Homepage/The Impossibility Of Us (My Long Lasting Love Part 2)/
Paghihinagpis
Hindi mapakali si Bernard habang inooperahan si Irish.Si Alizza naman ay hindi pa mabuti ang pakiramdam dahil sa paglason sa kanya.Nag-utos kasi ng tao si Bon para lasonin ang pamangkin.Gulong-gulo na ang isip ng lalake ng lumapit si Beth sa kanya. "Bernard kaya mo 'yan,alam kong hindi madali ang sitwasyon mo ngayon." "Salamat Beth at pasinsya na dahil nadamay ang anak mo.Alam kong kagagawan ni Bon ang lahat ng ito.Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang kapatid ko." Sabi ni Bernard na kuyom ang mga kamao.Biglang tumunog ang lumang cellphone ng lalake na kinuha ni Bon sa kanya noon.Agad naman niya itong sinagot dahil unknown number ang nakalagay.Hindi pa naman siya nakapagsalita ay narinig agad niya ang boses ng kapatid. "Magpakasaya ka at nailigtas ka ng babaeng mahal ko."Sabi ng kabilang linya. "Mabubulok ka dyan sa kulungan! "Ako kuya? Ahm...sorry to say this but i'm enjoying my vacation right now." Sabi ni Bon at sinadyang pinarinig kay Bernard ang ihip ng hangin at hampas ng alon na nagmumula sa dagat. "Paano ka napunta d'yan ha! "Alam mo kuya hindi ko na kasalanan kung malakas ang pwersa ng mga tauhan ko.Kaya humanda ka,babalikan kita at kukunin ko ang lahat sayo! "May araw ka din Bon at ako ang tatap---Hindi na natapos ni Bernard ang sasabihin ng kinancel na ni Bon ang tawag. "Bakit napatawag si Bon? Tanong ni Beth. "Nakawala na naman siya sa mga pulis na nagdala sa kanya sa prisento. "Paanong nangyari iyon Bernard? "Pupunta ako sa mga kapulisan Beth,pakisuyo muna sa mag-ina ko."Sabi nito ng biglang lumabas ang doctor na nag-opera kay Irish.Kaya agad niyang tinanong ito. "Doc kumusta ang asawa ko? Pag-alalang tanong ng lalake. "Sorry sir,ginawa na po namin ang lahat para mailigtas ang asawa ninyo.Hindi kasi basta-basta ang tama niya sa ulo at napuruhan ito.Excuse me po at may gagawin pa ako."Paalam ng doktor. "Biglang naupo si Bernard sa sahig at sinusuntok ito hanggang dumugo na ang kanyang kamao. "Bernard huwag mong saktan ang sarili mo,tama na! "Beth wala na ang asawa ko,hindi pa maganda ang kalagayan ni Alizza.Ano na ang gagawin ko ngayon? "Bon alam kong may dahilan kung bakit kinuha na Niya si Irish.Alam natin kung gaano katibay ang asawa mo sa kabila ng mga pinagdaanan niya.Kaya magpakatatag ka hmm.? Napaiyak na rin si Beth dahil sa kalagayan ng mga Fortalejo ngayon.Kahit siya ay hindi rin alam ang gagawin ngayong nasa critical na condition din ang anak.Biglang tumayo si Bernard at pumunta sa asawa niya,sumunod naman si Beth baka ano ang gagawin ng lalake.Narinig pa nila ang kwentuhan ng dalawang nurse habang nililigpit ang mga gamit sa pang opera. "Kawawa naman si maam noh,lumalaban pa siya kanina eh pero bumitaw din." "Oo nga e,wala e talagang matindi ang tama niya." Nang biglang napatingin ang dalawang nurse kay Bernard na umiiyak. "Sorry sir,excuse me po! Paalam ng dalawa. "Hon bakit mo naman sinalo ang bala na para sana sa akin ha! Bakit ka bumitaw? Nandito na ako oh,bumalik na! Bangon ka na d'yan please! Sabi nito habang niyoyogyog ang babae.Pinabayaan lang ni Beth si Bon at naisip na tawagan sila Lina at aling Lucy.Habang dinadial ang numero ng kaibigan ay hindi niya napigilan ang mga luha.Hindi man sila close masyado ni Irish pero naging kaibigan naman niya ito.Nanggigil siya sa bestfriend niyang si Bon,gusto niyang saktan ito dahil sa ginawa nito sa pamilya ni Bernard. "Hello? Dinig niyang boses ni Lina. "Hello,Beth?.Ulit nito dahil hindi siya makapagsalita. "B-Beth mahina ba signal mo? Hindi mo ako maririnig? Sabi pa nito. "L-Lina si I-Irish wala na ."Sabi nito at biglang humagolgol. "A-anong wala na? Anong ibig mong sabihin? Kinakabahang tanong ni Lina sa babae.Kaya sinabi naman agad ni Beth kung nasaan sila. "Pupunta kami ni nanay dyan,pakitingnan naman si Bernard ha? Si Alizza ba alam na niya ang totoo? Hindi pa nakapunta dyan? "Lina kaya nangyari ang ganito sa hospital dahil unang naconfine si Alizza at Bryle dito.Tapos nandito na si Bon na akala ko nga ay si Bernard."Deretsahang kwento nito kay Lina na ikinagulo ng isip nito. "Teka,ang ibig mo bang sabihin na magkamukha si Bon at si Bernard? "Oo dahil ilang buwan din na tinago ni Bon ang kuya niya at nagparetoke siya para maging kamukha ni Bernard! "Napakawalang puso talaga ng Bon na iyon! Ngayon namatay pa si Irish ng dahil sa kanya! "Oo Lina kaya pumunta na kayo dito." "Oo Beth,magbibihis lang kami ni inay at magdala na din ng aming damit na pamalit dyan."Pagkasabi ni Lina ay nagpaalam na din agad ito para makagayak na.Binalikan naman ni Beth si Bryle na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.Sa ulo din ang napuruhan ng lalake sa lakas ng impact na pagkabunggo at dumagdag pa ang mga sugat sa katawan.Napapikit na lamang ang babae sa sinapit ng anak.Naisipan naman niyang dalawin si Alizza dahil magkatabi lang naman ang room nila ng anak nito.Pagdating niya sa kwarto ng dalaga ay nakita agad niya ang nakalagay dito na karayom sa kamay ng dalaga.Dito daw dinadaan ang injection para sa anti-poison na gamot.Napaluha na naman si Beth dahil naalala na naman niya ang sinapit ng mag-anak sa kamay ng kadugo lang din nila na pati anak niya ay nadamay.Tatalikod na sana si Beth para puntahan ang bangkay ni Irish sa e.r dahil inaayos na ito para dalhin na sa funeral ng biglang gumalaw si Alizza.Kaya nilapitan nito ang dalaga,pero nakita niyang lumuluha ang mga mata nito.Tinatawag niya ito pero parang walang naririnig kaya nagmamadali niyang pinindot ang intercom sa nurse station.Mabuti naman at mabilis na nakarating ang nurse at ang doctor dahil kinakabahan na siya. "Doc mataas ang lagnat ng pasyente."Sabi ng nurse ng kinuhanan nito ng temperature ang dalaga. "Akin na ang antibiotic at gamot sa lagnat ako na ang mag-inject sa kanya.'' Inabot naman ng nurse ang gamot sa doctor.Habang si Beth ay todo panalangin na ng biglang pasok naman si Lina at aling Lucy sa room ng dalaga. "Excuse me maam,isa lang po muna ang allowed dito sa loob" Sabi ng nurse. "Iligtas ninyo ang anak ko please! Sabi ni Lina na umiiyak na.Pati si Aling Lucy ay napaiyak na din. "Ang apo ko,napakawalang hiya talaga ng Bon na iyon! Dapat sa kanya ay bitayin ng buhay! "Lina at Aling Lucy,bawal daw po ang tatlo sa loob."Sabi ni Beth sa dalawa. "Ok lang ba Beth na ako muna dito,gusto ko lang agad malaman ang kalagayan ni Alizza."Sagot ni Lina kay Beth,tumango naman ang dalawa at inalalayan ni Beth si aling Lucy palabas ng kwarto.Pero bago sila makalabas ay narinig nila ang boses ni Alizza. "Mommy please,dont leave me! Pero nakapikit ito habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata . "Humagolgol naman si Lina dahil nagpaalam na si Irish sa anak-anakan niya kaya siguro umiiyak ito.Lumingon naman siya sa dalawang babae na nasa pintu-an na para lumabas. "Maam,i monitor po namin ang pasyente every 20 minutes ha,kapag may nakita po kayong kakaiba sa kanya pakipindot nalang po ng monitor."Sabi ng doctor kay Lina. "Ok po doc,salamat."Sagot na lamang ni Lina at lumabas na ang nurse at ang doctor.Lumapit naman siya kay Alizza at kinausap ito. "Kaya mo yan anak,nandito lang ang mama Lina hmm? Magpagaling ka lang,para matuwa naman ang mommy Irish mo.Lalo na ngayong kailangan na kailangan ka ng daddy Bernard mo."Sabi nito kay Alizza na tumutulo ang luha.Sakto namang pumasok si Bernard at lumapit agad ito sa dalaga.Pero para lang siyang hangin nito na hindi nakita at hindi din ito nagsasalita,basta nalang tinitigan si Alizza.Kakausapin sana niya ito ng biglang tumingin ito sa kanya. "Keep your mouth kung ayaw mong matulad sa anak-anakan mo! Sabi nito na ikinagulat niya. "B-Bernard? Bakit ganyan ka magsalita? "Pwede ba huwag mo akong paniwala-in na paningin mo ako si Bernard? Doon naisip ng babae na si Bon ito,base na din sa boses ng lalake at halatang nalulungkot ito. "Bon walang hiya ka,may karapatan ka pang magpakita dito ha? Pagkatapos mong patayin si Irish? Sabi ni Lina sa lalake at nagulat naman ito. "P-patay na si Irish? Tanging nasabi lang nito at mabilis na lumabas ng kwarto ni Alizza. "Saan ka pupunta ha? Pupuntahan mo si Irish? "Huwag kang humarang dyan Lina habang may katinu-an pa ang isip ko! "Bon sumuko kana sa mga pulis! 'Para ano ha! Bakit Lina gusto mo bang sumunod na rin sa anak-anakan mo? "Walang hiya ka Bon! Pamangkin mo si Alizza pero ano ang ginawa mo ha? "Tumabi ka! Pasigaw na sabi ng lalake. "Paano kung hindi ako tatabi ha,hintayin mo ang mga pulis at paparating na! Biglang sabi ni Lina, pero malakas siyang itinulak ni Bon at nagmamadali na itong lumabas.Hinabol naman ni Lina ang lalake pero bigla nalang itong nawala. Habang si Bernard naman ay nakabalik na galing sa prisento.Agad itong pumunta sa walang buhay na niyang asawa dahil ililipat na ito sa funeral. "Ipaghigante kita Irish,ako mismo ang papatay sa kapatid ko! Sabi nito habang titig na titig sa mukha ng asawa. "Nakikiramay po ako sir! Napalingon naman si Bernard sa kung sino ang nagsalita sa kanyang likuran. "Luisito? Banggit niya sa lalakeng bagong dating. "Tutulungan ko po kayo sir,tutugisin ko si Bon para kay maam Irish! Sabi nito na naluluha na din. "Paano kang nakalabas sa kulungan? Tanong ni Bernard sa lalake. "Si maam Irish po,tinulungan niya ako dahil humihingi siya ng tulong.Alam niya siguro na darating ang araw na ito." Sagot naman ni Luisito at tahimik na lamang na tumango si Bernard at ibinalik ang tingin sa asawa. Itutuloy!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good stories
20/05
0ang ganda nang kwnto
07/02
0done
29/10/2025
0Tingnan Lahat