na lang sa tanawin sa labas. Mas nakakarelax tignan iyon kesa sa kunot na noo ni Manager Caile.
"Pero hindi pwede. Nangako tayo kay Crater na sasamahan pa natin siyang maglibot." Mabilis akong umiling nung sabihin niya iyon at binaba ko 'yong iniinom ko.
"No way. Hindi na ako sasama sa kanya baka mamaya kung anong issue na naman ang kumalat," sabi ko habang umiiling sa kanya.
"Ee, bakit natatakot kang magkaroon ng issue hindi naman totoo 'yon?"
"Hindi ako natatakot. Ayoko lang makita ni Sk—I mean, ayoko lang sa mga gano'n. I hate being center of attention in social media," sabi ko naman at nag-iwas ng tingin sa kanya nung makita ko ang ngisi nito.
"Sus! Aminin mo na, girl! Ayaw mo talagang makakita ng gano'n si Sky tungkol sa'yo," mapang-asar na saad nito at ngiting-ngiti pa akong pinag-masdan nito kaya inirapan ko siya.
"Fine! Ayokong makita ni Sky 'yong mga gano'n, not just because I love him and I don't want him to feel that I'm cheating on him, it's because ang pangit tignan. Hindi pa kami hiwalay tapos may gano'n. Tss!" palusot ko naman pero di nawala ang ngiti nito kaya napailing na lang ako.
"Gano'n na din 'yon. And you still love him..." kinikilig na sambit niya at pumalakpak pa.
"I didn't say that," saad ko naman.
"You did. And even you don't, I can feel it. I know it," nakangiting sambit niya.
"So, you can predict now, huh? What an amazing talent you have! Are you fortune teller or what? Or maybe you're soothsayer?" sarcastic na saad ko sa kanya at umirap pa. Natawa lang naman siya pero pinag-patuloy niya pa rin naman ang pang-aasar sa akin kahit na matatalim na tingin na ang pinupukol ko sa kanya.
Pinag-talunan din namin ang pag-alis ko after ng photoshoot pero sa huli ay sumang-ayon lang ito sa akin. Pumayag na siyang umalis ako samantalang siya ay susulitin niya daw muna ang pananatili niya dito sa resort. Mauuna ako at ang driver namin, siya naman ay ang ibang staff na lang ang kasabay na umuwi.
Tatlo araw lang naman talaga ang plano kong pananatili sa resort na ito dahil pumunta lang ako dito para sa photoshoot kaya after nang 3 days photoshoot ay uuwi na ako.
Ayoko din na iasa lang kay Sky ang kompanya ko, not because wala akong tiwala sa kanya but because I know that he also have a lot of work to do. Ayoko na habang nag-rerelax ako dito ay siya naman ang nahihirapan doon.
Sa sumunod na araw at last day ng photoshoot namin ay katulad lang nung unang araw ang ginawa namin kaya lang ay naiba na nang lugar at may mga ibang product na din kaming pino-promote kaya mas mahaba ang araw na iyon kumpara sa una. Kahit na mainit ay maayos pa rin naman naming natapos iyon dahil sinusunod naman namin ni Crater ang utos ng cameraman at ni Director.
Sa huling araw ko sa resort na iyon ay nag-aya si Crater na mag-bar kami at hindi na ako nakatanggi because Manager Caile already decided about it. Desisyon talaga kahit kailan.
"I don't want to go..." sabi ko habang nakahiga pa sa kama ko samantalang si Manager Caile ay naghahanap na nang damit na isusuot ko.
"It's Crater's treat. Nakakahiya na hindi natin sisiputin. And he promised to make sure na walang paparazzi doon," sabi ni Manager na may hawak na ngayong dalawang dress.
"E'di ikaw na lang ang pumunta since ikaw naman ang may gusto," sabi ko at kinuha ang cellphone ko para iyon na lang ang harapin ko.
"Sabit nga lang ako tapos ako lang pupunta. Ano ka ba! At last na naman ito. Hindi ka na nga sasama sa amin bukas tapos pati ba naman ngayon ako lang ulit?" sabi niya naman at bahagyang hinampas sa akin 'yong dress na hawak niya para makuha ang atensyon ko. "Tara na kasi! Saglit lang tayo, promise!" sabi niya pa.
Huminga ako nang malalim bago ko siya matalim na tinignan. Nag-puppy eyes ito sa akin kaya napairap ako pero wala nang nagawa kundi ang bumangon na lang. Natuwa naman ito agad.
Hindi ako namili sa dress na hawak niya. Nilagpasan ko lang iyon at kumuha ng kahit na ano sa kabinet. Hindi na naman siya nagreklamo at hinayaan na lang ako sa gusto kong gawin.
Isang kulay itim na above the knee and sleeveless dress ang sinuot ko at kulay itim na sandals lang ang suot ko. Dito lang din sa resort na ito ang bar kaya hindi na ako mag-heels dahil mabuhangin ang dadaanan namin. Simple lang din ang make-up and low ponytail lang ang ginawa ko sa buhok ko.
While, Manager Caile wearing a high waist pants. Well, that's a usual, she's always wearing a pants. But tonight, her top is sleeveless croptop with a deep neck but she's holding a sweater. Tss. What a conservative manager...
Sabay kaming pumunta sa bar at pagkadating namin ay nasa labas na si Crater na mukang hinihintay nga kami.
"Hey, pretty lady. Akala ko di na kayo pupunta," salubong nito sa amin at umamba itong bebeso sa akin pero agad kong nilayo ang mukha ko at tinapik na lang ang balikat niya kaya natawa na lang ito at napailing.
"Are we late?"
"No, no. Mauna na kayo sa loob. Kakausapin ko lang saglit si Manager. Anyway, the waiter will guide you to our table..." saad ni Crater at may sinenyasan na waiter kaya lumapit ito sa amin.
"Alright. Bilisan mo dahil hindi kami magtatagal," sabi ko naman at nauna nang pumasok. Sumunod naman agad si Manager Caile sa akin.
Nakasunod lang kami sa waiter na nagtuturo kung saan kami. Marami ang taong nandoon at maingay ang musika nung nakapasok na kami but I think, this club is more decent today than the usual, I don't know...
Sa isang table na konti lang ang tao sa paligid kami dinala nung waiter. Naupo ako at nagpasalamat sa waiter. May pagkain at inumin na sa lamesa na sasakto sa aming tatlo. Mukang di nag-aya nang kung sino pa si Crater. Well, that's good.
"You look totally fine. Just don't mind the people who's staring at you, they just admiring your beauty," saad ko kay Manager Caile nung mapansin ko na di ito mapakali at panay ayos sa kung saan niya. Inirapan ko pa ito nung tumingin siya sa akin bago ko kinuha 'yong baso.
"Sure?" Wala pa atang tiwala ang isang ito sa akin.
"She's right! Ganyan talaga ang tao sa club, masanay ka na," biglang dating ni Crater na mukang tapos nang makipag-usap sa manager niya.
"You didn't invite anyone?" tanong ko naman sa kanya nung maupo na ito sa tabi ko.
"They just off early," sagot niya naman na tinanguan ko. "Drinks?" tanong nito kay Manager Caile nung mapansin niya na nakaupo lang ito sa tabi ko.
"Uh, hindi na, Sir Crater, salamat na lang..." nahihiyang sagot naman ni Manager Caile.
"She's allergic to any alcohol drinks. The last time I gave her wine, she fainted, that's why, I never bring her in a club. Baka nga sumama lang siya dito, just for me and maybe, she's too shy to reject your offer," paliwanag ko at umirap nung maramdaman ko ang pag-siko sa akin ni Manager Caile.
"Oh, really? I didn't know that,"
"Because she's my manager, not yours," sagot ko naman.
"Lucy... Uh, don't worry, Sir Crater, it's fine," saad naman ni Manager Caile.
"Then, I should order a juice for you. So, you can drink something," sabi naman ni Crater pero mabilis siyang pinigilan ni Manager Caile.
"Huwag na, Sir. Ako na lang oorder. Wait lang, ah..." sabi ni Manager Caile at mabilis itong umalis kaya hindi na namin siya napigilan.
"She's always like that..." sambit ko nung mapansin ko na nakakunot nag noo ni Crater habang tinitignan ang dinaanan ni Manager Caile na mukang patungong restroom instead of counter.
Napalingon si Crater sa akin dahil sa sinabi ko at napatanong ito.
"Huh?"
"She always wanted to be independent kaya kahit hindi niya talaga alam pipilitin niya ang sarili niya. Ayaw niya nang tinutulungan siya nang kahit na sino because in her whole life, she live alone without anyone's help..." paliwanag ko naman para kahit papaano ay maintindihan niya si Manager Caile.
"Without anyone's else? What about her parents? Her family?" tanong niya pa.
"According to her, iniwan siya nang parents niya to work abroad sa grandparents niya na maagang namatay dahil sa maling akala. Hinanap niya ang parents niya but she also found out that they are already dead due to plane crash. Sinubukan niyang magpaampon sa mga kamag-anak niya but they bring her to charity, because they said she only give pain to them. Pabigat at walang kwenta. Umalis siya sa charity at namuhay mag-isa. Nagtrabaho ng maaga para mabuhay at mapag-aral ang sarili..." mahabang kwento ko.
Alam ko ang lahat ng iyon dahil kinukwento iyon ni Manager Caile nung nag-apply siya as my manager at madalas din kasi sa akin lang ito nagkukwento ng tungkol sa buhay niya at lahat ng tungkol sa nakaraan niya. She used to cry on my shoulder, that's why, I know her too well.
She can be my best friend instead of Brianna but she came too late...
"Too sad to hear," sabi ni Crater at natulala pa ito nung natapos akong magkwento ng tungkol kay Manager Caile. Affected? Tss!
"Sayang nga lang dahil ang lalaking tanging sinasandalan niya noon ay nagloko sa kanya," sabi ko at malakas na bumuntong hininga.
"Her boyfriend?" gulat na tanong ni Crater mukang hindi makapaniwala na nagkaroon na nang boyfriend si Manager Caile.
"Ex-boyfriend. I mean, ex-fiancé, " pagtatama ko.
"Fiancé?" Pinandilatan ko ito dahil halos sumigaw na ito kaya napatingin ang ibang tao sa pwesto namin.
"Can you lower your voice? Tss. Yes. Ex-fiancé," mataray na saad ko at inirapan ito.
"What happened to them?" Hindi ko alam na usisero din pala ang isang ito. Ka-lalaking tao tapos mahilig sa chismis. Dapat pala nag-reporter na lang ito kesa idol.
"Nag-cheat nga 'yong lalaki. Di ka nakikinig! Malapit na silang ikasal nung nalaman niya na nakabuntis si Boy tapos ayun, hindi naman martyr si Manager Caile at ayaw niyang maging stepmom kaya nakipag-hiwalay siya," sabi ko at tumingin na sa paligid para hanapin si Manager Caile dahil ilang oras na kaming nagkukwentuhan ni Crater ay wala pa rin siya. Nakwento ko na buong buhay niya kay Crater, hindi pa rin siya bumabalik.
"I think you should go back, maaga ka pa bukas. Ako na lang maghahanap kay Caile," saad nito nung makita niyang tumingin ako sa wrist watch ko.
"I will find her first," sabi ko at tumayo na.
"Ako na nga. Wala ka bang tiwala sa akin?" natatawang saad nito.
"Wala," diretsong sagot ko kaya napahawak ito sa dibdib niya at umakto na parang nasasaktan.
"Wala or meron, hayaan mo na lang na ako ang maghanap sa kanya. Maraming CCTVs dito oh at ayoko pang masira ang career ko 'no kaya wala akong gagawin sa Manager mo," saad nito at tinuro pa ang mga CCTVs para makita ko. "Kung gusto mo magpadala ka dito ng staff niyo para makasiguro ka," sabi niya pa nung makita na hindi ako kumbinsido.
"Fine. I will let you find her and bring her to her room but if something's happen to her, ipapa-hunting kita. Marami akong kilala. Tandaan mo 'yan ah," pagbabanta ko kaya natawa na lang ito at hinatid ako hanggang sa labasan ng bar.
"Ingat ka!" sigaw nito nung nagsimula na akong maglakad pabalik sa room ko. Kumaway lang ako sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Manager Caile na nauna na akong bumalik. May mga mensahe din si Sky na ni-replyan ko naman at sinabi na nag-bar ako nung natanong niya kung umalis ba ako.
Medyo tipsy na ako dahil sa mga nainom ko kaya nung natapos na akong maligo at nahiga na ako ay nakatulog na ako agad.

Komento sa Aklat (247)

  • avatar
    CABAUATANMINO

    good👍

    05/07

      0
  • avatar
    Amosog Danom

    enternal

    30/10

      0
  • avatar
    SuganobMicah

    ✨nice

    22/05/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata