Homepage/The Impossibility Of Us (My Long Lasting Love Part 2)/
The Finale
Nagpasalamat naman si Bryle dahil pumayag na si Kirk na mag stay sila sa bahay ni Tyron.Pagdating niya ay wala si Alizza kaya tanging si aling Sylvia lang ang nakausap niya sa baba.Kaya pinuntahan niya si Jasmine sa kusina na nagluluto.Nagulat naman si Jasmine ng makita ang lalake.
"Kayo ho pala sir Bryle."Sabi ni Jasmine ng mapansin ang binata.
"Jas huwag ka ng mag sir sa akin,hindi mo naman ako boss eh,at lalong hindi ako titser."Ngumiti naman si Jasmine sa lalake.
"Nasanay lang ho,pero kung iyan po ang gusto ninyo,sige ho Bryle nalang.
"Ituring mo na din akong kaibigan mo.Jas alam kung bestfriend mo si Kirk at nag sakripisyo ka din para sa kanya,magtulungan tayo para sa kapatid ko.Bigyan natin siya ng pag-asa para magpagamot.
"Bryle alam kung mahal mo si Kirk dahil nalaman mong kapatid mo siya.Pero wala na,pinapakita na lang niyang malakas siya sa harapan natin."
"Hindi,dahil matapang siya.Kilala ko si Kirk Jas."Sabi na lamang ni Bryle para hindi makita ng kaharap niya ang kawalan ng pag-asa.
Lumabas naman si Alizza sa kwarto ni Kirk at lumapit sa dalawa.
"Nagamot ko na si Kirk at nakatulog na siya.Bryle,pwede ba tayo mag-usap? Tayo ni tita Bea.
"Pwede ko din bang malaman kung kumusta ang kondisyon niya doc?
"Sige Jas,doon tayo sa terrace baka marinig ni Kirk kapag nandito tayo."Pag-anyaya ni Alizza pero narinig nila ang sigaw ni Bea sa loob ng kwarto ni Kirk.Agad naman tumakbo ang tatlo sa loob.
"Kirk anak,gising! Alizza si Kirk!" Agad namang lumapit si Alizza sa lalake,pero wala nang pulso ito.
"Tita,wala na po si Kirk."Sabi ni Alizza at pabagsak naman na naupo si Bryle sa sahig.Si Jasmine naman ay tumutulo nalang ang luha.Mahal ng dalaga si Kirk kaya dinadamayan niya ito.Tinawagan naman ni Bryle ang ina na ngayon ay papunta na sa kung saan sila naroon.Niyakap naman ni Bryle ang tiyahin dahil sa walang tigil na pag-iyak nito.Habang si Alizza ay pinupunasan ang mga luha.Ilan na ba sa mga mahal niya sa buhay ang nawala.Kaya pag bungad ng ama ay napayakap siya ng mahigpit dito.Ayaw na niyang may mawala pa sa mga mahal niya.
"Bea..napalingon naman si Bea sa kung sino ang tumawag sa kanya.Lumapit agad si Beth sa kapatid at niyakap ito.
"Im sorry kapatid ko.Hindi ko alam na may sakit si Kirk.Hindi ko man lang siya napasalamatan sa ginawa niya kay Bryle."
"Ate,ate wala na ang anak ko.Kinuha na siya sa akin.Wala na akong anak,wala na akong pamilya na siyang nagbibigay ng buhay sa akin.
"Huwag mong sabihin iyan,nandito pa ako.Kami ni Bryle."
Agad naman niyakap ni Beth ang kapatid.Inayos na din ang bangkay ni Kirk dahil ayaw na ni Bea na lalamayan si Kirk.Kaya pina cremate na niya agad ito at inihagis ang ashes ni Kirk sa dagat dahil mahilig sa travel ang anak.Adventurous ito kaya ito ang ginawa niya.
"Hindi mo na mararamdaman ang sakit anak,malaya kana.."Sambit ni Bea habang hinahagis ang abo ng anak sa dagat habang sila Alizza ay naghintay nalang sa ginang sa may babayin.
"Are you ok Jas? Tanong niya sa babae na walang imik sa tabi niya.
"Ok lang ako doc,masaya ako na hindi na nakakaramdam ng sakit si Kirk.
"Oo,makapagpahinga na siya.At saka huwag mo na akong tawaging dra.Alizza nalang.Mula ngayon magkaibigan na tayo hmm.
"Salamat Alizza.
"Ano ang desisyon mo ngayon niyan?
"Baka babalik nalang ako sa New York at maghanap ng trabaho.
"Bakit ayaw mo na ba dito sa Pilipinas?
"Wala namang mapapasukan na tarabaho dito."
"Sinong nag sabi? Naghahanap kami ngayon ng therapist kung gusto mo.
"Talaga?
"Oo,ako ang bahala.Saka ikaw kung kailan mo gusto mag-umpisa.
"Salamat,Alizza.Sa totoo lang itatanong ko din sana sayo e.Nahihiya lang ako sayo.
"Sus,para kang others."Sabi na lamang ni Alizza na ikinangiti ng dalaga.Sinama na ni Beth at Bryle si Bea sa bahay nila at sama-sama na sila sa isang bahay.Masaya naman si Bea dahil naging maayos na ang relasyon nilang magkapatid.Itinuring na din niyang anak ang pamangkin dahil kapag tumititig siya sa mga mata nito ay si Kirk ang nakikita niya..
Dalawang taon ang Nakalipas....
Alizza Pov...
Maraming malulungkot na pangyayari ang dumaan sa aking buhay.Nawala ang aking ina,mama Lina,lola Lucy at ang itinuring kong best friend na lalake.Pero masaya ako ngayon habang naglalakad sa isle patungo sa altar kung saan naghihintay si Bryle.After kasi ng isang taon ay nagtapat na sa akin ito na ituloy ang naudlot naming kasal noon.Masayang-masaya naman si dad habang kasabay ko na naglalakad.Hindi ko naman mapigilan ang luhang dumadaloy sa aking mga mata.Si Jasmine ang naging brides maid ko na ngayon ay girl friend na ni Tyron.
"Bryle,ikaw na sana ang bahala sa anak ko.Sana mahalin mo siya ng higit pa sa pag mamahal ko sa kanya."Dinig ko na lamang sa sinabi ni daddy.
"Yes dad,mamahalin ko po ang iyong anak ng higit pa sa buhay ko."Sagot naman ni Bryle at sabay na kami papunta sa harap ng pare.
Masayang natapos ang kasalan at deretso na ang punta namin ni Bryle sa Maldives kung saan namin gaganapin ang aming honeymoon.Hawak-hawak ako nito sa kamay na parang takot na takot na mawalay ako sa kanya.Napangiti na lamang ako ng tinitigan ako nito.
"Thank you! Sabi niya sa akin.
"Thank you din." Sagot ko sa kanya at hinalikan ako sa labi.
"Bryle,nasa plane pa tayo."Sabi ko na nahihiya,pero tumayo ito at sumigaw.
"Masaya ako,sobrang saya ko dahil naikasal na ako sa babaeng ito!"Hinila ko naman siya paupo pero nag palakpakan ang mga tao sa loob at ang iba ay binati kami.Nag thank you naman ako at si Bryle sa mga bumati.
"Bryle umupo kana,ano ba? Sabi kong muli at nakangiti naman ito sa akin.
"Hindi na ako makapaghintay pa mahal ko na maangkin ka." Bulong nito sa akin at kinurot ko naman ito sa tagiliran.
"Ouch! ngayon ko lang nalaman na may pagka sadista ka pala mahal ko.
"So,nagsisisi kana? Kung gusto mo mag divorce na tayo.
"Huwag naman! Kahit saktan mo ako ng paulit-ulit o bugbugin mo pa ako.Ayaw na ayaw kitang hiwalayan.Ano ka,ang tagal kong naghintay na mangyari ito,tapos makipaghiwalay sayo?Over my dead body!" Sabi nito na siyang ikinatuwa ko.
"Mahal kita Bryle kaya hindi mangyari iyang sinasabi mo." At nagyakapan naman kami ng mahigpit sabay ipinikit na ang mga mata na parehong may ngiti sa mga labi..
Sa ating buhay ay hindi puro lang saya.Kakambal na natin ang problema na siyang nagpapatibay sa atin.May mawawala at may darating,kaya sana huwag natin sayangin ang buhay na ipinagkaloob NIYA sa atin.Mahalin natin ang ating pamilya,iparamdam natin na nandito lang tayo para sa kanila.Dahil ang pamilya lang ang siyang magtutulungan at masasandalan..Kayong mga anak naman mahalin ninyo ang inyong mga magulang habang nabubuhay pa sila.Maigsi lang ang buhay na ipinagkaloob niya sa atin.Kaya kung saang sulok man kayo ng mundo ngayon,malayo o malapit man kayo sa inyong mga magulang o mahal sa buhay.Iparamdam nyo sana na mahal ninyo sila.Mga anak na kasama ang ina at ama,yakapin ninyo sila sabay sabing mahal ko kayo mama at papa,nanay o tatay,mommy o daddy o kayay mamang at papang.Sa simpleng pagsabi at yakap lang sa kanila,magiging masaya na sila.
Ang Mensahe mula kay Alizza.....
Wakas!!!!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (184)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
good stories
20/05
0ang ganda nang kwnto
07/02
0done
29/10/2025
0Tingnan Lahat