Chapter 44

New Teacher
                                        FAYE'S P.O.V
"Faye, tara na!" ani sa akin ni Frey.
Tamad na tumayo ako sa sofa at lumapit sa kanilang dalawa.
"Hindi ka ba masaya? Ikaw na ang bagong queen. Ibig sabihin wala nang mambubully sa'yo!"
"Sino bang magiging masaya kung ang tahimik mong buhay, eh nagulo dahil sa pesteng queen thingy na yan." sagot ko sa kanya.
"Sa bagay! Kahit ako hindi rin magiging masaya sa title na yan. Dahil wala ngang mambubully sa'yo. Madami namang maiingit." pahayag niya.
Tumango ako sa kanya. Mabuti naiintindihan ako ni Frey. Akala ko puro hello kitty lang ang alam ng utak niya eh. May iba pa pala.
Lumabas na kami ng dorm at tahimik na naglakad.
**********
Binuksan ko ang pinto ng classroom namin na siyang ikinatayo ng lahat ng classmate namin. Sabay sabay silang tumingin sa amin este sa akin.
"Good Morning, Queen!" sambit nila at sabay sabay na yumuko sa akin.
Tulala na nakatingim ako sa kanila. Putik! Nagulat ako don ah!
Medyo yumuko ako sa kanila bilang paggalang. Muli silang yumuko sa akin saka bumalik sa pagkakaupo.
Walang emosyon na umupo ako sa upuan ko. Kailangan ipanatili natin ang pagiging cold. Dahil sobrang nahihiya ako, jusmeyo!
Pagkatapos talaga ng klase didiretso ako kay Raze. Kinakailangan kong malaman kung bakit ako?? Why me??
Alam naman niyang tinatago ko ang pagkatao ko sa lahat eh. Tapos siya ito, pinakilala ako sa buong school. Bwesit!
Ilang beses nina Fritz at Frey na timawagan sina Klyde at Jonas para sana makausap si Raze. Kaya lang hindi sila sumasagot. Balak ko nga sanang puntahan sila sa boy's dorm. Kaso sabi ni Fritz wag na daw muna. Mainit pa ang mata sa akin ng mga babae ngayon. Baka daw may mangyari na naman daw sa akin.
Sakto na pagupo namin bumukas muli ang pinto. At bumungad si Vhie. Nakangiti siyang tumakbo sa amin.
"Waah! Namiss ko kayo!" ani niya sa amin saka umupo sa upuan niya katabi si Fritz.
"Ang oa mo, Vhie!" natatawang sabi Fritz dito. Heh! Kagahapon nagkita kami ah. Tapos ngayon miss na miss niya na kami.
"Ano nga pala tong nabalitaan ko? Si Faye na ang bagong queen ng diamond?"
Tumango si Fritz sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Vhie.
"T-totoo?" utal na tanong niya pa.
Muling tumango si Fritz dito. Napatingin naman sa akin si Vhie at yumuko.
"G-good Morning po, Queen." sambit niya sa akin.
Pilit na ngumiti ako sa kanya at medyo yumuko din. Tumingin siyang muli sa akin at nginisihan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay doon.
Anong nginingisi niya? Parang hindi ko gusto ang naiisip niya ah.
Bumukas muli ang pinto. At bumungad si Ms. Benia kasama ang isang mestisong lalaki na nakasalamin.
Putik! Ang gwapo niya. Mukha siyang model o artista.
'Ba't may anghel dito?'
"Good Morning class! Good Morning, Queen! Today you will have a new teacher in P.E." saad ni Ms. Benia. Humarap sa amin ang bago naming teacher at matamis na ngumiti sa akin.
"Fritz, nalaglag ata panty ko!" rinig kung bulong ni Vhie.
"His so hot!"
"Ahh! I'm gonna aral aral na talaga!"
"Yeah! Me too!"
Rinig ko namang bulungan ng mga babae sa harap. Anong klaseng nagbubulungan yan, naririnig ko?
"Good Morning class and Queen. I am William Vendez. You're new teacher in P.E. It's nice to meet all of you." ngiti niyang pagpapakilala sa amin. Saglit na napatingin ako kay Ma'am ng umikot ang mata niya. Hala! Ba't basta basta umiikot yung mata ni Ma'am? Para siyang may tinatarayan.
"Sir, may girlfriend na po ba kayo?" biglang tanong ng classmate kong babae na hindi ko alam ang pangalan.
Tumingin si Sir dito. "Sa ngayon wala pa. But, maybe soon," sagot niya.
Muli na namang umikot ang mata ni Ma'am. Parang alam ko na kung sinong tinatarayan niya. Ehehe, may bagong couple na naman akong nakatagpo ah.
Ano nga ulit pangalan ni Ma'am? Aha! Sayril Benia. Tapos si Sir William Vendez. Hmm! Eh kung Saywill kaya? Oh Willsay? Mas bagay ata yung Saywill. Tama! Yun na lang ang pangalan ng love team nila. Yieeh
"Ehem... By the way, class. Ngayon magtuturo ng P.E si Mr. Vendez. Dahil tomorrow magkakaroon ng celbration-" tumingin sa akin si Ma'am at ngumiti. "Para ito sa bago nating queen."
Ano??? May paparty para sa akin??? Takte!!
Kinakailangan ko na talagang makausap si Raze. Dahil peste! Mas makikilala ako ng iba pang elite at high rank gangster nyan eh. Tangnina talaga oh! Arrgh!!
"Ma'am saan po ba gaganapin?" tanong naman ng isa ko pang classmate na lalaki.
"The party will be held at the gymnasium. It will start by 4pm to 8pm. Everyone NEEDS TO ATTEND. And also formal attire is only allowed. Understand?"
"Yes, Ma'am!"
"K, po!"
"Yeah!"
"Ok po."
"Ok, I'm going. Queen after the P.E class. The king wants to see you at the student council. Magpasama ka na lang po kay Vince." tumingin siya sa lalaking playboy dito sa classroom. "Vince, ikaw nang bahala sa, Queen."
"Yes, Ma'am."
"Good... I'm going." paalam ni Ma'am.
"Enjoy you're day!" biglang sigaw ni Sir Vendez kay Ma'am. Tinarayan lang siya ni Ma'am at lumabas na.
"Ayieeh!"
"Ay, may girl na si Sir!"
"Huhu!"
"Sana all na lang po!"
Tilian ng ibang babae at lalaki kay Sir. Napakamot lang ng ulo si Sir at lumapit na sa desk niya.
************
Natapos ang klase namin. Na nakatitig lang ako kay Sir. Heh! Ang pogi niya kasi hindi nakakasawang titigan.
"Faye, come here." utos sa akin ni Fritz. May ilang kaklase ko ang napatingin sa kanya. Pero hindi ko na sila pinansin pa. Lumapit ako kay Fritz at tinanong siya.
"Bakit?" I asked.
"Frey palit muna kayo ng upuan ni Faye... Aayusin ko lang yung band aid niya."
Tumango si Frey at umupo sa upuan ko. Umupo naman ako sa upuan niya at humarap sa kanya. Nagsusulat kasi sina Frey at Vhie ng notes tungkol sa lesson namin kagaina sa P.E. Lesson daw muna ang gagawin namin.Dahil wala pa daw kaming P.E uniform. Hindi pa kasi dumadating eh. Baka by next week pa daw. Atsaka bawal daw kaming mapago. Dahil may party bukas. Kailangan daw naming magpahinga. Buti pa si Sir. Alam ang salitang 'Pahinga'.
May nilabas si Fritz na bagong band aid mula sa kanyang bag. Lumapit siya sa akin at dahan dahang tinanggal ang band aid malapit sa mata ko.
Band aid lang naman ang nilagay ng nurse sa sugat ko. Hindi naman daw kasi malalim ang sugat.Atsaka malayo naman daw sa mata ko. Yun ang sabi ni Fritz.
Nang matanggal niya ito.Dahan dahan niyang nilagay ang band aid.
''Done.'' wika niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. ''Thank you,'' pagpapasalamat ko.
Pupuntahan mo si Raze di'ba?'' she asked me.
I nodded. ''Hmm, kailangan ko siyang makausap eh.''
''Mhm...... tumalikod ka!'' muli niyang utos sa akin. Taka akong sumunod sa kanya at humarap kay Frey na nagsusulat.
Naramdaman kung kinakalikot niya ang buhok ko. ''Anong gagawin mo?''
''Itatali ko ang buhok mo... You need to look presentable.'' sambit niya.
Presentable? Eh, para saan? Makikipagkita lang naman ako kay Raze, ah?
''Look at me.''
Sinunod ko ulit ang utos niya at humarap sa kanya. May inabot siya sa akin na mini mirror.
Kinuha ko naman iyon at tiningnan ang itsura ng buhok ko. Nakatali ng pony tail ang buhok ko.  Pero naiwan ang bangs ko. Mukha akong astigin na estudyante.
'I like it!'
''Mhm, it's look good.'' puri niya habang nakatingin sa itusra ko. Pakiramdam ko tuloy may pupuntahan akong interview eh.
Napatingin sa akin si Vhie na tapos nang magsulat. ''Day, ang ganda mo!'' puri niya sa akin.
Napahawak na lamang ako sa aking batok.  Iehh, nakakahiya naman. Nagagandahan sila sa akin, ayieehh.
''Ayy, teka!'' may kinalikot  si Vhie sa bag niya. Isa iyong lip balm. ''Ito, oh! Sayo na yan. Bagong bili ko lang yan. At hindi pa nagagamit.'' abot niya sa akin.
''H-hindi ako gumagamit niyan.'' sagot ko sa kanya at hindi kinuha ang lip balm.
''Wag mong sabihing hindi ka marunong gumamit nito?'' natatawang ani niya sa akin.
Ngumuso naman ako sa kanya. Pano niya nalaman? Masyado bang halata na hindi ko alam pano maglagay niyan? Last na nagtry ako niyan. Mga siguro bata pa ako non.
''Ako na lang ang maglalagay,'' kinuha ni Fritz ang lip balm. At binuksan ito saka nilapit sa akin. Mabilis niya iyong nilagay sa labi ko.
''Here, put it on you're bag.''
Nilagay ko naman ang lip balm sa bag ko. Medyo masarap yung lasa nong lip balm. Manamis namis, lasang strawberry na parang grapes.
''Uhm, excuse me po.''
Dumako ang tingin namin sa classmate kung playboy. Nakangiti siya sa amin.
''Uhm, Sorry po Queen. Pero kailangan na po nating pumunta sa student council room.'' ngiti niyang ani sa akin.
Tumingin ako kina Vhie at Fritz. Tumango sila sa akin. Senyales na pumapayag na sila.
Tumayo ako sa upuan. ''Iwan ko na lang bag ko, ah.'' sabi ko sa kanila.
''Sure.''
''Aalis ka na?'' biglang tanong ni Frey. Mukhang ngayon palang siya natapos sa pagsusulat.
I nodded at her. ''Mamaya na lang, Frey.''
''Sige! Balik ka, ah?''
Natawa naman ako kay Frey saka tumango. Hinarap ko naman ang playboy na classmate namin. Narinig ko kay Ma'am, Vince daw ang pangalan niya. Pangalan palang halatang playboy na. Tsk!
Tiningnan ko siya at tinanong. ''Saan ba ang daan?'' tanong ko.
Hindi ko na masyadong maalala ang daan papuntang student council. Hindi ko naman kasi minimemorized eh.
Ngumiti siya sa akin. ''Sunod lang po kayo sa 'kin,'' ani niya.
Tumango lang ako sa kanya at tahimik na sumunod sa paglalakad niya.
Hindi ko talaga gusto ang mga playboy. Ilag na ilag ako pagdating sa kanila.
Dahil hindi ako natutuwa sa pagpapaasa at pag iisip nila. Parang gusto ko silang pagsasapakin isa isa.
Dahil kailan man kaming mga babae. Hindi kami laruan na basta basta na lang lalaruin. Tao kami katulad nila. Pero kung itrato nila ang mga babae akala mo basura.
Katulad na lang ng ginawa ni Dad....... Nang itapon niya kami Mom.

Komento sa Aklat (397)

  • avatar
    JuaniteLara Jean

    magnadaa

    06/08

      0
  • avatar
    Saacs Kie

    gandd nya

    21/10

      0
  • avatar
    TeodosioJohn Rey

    nakakatakot and maganda ang napakingang kwento

    28/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata