Homepage/The Runaway Bride/
Run 21
"Can we just stay? Alone."
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko kaso may lakad ako, pati siya. Gusto ko, kaso natatakot ako sa mangyayari.
"I'm sorry, I need to go."
Tumayo siya saka lumapit sa maleta niya na nakalagay malapit sa lamesa niya. Unti-unti naman akong bumangon at tumayo, inayos ang damit. Sa totoo lang, nakakahiya. Sobra.
"By the way, a promise is a promise. Answer the phone when I call you." Then he left me.
******
Naliligo ako nang tumawag si Sky kaya naman nakaloud speaker ito.
/"Pinapasok ako ng guard niyo, sabi maghintay na lang daw ako sa loob at ibinilin daw iyon ng bebe mo."/ Saad niya na may kasamang halakhak.
"Lukarit ka talaga. Hindi nga kasi!"
/"Owws? Talaga ba!? Bebe Jake."/
Minadali ko ang pagligo at baka mamaya ay kung ano pa ang sabihin ng bababeng ito. Dahil ako na lang mag-isa ay lumabas akong cr na nakatapis lang ng tuwalya. Nagulat ako ng nakaupo si Sky sa higaan ni Manang. Ang puso ko, muntik nang lumabas sa gulat.
"Kay Manang 'to noh?"
Halata sa higaan at amoy rin?
"Oo, tulog ka na dyan. Higaan mo 'yan diba? Manang."
Pagkasabing-pagkasabi ko noon ay binato niya ako ng unan.
"Magbihis ka na, nakaporn ka pa." Saka siya tumawa ng malakas.
Habang gumagayak ako ay may kausap si Sky sa cellphone. She's in her serious mode, talking in korean language. I also want to learn that but I don't have time for it. May ilan din naman ako natutunan, like basic words dahil sa mga napapanood na korean drama. Syempre, number one teacher.
Ang ipinagtataka ko nga lang ay bakit hindi naka disguise si Sky. Usually, hindi talaga siya makikilala kapag sa mga ganitong bagay, but it's different now.
She's wearing a yellow spaghetti floral dress with white sandals, curling hair, and full bangs that she always styles herself.
"Himala." Saad ko pagkatapos niya makipagusap sa kabilang linya.
"Hmm?"
"Ganyan itsura mo."
"Ahh." She get it now. "Galing ako sa inyo." Sabi niya na nakatingin ng diretso sakin.
Napaiwas ako ng tingin. Ngayon ko lang naalala, siguro busy sa pag-aaral. Ngayong naalala ko ay namiss ko sila. By now, I hope that they understand it. Nothing good will come if marriage happened.
"Kamusta sila?" Tanong ko.
"Ayos lang, wala diyan sila Tita at Tito kaya, ayun. Nakapunta ako."
Oo nga pala, nagalit sa kaniya si mommy. Hindi parin pala sila okay.
"But don't worry, allowed parin naman akong pumunta sa inyo. And mom still in good terms with her, so..."
"I see." Natapos na ako sa paggayak kaya hinarap ko na siya.
Ngayong naalala ko ang sitwasyon ko, bigla ko na lang naisip. Kailan ito matatapos? Kailan ako makakauwi? Hanggang kailan ko ito gagawin? Kailan kami magkakaayos? Gusto ko itong itanong sa kaniya. Kaso mukhang marami siyang ginagawa at iniisip rin. Tinutulungan niya lang ako kaya ayaw kong magpabigat pa.
Oo sabihin na nating she has some responsibility to me because she's the one who proposed it. But, I'm the one who allows it to happen. Nasa akin ang desisyon.
"I know what you're thinking. We'll talk about it later, bago matulog." Saka siya lumabas.
Mabilis kaming nakarating sa venue. Sumakay kami sa kotse na hindi ko kilala at ibinaba kami hindi pa nakakalayo sa mga Miller. Sumakay kami sa suv, na ang driver ay si Sean.
"Hello, ladies. How's your day?"
"Ganyan ba broken hearted? Masaya?"
"Tch. Epal ka kahit kelan." Ismid ni Sean kay Sky.
"Ako okay lang naman. Walang pinagbago."
"I thought meron, blooming ka eh."
Mabilis na uminit ang mukha ko. Naalala ko pa ang nangyari kanina. Napatakip ako ng mukha sa kahihiyan.
"At may nangyari pa nga." Kantyaw pa ni Sky.
Oh my god! Tumigil na sana kayo.
Dito sa venue ay isang malaking resort. Nung pumasok kami sakay ang suv ay may malaking gate na itim at may nakalagay na 'White Island' na kulay puti.
Sa pangalan ay kabaliktaran nito ang itim na tema. Bumaba kami sa hotel at binigay naman ni Sean ang susi sa valet.
Ang floor namin ay 25th floor, ang tower na ito ay mayroong 30 floors. Ang room number namin ay 2509 at magkakasama kaming tatlo.
Nakarating kami sa room saka nagkwento si Sky. Hindi niya kasi ako pinagsalita kanina nang magtatanong sana ako.
"Here, my name is Margaret Gonzales, siya si Mark Lepunza." Turo niya kay Sean, at bumaling sakin. "Ikaw si Marrydette Gonzales. Yes, magkapatid tayo." Tumango naman si Sean kaya tumango rin ako.
"And I'm her boyfriend." Sabay kindat niya kay Sky na tinignan lang siya nito ng masama. "You will be her younger sister. We changed our name because it was our alias."
"You probably know now that this is part of a mission, right?" Tumango ako, dahil umpisa pa lang ay wala na akong makitang ibang dahilan para isama ako dito.
"Pero, bakit sinama niyo ako? Hindi ba may mga ka-organization kayo?"
Nagkatinginan sila. Saka nagsalita si Sky.
"Mission lang namin itong dalawa. Kami lang dapat talaga, kaso required na may magkapatid. Twin kasi ang birthday celebrant, at gusto nila i-emphasize ang kahalagahaan ng pagkakapatid." Saka siya napabungtong hininga.
I get it now.
Muling nagtinginan ang dalawa pero pinagwalang bahala ko ito. Naghanda na kami para bukas, sa gabi pa ang main event kaya makakapaglibot pa kami sa umaga. Kasalukyan akong nakahiga sa higaan. Ang room namin ay nahahati sa apat na parte. Dalawang kwarto, isang salas, at isang kusina. Na sa kaniyang kwarto na si Sean, at magkasama naman kami ni Sky.
Ngayon ay nag-aayos si Sky ng gamit naming dalawa. Inilabas niya iyong mga dala namin at nilagay sa cabinet.
"Nga pala, Sky." Paglalakas-loob kong kausap sa kaniya. Gusto kong mapag-usapan na namin ang tungkol sa pamilya ko.
"Bakit?" Bumaling siya saka sinarado ang pinto ng cabinet, tapos na siyang mag-ayos.
"Ano balita sa mga White?"
Hindi siya agad nakasagot. Tumayo siya saka binuksan ang pinto at binalingan ako.
"Tara, nagpapatulong si Sean." Saka siya lumabas. Wala naman akong nagawa kaya smunod ako sa kaniya.
Naupo kaagad ako sa kama ni Sean habang naka-upo rin siya.
"Ba't ka naupo? Tulungan mo si Sky mag-ayos." Utos niya. Inaayos din kasi ni Sky ung damit ni Sean.
"Ayaw ko nga. Dapat nga ikaw gumawa niyan eh." Singhal ko.
"Any update about White, Sean?"
Sa biglang pagsabi niyan kay Sean ay nagulat siya. Tinignan niya ako saka bumaling kay Sky na nakatalikod. Saka siya sumeryoso.
"Obviously, still searching her. But the grandson is also now looking for her. At first wala siya pakielam sayo." Baling niya sakin, saka nagpatuloy. "Pero nung nalaman niyang pinapapatay ka ng parents niya ay nangielam na rin siya. Yes, parents niya Sky. You're right, Mrs. White seems so fond of her kaya nakakapagtaka na siya ang nagutos sa nangyari noon. Kaya tama lang ang hinala." Saka siya tumango-tango.
"I just don't get it. Bakit ako pinapapatay kung ipapakasal ako sa apo nila?"
It just doesn't make any sense.
"How about that boy, is he want me dead as well?"
"Well, we're not sure about that. All we know is that he's parents want you dead, but not Mrs. White." Saad ni Sky.
"Both of them want her dead, not the parents only." Si Sean.
"Mrs. White has a different reason." Ani ni Sky.
"And what is that?" Tanong ni Sean.
Hindi na sumagot si Sky at lumabas na lang ng kwarto matapos magligpit. Tumingin ako kay Sean saglit at lumabas narin. Hindi ko siya nakita kaya pumasok ako sa kwarto namin pero wala rin sya.
Kinabukasan, we prepared for the occasion. The theme of the party is black and white. And our gown is a medieval dress with both black and white color. Para kaming prinsesa at sobrang ganda nito.
Mine has queen anne neckline, slit sleeve, knee lenght sa harap at hanggang paa naman ang likuran. And design ay flower with glitters. Sakanya naman ay asymmetric neckline at poet sleeve, sasayad naman sa lupa ang dress niya na ang design ay moon with glitters din. Nahirapan kaming suotin at medyo mabigat din ang suot namin.
Palabas na kaming nang may ibigay si Sean samin.
"Girls, mask."
Kapareha ng damit namin ang mask. Kung sa akin ay may bulaklak, kay Sky naman ay may moon, at kay Sean naman ay stars. Akala ko, kami ang magkapartner ng suot ni Sky, pero sila pala ni Sean dahil sa suot niyang may stars at kaparehas talaga ng desinyo ng kay Sky.
"Edi kayo na couple." Saka kami nagtawanan.
Nang makarating ng venue ay chineck ang bags namin saka kami kinapkapan, dumaan din sa xray machine.
"Sobrang higpit talaga." Saad ni Sean.
"Wear this." May inabot sa akin si Sky na sa tingin ko'y ear piece.
"Paano mo napasok 'to?" Dahil alam kong tutunog at makikita ito sa scanner.
"Secret. 'Wag ka rin lalayo sakin, we're not that familiar with the other guests."
Tumango na lang ako saka sinuot ang ear piece. Since naka half ponytail ako hindi halata iyon. Ang kay Sky naman ay nakatago sa kanang tenga nya dahil naka side ponytail ang buhok nya. Ang kay Sean naman ako colorless, di katulad samin na beige ang color.
Lahat ng tao rito ay pinagtitinginan kami, meron pa nga na pinagkamalang kami ang celebrants. Nang makaupo na kami ay may mga lumapit din sa aming lamesa at nakipagusap sa dalawa, at ako naman ay tahimik lang. Pinapakilala na ako nga ay nakababatang kapatid ni Sky.
Hindi rin nagtagal ay pinakilala ang kambal at maraming seremonyas ang nangyari. Habang nagsasalita ang isa sa kamag-anak nila ay niyaya ako ni Sky na magcr.
Isa-isa nyang chineck ang cubicles at tuluyan ngang nag lock sa isa.
"Magcr ka na rin muna, I just need to do something. Huwag kang lalabas hanggang hindi ako kumakatok ng apat na beses."
Pumasok ako sa katabing cubicle at hindi naman nahirapang magtiolet since malawak ang bawat cubicle. May narinig din kaming mga grupo ng babaeng pumasok, 'di rin nagtagal ay lumabas din sila.
Since wala nangtao ay gusto ko nang lumabas pero wala pang signal si Sky. Gusto ko nang magsalamin dahil nga nagusot ang damit ko. Pinakiramdam ko mabuting ang labas saka tuluyang lumabas.
Habang nagsasalamin ay nagulat ako ng may lumabas sa isang cubicle. As far as I remember, she is one of the 18 candles. She wears a black long gown with sa bow at the back and black long gloves. She remove it to wash her hands.
Dahil ayoko namang tumanga lang don ay nagpunas-punas ako ng mukha. Ang tagal lumabas ng Sky at wala rin akong marinig na ingay mula sa kaniya.
That women remove her mask to put some make up, then she look at me.
"Why don't you remove your mask, so you can fully wipe your face."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Thank you po and keep writing. ♥️
17/04/2022
0plss
06/11/2024
0maganda story
11/09/2024
0Tingnan Lahat