Chapter 8

NAALIMPUNGATAN si Freya ng maramdam niya ang mainit na kamay na humaplos sa noo niya. Kahit gising na ay hindi pa siya nagmulat ng mga mata. Nakikiramdam kasi siya sa paligid hanggang sa makarinig siya ng isang boses. Hindi na kailangan imulat ni Freya ang mata para alamin kung kaninong boses iyon. Kilalang-kilaka kasi ni Freya kung kanino ang boses na iyon.
"Yes. She's sick." narinig niyang wika ni Ylac. "Ano pwede kung gawin? Do I need to take her to hospital? Or call a doctor instead?" Sa pagkakataong iyon ay doon lang nagmulat ng mata si Freya. Nakita niya si Ylac na nakatalikod sa kanya. Hawak nito ang cellphone. Sa sumunod na sandali ay hindi ito nagsalita tanda marahil na nakikinig ito sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya. "How do I do that?" mataas ang boses na tanong nito sa kausap. Kahit nakatalikod ito ay nahinuha ni Freya na nakakunot ang noo ito. "For pete sake! Hindi ko alam paano gawin ang sinasabi mo?!" pagalit na wika nito sa kausap. "I'll just take her to the hospital." maawtoridad na dugtong nito. Hindi na naman ito nagsalita marahil ay nakikinig na naman ito sa sinasabi ng kausap.Tumatango-tango ito. Narinig din niya ang pagbuntong-hininga nito. "Okay, okay. I'll do it." Pigil niya ang hininga ng humarap si Ylac sa gawi niya. Sa kabila man ng mabigat na nararamdaman ay nginitian niya ito ng matamis. Napansin din ni Freya ang paglambot ng ekspresyon ng mata ni Ylac habang nakatitig sa kanya. Pinatay na nito ang tawag saka nito ibinulsa ang cellphone sa suot na pantalon nito.
"You're awake." ani Ylac habang naglakad palapit sa kanya. Bumangon siya at sumandal sa headrest ng kama. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nito ng sa wakas ay nakalapit na ito sa kanya.
"M-medyo mabigat ang ulo ko." sagot niya.
"You need to eat para makainom ka na ng gamot." ani Ylac.
Tumango siya. Lumabas ito ng kwarto pero hindi naman nagtagal ay bumalik na ito. Pero pagbalik nito ay may dala-dala na itong tray.
"Hindi ako marunong magluto. Kaya pagtiyagaan mo na lang ito." tukoy nito sa cup noodles na nakalagay sa tray na bitbit nito. Inilapag ni Ylac ang tray sa ibabaw ng bedside table. Kinuha nito ang cup noodles at inabot iyon sa kanya. "Mas makakabuti daw sa'yo kapag humigop ka ng mainit na sabaw."
"S-salamat." aniya. Tinanguan lang naman siya ni Ylac. Hindi ito umalis sa kwarto niya ng umpisahan na niyang kainin ang bigay nito. Ramdam na ramdam ni Freya ang mga titig ni Ylac sa kanya kahit hindi siya nakatingin rito. Hindi tuloy niya maiwasan ang ma-concious sa itsura. Aminado siyang magulo ang buhok niya. Hindi pa kasi nasasayadan ng suklay iyon mula kanina. Pilit na lang niyang iwinawaksi sa isipan ang hitsura niya at pinagtuunan ng pansin noodles na kinakain.
Nang matapos siya sa kinakain ay may inabot sa kanya si Ylac na gamot at isang basong tubig. Tinanggap niya iyon at ininom. Nagpasalamat siyang muli rito ng iabot niya rito ang wala ng laman na baso. Lumabas muli ito ng kwarto pagbalik nito ay may dala na itong isang palanggana at bimpo. Mababakas sa mukha nito ang pagkaasiwa habang bitbit nito ang mga bagay na iyon. Pupusta si Freya na ito unang pagkakataon na nakabitbit si Ylac ng ganoong bagay sa harap ng ibang tao.
Nang ilapag ni Ylac ang bitbit nito sa ibabaw ng kama ay nagsalita na siya. "A-ako na lang." aniya. Akmang aabutin niya ang bimpo ng pigilan siya ni Ylac sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya. Tulad ng unang pagkakataon na nagdikit ang mga balat nila ay nakaramdam siya ng kakatwang init na dumaloy sa buong katawan niya. Nadagdagan iyong init na nararamdaman niya sa sandaling iyon.
"Ako na." maawtoridad na wika nito bago nito kinuha ang bimpo.
"Pero—
Hindi na niya natuloy ang akmang pag-protesta ng tingnan siya nito ng masama. "O-okay." pagsuko niya at muling sumandal sa headrest ng kama. Hinayaan na lang niya ito. Kung iyon ang gusto nito ay pagbibigyan niya ito.
Ibang-iba talaga ang Ylac na nasa harap niya ngayon. Ang kilala kasi niyang Ylac ay napakadominante at may pagka-arogante. Taliwas sa Ylac na kasama ni Freya ngayon na maalaga.
"W-wala ka bang pasok ngayon sa trabaho?" tanong ni Freya habang pinupunasan nito ang mukha niya. "Baka may importante kang gagawin sa opisina?"
"I'm the boss." maikling tugon nito. Sa sumunod na sandali ay namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Why are you doing this to me?" putol ni Freya sa katahimikan.
"You're in my house. Kaya responsibilidad kita." simpleng sagot ni Ylac.
"Thank you." sambit niya. Sa pagkakataong iyon ay tumingin ito sa mukha niya. "Thank you for taking care of me." aniya na nakangiti. "Huwag kang mag-alala kapag magaling na ako ay babawi ako sa'yo." pagpapatuloy niya.
Hindi na kita sisimangutan, hindi na kita mumurahin sa isip ko at susundin ko ng maluwag ang lahat ng iuutos mo sa'kin, dugtong niya sa isipan.
"Hindi ako humihingi ng kapalit." simpleng sagot nito. Nang matapos ito sa pagpunas sa kanya ay tumayo na ito. Tumingin ito sa may closet niya. May ideya na si Freya kung ano ang iniisip ni Ylac sa sandaling iyon.
"A-ako na." nahihiyang wika niya. Kahit hindi niya nakikita ang sarili ay alam niyang namumula ang magkabilang pisngi niya. Sumulyap sa kanya si Ylac. Napakurap-kurap muli ang mata niya nang makita ang ngiting nakasungaw sa labi ni Ylac. Kahit masama ang pakiramdam ay hindi pa rin niya mapigilan ang sariling puso na tumibok iyon ng mabilis.
"Okay. Tawagin mo ako kung may kailangan ka." ani Ylac. Lalabas na sana ito ng kwarto ng tawagin niya ang pangalan nito dahilan para huminto at lumingon sa kanya.
"Do you need anything?" tanong nito ng maghinang ang mata nila.
Umiling siya. "You should smile more often." sa halip na wika niya. Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Humiga siya sa kama at itinalukbong ang kumot hanggang sa ulo niya.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Nice story.. 👏👏 basahin nyo rin guys. Thanks author.

    28/09/2025

      0
  • avatar
    DevisfrutoRamon

    like it

    02/11/2024

      0
  • avatar
    Vergel Villostas Panopio

    Nice story

    15/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata