Homepage/The Impossibility Of Us (My Long Lasting Love Part 2)/
Doctor Alizza
Hindi mapakali si Beth dahil sa kalagayan ng anak,mabuti na nga lang ay nakatulog na si Bryle.Inaayos nito ang mga gamit ng anak dahil magtatagal na naman ito sa NYH.Ito na ang naging tahanan ni Bryle mula ng dito niya pinagamot ang binata.Napaupo muna si Beth sa sofa at hinilot ang sentido.Napag-isipan niyang ibenta na din ang resto bar para sa gagamiting operasyon sa mga mata ng anak.Maganda na iyong handa siya para kapag may donor na ay may pang gastos sila para dito.Nang may kumatok sa pintu-an ay napatayo naman ang babae. "Good evening mrs Smith."Bati sa kanya ng doctor."The doctor who assign to Bryle is arrived.She is a surgeon from the Philippines.I hope we can find a donor to Bryle before miss Fortalejo's return to her country.She's stay here for one month only."Paliwanag ng amerkanang doctor.Tumango lang si Beth dahil may maassign na sa anak niya na magiging private doctor nito. "What if my son's had no donor yet,who will be his surgeon?Tanong ng ginang sa doctor. "Dont worry maam,due to the consequences and the pandemic we provide a surgeon to your son if miss Fortalejo's finish here.. "Thank you doc,i hope we can find an eyes donor for my son." Malungkot na sagot ni Beth sa kausap.Tumango na lamang ang Amerkanang doctor at nagpaalam na sa ginang. Sinabi din nito na darating na ang private doctor ni Bryle at alam na nito ang gagawin sa binata.Nagpaalam naman si Beth na uuwe muna para kumuha pa ng ibang gamit nila kaya nagpadala agad ng nurse para magbantay kay Bryle. Habang si Alizza naman ay naghahanda na para pumasok.Tumawag pa sa kanya ang ama at kinamusta siya nito. "Ok lang ako dito dad,mag-ingat ka po dyan ha."Sabi ng dalaga kay Bernard. "Oo iha,dont worry magaling ang mga body guards ko.Ikaw ba naman na parehong tapos sa martial arts na ngayon sina Luisito at Willy."Pagmamayabang ni Bernard sa anak. "A sus,basta mag-ingat parin dad ha.Ayaw kong may mangyari pa sayo daddy. . "Oo anak ikaw din mag-ingat ka dyan sa pagbisita mo sa NYH ha."Sabi ni Bernard sa anak at nagpaalam na din ang dalaga dahil mag-uumpisa na siya sa vip patient niya Ang alam kasi ng ama na bibisita lang siya pero may assignment pala siya dito. "Umuwe ka kaagad after one month iha dahil naghihintay din sayo si Kirk! Dagdag pa ni Bernard sa anak. "Si daddy talaga.Oo sige po,uwe po ako agad dahil miss na miss na kita dad! Sagot nito na nakangiti. "Sige anak,regards daw sabi ni Kirk! Pahabol pa nito.Napangiting nagpaalam nalang ang dalaga sa ama at nilagay na sa bulsa ng pantalon ang cellphone niya.Hindi naman siya mapakali at panay ang tingin niya sa salamin."Hays,ano ba ang nangyayari sa akin,bakit ba ako na coconscious sa mukha ko? Bulong niya sa sarili.Tinali-an na lamang niya ang lampas balikat na buhok at naglagay ng konting blush-on.Hindi naman niya kailangan pang mag lipstick dahil natural na mapula na ang kanyang labi na siyang kina iinggitan ng dalawa niyang kaibigan na sina Lora at Aurea.Kaya kahit my cosmetics company siya ay nakakatipid parin ang dalaga sa lipstick.Napangiti na lamang siya sa reflection niya sa salamin at lumabas na sa kwarto niya. "Hi doc good evenning! Bati sa kanya ng nurse na Pilipina sa nurse station. "Hello good evening! "Room 128 si mr.Smith doc,saka nandoon naman si nurse Gia,assistant nurse nyo po siya." "Ow ganun ba sige salamat.Pupunta na ako sa taas."Paalam niya dito at tumango lang ang nurse na na nakangiti."Smith? Hmm...Ang daming Smith na apilyedo Alizza,huwag kang assumera! Kastigo niya sa sarili.Habang papalapit sa room 128 ay hindi mapalagay ang dalaga.Kumatok muna siya bago pumasok.Nakita naman agad ng dalaga na abala si Gia sa pag-ayos ng gamit na nasa sahig kaya nilapitan niya ito at tinanong. "What happen? Tanong niya na ang atensyon ay nasa pasyenteng nakatalukbong ng kumot. "Nagwala po eh saka ayaw kumain."Sagot ni Gia sa kanya na Pinay din. "Palagi ba siyang ganyan? "Hindi naman dok,ngayon lang.Kawawa nga ho e kasi may amnesia na at bu--- "Hi miss Fortalejo! Sabad ng babae na pumasok agad sa pinto at hindi man lang kumatok.Kaya naudlot ang sasabihin sana ni Gia."Ako si Jasmine physical therapist ng pasyente.Kukunin ko lang ang bag ko."Paalam ng babae.Nagtaka naman si AlIzza bakit kilala siya ng lahat dito,kaya ng makalabas na si Jasmine ay agad niyang tinanong si Gia.Nakangiti naman ang dalagang nurse at sinagot ang tanong niya. "Kasi doc lahat dapat na mag-asikaso kay mr.Smith ay magkakilala.Isa pa alam din dito sa loob na guest ka lang ng NYH pero naging doctor na ng vip patient dahil nga sa kilala ho kayong surgeon."Sagot ni Gia sa dalaga.Ngumiti nalang si Alizza at nilagay ang bag sa sofa. "Wala bang relatives si mr.Smith? Tanong niya dito. "Mayron ho kaso mommy lang kaya pina vip na ni mrs.Smith dahil palagi siyang wala.Kagaya ngayon baka bukas o sa susunod na araw na ang balik noon."Tumango tango nalang si Alizza at hiningi na ang record ni mr.Smith kaya nagpaalam naman si Gia na kunin muna sa opisina ni doctor Harboe ang file ng binata.Paglabas ni Gia ay nilapitan ni Alizza ang pasyente."Nilalamig ba masyado ito e nakatulakbong? Tanong niya sa kanyang isipan.Tatalikod na sana ang dalaga ng magsalita ang pasyente. "Can you call my mom,please? Sabi ng lalake na may baritonong boses.Kaya napatingin agad si Alizza dahil familiar sa kanya ang boses ng lalake. "B-Bryle? Tanging na sambit ng dalaga,nakatingin naman sa kanya si Bryle pero nagtaka siya bakit wala itong reaksyon sa kanya.Saka naalala ang sinabi ni Gia na may amnesia ito.Agad niyang hinawakan ang kamay ng binata. "Do i know you? Simpleng salita na nabigkas ni Bryle sa dalaga.Tumango naman si Alizza pero nanatiling nakatingin lang si Bryle kung saan siya nakatayo kanina."Bryle alam kong nakalimutan mo na ako,pasinsya kana kung nangyari ang lahat ng ito sayo.At salamat sa pagligtas mo sa akin noon kung hindi dahil sayo baka mas malala pa ang sinapit ko kaysa sayo.Tutulungan kita na makakaalala habang nandito ako.Please mag tulungan tayo." Sabi niya sa binata na naluluha pero wala paring reaksyon ang lalake. "Nagugutom ka ba? A-ano ang gusto mong kainin? Tanong niya sa binata. "Ano ang pangalan mo? Tanong nito sa kanya. "Alizza,Ako si Alizza Fortalejo.."Sagot ng dalaga na siyang ikina kunot ng noo ni Bryle. "Natatandaan mo ba ako? Dagdag ng dalaga at umiling naman si Bryle." Si Jasmine pakitawag,bakit wala dito si Jasmine? Biglang sabi ng binata na ang tinutukoy ay ang babae kanina.Sakto namang nakabalik na si Gia at inabot dito ang record ni Bryle. "Hinahanap niya si Jasmine,Sabi nito kay Gia."Tumango naman ang babae. "Ganyan siya doc kapag wala ang mommy niya.Dalawang taon na kasi niyang nakakasama iyon.Ako din po ang nurse na bantay niya since na admit siya dito 2 years ago. "Ang ibig mong sabihin matagal na siyang naka admit dito? "Nakalabas na ho siya last month kaso ibinalik lang dito kahapon,epekto daw po ng mga mata niya na kailangan ng operahan."Sabi ni Gia at agad na tiningnan ni Alizza ang hawak na record ng lalake at nagulat siya sa nalaman.Naawa naman siya kay Bryle dahil nabulag pala ito at bakit wala man lang binanggit sa kanya si Kirk na ganito ang sinapit ng lalake. "Ok Gia salamat dito at pag-aaralan ko ang case niya.Sa tingin ko ok lang na wala pa siyang donor,ang pananakit ng ulo niya ay dahil sa pilit niyang inaalala ang mga nakaraan niya." Tumango-tango naman si Gia at nagpaalam naman sa dalaga. "Ok lang po ba doc na maiwan ko kayo?Mag dinner break lang po.Kayo ho kumain na ba? "Hindi pa,sige ako na muna ang bahala dito.Hindi pa naman ako nagugutom."Sagot niya sa nurse at agad namang lumabas si Gia para magtungo sa canteen ng hospital. "Bryle,kain ka muna kahit konti lang.Umuwe na kasi si Jasmine dahil gabi na.Bukas babalik iyon kaya kumain ka muna ng dinner hmm. "Salamat pero hindi pa ako gutom."Sagot nito sa kanya kaya hinayaan nalang muna ang binata dahil ipinikit nito ang mga mata niya. Saktong tumunog ang phone ni Alizza at si Kirk ang tumatawag.Kaya agad namang sinagot ng dalaga ang lalake. "Hello Kirk? Sabi nito sa mahinang boses. "Hi Alizza kumusta ka d'yan? Tanong ng lalake. "Kirk,bakit hindi mo sinabi sa akin na nabulag pala si Bryle hmm? "A-anong ibig mong sabihin? Nagkita na kayo? "Is that Kirk? You know him? Sabad ni Bryle at tumango naman si Alizza."Pwede ko ba siyang makausap? Dagdag pa ng binata at inabot naman ng dalaga ang phone sa lalake ngunit nahawakan ni Bryle ang kamay niya."Sorry Alizza.."Hinging paumanhin ni Bryle at kinausap na nito si Kirk.Nakatitig lang ang dalaga sa lalake habang kausap nito ang pinsan.Nakita pa niyang tumango tango ang lalake.Hindi naman mapigilan ni Alizza ang mga luha sa mata dahil nahahabag siya sa kalagayan ng lalakeng kaharap.Agad na pinahid ng dalaga ang mga luha ng mapatingin sa kanya si Bryle.At inabot nito ang cellphone sa kanya. "Thank you doc at nakausap ko si Kirk."Sabi ng binata sa dalaga at tumango naman si Alizza na nakangiti." "Gusto ko ng kumain,pero sana sabayan mo ako."Dagdag pa ni Bryle.Agad namang naghanda si Alizza ng pagkain ng binata.Ngunit nakita niyang bumangon ito sa kama." "Doc Alizza gusto ko ng mainit na sabaw kahit noodles lang,mayroon ba? "May wanton mami dito ipaiinit ko nalang.Umupo ka lang dyan sa kama mo ha,ipapainit ko lang ito."Sagot niya sa binata at nakangiti na lamang siya dahil sumunod naman ito sa kanya na nanatiling nakaupo sa kama pero ang direksyon ng mata ay sa kanya. Itutuloy!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good stories
20/05
0ang ganda nang kwnto
07/02
0done
29/10
0Tingnan Lahat