Homepage/The Impossibility Of Us (My Long Lasting Love Part 2)/
Paalam Bryle
Nagising si Alizza ng may humawak sa kanyang kamay.Hindi nya lang ito pinansin dahil sa bigat ng kanyang mga talukap sa mata.Ngunit ng magsalita ito ay dahan-dahan niyang binuksan ang nakapikit na mga mata at nakita niya si Bryle. "P-paalam Alizza,magpakatatag ka ha.Kahit anong pagsubok sana ay lumaban ka.Laban lang at matatapos din lahat ng pagsubok na pagdadaanan mo.Mahal na mahal kita Aliz,mahal na mahal!" Sabi ng papalayong lalake.Umiiling lang si Alizza dahil walang lumalabas na boses sa tuwing magsasalita siya.Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha niya ng hindi na nakita si Bryle. "Best,Alizza gising! Alizza!..Biglang napabangon si Alizza ng niyogyog siya ni Jana. "Jana! w-wala pa ba sila daddy? Kaninang umaga pa sila umalis ah! "Wala pa,bakit ka umiiyak habang natutulog? Nanaginip ka ba? Tanong ni Jana at tumango lang ang dalaga. "Panaginip lang iyan,may gusto ka bang kainin? "Tubig lang please. At saka gusto ko pumunta kay mommy." "Ang sabi ni tito Bern kapag pumayag ang doctor mo,bukas pwede ka niyang dalhin sa lamay Kaya magpahinga ka lang best.. "Salamat Ja,saan si Angel Anne? Tanong nito sa inaanak. "Kinuha na ni mommy at daddy.Nandito din si tita kanina binisita ka.Galing daw sila kay tita Irish bago nagpunta dito.At saka best...ahm..si Bryle mukhang inurasan nalang ng doctor. "W-what? Jana please dalhin mo ako sa kwarto niya please.Gusto ko siyang makausap! "Wait lang kasi wala si tita Beth eh may nilalakad,pero si manang na kasama nila sa bahay ay nasa loob."Sagot ni Jana sa kaibigan. "Pwede mo ba ako ipaalam sa doctor ko.Kailangan kong makita si Bryle. "Sige,ok lang na maiwan kita dito? "Ok lang,sige na kaya ko naman na eh."Masiglang sagot ni Alizza.Kaya lumabas nalang din si Jana. Pumikit muna si Alizza ng biglang bumalik si Jana sa loob ng kwarto. "Best abala ang mga doctor ngayon sa kwarto ni Bryle,nag-aagaw buhay ang ex mo best!" Sigaw ni Jana ng makapasok siya sa loob.Agad namang bumangon si Alizza at agad na hinawakan ang swero palabas ng kwarto niya. "Best baka makakasama sayo! "Ok na ako Jana,kailangan ako ni Bryle! Wala ng nagawa si Jana kundi sumunod sa kaibigan. "Ako na humawak ng swero mo." Sabi nito kay Alizza at binigay naman ito ng dalaga. "Best hindi daw pwedeng pumasok sa loob ha,maghintay lang tayo dito.Wala si manang nagpaalam saglit sa akin na mag cr. "Saan daw si tita Beth? Tanong nito kay Jana. "Hindi ko alam basta ang sabi niya ay may inasikaso lang daw.Nang marinig nila na nagsalita ito sa likuran nila. "Pumunta ako sa kaibigan niya iha,partner niya ang dalawa sa isang negosyo nila.Ahm...I-uwe ko muna si Bryle sa America at doon ko na ipagamot."Sabi ni Beth. "Wala po bang improvement tita? Hindi parin po ba siya nagigising? "Hindi iha,nasanay na din ako sa araw-araw na nagkaganyan ang mga doctor.Lumalaban si Bryle,pero parang ayaw na ng katawan niya."Sabi ng ginang na tumutulo ang luha. "Tita im sorry,kung hindi sana ako hinarangan ni Bryle siguro naka recover na rin po s'ya. "Huwag mo ng sisihin ang sarili mo,mahal na mahal ka ng anak ko at alam ko iyon.Iha kung ano man ang mangyari tawagan mo nalang ako ha.Pasinsya na at hindi na ako makapunta sa libing ng mommy mo.. "N-ngayon nyo na po ba dadalhin sa America si Bryle? "Oo iha,nakausap ko na din si Red at Miguel na sila muna ang bahala sa kumpanya at sa dalawang business pa ni Bryle.Mabuti at pumayag naman sila.Once na maging ok si Bryle babalik din kami agad dito. "Sige po tita,mag-iingat po kayo doon ha.Sana gumaling agad siya."Sabi na lamang ni Alizza.Lumabas na din ang dalawang doctor at isang nurse sa loob ng kwarto ni Bryle.Inayos na din nila ang patient bed nito para maisakay na sa private plane ng mga Miller.Ito ang maghahatid sa kanila sa Amerika.Nagpaalam ang babae kung pwede siyang pumasok sa loob para kausapin si Bryle Pumayag naman ang doctor kaya hindi muna pumasok si Beth at hinayaan nalang muna si Alizza.Naawa na din siya sa dalaga dahil sa mga sinapit nito.Lalo na ngayong hindi pa nahuhuli si Bon,isa din sa dahilan kung bakit ilayo niya ang anak sa mga Fortalejo.Nakatingin lang sila ni Jana sa labas habang nakatayo si Alizza sa harap ni Bryle.Hindi maiwasan ng ginang ang maiyak ng makitang humagolgol si Alizza. "Bryle ano,ano ang balak mo? Matutulog ka lang ba d'yan at hindi magpaalam sa akin? Sabi ng dalaga sa binata na may benda sa ulo."Sige magpahinga ka lang at salamat sa pagligtas mo sa akin.Tatanawin kong utang na loob ang ginawa mo.Sana gumaling ka kaagad doon ha,huwag kang sumuko please! Lumaban ka lang at maghihintay ako sayo.Kahit gaano man iyon katagal maghintay ako.Dahil iyon din ang ginawa mo sa akin hindi ba?Alam kong hinintay mo akong makabalik kaya kung ito ang gusto mo,sige maghihintay din ako sayo." Sabi nito habang pinupunasan ang luha sa mga mata."Paalam Bryle! Sabi nito at hinalikan ng smock sa labi ang binata.Wala siyang paki-alam kahit nakatingin ang ina nito sa labas. Lumipas ang isang buwan ay nakalabas na si Alizza sa hospital.Isang buwan na din ng dinala ni Beth si Bryle sa Amerika.Nailibing na din ang ina ni Alizza at hindi pa din nahuli si Bon.Si Bernard naman ay abala sa business na iniwan ng asawa na kahit si Alizza ay tumutulong na din sa cosmetic company na iniwan ng ina niya sa kanya.Naging busy ang dalaga sa loob lamang ng isang buwan.Hinahawakan na din niya ang hospital na pagmamay-ari ng kanyang ina.Hindi na pinayagan ni Alizza na umuwe ng Hawaii ang kanyang lolo at lola.Ayaw na niyang mahiwalay ito sa kanya kaya naibenta ang ibang ari-arian ng mga ito.At ang iba ay si Alizza na din ang nagma manage. "Lolo,lola i'm home! Sigaw ng dalaga ng makauwe siya galing hospital. "Apo,mabuti at nandito kana.Si mama Lina mo nandito kanina naghatid ng mga gulay at prutas.Naku ang ganda daw ng ani nila ngayon." Pagbalita ng donya sa apo. "Ay oho lola tuwing anihan po naghahatid si mama Lina dito.Galing po kasi iyan mismo sa farm nila."Sagot ng dalaga. "Ganun ba,kaya pala ang dami.Kumain kana mukhang hindi ka pa naghahapunan. "Sige lola,si lolo po pala? "Nasa kwarto na at kakatapos namin kumain.O sya maiwan na kita ha at tawagin ko lang si Inday para paghandaan ka ng hapunan. "Naku ako na ang bahala sa sarili ko lola.Pumasok kana po sa kwarto ninyo.Goodnight lola! Sabi ni Alizza sabay yakap sa lola nito.Na miss na kasi niya ang ina at palagi niya itong ginagawa kapag dumadating siya noon galing paaralan.Kung saan naman na nakabalik na siya galing Amerika ay nawala naman ang kanyang ina.Sa loob ng isang buwan na pagsasama nila ni Irish buhat ng dumating siya mula sa Amerika ay halatang pinipilit ng ina na maging masaya sa harapan niya.Iyon pala ay alam na nito na hindi ang ama niya ang nakakasama nila sa loob ng mansyon.Hindi namalayan ng dalaga na tumutulo na pala ang luha niya.Mabuti nalang at wala na ang lola Irenea sa harapan niya.Naalala na naman niya si Bryle. "Kumusta na kaya siya? Bakit hindi man lang nagparamdam si tita Beth? Mga tanong ng dalaga sa isipan niya.Napailing na lang siya ng naramdaman niyang nagrereklamo na ang kanyang alaga sa t'yan.Hindi pala siya nakapagpananghali-an at alas dyes ng umaga ang almusal niya.Kaya nag tungo na lamang siya sa kusina para kumain.Alas otso pa lang ng gabi pero ang tahimik na ng paligid.Nagluluksa parin ang mga katulong.Mahal na mahal din nila ang namayapang ina ni Alizza dahil bukod sa mabait ito ay napaka maalalahanin pa. "Naku iha bakit hindi mo tinawag si inday na kakain kana pala! Sabi ni manang sa kanya na nasa tabi na n'ya pala. "Ok lang po manang,kaya ko naman po.Magpahinga na din po kayo. "Hindi na,ako na ang magsandok dyan.Naku! mukhang basa na ang kanin sa luha mo."Sabi ni manang sa dalaga. "Salamat manang,pasinsya na po.Naalala ko lang si mommy."Pag-amin ng dalaga. "Kahit kami din iha,hindi kami makapaniwala na wala na ang iyong ina.Ang masayahing Irish na nagbibigay ng liwanag sa amin kapag nandito siya sa loob ng masyon."Mangingiyak na sagot ni manang sa dalaga. "Naku naman manang may sabaw na ang kanin ko."Sabi ni Alizza sa mayordoma dahil ayaw niyang iiyak din ito.Inakbayan naman ni manang si Alizza at sabay silang umupo sa harap ng la mesa. "Samahan na kita dito sa kusina.Parang ang lungkot na mag-isa ka lang dito. "Salamat manang."Sagot ng dalaga bago sumubo ng pagkain. "Hmm kain ka din po,ang sarap naman ng pagkaluto nitong sisig at laing manang.Siguro ikaw ang nagluto noh! "Oo,dahil alam kong na miss na din ng ama mo iyan." "Favorite talaga ito ng daddy.Wala pa ho ba siya? Biglang tanong ng dalaga sa kaharap ngunit ngumiti lang ito na nakatingin sa pinto-an ng kusina. "Nandito na ako mahal ko! "Daddy! Tamang-tama sabay na tayo kumain at kakaumpisa ko lang."Sabi nito at tatayo na sana para sandukan ang ama. "Ako na iha,mawawalan kami ng trabaho sayo eh! Sabi ni manang na nakatayo na.Napangiti na lamang ang mag-ama sa sinabi ni manang.Tumayo naman si Alizza at niyakap ang ama ng mahigpit. Itutuloy!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good stories
20/05
0ang ganda nang kwnto
07/02
0done
29/10/2025
0Tingnan Lahat