Homepage/Bossy Boss Trilogy 1: Ylac Brillantes/
Chapter 15
"YOUR DONE!" masayang wika ni Freya ng sa wakas ay tapos na sila sa pagluluto. Hindi pala, ng matapos si Ylac sa pagluluto nito. Si Ylac naman kasi talaga ang nagluto. Ito ang naghiwa ng manok, ng sibuyas lahat ng kakailanganin nito sa pagluluto. Ito din ang nagtimpla. Bali ang naging kontribusyon niya roon ay sabihin rito ang dapat at hindi dapat nito gawin sa paglulto. At higit sa lahat ang pagmasdan ang bawat kilos nito habang nagluluto. Hindi kasi siya pinayagan ni Ylac na tulungan ito. Nais daw nitong matuto sa sarili nitong sikap. Basta sabihin lang daw niya rito kung ano ang mga dapat nitong gawin. Tumayo si Freya mula sa pagkakaupo niya sa silya at lumapit kay Ylac nang makita niya ang butil ng pawis na gumitla sa noo nito. Umangat ang kamay niya papunta sa noo nito at marahan niyang pinunasan ang pawis nito roon. Nakita niya ang paglamlam ng mata nito habang nakatitig ito sa kanyang mukha.
Ngumiti siya. "Tikman natin kung masarap ba iyong niluto mo?" aniya ng matapos niyang punasan ang pawis sa noo nito. Hinawakan niya sa braso si Ylac at ipinaupo niya ito sa silya sa harap ng dining table. Agad naman itong tumalima. Pagkaupo ng binata ay agad nitong tinanggal ang suot nitong apron at ipinatong nito iyon sa silyang katabi nito. Siya naman ay inabala niya ang sarili sa paghahanda at pag-aayos ng mesa. Nang matapos siya ay ay umupo na rin siya sa tapat nito. Akmang kukunin niya ang bowl na naglalaman ng nilutong tinola ni Ylac ng unahan siya nito.
"Let me." ani Ylac at nilagyan na nito ang kanyang mangkok. Pagkatapos niyang magpasalamat ay agad niya iyong tinikman. Excited na kasi siyang tikman ang luto nito. Excited na siyang tikman ang luto ng kanyang mahal. Sunod-sunod nga ang pagsubo niya roon. Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang pagtikhim nito.
"What?" anito ng magtama ang paningin nila. Gusto niyang magtaas ng kilay nang makita niya ang mukha nito na para bang kinakabahan. Seriously? Ang isang sought-after-bachelor in town slash her bossy boss ay kakabahan? Para yatang magugunaw na ang earth mamaya. Wala kasi sa personalidad ng binata ang makaramdam ng kaba. Punong-puno kasi ito ng kompiyansa sa sarili. At tulad ng nararamdaman niya para rito, nasisiguro niyang wala itong kaba sa katawan. Pero ano itong nakikita niya sa mukha ng binata? Bakit nakikita niya sa mukha nito ang kaba habang hinihintay ang hatol niya sa luto nito? Mukha namang napansin nito ang pagtitig niya rito dahil umayos din ito ng upo.
"Anong lasa?" tanong ni Ylac.
"Lasang...sinigang." sabi niya na hindi inaalis ang tingin rito. Lihim siyang napangiti nang makita niya ang pagbagsak ng balikat nito na tila ito isang talunan. Narinig din niya ang mahinang pagmura rito. Akmang ilalayo nito sa kanya ang mangkok niya ng pigilan niya ito sa paghawak sa kamay nito.
"Hey! I'm just kidding." sabi niya na nakangiti. "It tasted good." dagdag niya. Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi niya kaya itinaas niya ang isang kamay. "Swear." at para mas lalong maniwala ito na nagsasabi siya ng totoo ay kinuha niya ang kanyang kutsara at nilagyan niya iyon ng sabaw ng tinola at inumang niya iyon rito. "Tikman mo iyong luto mo para maniwala kang masarap." nakangiting sabi niya. Hindi naman niya kailangan ulitin ang sinabi niya dahil agad na tumalima ang binata.
"You're right. It's tasted good." habang sinasabi nito iyon ay nakatingin naman ang binata sa kanyang labi.
Yumuko lang naman si Freya para itago ang ngiting sumungaw sa kanyang labi dahil sa sobrang kilig na nararamdaman.
GINUGOL ni Freya ang buong maghapon sa sa pag-guhit sa kanyang sketchpad. Wala naman kasi siyang ibang gagawin. Tapos na kasi siya sa lahat ng gawain niya sa condo ni Ylac. Kaya iyon nasa sala siya habang gumuguhit siya.
"Yeheey! Tapos na." parang batang wika niya ng sa wakas ay tapos na siya sa ginuguhit. Inilayo niya iyon saka niya tinitigan ng mabuti. Sumilay ang napakagandang ngiti sa labi niya ng pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng ginuhit niya. Kuhag-kuha niya ang features ng mukha ni Ylac pati ang expression nito. Hinaplos niya ang mukha ni Ylac sa kanyang sketch pad. Iniisip na lang niyang mukha talaga iyon ng binata. Sumunod naman na hinaplos niya ang mga labi nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng maalala niya ang pagdampi ng labi nito sa labi niya. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal ka? Malapit lang ang presensiya ng taong mahal mo ay halos magwala ang puso mo? Maisip mo lang ang taong mahal mo ay bigla na lang titibok ng mabilis ang puso mo? Ganoon na ganoon kasi ang nararamdaman ni Freya para kay Ylac. Well, hindi na siya magtataka dahil mahal talaga niya si Ylac. Mahal niya ito at handa siyang gawin mapasaya lang ito.
Humugot ng malalim na hininga si Freya ng maalalang nalapit na pala ang pag-alis niya sa condo ng binata. Malapit na kasing matatapos na ang paninilbihan niya kay Ylac.. She made a quick decision, bago siya tuluyang umalis ay sasabihin na niya sa binata ang nararamdaman niya para rito. Sasabihin niyang mahal niya ito. Wala na siyang pakialam kahit siya ang unang magtatapat. Basta ang importante ay masabi niya kay Ylac na mahal niya ito. Nais din niyang walang pagsisihan sa huli. At handa rin siyang tanggapin ang lahat ng konsekensiya sa mangyayari pagkatapos niyon.
Mayamaya ay napatingin si Freya sa pinto ng marinig niya ang tunog na doorbell. Agad niyang ibinaba sa mesa ang hawak na sketchpad at patakbong tinungo ang pinto para pagbuksan si Ylac. Pero sa panlulumo niya ay hindi si Ylac ang napagbuksan niya.
"Where's Ylac?" mataray na bungad sa kanya ng isang babae. Kung hindi nagkakamali si Freya ay ito iyong babaeng parang linta kung makakapit kay Ylac noong weeding anniversary ng magulang ng huli. Ito iyong babaeng pinagselosan niya noong gabing iyon.
Abat! Ang bruha! "Who are you?" tanong din niya sa halip na sagutin ang tanong nito. She also crossed her arms at her chest.
"I'm Ellise." sabi nito sa pangalan nito. "And you must be Ylac's maid." wika ni Ellise bago siya nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. She saw disgust in her eyes. Kinontrol mabuti ni Freya ang sarili. Mahirap na baka ma-uppercut pa niya ang mataray na babaeng ito.
"I'm not his maid. I'm Ylac boyfriend." pagpapakilala niya. Naiinis kasi siya sa pagmumukha nito. Hindi rin niya nagustuhan iyong disgusto na bumalatay sa mukha nito pagkatapos siya nitong pasadahan.
Tumaas ang isang kilay nito saka ito ngumiti na nakakainsulto. "You live with him?"
"Problem with that?" mataray din na wika niya. Tinaasan pa niya ito ng isang kilay. Lumalabas minsang ang pagkamaldita ni Freya kapag may nagti-trigger sa kanya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ellise. "Whore." wika nito bago ito umalis sa harap niya.
Uminit ang bumbunan niya sa narinig na sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang tatawagin siya nito ng ganoon.
"Arrg!" napatili si Freya sa sobrang inis ng isara niya ang pinto. Kapag nagkita silang muli ng babaeng iyon papapangitin niya ang pangit na mukha nito. Kainis!
Bumalik na si Freya sa sala. Pabagsak niyang umupo sa may couch at dinampot niya ang sketchpad niya. Doon na lang niya ibubuhos ang inis na nararamdaman para sa pangit na babaeng iyon. Ilang minuto din siyang gumuhit ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa pagkakalapag sa mesa at binasa ang laman ng mensahe. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi ng mabasa ang mensahe at malaman kung sino ang nagpadala niyon sa kanya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice story.. 👏👏 basahin nyo rin guys. Thanks author.
28/09/2025
0like it
02/11/2024
0Nice story
15/10/2024
0Tingnan Lahat