Chapter XXIX

Chapter XXIX
Katatapos lang ng operation ni Ruther at inilipat na rin siya sa ICU, kailangan pa kasi itong obserbahan. At salamat naman sa Diyos naging successful ang kanyang operation.
“Uuwi muna ako sa amin. Gabi na rin kasi.” Salita ni Vanadium nang makitang alas otso na pala ng gabi. Tiyak na naghihintay na ang kanyang asawa sa bahay nila.
“Sige bud, sasabay na rin kami ni Xenon sa'yo.” Saad ni Hermes at bumaling ang kanyang tingin kay Zirco na nakaupo sa upuan na nakalagay sa hallway.
Tumingala naman si Zirco. “Uuwi na rin ako maya-maya. Hintayin ko na lang muna si Dad.”
“Sige. Sabay na lang tayong apat. Magpapaalam din naman kami kina Tito at Tita eh.” Saad ulit ni Vanadium at umupo. Bumalik din naman sa pagkakaupo sina Hermes at Xenon saka hinintay na lumabas ang mga magulang ni Ruther sa ICU.
**
Nagising si Ruther sa tunog ng makina. He opened his eyes and he was still in the hospital and inside the ICU. It was the same when he had the operation in the past.
He sighed as his mouth felt numb and he couldn't even move it the same as his head. He didn't know what time it was so he decided to let the person beside him, who was holding his hand, know that he was now awake.
He heard the person groan so he continued moving his hand.
Nakita niyang ang kanyang ina ito at gusto niya sanang ngumiti ngunit hindi niya magawa dahil sa hindi niya nga magalaw ang kanyang bibig.
“Sandali anak, tatawagan ko ang doctor okay?”
Ruther moved his eyebrows because he couldn't move his head and let his mother call the doctor. Ilang sandali pa ay dumating na nga ang doctor na nag-aasikaso sa kanya pati na rin ang ama ng kaibigan niya.
The doctor examined him and when he saw that everything was okay he smiled in relief.
“Kamusta siya doc?” Tanong agad ng ginang.
“Ayos na ang kalagayan niya. Pwede niyo na siyang ilipat mamaya sa kanyang private room.” Sagot agad ng doctor na tumingin sa kanya.
“Salamat po Doc. Adam.” Pasalamat ng Ginang. Tumingin din siya sa ama ni Zirco. “Salamat din po Doc. Kierzo.”
Tumango naman ang dalawang doctor at saka nagpaalam na.
“Bumalik na muna kayo sa pagpapahinga. Alas kwatro pa lang naman ng madaling araw. Mamaya pang alas otso ililipat si Ruther.”
Ngiti at tango ang isinukli ng mga magulang ni Ruther at inihatid pa nila ito hanggang sa labas ng ICU.
“How are you feeling anak?” Tanong agad ng ina pagkabalik sa may tabi ni Ruther.
Tipid lang namang tumango ang binata.
“That's good. Go back to sleep na okay?” Malambing na wika ulit ng ginang.
Unti-unti namang pinikit ni Ruther ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang kinain ng dilim.
**
At habang nagpapagaling si Ruther galing sa kanyang operasyon ay kinuha naman iyong pagkakataon ng kanyang ama upang maparusahan ang mga gumawa nito sa kanyang anak.
Tinawagan nito si Miss Valdez – ang acting principal slash admin ng University upang tanungin ang mga pangalan ng mga estudyante na involve sa pambubully sa kaisa-isa niyang anak.
Ngumisi na lamang siya na parang demonyo ng marinig mula sa kinausap niya ang nangyari sa halos lahat ng pamilya at ari-arian ng mga walanghiyang iyon.
“Tapos na po ang pinapagawa niyo sir.”
“That's good to hear. Expect the money within this day. Good Job.”
Ruther's father ended the call with a demonic smile on her face.
May pinindot ulit ito sa kanyang cellphone saka may tinawagan na ibang tao.
“Hello kumpadre.” Masayang bati ng ama ni Ruther sa kausap.
“Yes. Yes. Ayos lang naman ako. Busy ka pa ba mamaya? Pwede ba tayong magkita sa coffee shop na palagi nating pinupuntahan.” Sambit niya ulit.
“Okay. See you later kumpadre.”
He ended the call and again, he showed his demonic smile.
“Hindi pa ako tapos. Lahat ng nanakit sa anak ko, magbabayad. Lalong-lalo ka na Seleni Lustestica. Ikaw ang naging dahilan bakit nabully ang anak ko. Kung bakit siya nakulong at kung bakit siya humantong ulit sa sitwasyon na kailanman ay hindi ko naisip na babalikan pa naming magpapamilya.”
**
“Ano ba 'yan umuwi nga kami ng Pilipinas tapos ikaw naman ulit ang babalik ng New York.” Naghihimutok at parang batang sambit ni Hermes. Gusto niya kasing makompleto na silang apat, ngayon ay lima na, pero heto at kulang pa rin.
“Babalik naman agad kami pagkatapos niyang magpagaling.” Si Zirco ang sumagot dahil sasama rin ito sa New York dahil doon daw ang Daddy niya nagtatrabaho. Pero alam naman ng lahat na gusto lang nitong samahan si Ruther sa pagpapagamot.
“Isa ka pa.” Agad na itinuro ni Hermes si Zirco na siyang ikinagulat ng lahat.
“Ako?” Itinuro nito ang kanyang sarili. “Bakit?” Takang tanong ni Zirco.
“Bakit kailangan mo pang sumama?” Parang bata ulit na tanong ni Hermes at agad namang tumawa ang lahat dahil sa narinig.
“Ang isip bata mo pa rin talaga Hermes.” Umiiling na sambit ni Vanadium.
“Tsk. Bud, alam ko namang mamimiss mo ako pero malapit na ulit ang pasukan. Graduating na ako.” Paliwanag ng binata saka inakbayan ang ngumungusong si Hermes.
“Oh siya siya. Tama na 'yan. Tatawagin na maya-maya ang flight natin.” Putol ng ama ni Zirco sa usapan nila.
At hindi nga nagkamali ang lalaki dahil maya-maya pa ay tinawag na sila. Agad na nagpaalam ang dalawa sa tatlo nilang kaibigan na hindi na aalis ng Pilipinas at dito na lang naisipang tumira dahil nandito rin naman ang negosyo ng kanilang mga pamilya.
Pagkatapos magpaalam sa isa't-isa ay agad na pumasok sina Ruther sa Eroplano.
Matapos sabihin ng stewardess na pwede nang tanggalin ang seatbelt nila ay agad na tinanggal ito ni Ruther at umayos ng upo. Katabi niya si Zirco na naglalaro na ngayon ng mobile games kaya hinayaan niya na lamang ito. Pinikit niya ang kanyang mata at saka naalala kung bakit na damage rin noon ang kanyang bibig at mahigit isa't kalahating taon din siyang hindi nakakapagsalita. Mabuti na lang at hindi ito masyadong napuruhan. Sampung taong gulang pa lang siya no'n kaya grabeng trauma ang inabot niya. Siyam na taong gulang siya ng napag desisyunan ng kanyang mga magulang na mag bakasyon na lang sa Pilipinas at naalala niya na naman kung bakit hindi siya nakabalik tulad ng ipinangako niya kay Leni.
**
“Mony promise me na babalik ka next summer ha?” Humihikbing wika ng batang babae, na nakatayo lang, sa batang lalaki na nakaupo sa swing.
“Mag-sit ka nga.” Nakangiting utos ni Mony na agad namang sinunod ng batang babae.
“Promise ko 'yon Leni. At kung hindi man ako makabalik next summer, then I will probably be back for you anuman ang mangyari. Just wait for me, okay?”
Humihikbing tumango ang batang babae. “Pink promise?” Inilahad nito ang kanyang pinky finger.
“Pinky promise!” Ngiting sagot naman ni Mony.
**
Nagmulat ng mata si Ruther ng marinig ang boses. Malapit na raw lumapag ang eroplano kaya ilagay na daw ang seatbelt sa katawan kaya naman agad siyang umayos ng upo at nilagay ito. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina.
Hindi nagtagal ay nakalapag na ang eroplano at no'ng sinabing pwede na silang bumaba ay agad din naman silang tumalima.
Napabuntong-hininga si Ruther habang nakapikit ang mga mata dahil naamoy na naman niya ang simoy ng hangin sa New York.
“Let's go to our house first doc, hijo.” Let's eat dinner together. Alam naman naming pagod rin kayo kaya sa amin na lang muna kayo maghapunan. I already informed the maids and panigurado na handa na ang pagkain pagdating natin doon.” Mahabang salaysay ng Ina ni Ruther.
Napamulat naman ng mata ang binata at nakitang nag-uusap ang kanyang mga magulang at sina Zirco.
“Sure, it's our pleasure Carmen.” Nakangiting sambit ng Doctor.
Naglakad na sila palabas ng airport at may naghihintay na sa kanilang sasakyan. Nang makapasok silang lahat ay nagsimula na itong umandar paalis sa airport.
“Hijo, we will start your therapy next week.” Saad ng doctor kay Ruther.
Katatapos lang nilang kumain at nagpunta sila sa living room upang doon ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan.
Tumango lang naman si Ruther at ngumiti. Sa totoo lang ay kinakabahan siya dahil maaring hindi na ito gagana pero pilit niyang nilakasan ang kanyang loob. Kailangan niyang gumaling. Kailangan!
Maya-maya pa ay nagpaalam na ang mag-ama dahil masyado nang malalim ang gabi at may trabaho pa bukas ang ama ni Zirco.
“Thank you so much for your help doc.” Pasasalamat ng ina ni Ruther.
Nakipag kamay naman ang ama ni Ruther sa kanya saka nagpasalamat din.
Si Ruther naman ay ngumiti lang ng tipid at nakipag kamay rin sa doctor.
Si Zirco naman ay bumeso sa Ginang, tinapik ang balikat ni Ruther at tumango sa ama ng binata.
“Mauna na po kami Tita, Tito, Bud.”
Tango at matipid lang na ngiti ang sinagot ni Ruther samantalang ang kanyang ama at ina ay inihatid pa sa labas ng bahay ang dalawang bisita. Hindi na nila pinasama si Ruther dahil kailangan niya na daw magpahinga kaya naman wala nang nagawa ang binata at nauna ng pumasok sa kanyang silid..
**
“Hello kumpadre? Kumusta?” Bati ng ama ni Ruther sa kabilang linya.
“That’s good… that’s good.” Tumango-tango pa ito. “Thank you for your help kumpadre.”
Nakangising parang demonyo na pinatay ng ama ni Ruther ang tawag.
“Hmmm… sayang at pulis pa naman kayo kaso lang naging masama kayong ehemplo sa mga kapulisan. Dapat lang talaga sa inyong maghirap at mawalan ng trabaho.”
Ang dalawang pulis ang tinutukoy nito na napasibak na niya sa trabaho at ngayon hindi na alam kung saan huhugot ng pera.
“Magdusa kayo sa hirap tulad ng pagdudusa ng anak ko ngayon.” Malamig nitong sambit sa kawalan at nanlilisik na tumingin sa kanyang harapan.
Ilang saglit pa ay kumalma na siya saka kinuha ulit ang kanyang cellphone na nilagay niya kanina sa kanyang mesa. May pinindot ito saglit at nilagay na nito ulit ang cellphone sa kanyang kaliwang tenga.
“Kamusta ang ipinapagawa ko sa’yo?” Kalmado nitong tanong.
“What? Vanadium?”
“Paanong si Vanadium na ang nagpapatakbo ng kompanya ng mga Lustestica?” Pigil ang galit niyang tanong.
“Pinsan?! What do you mean by that? So alam niya na ang pinsan niya ang may kagagawan ng lahat ng ‘to?”
“What?!” Mas lalong lumakas ang kanyang boses dahil sa gulat.
The old man closed his eyes firmly and massaged his nose while listening to the explanation of the person on the other line.
‘Anak bakit kailangan mong protektahan ang babaeng ‘yon? Alam kong mabait ang batang Leni na nakilala mo noon pero hindi na siya katulad noon.’ The old man was frustrated and most importantly stressed.
“Okay fine. Huwag mo na lang galawin ang pamilya ng babaeng ‘yon.”
Agad na pinatay ng matanda ang tawag at nanghihina na napasandal sa kanyang swivel chair. Nandito siya ngayon sa kusina dahil natutulog na ang kanyang asawa at ayaw niya itong maistorbo.
“I don’t know what I will do to you, Ruther. You love too much that even though she hurt you already and you end up not being able to talk again, here you are still protecting and loving her.”
Ayaw niyang masaktan ang anak dahil mahal na mahal nila itong mag-asawa kaya kahit na labag sa kanyang kalooban ay hindi na ulit siya gumawa ng hakbang upang magantihan ang babaeng labis na nanakit sa kanyang anak.
Ilang saglit pa ay biglang nag-iingay ang kanyang cellphone kaya naman ay napatingin siya agad dito. Kumunot ang kanyang noo ng makitang international call iyon. Agad niyang pinindot ang answer button.
“Hello. Who’s this?”
Ang may-ari ng casinong pinagkakautangan ng mga magulang ng babaeng ‘yon?
Ibinigay niya kasi ang number sa lalaki in case na may magagamit siya laban sa pamilya ng babae no’ng nagbalak pa siyang maghiganti pero ngayon ay nagbago na ang kanyang isip kaya naman akma na sana niyang puputulin pero napatigil siya sa sinabi sa kanya ng lalaki.
“Are you serious?”
Nang marinig niya ang sagot ng kausap ay bigla siyang naawa sa dalaga. “Anong klaseng mga magulang sila? They are willing to sell their child because of their huge debt na sila lang din naman ang may kasalanan?”
Ruther’s father sighed. “Yes, ako na lang ang kukuha sa kanya. May darating dyang tauhan ko at ibibigay ang pera kapalit niya.”
“Eh kung ganoon, saan pala nila gustong isagawa ang transaction?”
“Sa kalsada? Mga h*yop na ‘yon.”
“Sige, pupunta lang dyan ang isa sa mga tauhan ko.”
Agad na pinutol ng ama ni Ruther ang tawag at agad na nag-utos sa isa sa mga tauhan na nandoon sa Pilipinas naka base.
Matapos niyon ay lumabas siya ng kanyang office at balak sang puntahan ang kanyang anak ngunit nakita niya ito sa sala at nanonood ng documentary series. Alam niyang paborito itong panoorin ng binata kaya naman ay napangiti siya.
Agad na hininaan ni Ruther ang volume ng TV nang makita ang kanyang ama. Tinapik-tapik niya ang sofa at umupo naman kaagad doon ang kanyang ama.
“How are you feeling, anak?”
Nag thumbs up naman si Ruther saka ngumiti ng tipid sa ama. Sanay na siya na malambing ang kanyang mga magulang sa kanya kaya naman hindi na bago sa kanya ang pangungumusta nito.
“Bakit hindi ka pa natulog? Hindi ka ba makatulog?”
Tumango naman ulit si Ruther saka bumuntong-hininga.
“Gusto mo bang ipag timpla kita ng gatas?”
Napangiti naman si Ruther saka umiling.
Napatango naman ang matanda at humarap na sa TV at sinamahang nanood ang anak. Nang makitang malapit na itong matapos ay nagsalita na siya
“By the way anak. May gusto pala akong sabihin sayo.” Tumikhim ito para mawala ang nakabarang bagay sa kanyang lalamunan.
Pinatay naman kaagad ni Ruther ang TV at itinuon ang kanyang buong atensyon sa amang seryosong nakatingin sa kanya.
“I know that you know about Seleni’s family, right?”
Kumunot naman ang noo ni Ruther tila nagtatanong kung paano ito nalaman ng kanyang ama.
“I want to be honest with you, anak. Ginantihan ko lahat ng nambubully sa’yo sa University.”
Agad naman napasimangot si Ruther.
“Anak, I just want to get even with those students. Wala silang ni katiting na karapatan upang ibully ka at i-frame-up. Nakulong ka pa dahil sa maling pagbibintang at kasalanan ‘yon ng Seleni na 'yon, hindi ba?”
Napayuko si Ruther dahil alam niyang tama ang lahat ng sinabi ng ama.
“It’s not what I want to say. It’s about Seleni, the girl that you loved the most.”
Napatingala naman si Ruther sa sinabi ng ama.
“Alam namin anak. Alam namin ng mommy mo.”
Hindi naman nakahuma si Ruther dahil akala niya hindi ito malalaman ng dalawa.
“Balak ibenta si Seleni ng kanyang mga magulang, ayon sa may-ari ng Casino na pinagkakautangan nila.”
Napatayo si Ruther sa kinauupuan at bakas sa kanyang mukha ang halo-halong pag-aalala, takot, at galit.
“Inform Vanadium to save his cousin from this street.” May ibinigay itong papel. “Ako na lang ang nagbayad ng pera at ang tauhan ko ‘yong magbibigay sa mga magulang niya. Sasabihan ko siyang hihintayin munang makalayo ang kanyang mga magulang bago niya iwan si Seleni pero dapat niya rin muna itong bantayan mula sa malayo at tuluyan lang na iwan kung darating na si Vanadium.”
Umaliwalas agad ang mukha ni Ruther saka hindi mapigilan na yakapin ang ama. Wala siyang paki kung bakla itong tingnan, ang mahalaga ay naparamdam niya sa kanyang ama ang labis na pasasalamat.
“Go. Call Vanadium and inform him about this.” Tinapik siya nang marahan ng kanyang ama sa likod bago siya pinakawalan sa pagkakayakap.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    ang ganda ng story

    4d

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Nakapaganda ng storya na ito.. Hope my book 2 author. Love it.

    27/04

      0
  • avatar
    Jerson R Pescadero

    hahahHHHHHhHahHHHahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahaha maganda magndaahgahHHHHahHHHHHHHHHHHhHhhhHHHHHHHahahahahahahhahahahahahahahahahahahHahHahhahahahahHHahHHahahahahahahahahahahahhahaahahhahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahaahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahaahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahha

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata