Run 20

"Pero sino nga siya?"
"Aiana po pangalan ko." Pagpapakilala ko.
"Ilang taon ka na?"
"18 po."
"Ganyan ka ba? Isang tanong isang sagot?"
Natahimik ako.
"Hindi kasi siya madaldal katulad mo."
Hindi na rin ako nagsalita, madaldal 'to. Baka may masabi lang akong ikakapahamak ko.
"Ba't ka naman narito? Ano sadya mo?"
"Manang naman! 'Di ba pedeng namiss ko lang kayo? Ang sama mo lagi sa akin." Napanguso pa, ano siya bata?
"Sarap hilahin ng nguso." Natawa ako sa sinabi ni Ate Senya kaya napatingin sila sakin.
"Look 'coz. She has a beautiful smile. It's a shame you can't see it--- ouch!"
Nabatukan siya agad ni Senyor. Yan! Buti nga sayo.
Naikwento niya rin na bumisita siya kasi dito na siya sa Pinas nag-aaral. Parehas pa sila ng school ni Sky, matutuwa pa sana ako kaso baka mabuking ako kapag nagkikala niya si Sky.
Mapapadalas din ang punta niya rito dahil may tinatrabaho sila ni Senyor. Kaya madalas din kami magluluto ng marami.
Nandito ako ngayon sa library, nagbabasa ng module. Nang pumasok ang dalawang aso.
"Hello babies! Are you bored? Wanna play? Wanna play?" Mataas na boses gamit ko. Dahil doon natutuwa mga aso.
Kumakawag-kawag ang buntot nila. Si Princess ay may dalang bola. Ihahagis ko sana nang dumating sila Senyor na may kasamang babae. Siguro ay mas matanda kay Ate Senya. Simple lang manamit, naka v-neck shirt at maong na skirt, tapos naka white shoes din. May dala-dala siyang bagpack na color mint.
"Aia, she's Denise. Your tutor."
Tinignan ko ang babae ulit pero napabalik ang tingin ko kay Senyor.
"Tutor? Bakit? Di ko naman kailangan." Nahiya bigla sa akin si Denise. "Ibig kong sabihin ay nakakahiya. Kaya ko naman mag-aral mag-isa." Pambawi ko saka ningitian si Denise.
"It's for your own good and your studies will be a lot easier."
"Pero ayaw ko, Senyor."
Nakakahiya naman talaga. Hindi nadadalian sa subjects ko pero hindi rin naman ako ganon nahihirapan. No need tutoring me, may mga meet din naman kami ng mga professors ko eh.
"Senyor? You sure about that?"
"Ay Jake pala." Buset na punishment na yan!
Tinitigan lang ako ni Jae, observing me. Napaiwas naman ako ng tingin, uncomfortable.
"You may start today. Make yourself comfortable, Ms. Denise."
"Thank you po, sir."
Saka sila umalis. Nilayasan ako, syempre wala na akong magagawa, amo ko rin yun eh.
"Hi!" Tawag pansin sakin ni Denise. "Ahm, Ms. Denise or Denise, kung anong prefer mong itawag sakin ayos lang." Ngiti rin niya.
Nakakahawa ngiti niya, kaya napangiti rin ako.
"Aia po. Ahm, may tanong po sana ako. Kelan ka po niya hinire?"
"Nung isang araw pa. Napapansin niya raw na nahihirapan ka o lagi kang stress." May halong tawa.
Hindi naman ako ganon ka stress ah.
"Let's start?"
Tumango ako.
She explain to me our schedule. Monday, Wednesday, and Friday na every 1pm to 3pm. Lahat daw ng nasa module ay ituturo niya sakin or aalamin niya muna kung okay ba ako sa specific na lesson or not.
Malapit na mag 3, so malapit na kaming matapos. Nagquiz rin ako sa platform ng university at marami akong tama kasi nireview muna niya ako.
"Stop talking about her."
"Bakit naman? Wala akong mapagkwentuhan kaya."
"Do you like her?"
"No! Di kaya. Panget kaya nun!"
Pumasok sila Senyor saka dumiretso samin.
"Someone's looking for you. She has a package."
Tumingin ako sa bintana kahit hindi naman kita ang sa bandang gate.
"Done na rin naman tayo. See you on Friday, Aia."
"Salamat Denise."
Nagusap pa silang tatlo at ako ay bumaba na.
Ano naman kaya yun? Wala naman akong binili.
"Uy Aia! May package ka raw. Kinukuha ko kaso ayaw ibigay eh. Gusto ay sayo mismo ibigay."
"Sige po Kuya, ako na bahala."
Pagkabukas ko ng gate ay may tao nakasakay pa sa kaniya motor. Luma na iyon at maliit pa.
"Delivery."
Si Sky, inangat niya ang salamin ng helmet. Natawa ako sa itsura niya, mukha siyang ordinary or simpleng tao. Balot na balot din siya, need niya iyon kung hindi mahahalata siyang nagpapanggap dahil maputi siya. Hindi normal iyon sa mga tiga-deliver. Hindi ako nanglalait, normal na siguro yon dahil lagi silang nasisinagan ng araw. 
"Ano naman meron?"
Binuksan niya ang box na naglalaman ng mga parcel. May nilabas siyang box medyo malaki.
"It's a dress, may occasion tayong pupuntahan."
"Bakit kasama ako? Anong occasion?"
"Need kita dun. And it's a party, may mask din dyan. Some guests can wear it or not."
"Kelan naman yan? Baka may pasok ako ah!"
"Wala, sa sunday ito next two weeks. Binigay ko lang ng maaga para masukat mo at mai-adjust kung need i-adjust."
Tumingin siya sa mansion. Sinundan ko iyon ng tingin. Mula kasi rito ay kita ang veranda ng library.
"May bisita kayo?"
"Ah oo, ung pinsan ni Jake.
Tumaas ang kilay niya.
"Sabi niya Jake itawag ko sa kaniya. Amo ko yun, kaya wala akong magagawa."
"Sabi mo eh."
Nagpaalam na rin siya kaya pumasok na ako.
Naging busy ako sa pag-aaral. Dumami din ginagawa ko dahil nagpapa-assignment din si Denise. Okay lang naman, at least mas lalo kong naiintindihan ang lessons.
Minsan sinasamahan kami ni Jake. Nasa kabilang lamesa siya pero nakadukdok naman. May one tima na pinalabas siya ni Denise, kasi maingay sila ng aso at hindi raw ako makapaconcentrate.
Tumataas din ang scores ko sa mga quizzes or exams. It is a good thing that I have a tutor. Tama nga si Senyor.
"Bakit ka napatawag?"
~Sunduin kita mamaya.~
"Huh!? Akala ko bukas pa?"
~Yes bukas pa, but there's a policy that we have to be there later evening. Doon matutulog lahat ng guests.~
"Ganon? But why? Based sa gown ko mukhang bigatin iyong party."
~I actually don't know. Nagbigay ulit ng invitation kahapon, na doon na raw matutulog. It says that for safety?~
"Ano... Anong klaseng party ba kasi pupuntahan natin?"
~You will know tomorrow. So now be ready, baka mga four in the afternoon nandyan na ako. May pasok ako ngayon eh~
"Titignan ko, biglaan ang sabi mo. I don't know if papayagan nila ako. Sanay silang ilang araw pa, saka ako nagsasabi."
~I'm sorry.~
"It's ok."
"Aia, mamaya na iyan. Tapusin mo muna pagkain mo."
"Sige po, Manang." Hindi pa patay kaya nagpaalam na ako kay Sky. "Bye, nag-aalmusal kami."
Then the call end.
Sabay kaming bumalik ni Manang sa hapag. Kumpleto kami ngayong nag-aalmusal. Bacon, egg, hotdog, and fried rice. Si Manang lahat nagluto. Maaga sila ngayon dahil may mga lakad.  Sila Manang at Ate Senya ay may pupuntahan, sinasama nga nila ako kaso ayaw ko namang maglalalabas, delikado.
"Sigurado ka, Aia? Hindi ka sasama? Wala kang makakasama dito. Pati sila Princess isasama namin."
Hindi ko alam kung saan sila pupunta, tinatanong ko pero hindi sinasabi. Malalaman ko raw kapag sumama ako.
Ano ba 'yan? Ganon ba talaga kapag umaalis? Nalalaman lang kapag sumasama? Anong meron sa mga tao ngayon? Uso ba iyan?
Gaya ng sabi ni Ate Senya ay ako lang maiiwan dito, syempre may guard parin naman. Dahil sila Senyor at Jae may lakad at sa Monday pa ang uwi. Sila Manang naman ay bukas pa, kaya gustong-gusto talaga nila ako isama.
"Nga po pala, magpapaalam po sana ako. Naalala niyo po ba na isasama raw ako ng pinsan ko sa isang okasyon?"
Tumango naman sila. Si Jae ay nakatingin sakin, habang sila Manang at Ate Senya ay patuloy lang sa pagkain, si Kuya Felipe naman at Senyor ay tapos na.
"Susunduin niya raw po ako mamayang hapon."
"Ahh, I see. Kaya pala ayaw mo sumama." Si Jae.
"Oo nga ano, nakalimutan ko." Si Ate Senya.
"Ganon ba? O siya, ibibilin namin sa guard na may bisita ka mamaya." Saad ni Manang.
"Salamat po."
"I'll get ready. Jae, hurry up." Si Senyor. Nagulat ako nang bumaling siya sakin. "You, go to my room after eating."
"Sige po, Senyor."
"What?"
"Ay! Jake pala."
Tumango-tango siya saka umalis, kasunod si Kuya Felipe. Sa totoo lang nakakahiya. Alam na nila, actually noong nakaraang lingo pa. Naririnig nila usapan namin dahil sa mapilit at kakulitan ng Senyor. Sabi ko kapag kaming dalawang lang ang magkasama saka ko siya tatawaging ganon, kaso ayaw.
Matapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto ng Senyor. Kailangan ko matapos agad ang ipapagawa niya at magre-review pa ako para sa darating na exam.
Kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto.
"Bakit mo ako pinapunta dito?"
Hindi parin ako nasasanay, siguro dahil pinapasweldo niya ako. Pero kahit namuhay rin ako sa karangyaan ay hindi parin mawawala sakin ang salitang respeto.
"I am just done talking with your cousin and I made a condition."
"Ano po iyon? Ay! Ano iyon?"
"That I will call you from time to time."
Huh!? Ah? Ano?
"Para saan naman? Isa pa, mabu-busy ako. Ano, siguro, ano, 'wag na lang?"
It is true. I don't have time to entertain him tomorrow. And I don't get it why he needs to do that.
"Just do it."
"Sige, subukan ko. Pero huwag ka masyadong umasa na magagawa ko."
Hindi ko lang maintindihan, what's the purpose? What will he gain from it? Is it necessary?
"I'm sorry. I just don't trust your cousin."
What? A part of me was hurt. Kung tunay kong pinsan si Sky, masasaktan at masasaktan parin ako. I understand that he don't know or haven't seen her. But hindi naman ako sasama sa kaniya kung hindi ko siya kilala diba.
"Bakit? Pinsan ko iyon. Hindi siya masama."
"I know that she's not a bad person but the last time you were out was you're with a guy. And I don't like it."
Natahimik ako, akala ko dahil pamisteryoso si Sky. But because of Sean? Out of nowhere. 
"Anong ibig mong sabihin?"
Nagramble na ang isip ko dahil sa pagtitig niya sakin. Unti-unti siya lumapit at huminto sa distansiyang maduduling kami sa isa't-isa.
"I'm jealous, ok? Please stop making me jealous."
My heart beat so fast. Hindi ko na isip na iyon ang ibig-sabihin. And he admit it, it's from his mouth. Baki ba ang straightforward niya?
"Hindi ko alam ang sasabihin ko." Dahil wala akong maisip!
"You don't have to say something." Saad niya saka ako niyakap.
It's so warm, parang ayaw ko humiwalay.
"You makes me sad."
"Huh? Bakit?"
"Why you're not hugging me back? I thought you like me?"
Huh? Huuuh!? May sinabi ako? Wala! Wala akong maalala! Oo inamin ko na sa sarili ko na naguhustuhan ko siya, pero di ako umamin sa kaniya!
"Pinagsasabi mo? Hehe." Unti-unti rin ako yumakap.
Naglakad siya kaya nadala ako. Paharap siya at ako ay paatras. Bigla na lang kaming nahulog sa higaan niya ngunit ako ang nakahiga, at siya ang nasa ibabaw ko.
"Can we just stay? Stay alone."

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    YviMontenegro

    Thank you po and keep writing. ♥️

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Xian Carl Capistrano

    plss

    06/11/2024

      0
  • avatar
    Dela peñaAbanie

    maganda story

    11/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata