Slowly Falling

WE ARRIVED at Kuya Josh new Resort at ten in the evening. The Resort was huge and classy. Halatang pang mayaman. Bukas pa naman ang opening at kaunti lang ang mga tao sa loob. Mga staffs at helper lang ng resort ang nandoon.
We slept on one of the nipa huts inside. Magkatabi ang kubong tinulugan namin nila Brent. Maaga akong nagising. Alas singko pa lang ay gising na ako. Tinatawag ng dagat ang katawan ko. Si Amy, nandoon pa, natutulog. Hindi pa masyadong maliwanag. Nagpasya akong maglibot-libot na muna.
There are lots of nipa hut inside. May mga suites naman na para sa mga VIP if they want to stay for the night. Ayon kay kuya, marami na raw ang nagpa-reserve for the opening. Well, kung opening naman kasi, usually, mura. Kapag nagtagal at saka lang ito magtataas ng fees.
I can compare the houses and the structure sa camp sawi na napanood ko, kung saan nag shoot sina Bela Padilla. The ambiance was super duper relaxing. Sobrang nakakaakit ang mga coconut trees. The flowers were fully blooming. It’s so fascinating.
There are lots of pools too, from kiddie pool to adult. But I prefer to walk along the seaside. Lumapit ako sa kinaroroonan ng dagat. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas at naglakad papalapit sa tubig. When the water touches my feet, napatili ako sa lamig. I laughed. Kung may makakakita man sa ‘kin ngayon dito, pagkakamalan akong baliw, magandang baliw.
Parang gusto kong magpa-tan, para ma-iba naman, para na kasi akong bampira sa kaputian ko. Charot. Good thing, I’m not allergic to anything. Hindi naman sensitive ang skin ko sa awa ng Diyos. Maliban na lang kapag papaluin mo ako, siyempre kitang-kita at magbabakat.
Parang gusto kong maligo. Luminga-linga ako sa paligid, so far wala pa namang tao. Ah, what do I expect wala pa namang bisita. Naka-short ako at naka-damit ng maluwang. Mas lumapit ako sa dagat. Hanggang tuhod ko na ang tubig-dagat. I wanted to take a swim, kaso naka-bra lang ako. Alangan naman na magtanggal ako, mamaya may makakita pala.
Luminga ulit ako. Wala pa naman. Honestly, nakapag-suot na ako nang mga swimsuits, pero kadalasan one-piece lang way back in our province, pero bikini, hindi pa. Bahala na nga.
Lumapit ulit ako sa pangpang kung saan ko iniwan ang tsinelas ko, hinubad ko ang loose shirt ko. Now, what, I’m just wearing a black brassiere. Para akong bata na tumakbo sa dagat. Napatili ulit ako nang lamunin ng malamig na tubig-dagat ang katawan ko.
I swim farther. Umahon ako at nagulat ng may kung anong bumagsak sa tubig. Did someone, took a swim too. Kinabahan ako, baka mamaya may pating pala o kaya rapist na— “AHHHHHHHHHH!” I screamed when someone touches my feet.
I wiggled and almost drank some salty water. I was about to cry when I saw Brent, laughing out loud.
“Looks like, I scared you.” Napanganga ako. Brent was here, laughing? This is the first time I saw him laugh like this. “What?” tumaas ang kilay nito.
Sinabuyan ko ito ang tubig. “Walang hiya ka. Muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa mo. Lumapit ako dito at sinabunutan siya. “I’m gonna drown you, badass.” I said, angrily.
“Hey, hey…” He’s trying to catch my two hands. “Stop it.” Natatawa nitong sabi.
“Stop? Gago ka ba.” nahawakan na nito ang dalawa kong kamay, pero pilit ko pa ring inaabot ang buhok niya.
He chuckled. “I didn’t mean it, okay.” Hawak-hawak nito ang dalawang kamay ko. Napatigil naman ako nang mapagtanto kong sobrang liit na pala nang distansiya namin. Tumigil din ito sa pagtawa. He looked at me, intently. I saw him gulped.
Pinandilatan ko ito. “Don’t you dare.” Banta ko.
Ngumisi ito. “Dare what? Kiss you?” mapang-asar nitong tanong.
“Ewan ko sa ‘yo.” Binawi ko ang dalawang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak. Lumangoy na ako, patungong pampang.
Nakakahiya. Naka-bra lang ako. Tapos ito topless at naka-trunks, I guess. Binilisan ko ang paglalakad. Kinuha ko ang damit ko at isinuot ang tsinelas ko.
“Hey!” sigaw nito. Pero hindi ko ito nilingon. Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Bakit ako lumalayo? Dahil hindi ko na kaya itong nararamdaman ko.
‘Hindi ba’t ito ang gusto mo? Ang mapansin ka niya?’ tanong ng isang bahagi ng isipan ko.
PUMASOK ako sa loob ng kubo at dumiretso sa banyo. Tulog pa rin si Amy. Mabuti naman para hindi ito magtanong na naman ng sandamakmak. Naligo na lang ako. Paglabas ko nang banyo, gising na si Amy.
“Oh, ang aga mo naman naligo? Dapat do’n tayo sa pool or sa dagat maligo.” Anito. itinutupi nito ang kumot.
“Naiinitan kasi ako.” sagot ko na lang. Lumapit ako sa bag ko at kinuha do’n ang isang panty, short, bra at ang putting v-neck shirt ko. bumalik ako sa banyo. Mabuti na lang at dinagdagan ko ang dala kong damit. Sabado pa lang ngayon. Pagkatapos kong magbihis, nilabhan ko ang ginamit kong underwear kanina.
“Bree?” tawag ni Amy sa labas ng banyo.
“Bakit?” tanong ko.
“Nandito si Josh, kakain na daw tayo.”
Josh? hindi kuya? Okay, kung anu-ano na ang napapansin ko. “Sige, saglit lang lalabas na ako.” isinampay ko sa sampayan sa loob ang nilabhan ko.
Lumabas ako ng banyo. “Hindi ka ba magsisipilyo man lang?” tanong ko kay Amy. Nasa tapat ito nang salamin. Nagsusuklay.
Sinulyapan ako nito sa salamin. Nasa likuran niya kasi ako. umirap ito. “Duh, siyempre, magsisipilyo. Ang tagal mo kaya sa loob.” Wika nito. “Susunod na lang daw tayo sabi ni Josh.”
“Sa’n daw ba?”
“Sa may dinaanan natin na kainan kagabi. Malapit sa infinity pool.” Ibinaba nito ang suklay at kinuha ang toothbrush sa kanyang bag.
Tinanggal ko ang tuwalya na nakabalot sa buhok ko at saka kinuha ang suklay.
Napangiwi ako nang maalala ang nagyari kanina. Brent Manu Chadwick was totally a badass hunk. Ang lalaki nang mga biceps niya, sayang at ‘di ko nakita ang abs niya.
Siguro iniisip na nito ngayon na pakipot o pabebe ako. E, sa naiilang ako. I know I planned to make him fall in love with me. But, the sad part is, I was the one who slowly falling in.
Theirs’ a rumor way back then that Brent loves to play a love thingy game. If someone dares to spice him up, he’ll play the game better than how you planned it. At ‘yon ang ikinakatakot ko. May feeling kasi ako na alam niya ang ginagawa ko.
Kung alam niya, bakit ngayon lang siya lumalapit sa ‘kin?
Why do I have this feeling that he's really playing a game with me? Did I really, challenge him into this?
Sana mali lang ang mga haka-hakang tumatakbo sa isipan ko.
If ever that's the case, I'll make sure that I'll drag him down too. I will not let myself to lose.
Dapat hindi lang ako ang mahuhulog at magmamahal dapat pati rin siya.
I'll definitely win this, and I'm claiming it.
...

Komento sa Aklat (81)

  • avatar
    Devorah Agustin

    this story is so exciting...can't stop reading it...

    27/01

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    I'm interested

    02/09/2025

      0
  • avatar
    Robles Malana May Ann

    yes

    10/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata