Chapter 11

FREYA was grinning from ear to ear. Hawak niya ang sariling cellphone habang binabasa niya ang ipinadalang mensahe ng kaibigang si Jade. Hindi maiwasan ni Freya ang mapangisi dahil sa mensahe ng kaibigan. Ayon kasi sa mensahe nito ay akitin daw niya si Ylac para daw mahulog ang damdamin nito sa kanya. Binigyan pa siya ng kaibigan ng payo kung paano niya aakitin ang binata. Napangiting iiling na lang si Freya sa kahibangan ni Jade.
Mayamaya ay napaangat siya ng tingin ng makarinig siya ng pagtikhim. Nawala ang ngiting nakapaskil sa labi ni Freya nang makita niya si Ylac na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Lalong kumunot ang noo nito ng mapadako ang tingin nito sa hawak niyang cellphone.
"Anong oras na?" kunot pa rin ang noo ng binata ng tanungin nito ang oras sa kanya. Sinulyapan naman ni Freya ang suot na relong pambisig upang malaman kung ano ang oras.
"Alas nuwebe, Sir Ylac." sagot niya.
"Alas nuwebe na pala. Akala ko ba mag-go-grocery ka ngayong araw? Anong itinutunganga mo riyan?" sabi ni Ylac sa galit na tinig.
"Maaga pa naman. And for your information, hindi ako tumutunganga. Katext ko lang s—
"Hindi ko tinatanong kung sino man ang katext mo." putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Nagtaka naman si Freya kung bakit nagagalit ito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama.
Napanguso na lang si Freya. Hindi niya maintindihan ang boss niya. Para itong babae na pabago-bago ng ugali. Gayunman ay hindi pa rin nababawasan iyong nararamdaman niya para rito. Kahit may pagka-bipolar ito dahil sa ugali nitong pabago-bago ay hindi niya itatanggi sa sarili na mahal niya ito. Isa nga sa ugaling iyon ng binata ang nagustuhan ni Freya, isa iyon sa mga ugali nito kung bakit nahulog ang loob niya kay Ylac.
Tumayo na si Freya mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Ipinaloob niya ang hawak na cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon.
"Excuse me. Sir." sabi niya kay Ylac ng mapadaan siya sa tabi nito. Dumiretso siyang nagtungo sa kwarto para makapagpalit ng damit. Hindi na niya kailangan maligo dahil naligo na siya pagkagising niya. Pagkatapos niyang magpalit ng damit at mag-ayos ng sarili ay kinuha niya ang sling bag na nasa ibabaw na ng kama niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
"What took you so long?" muntik ng mapatalon si Freya sa sobrang gulat ng biglang magsalita si Ylac sa kanyang likuran.
"Sir, don't scared me like that." sabi niya sa binata habang hawak-hawak ang sariling dibdib.
"I'm not scaring you." pagtatangol nito sa sarili.
"Okay. But next time ay huwag kang mangugulat. Baka mamatay ako ng maaga dahil sa panggugulat mo sa akin." biro niya.
"You'll not going to die." mariing wika ni Ylac bago ito naglakad paalis. Sinundan na lang ni Freya si Ylac ng lumabas ito ng condo.
"Anong problema no'n?" naitanong niya sa sarili ng tuluyan ng nakalabas si Ylac. Iiling na lang siya habang palabas na rin siya sa condo. Ubos na kasi ang stock na grinocery niya dati. Ngayon ay pupunta siya ng mall para mag-grocery ng kakailanganin niya.
Nagsalubong ang kilay ni Freya nang makita niya si Ylac na nakasandal sa hamba ng kotse nito ng makalabas siya sa bulding kung saan matatagpuan ang condo ng binata. Habang palapit siya sa gawi nito ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.
"What are you doing here, Sir Ylac?" tanong ni Freya ng tuluyan na siyang nakalapit rito.
"Hop in." sa halip na wika nito. Umalis na rin ito sa pagkakasandal nito sa hamba ng pinto ng kotse saka ito umayos ng upo. Nangunot naman ang noo ni Freya. Nanatili din siyang nakatayo sa kinatatayuan habang nakatitig siya sa mukha ng binata.
"H-ha?"
"I said, hop in." ulit na wika ni Ylac. Nang hindi pa kumikilos si Freya ay lumapit sa kanya si Ylac. Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya sa gawi ng passenger seat ng kotse. Binuksan ng binata ang pinto. Hinawakan ni Ylac ang ulo niya saka siya nito iginiya papasok sa loob ng kotse. Nang makaupo na siya ay maingat na isinara nito ang pinto at umibis patungo naman sa gawi ng driver seat. Bago buhayin ni Ylac ang makina ng sasakyan ay sumulyap ito sa gawi niya.
"Fasten your seatbelt, Freya." utos ni Ylac. Mabilis namang tumalima si Freya. Nang masiguro ni Ylac na naikabit na niya ang seatbelt niya ay pinaandar na nito ang sasakyan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Freya kay Ylac habang nasa daan na sila.
"Sasamahan kitang mag-grocery." sagot nito ng hindi tumitingin sa kanya. Ang atensiyon ay nanatiling nasa daan.
"What?" tanong niya. Hindi kasi alam ni Freya kung tama ba ang narinig.
"Alam mong narinig mo ang sinabi ko." sabi nito ng hindi pa rin sumusulyap sa kanya.
Napanguso siya. "Tatanungin ba kita kung narinig ko ang sinabi mo?" sabi niya. "Kaya, ano nga ulit iyong sinabi mo?" ulit na tanong ni Freya. "Ayy! Sasamahan mo pala akong mag-grocery." kabig niya bigla ng sulyapan siya ng masama ni Ylac. Tumingin rin siya sa labas ng bintana para itago ang ngiting sumilay sa kanyang labi.
Sa sumunod na sandali ay namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Sumulyap siya sa gawi ng binata. Hanggang ngayon ay seryoso pa rin ito sa pagmamaneho. Kinuha na lang ni Freya ang cellphone upang itext ang kaibigan niyang si Jade. Ilang segundo din siyang naghintay bago siya nakatanggap ng relpy buhat sa ipinadala niyang mensahe rito.
This is the right time, Freya. Seduce him. basa ni Freya sa mensahe ni Jade. She couldn't help but to giggle.
What should I do? Paano ko siya isi-seduce? mabilis niyang reply sa kaibigan.
Show your flawless legs. laman ng mensahe ni Jade. Hindi napigilan ni Freya ang sarili na mapahagikhik sa nabasa. Tumipa muli siya ng mensahe at ipinadala niya agad iyon kay Jade.
"Turn off your phone, Freya." inalis niya ang tingin sa hawak na cellphone at sumulyap kay Ylac. Salubong ang kilay nito habang ang tingin ay nanatili sa daan. Muli siyang napatingin sa hawak na cellphone ng tumunog uli ang message alert tone niyon. Akma niya bubuksan ang mensahe ng mapahinto siya ng muling nagsalita si Ylac.
"I said, Turn.off.your.damn.phone." mababakas na sa boses ng binata ang galit.
"Ano na naman ang nagawa ko? Bakit ka nagagalit?" tanong niya sa binata.
Napaatras siya ng kunti ng sumulyap si Ylac sa kanya. Masama ang tinging ipinupukol nito sa kanya. "Hindi ako magagalit kung susundin mo ang sinabi ko. Now, turn off your phone."
Kahit nagtataka ay mabilis na ini-off ni Freya ang cellphone.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Nice story.. 👏👏 basahin nyo rin guys. Thanks author.

    28/09/2025

      0
  • avatar
    DevisfrutoRamon

    like it

    02/11/2024

      0
  • avatar
    Vergel Villostas Panopio

    Nice story

    15/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata