Homepage/The Impossibility Of Us (My Long Lasting Love Part 2)/
Private Doctor
Pagdating nila Irish at Alizza sa mansyon ay agad na kinausap nila ang dalawang matanda.Mabuti at napapayag din nila ang mga ito.Alam ni Irish na nahirapan ang dalawa at nasa isip na ng babae na sana hindi muna tumuloy ang mga magulang niya na magbakasyon sa kanila.Pero nandito na at wala na siyang magawa.Kahit si Alizza ay naaawa sa lolo ay lola.Hindi din niya alam kung paano harapin ngayon ang problema sa gayong ang impostor na tiyuhin ang nagtatago sa katauhan ng kanyang ama. "Anak Irish paano mo pala nalaman na si Bon iyang si Bernard? Tanong ng ama. "Papa malalaman nyo nalang po kung nandoon na tayo sa bahay ng mga Smith." Sagot naman ni Irish at naghanda na silang lumabas. "Bilisan natin mommy habang wala pa si tito Bon." Sabi ni Alizza habang bitbit ang isang maleta ng lola niya.At si Irish naman ang maleta ng ama.Pagkasakay sa kotse ay agad nila itong pinatakbo ng mabilis.Kahit si manang ay natatakot na din sa pwedeng mangyari.Alam niya ang mga pinagdaanan ng pamilya. "May iniisip po ba kayo manang? Tanong ni Irish sa matagal na nilang kasambahay. "Oo iha,iniiisip ko ang pwedeng mangyari dahil kay sir Bon.Bakit ang laki ng galit niya kay Bernard? "Manang huwag po kayong mag-alala.Matatapos din lahat ng ito,magtiwala lang po tayo."Sagot ni Irish sa matanda.Habang si Alizza naman ay seryosong nagmamaneho.
Samantala si Bon naman ay nakarating na sa mansyon.Agad niyang tinawag si manang para maghanda ng makain niya,pero nagtaka siya bakit hindi ito lumalabas ng kusina. "Manang ano ba,nagugutom na ako! Sigaw nito ngunit wala parin ito kaya naisipan niyang pumasok ng kwarto nila ni Irish.Pagdating nito sa loob ay wala din ang babae."Talagang lumabas ah,hindi man lang nakinig sa akin."Bulong nito sa sarili kaya naisipan niyang tatawagan ito pero naka-off ang cellphone ng babae."Sige mag-enjoy kayo Irish para pagdating mo mamaya lagot ka sa akin."Sabi ulit nito sa sarili.Dumiretso sa mini bar ang lalake at kumuha ng alak. Sa bahay naman nila Bryle ay naiwang mag-isa si Bernard kaya ng tumunog ang bell nito ay siya na ang nagbukas ng gate.Alam niyang sila Alizza na ito dahil nagtext ito na papasok na sila ng subdivision.Saktong pagbukas niya ng gate ng makita niya ang kotse ng anak kaya nilakihan niya ang pagbukas nito para makapasok sa loob ang sasakyan. Pagbaba ng don at donya sa kotse ay nagulat pa sila na nandoon ang manugang. "O nauna kana pala dito Bernard? Tanong ng ama ni Irish sa lalake.Imbes na sasagot ito ay niyakap ang ama at ina ng mahal niyang asawa.Nagulat naman ang don sa ginawa ni Bernard. "Pasok po muna kayo sa loob at doon ho tayo mag-usap."Sabi nito at sumunod naman sila sa lalake. "Mama,Papa salamat at nakabisita kayo sa amin.Pasinsya na kayo at ganito ang nangyari sa bakasyon ninyo."Panimula ni Bernard at nagtaka naman ang dalawang matanda.Kahit si manang ay hindi makapaniwala ng i kwento ng lalake ang totoong nangyari.At ipinakita din niya ang dalawang paa na may bakat ng lubid.Napaiyak naman ang donya sa sinapit ng manugang sa kamay ng sariling kapatid nito. "Grabe naman iyang kapatid mo! Pati mukha mo babaguhin niya para maging siya? Napakasalbahe! Sabi ni donya Irenea. "Huwag po kayong mag-alala mama tatapusin ko ho ito.Ayaw kong may masaktan din sainyo kaya ihatid ko po muna kayo sa bahay bakasyunan ha."Sabi ni Bernard sa byenan at tumango naman ang mga ito. "Dad tara na baka makahalata si tito Bon na wala kami doon sa mansyon."Sabi ni Alizza sa ama. "Sige." Sabi na lamang ni Bernard at nagtungo na sila sa sasakyan ng dalaga.Tenext naman ni Alizza si Bryle na papunta na sila sa bahay bakasyunan ng pamilya. Nang matanggap ni Bryle ang mensahe ay napangiti ito.
Alizza:On the way na kami to bahay bakasyunan.Be safe always Bryle and thank you! Bryle:Salamat,ingat din kayo mahal ko." Reply nito sa babae sabay happy face na emoji. Napangiti naman si Alizza sa sagot sa kanya ni Bryle. "Mukhang may nagpapangiti na sa anak ko ah! Sabi ni Bernard ng mapansin ang anak. "Ahm..si Bryle dad.."Sagot nito sa ama. "Kayo na ba ulit? Kung ganun masaya ako at nagkapabalikan kayo. "Hindi pa dad."Simpleng sagot nito sa ama. "Pasinsya kana anak ha ng dahil sa pagpaaral ko sayo sa U.S nagkahiwalay kayo." "Ok lang dad isa pa wala namang sisihin na iba sa nangyari kundi ako lang din, dahil sa kagustuhan kong hiwalayan siya.Pwede naman kasing hindi at isabay ang lovelife sa pag-aaral eh."Sagot nito sa ama na seryosong nagmamaneho. "Alam mo iha,malay mo after ng gulo na ginawa ni Bon ulit pwede na kayong makasal ni Bryle." Sabad naman ni manang na hindi na iba sa pamilya nila.Napangiti na lamang ang dalaga sa matanda. "Oo apo para naman magka-apo na kami sa tuhod abay matanda na kami ng lolo mo."Sabad naman ni donya Irenea sa apo. "Lola talaga,hindi pa nga po ako nagsasawa na kasama kayo eh.Mahirap po kapag may anak na ako dahil ang anak ko nalang ang bibigyan ninyo ng pansin."Sabi nito na kunyaring nagtatampo. Tumawa nalang ang lahat sa kanya at ngumoso naman ang dalaga. "Naku ang apo naming ito,nagpapalambing." Sabay akbay ng donya sa apo.Napailing na lamang si Irish at Bernard sa anak. "Mommy Irish! Biglang tawag ni Alizza sa ina. "Bakit,kung makatawag ka naman anak akala mo ang layo ko." Sabi nito na natatawa. "Naisip ko lang,what if magpanggap ako na hindi ko pa alam ang sekreto ni tito.Tapos uuwe ako ng mansyon at sabihin kong natuloy kayo sa bakasyon sa Palawan! "Anak delikado."Sagot ni Irish. "Hindi mom kasi anak ang turing niya sa akin eh.At kukunin ko ang loob niya tapos isuko ko siya sa mga pulis! "Paano mo gagawin iyan,as if naman maniwala ang mga pulis sayo e kamukha siya ng daddy mo? "Mom pwede ko kausapin ang kaibigan ni Bryle na pulis sa tulong niya na pamanmanan natin si tito Bon! "Alam mo anak tama ka,habang nasa bahay bakasyunan kayo hon.Kikilos kami ni Alizza." Sagot naman ni Bernard na ikinangiti ng dalaga. "Naku apo,baka mapahamak ka niyan.."Sabi ni don Alonzo. "Lolo kaya ko ito,kailangan ng mahuli ni tito bago pa niya masaktan ang isa sa atin." "Wala na kasi sa katinu-an ang kapatid ng daddy mo.Paano kung papatayin ka niya? Dagdag naman ni donya Irenea. "Mama magtiwala nalang tayo kay Alizza." Sabi naman ni Irish.Kaya tumahimik nalang ang donya at seryosong nakatingin na lamang sa labas. Sila Bryle naman ay nasa lugar na kung saan nila sundu-in ang ina ni Willy. "Ako na ang baba Wil,mahirap na baka may nagmamanman sayo. "Pero sir baka mapahamak ka ho. "Hindi nila ako kilala kaya wala silang gagawin sa akin.Kunyari magtatanong lang naman ako.Saka isabay ko na ang ina mo dito sa kotse. "Sige ho,iyon po siya sir kasama ang kapatid niya." Turo nito sa payat na medyo may edad ng babae.Katabi nito ang kapatid na lalake na nasa 40's palang ang edad.Pagbaba ni Bryle ay nagmasid muna siya sa paligid at may nakita siyang tatlong lalake sa di kalayu-an at nakatingin ito sa kinaroro-onan ng matanda.Mukhang papalapit din ito sa direksyon ng magkapatid.Nagulat pa siya ng biglang sumigaw si Billy. "Inay sakay! Tawag nito sa ina at pati kapatid nito ay tumakbo na din sa sasakyan ni Bryle.Wala ng nagawa si Bryle kaya bumalik na siya sa driver set at inistart ang kotse.Mabuti na ngalang at mabilis na tumakbo ang magkapatid.Kaya nakasakay agad ito sa sasakyan.
Napakamot na lamang si Waldo ng hindi naabutan ang tiyahin. "Lagot na naman tayo nito kay boss Ed mamaya Waldo! Sabi ni Gringo sa katabi. "Kung pinagamit sana niya ang sasakyan di nakuha na natin si tsang o kayay nahabol natin ang sinakyang kotse nito! Sagot naman ni Waldo na naiinis. "Hayaan mo na,ano magagawa natin! Sabihin nalang natin na hindi nagpakita si Willy sa tiyahin mo." Sabi naman ni Dodong na kasamahan din nila.Naisipan nalang ng tatlo na bumalik sa hide-out ng mapalingon si Waldo sa tindahan na honeybee ng tiyuhin na kapatid ng kanyang ama. " Mauna na kayo sa hide-out.Sabihin ninyo kay Ed na naghintay ako kay Willy dito sa tindahan." Sabi nito sa dalawa. " Babalik pa ba iyon? Baka hindi na." " Babalik iyon dahil tindahan nila ito!" Pagsisinungaling ng lalake.Nakaramdam kasi siya ng awa sa tiyuhin at tiyahin kanina na mabilis kumaripas ng takbo. " Sige,basta kapag may balita kana tawagan mo nalang kami ha." Sabi ni Gringo at tumango naman ang binata.Mabilis naman na nakasakay ng jeep ang dalawa at pumasok na din sa loob si Waldo para ayusin ang panindang honeybee.Nagulat pa siya ng biglang sulpot ng isang lalake sa harapan niya. "Tsong Luisito? Tsong nakalaya kana sa kulungan? Biglang sabi ng binata. "Ano na naman ang ginawa mo? Tanong nito. "Tsong wala,wala akong ginagawang masama ha! "Nakita kong tumakbo sila ate at kuya ng makita kayo!.Huwag ka ng magsinungaling! "Tsong mana lang ako sayo,idol kita eh! Sabi nito at sinuntok naman ito ni Luisito. "Hindi maganda sa kulungan Waldo! Kaya mag-ingat ka sa pinaggawa mo! "Tss...Nasa lahi na natin ang mamatay tao hindi ba? Kaya ka nga na kulong eh! "Napatunayan na wala akong kasalanan kaya pinalabas din ako! Kaya kung ano man ang pinagkaka-abalahan mo ngayon,please tumigil kana! Sabi ni Luisito sa pamangkin at naupo na lamang ito sa bakanteng bangketo. "Tiyo alam kong ikaw ang nagpalaki sa akin at nagpaaral pero huwag mo naman akong paki-alaman sa anumang trabaho ko ngayon! Napailing na lamang si Luisito sa pamangkin habang nagbabalat ng dalandan na tinda ng kapatid.Iniisip niya bakit siya tinulungan ni Irish na makalabas sa kulungan gayong may dalawang taon pa siyang tatapusin bago siya makalaya.
Si Alizza naman ay tinawagan si Bryle na e deretso na si Willy at nanay nito sa bahay bakasyunan upang doon na sila magtago.Dahil doctor naman ang dalaga kaya sinabi ni Bryel kay Willy na ang dalaga na ang gagamot sa ina nito dahil iyon ang natapos ni Alizza.Natuwa naman si Willy dahil may private doctor na ang kanyang ina.Nakita naman ni Bryle na lumiwanag ang mukha ni Willy kaya napangiti na lang siya sa tuwa ng binata at ina nito. Itutuloy!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good stories
20/05
0ang ganda nang kwnto
07/02
0done
29/10
0Tingnan Lahat