Homepage/The Impossibility Of Us (My Long Lasting Love Part 2)/
Pagsisisi
Agad naman dinala ng mga staff ng hospital si Lina sa operating room.Nagpaalam muna si Bon na may aasikasuhin lang siya.Tumango naman ang mga staff dahil ang alam nila ay siya si Bernard Fortalejo.Kaya inasikaso agad nila ang babae,bumalik agad ang lalaki sa kotse at hinanap ang tatlong tauhan.Kailangan niyang maipaghiganti ang babaeng kailan lang niya minahal.Handa siyang magbago alang-alang kay Lina.Nakapag desisyon na siyang humingi ng pasinsya sa kuya niya at ibalik ang dati niyang mukha.Sising sisi na din siya bakit nadala siya ng inggit sa kapatid.Naiisip din niya na siya lang at kuya niya ang dapat magkampihan.Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyari kay Lina.Kahit hindi sila magkapatid sa ina,alam niyang mabuti siyang tao kaso sobrang inggit talaga niya sa kuya niya dahil ito ang minahal ni Irish.Mahal na mahal niya noon si Irish at nauna siyang nanligaw noon.Pati iyong sa ina niya na siyang ikasama ng loob niya. Aaminin niyang siya din ang may kasalanan noon at sinisi niya lahat kay Bernard. Agad naman narating ni Bon ang lugar ng tatlo.Alam niyang magkakapit bahay lang ang mga ito.Ngunit bagsak ang balikat na umalis sa lugar dahil wala ang tatlong hinahanap doon.Pasakay na sana siya ng kotse ng may humawak sa kanya. "Sino ang hinahanap ninyo? Tanong ng lalakeng galit. "Luisito bakit ka nandito? "Lugar ko ito kaya nandito ako at ikaw sino ang hinahanap mo dito? "Sila Lando at Greg.. "Wala sila dito! Umalis kana hanggang nagpipigil pa ako. 'Luisito si Lina nasa hospital ngayon.Kaya ko hinahanap sila Lando dahil nabaril si Lina at sila ang may gawa! "Bakit dahil ba kinidnap mo siya? "Luisito mahal ko si Lina! Umiling naman si Luisito dahil ayaw maniwala sa sinabi ng lalake. "Ikaw? Ikaw na wala na yatang natitira na konsensya dyan sa puso mo? "Luisito maniwala ka,kaya nabaril si Lina ng dahil sa akin,hinarang niya ang kanyang katawan ng babarilin sana ako ni Lando.Naabutan ko silang ginagahasa si Lina,kaya babarilin sana ako ni Lando pero si Lina ang nat--- "Tama na! isa kang sinungaling! Umalis kana baka mapatay pa kita! "Para maniwala ka,pumunta ka sa Fortalejo hospital doon ko siya dinala."Sabi ni Bon at binuksan na ang pinto ng kotse. "Magbabago ako Luisito alang-alang kay Lina... Pagkasabi ng lalake ay agad nito sinara ang pinto at umalis.Naiwan namang nakatulala si Luisito dahil mukhang seryoso naman ang dating boss niya.Agad siyang umuwe sa bahay nila at kinuha ang motor para magpunta sa hospital ng mga Fortalejo. Abala naman si Alizza sa burol ni Aling Lucy.Na confined ito sa hospital nila ng dalawang buwan sa tulong ng life suport.Pero bumitaw din dahil mahina na talaga ito.Tinulungan naman ni Kirk ang dalaga dahil wala din siyang ginagawa. "Magpahinga ka muna kaya Alz.Nakatulog na din ang tito Leandro mo."Sabi ng binata sa dalaga. "Kaya ko pa,baka darating si Mama Lina eh. "Alz wala pang balita sa kanya,gigisingin kita kapag nandito na siya. "Kirk Kirt dapat ikaw ang magpahinga.. "Nakatulog ako kanina kaya ok lang.Sige na huwag na matigas ang ulo. "S-sige at salamat."Wala ng nagawa ang dalaga kaya sumunod nalang sa sinabi ng lalake.Tumunog naman ang phone niya at si Beth ang tumatawag. "Tita,salamat at napatawag ka. "Iha nahanap na ba ang mama Lina mo? " "Hindi pa po tita eh,ililibing na si lola Lucy sa sabado pero wala pa si mama Lina. "Paano iyan e isang buwan na yang nakaburol,iha nakikiramay kami ni Bryle.Pasinsya na kung hindi kami makauwe dyan ha. "Ok lang tita,naintindihan ko naman po.Kumusta po si Bryle? "Ok lang naman siya,medyo mabuti na ang kalagayan niya.Basta iha ha,magpakatatag ka." "Opo,tita.Maraming salamat po.." "O sya,magpapaalam na ako dahil palabas na din kami ng hospital. "Mabuti naman ho kung ganun,sige po at magpapahinga lang ako saglit."Paalam ng dalaga at pinatay na din ni Beth ang tawag. "Ma,kailan daw ilibing si lola Lucy? Tanong agad ni Bryle sa ina. "Sa sabado daw anak,hindi man lang natin nadamayan si Alizza.Pati si Lina ay hindi pa natagpu-an. "Bihag iyon ni ninong Bon ma,kaya hindi siya naka-uwe. "Naku anak! huwag naman sana mangyari kay Lina ang nangyari kay Irish. "Bakit ma,ano ang nangyari kay tita Irish? "Hindi mo pa pala alam dahil dalawang taon kang na amnesia.Namatay siya ng naka confined kayo noon ni Alizza dahil sa aksidente. "Sino ang may kagagawan si Bon ba? Biglang taas ng boses ni Bryle. "Oo anak,pero ang sabi ni Bon ay hindi niya sinasadya dahil nag-aagawan sila ng baril noon.Nakatakas si Bon at hanggang ngayon hindi pa nahuhuli. "Napaka walang puso talaga ng lalakeng iyon mama!" Sabi ng lalake sa ina. "Sinabi mo pa anak,napakawalang konsensya! "Kawawa naman si Alizza,ang dami pala niyang pinagdaanan habang nakatulog ako ng matagal. "Oo anak,mabuti nalang at naging karamay niya si Kirk."Hindi naman nakasagot ang binata,alam ni Lina na nagseselos ito. "Anak,paano kung nagmamahalan na si Alizza at Kirk.Ano ang gagawin mo? "Aagawin ko siya ma."Biglang sagot nito na naka kuyom ang mga kamao. "Anak,hindi mo naman pwedeng diktahan ang puso ni Alizza kung iba na ang mahal niya. "Akin lang si Alizza ma,mahal na mahal ko siya at walang makakuha sa kanya sa akin." Hindi naman nakaimik si Beth at tinuloy nalang ang ginagawa.Tahimik naman si Jasmine sa pagtulong sa mag-ina para makauwe na din siya ng bahay.Tama nga ang hinala niya na dating may relasyon si Alizza at Bryle dahil una pa lang ay nakikita na niya si Alizza na nag-aalala sa lalake. "Jasmine kung tapos kana dyan,mauna ka nalang na umuwe."Sabi ni Beth sa physical theraphy ng anak. "Sige ho maam."Simpleng sagot lang ng babae kay Beth.Nauntag naman si Beth ng tumunog ang cellphone niya.Long distance call ito from Bon. "Bon? Bakit ka napatawag? Walang hiya ka! "Beth sorry,pero kailangan ko kayong makausap ni Bryle. "Ayaw ko na Bon,tigilan mo na kami! "Beth nagbago na ako.Ako na ito ang dating bestfriend mo."Natahimik naman si Beth dahil namamaos ang boses ng lalake. "Beth,nandito ako sa hospital ng mga Fortalejo dahil naka confine si Lina ngayon dito. "Ano? Alam mo ba na namatay ang kanyang ina? At matagal na siyang hinahanap ng pamilya niya? "Oo alam ko, doon ako galing sa Batangas.Pero hindi ako nagpapakita.Beth gusto ko makausap si Bryle. "Huwag ka ng mag tangkang kausapin pa kami Bon,sa dami ng kasalanan mo sa amin! Nang dahil sayo nalagay sa panganib ang anak ko.Nang dahil sayo nabulag ang anak ko! "Beth mak-- Ngunit pinatay na ni Beth ang cellphone niya.Hindi na niya pinatapos ang sasabihin sana ni Bon. "Bakit daw ma? Si Bryle na nakinig lang sa usapan. "Gusto daw niya tayong makausap anak."Ngumiti ng mapakla si Bryle. "Baka mapatay ko pa siya kapag nasa harapan ko sya ma."Sabi ng binata. "Huwag mo na muna pansinin si Bon anak,mag focus tayo sa kung anong problema mayron tayo. Sabi naman ni Beth at tinuloy na ang ginagawa.Pinipigilan lang ng ginang ang mga luha dahil sa inis kay Bon.Naaawa din siya sa anak dahil wala pang balita sa donor kung ituloy pa nito ang pag donate ng mga mata sa anak.Nawalan na siya ng pag-asa na muling makakita pa ang anak niya. Si Bryle naman ay kuyom ang mga kamaong iniisip si Bon.Ang dami na niyang sinirang buhay,pati ang mama Lina ni Alizza ay hawak nito.Gusto niyang maghiganti sa ginawa nito sa kanila,nabulag siya dahil sa ninong niya na noon ay mataas ang respito niya sa lalake. Nagising naman si Leandro at pinalitan si Kirk sa pagbantay sa lola niya.Bilib din siya sa lalaki na akala niya ay si Bryle noong unang kita niya sa lalake. "Ako na ang magbantay Kirk,magpahinga ka nalang muna. "Sige kuya,medyo inaantok na din ako."Sagot ni Kirk kay Leandro. "Pwede ka matulog sa kwarto ni Alizza,tatatlo lang kasi ang kwarto nitong bahay.Pakigising nalang si Alizza ha,dahil sabi niya gisingin ko siya kung ala-una na e alas dos na ng madaling araw baka magalit pa sa akin.Pero kung masarap ang tulog hayaan mo na" Tumango lang si Kirk at nagpaalam ng umakyat.Agad naman inasikaso ni Leandro ang mga taong naglalaro. Agad namang pumasok si Kirk sa kwarto ng dalaga,natutulog pa nga ito.Naawa naman siyang gisingin ang dalaga.Kaya hinayaan nalang niyang matulog ito.Kinuha niya ang isang unan at natulog sa sofa na mahaba.Ipinikit na ni Kirk ang mga mata ng marinig niyang nanaginip si Alizza. "Mama Lina,huwag mo akong iwan..Mama!! Agad na bumangon si Kirk para gisingin ang dalaga dahil mama ng mama ito.Pero tumahimik naman na.Nakita pa niyang may luha ang mga mata ng dalaga.Pinunasan naman ni Kirk ito ngunit hinawakan ni Alizza ang kanyang kamay. "Bryle,salamat at nandito kana.Salamat at maayos na ang lagay mo."Sabi ni Alizza na nakapikit.Nalungkot naman ang binata dahil kahit sa pagtulog niya ay si Bryle ang nasa isip nito.Bumalik na siya sa sofa at humiga na. "Huwag kang mag-alala Alizza,after ng problema mo.Aalis na lang ako ng hindi mo alam."Bulong niya sa sarili na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "Gagawin ko ang lahat para makakita lang muli si Bryle dahil mahal kita Alizza.Masaya ako kung magkakitang muli ang kapatid ko at sana pagdating ng araw na iyon,huwag kang maawa sa akin.Dahil kaya kung magtago sa lugar na ako lang ang nakaka-alam habang hinihintay ang aking katapusan."Dagdag pa ni Kirk at pinilit ng makatulog.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good stories
20/05
0ang ganda nang kwnto
07/02
0done
29/10
0Tingnan Lahat