Tulungan

Agad naman na nilapitan ni Bryle si Kirk at kinuha ang salamin nito sa mata.Nagulat naman si Alizza sa ginawa ni Bryle at tumambad sa kanila ang mga mata ng binata.
"Masaya na kayo? Biglang sabi ni Kirk.
"Bakit mo ginawa ito Kirk?
"Maluwag sa loob ko na ibinigay ko ang mga mata ko sayo.Makakaalis na kayo!"Sabi ni Kirk at ibinalik ang salamin sa mata.Hindi naman makapaniwala si Bryle sa nalaman.
"Umalis na lang muna kayo doc,salamat sa pagpunta at pasinsya na."Tanging nasabi na lamang ni Jasmine.Napaupo naman si Bryle sa silya ng dumating si Sylvia.
"Sino kayo? A-Alizza? Alizza iha ikaw nga,kumusta kana at sino itong kasama mo? Tanong ni aling Sylvia.
"Tita.."Sambit ni Alizza at niyakap ang ginang.
"Shh....Alam mo na ang totoo? Its ok iha.Saka ok lang si Kirk.Lumalaban naman siya sa cancer niya."
Kumalas naman si Alizza sa pagkayakap sa ginang.
"May cancer si Kirk? Biglang tanong ni Bryle at tumango naman si aling Sylvia.
"May taning na ang buhay niya iho,kaya siya nag desisyon na ibigay na ang mga mata sa iba bago siya mawalan ng hininga."Sagot ni Sylvia,tumayo naman si Bryle at pinuntahan ang kwarto na pinasukan ni Kirk.Sinundan naman ito ni Alizza at aling Sylvia.
Nakaupo lang si Kirk sa kama niya,pinakuha nito si Jasmine ng mga gamot para makainom na siya at makatulog.Naiinis siya bakit pinapunta niya si Alizza at Bryle.Ayaw sana niyang nalaman ng mga ito kung nasaan siya ngayon.Umayos siya ng upo dahil may kumatok at binuksan na ang pinto.
"Iyan na ba ang gamot ko Jas? Tanong niya sa pumasok.
"Ako ito,bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Alam ba ito ni tita Bea?
"Bryle ang sabi ko umalis kana,kayo!
"Hindi ako aalis Kirk,kapatid mo ako.Magkapatid tayo.Ako ang mag-aalaga sayo."Sabi ni Bryle kay Kirk at napangiti ng pilit ang lalake.
"Hindi ko kailangan ang awa mo Bryle.Umalis na kayo ni Alizza!
"Iho ano ka ba?Mas maganda na nandito sila."
"Tita Sylvia kung pagod na kayo ni Jasmine na alagaan ako,pasinsya na.Huwag kayong mag-alala.Hindi na ako tatagal."
"Iho,hindi sa ganun.Kailangan mo ng pamilya! Pamilyang dadamay sayo.Kirk sorry pero tinawagan ko ang mama mo."
"Tita Sylvia naman!
"Kirk,ito na lang ang paraan namin para malaman nila ang totoo.
"Bakit ba ang hilig ninyong pangunahan ako! Hindi ko naman hinihingi sa inyo na tulungan ako ah! Ang simple lang naman ng hiniling ko sa inyo na sana walang nakakaalam kung saan ako ngayon! Mahirap bang intindihin iyon? Sabi ni Kirk na naluluha habang nakakuyom ang dalawang kamao.
"Kirk magkapatid tayo,hayaan mong damayan kita sa panahong ito."Sabi ni Bryle na kaharap ang kapatid.Nanonood lang si Alizza sa dalawa.
"Kung tumatanaw ka lang ng utang na loob,umalis kana.
"Hindi ako aalis! Ano ba ang gusto mo para hayaan mo akong samahan ka dito ha!
"Wala,umalis kana..Kayo!
"Bryle tara na.Hayaan na muna natin si Kirk."
"Pero Alizza,hindi pwede.Sa ayaw at sa gusto niya sasamahan ko siya.Kapatid ko si Kirk.O kayay isasama ko na sya sa bahay.
"Bingi ka ba Bryle?Pinapaalis ko na kayo! Alis na!
Wala ng nagawa si Bryle dahil tinutulak na siya palabas ni Kirk.Wala na ding nagawa si Alizza kundi ang maawa sa lalake.
"Tita,Jasmine aalis na kami.Kung magka problema tawagan nyo na lang ho ako."Sabi ni Bryle at tuluyan ng lumabas ng kwarto.Sinundan naman sila ni Sylvia at hinatid na sila palabas.
"Nakahinga naman ng maluwag si Kirk dahil wala na sila Alizza,pati si Jasmine ay lumabas na din dahil naiinis siya kay Kirk.Naging pabaya na ito sa sarili at palaging bugnutin.Paglabas ng dalaga ay nakita pa niyang nakaupo si Alizza at Bryle sa sofa kaya suminyas siya kay Aling Sylvia bakit nandito pa ang dalawa.
"Iha maupo ka,may plano kami.Paniwalain natin si Kirk na umalis na sila pero mag stay muna sila dito para matingnan ni Alizza si Kirk.Uuwe muna si Bryle para kumuha ng gamit nila ni Alizza at magpaalam na din sa mga magulang nila.Tinawagan na din namin si Bea para pumunta dito dahil nasa Batangas lang ito."Mahabang paliwanag ni Aling Sylvia kaya tumango na lang si Jasmine dito.Nagpaalam naman si Bryle na tutuloy na.Hinatid naman siya ni Alizza sa baba at umorder na din ng makain nila sa taas.Pagbalik ng dalaga ay nagpaalam na din si Sylvia na baba muna dahil siya ang nag mamanage ng restaurant at iniwan lang niya ito sa crew niya sa baba.Nagluluto naman si Jasmine ng pagkain ni Kirk kaya nagpasya si Alizza na pumasok sa kwarto ni Kirk.Sinilip niya nag binata at nakahiga na ito.Dahan-dahang pumasok ang dalaga at inayos ang unan ni Kirk.Naawa naman siya sa binata dahil kahit sa pagtulog ay naka salamin ito.Mahaba na ang buhok nito pati ang bigote.Nakita niyang gumalaw ang binata kaya dali-dali siyang lumayo baka maamoy siya nito.
"Jasmine,Jasmine nandito ka ba? Baka pwedeng pasuyo ng tubigan ko."
Agad naman inabot ni Alizza ang bottled water ni Kirk.
"Salamat,pasinsya kana kanina ha.Pero sana hindi mo na pinaalam kay Alizza.Ayaw kung maawa siya sa akin.Mahal ko si Alizza alam mo 'yan,pero alam kong si Bryle parin ang tinitibok ng puso niya.Kaya ayaw kung masaktan.Dahil kota na ako e,kotang kota na ako sa mga nangyayari sa buhay ko."
Hindi naman napigilan ni Alizza ang luha sa kanyang mga mata.Napahikbi siyang nilapitan si Kirk at niyakap.Nagtaka naman si Kirk bakit bigla nalang siyang niyakap ng dalaga.
"J-Jasmine? Napailing naman si Alizza at niyakap ng mahigpit ang binata.Alam ni Kirk na si Alizza ito kaya gumanti na din siya ng yakap sa dalaga.
"I'm sorry Kirk, i'm very sorry.
"Alizza? Na miss kita.Pero bakit nandito ka pa?
"Hindi ako aalis,hindi kita iiwanan.Magtulungan tayo hanggang gagaling ka please! Kahit si Bryle ay handang tumulong sayo.Hindi pa huli ang lahat!
"Alizza,gustuhin ko man pero isang buwan na lang ang ipamamalagi ko dito sa mundo.Sinabi na sa akin ni Tyron.Sa katunayan uuwe siya next week para tingnan ako.Iyan ang dahilan kung bakit ayaw kong nandito kayo.Gusto kong malaman nyo na lang na nasa kabilang buhay na ako.
"Bakit mo tinago ito sa akin hmm? Akala ko ba magkaibigan tayo!
"Alizza you know how much i love you.Pero nararapat ka lang kay Bryle.Kaya ayaw kung masaktan ka na nakikitang walang paningin ang kapatid ko.
"Pero dapat sinabi mo sa akin,sa amin.Hindi iyong ikaw lang ang nag desisyon na ibigay mo ang paningin mo sa kanya.Siguro kung sinabi mo mas gustuhin na lang din ni Bryle na mabulag kaysa tanggapin ang mga mata mo.
"I know,pero malakas pa siya at wala siyang sakit Aliz.Paningin lang ang kulang sa kanya kaya nagsakripisyo ako para sa kapatid ko.Malaki ang utang na loob ko sa kanila.Sa ama namin na siyang nagbigay buhay sa akin.
"Mali ka anak! Kasalanan ko ang lahat dahil mahina ako!" Natahimik naman si Kirk at Alizza ng marinig ang boses ni Bea.
"Mama? Sambit ni Kirk ng marinig ang boses ng ina.Niyakap naman ni Bea ang anak na umiiyak.
"Bakit mo ginawa ito Kirk? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat.Anak,ikaw ang buhay ko! Paano na ako ngayon ha?
"Mama,sorry.Sorry kung naglihim ako tungkol sa kalagayan ko.Mama,mahal na mahal kita.Patawad!
Tumango naman si Bea at lalong hinigpitan ang yakap sa anak.
"Ang kawawa kong anak,kasalanan ko ito dahil pinabayaan kita.Anak akala ko ok ka,akala ko....
"Mama tama na please,matanda na ako mama kaya nag desisyon akong mag-isa.
"Paano na ako anak kung iiwanan mo ako hmm? Lumaban ka,dalhin kita sa Amerika!
"Ma,wala na hong pag-asa.Mama,salamat ha.Salamat dahil pinaramdam mong mahal mo ako.
"Kirk ikaw ang buhay ko.Kaya ako lumaban sa buhay.Anak sige na may panahon pa,kaya pupunta tayo ng Amerika.
"Huwag na mama,gagastos lang tayo sa wala eh.Alam ko naman na hindi na din ako tatagal.Kaya para ano pa hmm.?
"Sasagutin ko ang gastos Kirk kung iyan ang iniisip mo.."Sabi ni Alizza habang hawak ang kamay ni Kirk.
"Alizza naman,alam kung lahat makakaya mo dahil isa kang anak bilyonaryo at doktor ka pa.Pero huwag na tayong mag-aksaya ng pera hmm..Magpapahinga na muna ako,mag-usap nalang tayo ulit mamaya.Gusto ko din makausap si tita Beth,tinawagan nyo na ba siya?
"Sinundo na siya ni Bryle,Sige iwanan ka muna namin dito."Paalam ni Alizza.
"Maiwan ako dito anak,babantayan kita."Sabi naman ni Beth na pasinghot-singhot.
"Ok mama."Sabi ni Kirk at tumalikod na sa ina."Awang-awa naman si Bea sa anak.Tiningnan niya si Alizza at ngumiti ito.
"Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko? Tanong niya sa dalagang doctor.
"Kaibigan po ako ni Kirk tita.Ako po pala si Alizza Fortalejo.
"Napakaganda mo namang babae.Salamat iha ha,salamat at nandito ka para sa anak ko."Sabi ni Bea.
"Wala ho ito tita.Isa pa po ngayon ko lang ulit nakita si Kirk.
"Narinig ko kanina iha.Sana may magawa pa tayo sa anak ko.
"Lets pray nalang po at tutulungan ko po kayong mapagamot si Kirk.Mas maigi po na dalhin natin siya sa Amerika at sasama po ako.
"Salamat iha,maraming salamat.
"Hintayin lang po natin si daddy,papunta na po siya dito.Pwede nating hiramin ang private plane ng kumpare niya.
Sabi ni Alizza at nagpaalam ng lumabas muna sa kwarto ni Kirk.Nag-alala man ay hindi niya maiwasang nabuhayan siya ng loob dahil marami silang magtulungan para kay Kirk.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (184)

  • avatar
    CuaresmaMaria luisa

    good stories

    20/05

      0
  • avatar
    Mary Ann Martin Abaquita

    ang ganda nang kwnto

    07/02

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    29/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata