Homepage/The Impossibility Of Us (My Long Lasting Love Part 2)/
Paghingi ng Tawad
Nagising si Alizza sa ring ng Cellphone niya.Agad niya itong sinagot kahit nakapikit ang mga mata.Alas singko na ng umaga kaya papungas-pungas ang dalaga na umupo sa kama at sinandal sa headboard ang likod niya. "Hello good morning! "Hello doc,this is Heart kailangan ka po dito ngayon sa hospital.Hindi daw po makapasok si doctor Martinez dahil nagkasakit. "Pero Heart hindi ako makaalis ng bahay ngayon.Burol ng lola Lucy ko. "Yes doc pero kailangan ka kasi ng pasyente.Dalawang araw ng nakabaon ang bala sa katawan niya.Hindi maoperahan ni dr.Martinez ngayon dahil nga hindi siya makabangon.Kailangan ng matanggal ang bala doc. "Sige nurse Heart magpapaalam lang ako sa tito ko.Ano ang pasyente babae o lalake? "Babae doc,kailangan ka na po ngayon dahil po malapit sa puso ang tama niya.Pero matapang ang pasyente dahil lumalaban ito. "Sige pupunta ako.Anong oras ang schedule ng operasyon? "9am po,kaya may time ka pa po doc. "Sige Heart bye. "Bye doc.. Napailing na lang si Alizza at bumangon.Nakita naman niyang tulog si Kirk sa sofa.Agad niyang kinuhanan ng kumot ito sa aparador dahil nilalamig ito. "Kirk pwede kang lumipat sa kama."Sabi niya habang kinukumutan ito.Pero tulog parin ang binata.Tinapik niya ito ngunit bigla siyang kinabig ng binata at niyakap ng mahigpit. "Akin ka nalang Alizza please."Bulong ng binata sa tainga niya.Naguluhan naman ang dalaga dahil sa sinabi nito sa kanya.Tiningnan niya ito sa mga mata,nakapikit parin ang binata. "Lumipat kana sa kama,Aalis ako ngayon. "Saan ka pupunta? Tanong nito sabay bangon sa sofa. "Sa hospital,may ooperahan lang ako.Kirk dito ka lang ha.Hintayin mo lang ako,kapag nagutom ka kumain ka lang.Huwag kang mahiya,ok naman si tito Leandro at ang asawa niyang si Janna." Tumango naman ang binata at tumayo na para lumipat sa kama.Hindi na naligo ang dalaga dahil nga naniwala siya sa kasabihan na kapag may patay sa bahay ng pamilya nila ay bawal maligo kaya naghalfbath lamang siya at nag toothbrush.Agad naman siyang pumasok sa maliit niyang dressing room na pinasadyang pinagawa ng mama Lina niya na naka konekta sa kanyang cr.Pagkatapos magbihis ay tinali lamang ng dalaga ang mahabang buhok saka lumabas.Nakita niyang natutulog na si Kirk kaya hindi na niya ito inistorbo.Nagpaalam na din siya kay Leandro at sa bestfriend niya na mugto ang mga mata. "Mag-ingat ka Aliz,baka nasa paligid lang ang tito Bon mo. "Salamat Jha..Aalis na muna ako.After ng operation ay babalik agad ako."Sabi niya at tumango lang ang dalawa. Pagdating ng dalaga sa hospital ay agad siyang dumiretso sa office at nilagay ang mga gamit.Kumatok naman si Heart para ibigay sa dalaga ang record ng ooperahan niya. "Thank you for this Heart.Sino ang mag-aassist sa akin ngayon?Tanong niya. "Ako din po doc,nakaready na po lahat sa operating room. "Ok sige,tara na. At sabay na silang pumunta sa operating room,nagulat pa siya ng makita ang pangalan na nakalagay sa chart at nabitiwan niya ito. "Ok ka lang doc? Baling ni Heart sa kanya. "Sino ang nagdala sa kanya dito? "Sino doc? "Sa pasyenting si Lina? "Sabi nila si Sr.daw po. "Si daddy? "Opo,si sr.Bernard."Umiiling naman ang dalaga dahil imposibleng ang ama niya. "Si tito Bon! "Dok? "Ah wala,tara na at kailangan na nating maoperahan ang mama Lina."Nagtaka naman si Heart dahil sa sinabi ni Alizza. "Ang aparatus akin na.Heart magfocus tayo,buhay ng mama Lina ko ito."Tumango lang si Heart at agad naman inumpisahan ni ALizza ang operasyon.Habang si Bon naman ay abala sa paghahanap sa tatlo.Alang-alala sya kay Lina dahil ngayon ang operasyon ng babae.Habang nagmananeho ay may nakita siyang bar malapit sa lugar nila Lando.Dumaan muna ang lalake para kumain at uminom ng konti.Ngunit namataan niya ang tatlo na papasok din sa loob.Agad niyang binunot ang baril at agad na binaril ang tatlo.Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao at mabilis na sumakay ng kotse ang lalake.Narinig pa niyang sumigaw ang nakakita sa kanya na siya si Bernard Fortalejo.Kailangan muna niyang puntahan si Lina sa hospital para makita ang babae. Si Alizza naman ay pinagpawisan dahil sa taas baba ng dugo ni Lina. "Heart bp..."Sabi ng dalaga sa nurse. "Temperature.."Dagdag na naman niya. "Nawalan na ng pag-asa si Alizza dahil alam niyang wala ng pag-asa,tumutulo ang luha ng matanggal na niya ang bala. "Mabubuhay ka mama,mabubuhay ka! Sabi niya at biglang umupo sa sahig na umiiyak. "Heart,time of death....10:45am..."Sabi niya sa kasama na umiiyak. Niyakap na lamang niya ang kinikilalang pangalawang ina.Si Heart naman ay naawa sa dalagang doctor.Niligpit na niya ang mga aparatus at lumabas.Nakita naman siya ni Bon na nakatayo sa labas ng operating room. "Kumusta ang pasyente? Successful ba ang operasyon? "Sorry po sir,ginawa na ho namin ni dra.ang lahat. "Miss hindi,hindi totoo yan! Sino ang doctor na kasama mo sa loob? "Si dra Alizza ho ang iyong anak.."Nanlumo naman si Bon.Alam niyang masakit para sa pamangkin ang mawalan ulit ng ina.Dali-daling lumabas si Bon sa hospital at nag drive patungong pulisya.Susuko na sya sa mga pulis ayon sa pangako niya kay Lina.Pero biglang nagbago ang isip niya at dumiretso sa kilalang hospital kung saan ibalik niya ang dating mukha niya. Pero iniisip din niya ang pwedeng mangyari sa kuya niya kung ibalik niya agad ang mukha niya Dumiretso ang lalake sa tv station at doon inamin ang lahat.Maraming nanood kahit si Bernard ay nagulat sa ginawa ng kapatid niya. "Mahal na mahal ko si Lina,siya ang nagpabago sa akin.Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa inyong harapan.Iginanti ko na sya sa tatlo,alam kong ako ang dahilan kung bakit namatay siya dahil kinidnap ko ang babaeng nagpabago sa akin.Kuya Bernard kung nanonood ka man ngayon,sorry! Sorry dahil sa ginawa ko sainyo.Sainyo ng pamangkin ko! Nagsisisi na ako kuya.Mapatawad mo sana ako." Sabi ng lalake na tumutulo ang luha. "Pagkatapos ko dito susuko na ako sa mga pulis.Pero hayaan mo sana akong magpa opera at maibalik ang dati kong mukha.Sorry kuya..." Napaiyak naman si Alizza at kuyom ang mga kamao na nanonood sa tv.Naawa sa kanya ang mga kasama dahil nalaman nito na yaya pala niya si Lina at itinuring ng pangalawang ina. "Nakikiramay po kami sayo doc.." Sabi ni Heart na tumutulo na din ang luha. "Akala namin doc daddy mo iyong kanina.At stepmom mo ang pasyente dahil umiiyak po ang tito mo habang nag hihintay sa labas ng operating room." Dinig ng dalaga sa isang nurse. "His my uncle,ginaya niya ang mukha ni dad mula ng nakidnap nila ito.At nag panggap siyang siya ang daddy sa loob ng isang taon.Alam ni mommy na siya si tito pero tinago nito sa amin para sa kaligtasan ko.Namatay ang aking ina na kaligtasan ko parin ang iniisip."Kwento ng dalaga sa mga nurse at doctor na naroon.Nakiramay naman ang mga ito at nagpasya na si Alizza na iuwe na din sa Batangas ang katawan ni Lina.Tinawagan na din niya ang tito Leandro niya para alam na nito ang nangyari.Hindi naman siya mapakali,kung alam lang niya na si Lina ang naka confined dito e di sana pagka hospital nito ay naasikaso niya agad. Nagpaalam na siya sa mga staff nila at sumakay na sa kotse para umuwe ng Batangas.Nakasunod naman ang isang hi-ace toyota na sasakyan din nila para ihatid ang bangkay ni Lina. Pagdating sa bahay nila ay agad na sinalubong siya ni Janna na umiiyak.Hindi naman kasi siya kamag-anak kaya ok lang na ihatid niya ang bangkay.They are not related in blood pero sa puso niya ay higit pa sa kamag-anak ang turing niya dito.Ina na nga kung tutuusin. "Best si ate huhuhu.." "Janna wala na si mama Lina.Wala na ang babaeng mahal na mahal ako.." "Alam nating may dahilan bakit ito nangyari best,magpakatatag ka lang,tayo."Sagot ni Janna at niyakap si Alizza.Nakita naman ni Kirk ang babae at naawa siya dito.Alam niyang masakit dahil dalawa sa mahal niya sa buhay ngayon ay magkasabay na nilalamayan.Nakita pa niyang inalalayan ni Jana si Alizza na maupo kaya dali-dali siyang lumapit sa dalaga at siya na ang umalalay sa babae. "Alizza nakikiramay ako.. "Salamat Kirk."Sabi ng dalaga at niyakap naman siya ni Kirk,hindi naman mapigilan ni Alizza ang mga luha at patuloy na umiyak sa dibdib ng binata. "Ssh...tahan na,malalampasan mo din ang lahat ng ito.Isipin mo nalang na nandito pa ang daddy mo,tito at best friend mo.Marami pang nagmamahal sayo Alz."Sabi ng binata habang hinahagod ang likod ng dalaga. "Mahal na mahal ko si lola at mama Lina Kirk.Wala na si lola na siyang taga update ko kung ano ang latest K-drama at pati kasabay ko na manood." Napangiti naman ang binata sa sinabi ng dalaga. "E di sasamahan kita manood ng k-drama na gusto mo. "Tss...Iiwan mo din ako."Sagot ni Alizza at tumingin kay Kirk. "Matagal mo pa naman akong makasama Alz kaya habang nandito ako,sulitin na natin ok? "Promise me na hindi ka basta-bastang aalis ha.. "0po mahal na prinsesa. "Tss...Thank you Kirk.Thank you dahil nandito ka.Imbes na ako ang dadamay sayo ngayon.Ikaw ang narito para sa akin."Sabi ng dalaga habang pinupunusan ang mga luha. "Tama na yan,magpahinga ka nalang muna. "Ok lang ako Kirk,gusto kong samahan si tito sa pag-aasikaso. "Sasamahan na din kita." "Salamat.."At tumabi na sa pag-upo si Kirk sa dalaga habang nakatingin sa mga dumarating na bisita. Itutuloy!!!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good stories
20/05
0ang ganda nang kwnto
07/02
0done
29/10/2025
0Tingnan Lahat