Chapter 25

“ACHER...”
Niyuko ni Archer si Amber ng tawagin niya ang pangalan nito. Nakaupo ang binata sa malaking sofa sa may sala. Samantalang siya naman ay nakahiga sa may hita nito. Nang matapos ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ay umupo sila roon. At dahil parang nanghihina siya dahil sa halik na ipinagkaloob sa kanya ni Archer ay humiga siya sa hita nito. Pinapabangon nga siya ng binata pero nagmatigas siya. Sinabi niyang kasalanan nito kung bakit para siyang nanghihina kaya dapat pagbigyan siya nito sa nais niya. Tinawanan nga siya ng binata sa sinabi niya. Wala pa daw second round iyong kissing scene nilang dalawa pero suko na siya agad. Sinimangutan lang naman niya ang binata. Pero mayamaya ay hinayaan na din siya nito na humiga sa hita nito. Sinusuklay-suklay pa nga nito ang mahabang buhok niya gamit ang mga daliri nito.
 Nasa condo unit pa siya binata sa sandaling iyon. Mamaya pa siya ihahatid ni Archer sa kanila. For now, enjoy mo na nila iyong oras na magkasama silang dalawa.
“Hmm?” Si Archer, patuloy pa nitong hinahaplos ang buhok niya.
Saglit niyang tinitigan ang mukha nito. “Hindi ka ba nagsisisi na ako ang minahal mo?”
Bahagyang kumunot ang noo nito. Tumigil din ang kamay nito sa paghaplos sa ulo niya. “Anong klaseng tanong iyan?”
Ngumuso siya bago niya inalis ang tingin rito at ibinaling iyon sa may kisame. “Naisip ko lang itanong.” Sabi niya. “Naalala ko lang kasi iyong lagi mong sinasabi sa’kin noon na hindi ka magkakagusto sa isang tulad ko. Na hindi ako iyong tipo na babae na maguguatuhan mo. You know I had a bad attitude. Kasali din ako sa Girls Meanistry sa School natin. Maraming galit, naiinis, naasar sa’kin dahil sa ugali kong iyon. Walang may gustong maging kaibigan ako dahil tingin nila sa’kin ay hindi ako magiging mabuting kaibigan.” Mahabang litanya ni Amber.
Mayamaya ay naramdaman ni Amber ang mainit na kamay ni Archer sa kanyang baba. Pagkatapos niyon ay ipinaharap siya nito upang magtama ang mga mata nila.
“Sorry.” Wika ni Archer
“Bakit ka nagso-sorry?”
“Sorry dahil sa mga nasabi ko sayo no’n tungkol sa ugali mo. Sorry dahil naging judgemental ako. Kung hinusgahan kita agad base sa nakikita at naririnig ko na hindi man lang inaalam ang buong katotohanan.”
“You’re already forgiven kaya hindi mo na kailangan na humingi ng sorry sa’kin.” Sabi niya. “Uhm, so hindi ka talaga magsisisi na minahal mo ako?” Tanong muli niya, gusto kasi niyang malaman kung nagsisisi ba ito na siya ang ginusto at minahal nito.
“No.” Mabilis na sagot ng binata. Na para bang siguradong-sigurado ito sa sagot nito. “Hindi ako nagsisisi na minahal kita.” Dagdag na wika ni Archer.
“Kahit na sinasabi nila na malas mo daw dahil nagkaroon ka ng girlfriend na katulad ko? Nagkaroon ka ng girlfriend na masama ang ugali?”
Napansin ni Amber ang bahagyang pagkakasalubong ng mga kilay ni Archer. “Wala akong pakialam kung ano ang isipin ng ibang tao. Ang mahalaga para sa’kin ay tayo. Na mahal mo ako at mahal kita.” Seryosong wika ni Archer. “At huwag mong intindihan ang sasabihin ng ibang tao sa relasyon natin. Inggit lang ang mga iyon.” Dagdag na wika nito.
“Archer?”
“Hmm?”
“Salamat.” Sabi niya dahilan para yukuin siya nito.
“Para saan?
“Salamat dahil kahit na hindi ako iyong ideal Girl mo ay ginusto mo pa rin ako. Na minahal mo pa rin ako.” Sabi niya. “Hindi ako perpektong babae pero minahal mo pa rin ako.”
Hindi naman sumagot si Archer sa sinabi niya. Sa halip ay kinuha nito ang isang kamay niya at dinala nito iyon sa labi upang halikan.
 
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Archer ng mamataan niya si Amber na may kausap na lalaki. Hindi niya makita ang hitsura ng lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa base sa pagbuka ng labi ni Amber.
At sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panibugho nang makita niyang may ibang kausap si Amber. Hindi naman masisisi ni Archer ang sarili kung makaramdam siya ng ganoon. Siyempre, mahal niya ang dalaga kaya natural na maramdaman niya ang mga bagay na iyon. Siya din kasi iyong tipo ng lalaki na kung ano ang kanya ay sa kanya lang. Hindi din siya madamot. Pero pagdating sa babaeng mahal ay madamot siya. He was possessive and a bit territorial.
Mas lalo tuloy binilisan ni Archer ang mga hakbang para makalapit sa mga ito. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit ng humakbang na paalis ang lalaki. Nasundan na tuloy niya ang papalayong pigura nito.
“Baby!” Inalis niya ang tingin sa papalayong pigura ng lalaki at inilipat niya iyon kay Amber ng marinig niya ang masayang pagtawag nito sa endearment nila. Nakangiting kinawayan pa siya nito. Humakbang ito palapit sa kanya at huminto ito sa harapan niya.
Muli na naman tiningnan ni Archer ang papalayong pigura ng lalaki. At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya si Amber na sinundan ang tingin na tinitingnan niya.
“Bakit?” Tanong ng dalaga.
“Sino iyon?”
“Ha?” Napansin ni Archer ang pagdaan ng kalituhan sa mga mata nito.
“Sino iyong lalaking kausap mo kanina.”
Saglit na hindi nagsalita si Amber. Napansin din niya ang paglikot ng mga mata nito. “Ahh...iyong bang lalaking kausap ko kanina. Uhm, may itinanong lang siya sa’kin.”
“Ano?”
Napansin niya ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Amber tanda ng pag-ngisi. “Uhm, tinanong niya ako kung pwede ba niya akong ligawan.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. At sa sobrang pagkakasalubong ay nag-iisang linya iyon.
Amber made a low laugh. He glare at her. “Siyempre, sinabi kung hindi pwede dahil may boyfriend na ako. At kontento na ako sa kanya.” Ani Amber. Tinitigan siya nito sa mga mata. “Kontento na ako sa’yo.” Nang sabihin nito iyon ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Pakiramdam din niya ay lumubo din ang puso niya buhat sa narinig na sinabi nito. “Nagseselos ka ‘no?” Mayamaya ay tukso nito. At ng akmang susundutin nito ang tagiliran niya ay agad niyang hinuli ang kamay nito. Malakas kasi ang kiliti ni Archer sa parteng iyon ng katawan niya. Nang mahawakan niya ang kamay nito ay agad niyang pinagsalikop ang mga iyon.
“Kapag may kumausap sa akin na ibang babae. Hindi ka magseselos?”
“Hindi.” Sagot ni Amber dahilan para tumaas bahagya ang kilay niya. Hindi daw nagseselos eh, sa tuwing may kumakausap sa kanyang babae o kung hindi kaya may kausap siyang babae ay kulang na lang na bumulugta ang mga iyon sa tinging na ipinagkakaloob ni Amber. “Hindi. Dahil hindi ko hahayaang makalapit sila sa’yo. Dadaan mo na sila sa butas ng karayom bago sila makalapit sa’yo, bago ka nila maagaw sa’kin. Kaya hindi ako magseselos.”
Pinisil niya ang kamay nito na hawak niya. “Hindi naman ako nagpapaagaw eh. Sayo lang din ako.”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Amber kasabay ng pamumula ng pisngi nito. “Kinikilig ka ‘no?” Tukso niya, kung marunong itong manukso ay marunong din siya.
“Of course not!” Mabilis na tanggi nito.
“Ganoon ba? Akala ko kasi kinikilig ka. Sayang, yayayain sana kitang manuod ng sine. Pero dahil hindi ka kinilig sa sinabi ko. Ihahatid na lang kita sa inyo.”
Sumimangot ito. “Oo na. Aamin na ako. Kinikilig na ako.” Sabi nito na nakanguso.
“Talaga?”
“Oo.”
Napangiti na lang si Archer. “Sabi na eh, in denial ka pa.”

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    MaricelAbrique

    Sana tulungan NYU ako

    29/10

      0
  • avatar
    Reki Curoz

    resala sino Ang po matay sayu

    23/10

      0
  • avatar
    Annedreia Kate Flores

    Impressive!

    20/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata