Bangayan

Tuwang-tuwa si Bryle ng marinig mula kay Alizza na mahal na mahal pa din siya nito.Ang buong akala niya ay sila na ni Kirk.Kaya buong byahe niya ay may ngiti sa kanyang mga labi.Umuwe muna siya para sunduin ang ina sa bahay nila dahil doon sila maghahapunan sa mga Fortalejo.
Masaya naman si Alizza habang tumutulong sa pagluluto.Hinatid pa siya ni Bryle kanina ngunit hindi muna ito tumuloy upang masundo agad ang ina.Napansin naman ni Bernard ang anak na parang masaya ito.Kakarating lang niya galing opisina ng makita ang anak na abala sa kusina.
"Aba,mukhang masaya ang anak ko ah!
"Hi dad! Halika tikman mo ang masarap kung niluto para sayo at sa bisita natin mamaya.
"Ha! parang hindi ko naman maalala na may bisita tayo ngayong araw?
"Si tita Beth and Bryle dad.
"Talaga? Kaya pala iba ang ngiti ng anak ko ah! Sige tikman ko iyang niluluto mo.
"Actually dad,hindi ako lahat ang nagluto niyan ha Tinutulungan lang ako nina manang at ate Inday.
"Hmm...masarap! Pwede ka ng mag-asawa anak!
"Dad....! Sa edad kong 30 syempre pwedeng pwede na akong mag-asawa ano! At nagtawanan nalang sila sa kusina.
Nagpaalam naman si Bernard na magbihis muna habang naghihintay sila sa bisita.Si Alizza ay nagpalit na din ng damit.Sakto namang pagbaba niya ay dumating naman ang mag-ina.
"Hi tita! Bati niya kay Beth at nagbeso ang dalawa.
"Kumusta kana iha,lalo ka yatang gumaganda ngayon? Sabi sa kanya ni Beth.
"Hindi naman po,medyo malungkot parin po pero kinakaya naman tita.
"Thats good,be strong lang iha malalagpasan mo din ang lahat ng pagsubok at pasinsya na kung wala kami sa tabi mo that time.
"Ok lang po at salamat.Halina po kayo at kakain na tayo." Yaya ng dalaga at sakto naman ang pag baba ni Bernard.
"O Beth at Bryle kumusta? Bungad ng lalake sa kanila.
"Hi tito! Ok lang din.Kayo po mukhang hindi tayo nadadagdagan ng edad ah! Sabi ni Bryle na siyang ikinatawa ni Bernard.Si Beth naman ay nakangiti lang.
"Nakung bata ka,buti at nakakita ka ng muli.wala sanang mag puri sa akin ng ganyan!" Nagtawanan nalang din silang apat at sabay-sabay ng pumasok sa kusina.
Habang kumakain ay biglang tumunog ang cellphone ni Alizza at unknown number ito.Agad naman nag excuse ang dalaga para sagutin ang tawag.Nakatingin lang si Bryle sa dalaga habang nakatalikod ito.
"Hello who is this? Tanong agad ng dalaga.
"Hello? Si dra.Alizza po ba ito? Sagot ng babae sa kabilang linya.
"Oho,sino po sila?
"Si Jasmine po doc.Gusto ko sanang makipagkita sayo.
"Jasmine? Sinong Jasmine?
"Dating therapist ni sir Bryle.
"ah yeah,natatandaan ko.Saan ka ngayon?
"Kakarating ko ho dito sa Maynila,gusto kong makipagkita sayo dahil may sasabihin akong mahalaga.
"Sige,ngayon ba agad?
"Sana ho kung may oras po kayo.
"Sige,magbibihis lang ako.Just text me the address." Sabi ng dalaga at nagpaalam na siya kay Jasmine.
"Sino iyon anak? Tanong ng ama kay Alizza.
"Si Jasmine hmm..nandito din pala siya sa Manila ngayon Bryle and tita.
"O? Kailan lang napunta si Jasmine dito at bakit ka niya tinawagan iha?Tanong ni Beth.
"Hindi ko alam tita,ang sabi niya gusto daw po niya akong makausap at importante.
"Samahan na kita alz.."Sabi ni Bryle.
"Oo iha,mas maganda na samahan ka ni Bryle.Mahirap na."Segunda naman ni Bernard at tumango nalang ang dalaga.Tinapos muna nila ang hapunan bago sila umalis ni Bryle.Iniwan muna ni Bryle ang ina at sunduin na lang niya ito mamaya.
Habang nasa byahe ay panay sulyap ni Bryle sa nobya."Bakit? puna ng dalaga sa binata.
"Wala,ang sarap mo lang titigan."Sagot nito na nakangiti.
"Oy mr.Smith,umayos ka sa pag mamaneho ha baka mamaya niyan..
"Opo maam! Sorry.."Napailing na lamang si Alizza at binasa muli ang lugar na tenext ni Jasmine sa kanya.Nakita naman agad ni Bryle ang lugar dahil sa Makati lang din ito.
"Maiwan kana dito,baka ayaw ni Jasmine na may lalake akong kasama.Girls talk alam mo na..
"Sus,kailan lang kayo nagkakilala ni Jasmine ah!
"Last year,sa NYH.."sagot agad ng dalaga.
"Oo na sige na magpaiwan na ako.Pero susunod ako kapag matagal ka ha..
"Oo na sige na..Baba na ako."Paalam ng dalaga pero nauna pa si Bryle na bumaba sa kanya para pag buksan siya ng pinto.Napangiti na lamang si Alizza ng inalalayan pa siya nito.
"Salamat.."Tanging nasabi na lang ng dalaga at tumuloy na sa loob.Si Bryle naman ay palihim na sumunod sa dalaga,baka daw kasi mapahamak lang ito kung wala siya.Nakita naman niya si Jasmine na nakaupo sa bench,nasa mall kasi sila sa isang restaurant.Ngunit nagtaka siya bakit tumayo si Jasmine at sininyasan si Alizza na sumunod sa kanya.
Nagtaka din si Alizza sa ikinikilos ng babae.Hindi niya alam kung ano ang kailangan ni Jasmine sa kanya.Nagdadalawang isip pa siya kung susunod pa dito.Pero nakita niyang binubuksan ni Jasmine ang isang pinto at sininyasan siyang sumunod.
"Huwag!" Nagulat pa siya kay Bryle ng biglang tumabi ito sa kanya.
"P-pero Bryle..
"Lets go,huwag kang magtiwala sa kahit sino.Alz sa panahon ngayon lalo na't hindi mo siya kilala pa ng lubosan!
"Kahit pa ho ba na kailangan na kailangan siya ng pasyente ko?" Nagulat pa sila pareho ng magsalita si Jasmine sa likuran nila.
"Pasyente? E bakit dito mo dinala? Pagtatakang tanong ni Bryle sa babae.
"Dahil sa kanila ni dr.Tyron ang restaurant na ito.At sa pintong iyan ang daanan paakyat sa second floor."Sagot ng dalaga.
"Kung ganun sino ang may sakit? Bakit hindi ninyo siya dinala sa hospital? Tanong ni Alizza.
"Dahil iyon ang gusto niya doc,kaya nakiki-usap ako.Puntahan mo na siya,wala siyang alam tungkol dito,ako lang ang nagkusang tawagan ka doc Alizza."Paki-usap ni Jasmine sa babae.Kaya pumayag na din siya at sumunod na din si Bryle sa dalawang babae.
Pagdating nila sa taas ay nilibot ni Alizza ang paningin sa buong paligid.May apat na pinto ito at sa tantya niya ay puro kwarto ito.Nakita din niya ang sala at kusina.
"Dito kami nakatira sa loob ng anim na buwan,galing kaming Davao at kasama namin dito si tita Sylvia."
"Sylvia? Ulit ni Alizza at tumango naman si Jasmine Minsan dinadalaw kami ni Tyron pero nakabalik na kasi siyang U.S kaya tatlo nalang kami dito.Si tita ang nag-aasikaso sa restaurant sa baba at ako naman ay tumutulong sa kanya minsan kapag natutulog na si K--...Hindi natapos ni Jasmine ang sasabihin ng marinig niya ang boses ni Kirk.Narinig naman ni Bryle at Alizza ang boses ng lalake.
"K-kasama mo si Kirk? Tanong ni Alizza.Tumango naman si Jasmine at nakita ni Alizza na naluluha ito.
"M-may problema ba Jas? Tanong ulit ni Alizza na siyang ikinahagol-gol ni Jasmine.Nag-alala naman ang dalaga.At biglang bumukas ang pinto,sabay naman na tumingin silang tatlo sa lalaking nakatayo sa may pintu-an.
"Jasmine,may mga bisita ba tayo?" Tanong ni Kirk na nakaharap sa kanilang tatlo.
"K-Kirk? Biglang sabi ni Alizza.
"Alz,Ikaw ba iyan? K-kailan ka lang dumating at paano mo nalaman dito?
"A-anong nangyari sayo? Kirk bakit hindi ko sinabing nandito ka lang pala?
"A-ayaw ko kasing magkita pa tayo.Umalis kana Alizza! Sabi ni Kirk na siyang ikinakunot ng noo niya.Nakasuot kasi ng eye glasses na itim ang binata at halatang pumayat ito ng husto.Alam ni Alizza na may sakit ito pero hindi niya iniisip na ganun kalala.
Nagtaka din si Bryle dahil hindi man lang siya pinansin ng pinsan.
"Jas paalisin mo na siya at mag-usap tayo! Pasigaw na sabi ni Kirk sa babae.
"Pero Kirk,nandito ako dahil gusto ni Jasmine na gamutin ka."
"Layu-an mo na ako Alizza,hayaan mo na ako!Sigaw nito.Pero imbes na lumayo ay lumapit siya sa binata.Agad na niyakap ng dalaga si Kirk,pero itinulak niya ito.Naalarma naman si Bryle at nainis sa ginawa ng pinsan.
"Ganyan ka ba mag trato sa babae? Biglang sabi nito kay Kirk.Hindi naman kumibo si Kirk dahil narinig niya ang boses ng kapatid.
"Mabuti at gumaling kana."Sabi nito at tumalikod na.
"Kirk,mag pagamot kana kay dra.Alizza.
"Bakit Jasmine,inutusan ba kita na tawagan siya? Hindi ba sabi ko sayo na wala ni kahit sino ang makaalam na nandito ako?
"Pero Kirk,iniisip ko lang ang kalagayan mo!
"Best friend lang kita Jas at wala kang paki-alam kung ano ang mangyari sa akin!"Natahimik na lamang si Jasmine at nakatingin kay Alizza.Lumapit naman si Bryle kay Kirk at kwenelyuhan ito.
"Bakit ka ba nagka ganyan ha,ganyan ka ba mag trato sa babae?
"Bitiwan mo siya Bryle,may sakit si Kirk! Sabi ni Alizza.Pero parang bingi si Bryle dahil lalo pang humigpit ang hawak niya sa lalake.
"Sige Bryle saktan mo na ako,alam ko naman na dati mo pa akong gustong saktan.Kung ano man ang nagawa ko sayo noon,hihingi ako ng pasinsya sayo,sa inyo ni tita Beth dahil nilihim ko sa inyo ang nalaman ko na may relasyon si mama at tito na papa mo na papa ko din!." Biglang sabi ni Kirt at nabitiwan naman ni Bryle si Kirk.
"Anong ibig mong sabihin ha? Na nagtaksil ang daddy kay mommy? Sabi ni Bryle at tumango naman si Kirk.
"Oo at ako ang naging bunga.Akala mo ba madali sa akin na nalaman ko ang totoo noong 15 years old pa lang ako? Iyon yong mga panahon na nag rerebelde ako!" Pag-amin ng binata.
"Hindi totoo iyang sinasabi mo,bakit hindi nabanggit ni mommy sa akin ang bagay na iyan?
"Dahil ayaw niyang malaman mo."
"Sinungaling! Tara na Alizza,kung ayaw niyang magpagamot hayaan mo siya."Sabi ni Bryle at tumalikod na sila ni Alizza.Humarang naman si Jasmine sa dalawa.
"Sir Bryle,may sakit ang kapatid mo.Kailangan niya ng gamot.
"Ayaw niya magpagamot Jas..kaya tutuloy na kami ni Alizza."Sabi ni Bryle at inalalayan na si Alizza palabas.
"Kung hindi dahil kay Kirk ay bulag ka parin sana ngayon sir Bryle."
Sabi ni Jasmine na siyang ikinatigil ng dalawa.Naguluhan naman si Bryle sa sinabi ni Jasmine at tiningnan nito si Kirk.Ngayon lang niya na isip na hindi ito nakatingin sa kanya kanina pa.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (184)

  • avatar
    CuaresmaMaria luisa

    good stories

    20/05

      0
  • avatar
    Mary Ann Martin Abaquita

    ang ganda nang kwnto

    07/02

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    29/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata