Run 19

I want to regret things that I've done. Because of me, many bad things happen. The relationship between Sky and Mommy got ruined. Sean was shot while protecting me. And that family, that family wants me dead.
What if I didn't runaway? Will this happen? Of course not. Kasal na siguro kami ng apo ni Mrs. White, maganda parin tungo ni Mommy kay Sky, hindi ko man makilala si Sean pero safe siya.
I wish I have power, I wish I can turn back the time. Because of my selfishness, these happened.
"Starting to regret?" Saad ni Sean.
"Nope, but I want to."
Tumango naman siya.
"There's no turning back, you've already made a decision. Face the consequences, embrace them, and fight them. Regretting won't change it."
Napatungo naman ako.
"You can do that because your strong, I'm not."
Napatawa siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"You're just like my old self, but when I met someone I became strong. I become this me, because that someone helped me, taught me, and guide me. I become me, who protects a person just like you, who protects people who don't have power, who protects people that need help."
I envy him, I want to be strong. To protect me.
"I want to meet that person." I blurted out.
"You've already met her." Then he looks at Sky who's eating stick-o beside us.
She just smile, kanina pa niya kami pinapanood. Sean become him because of her. Ako kaya?
"Tulog na tayo." Tumayo siya saka nahiga sa kama.
"We're here so you don't need to worry. Malala pa dito nararanasan namin tuwing may mission. Also don't pity us, you don't have to say sorry, a simple thank you will do." Tumayo na rin si Sean saka lumabas ng kwarto.
I don't know about that, I'm sorry. That's what I want to say to him kaso lumabas na siya. I look at Sky, nakapikit na siya pero alam kong hindi pa siya tulog. Nanatili muna akong nakaupo saka nang inantok ay nahiga na rin.
***
"Buti naman nakauwi ka na. Kakain na tayo." Simpling saad ni Manang pero alam ko na miss na miss na niya ako, napangiti naman ako.
Ala-sais ng umaga ay nakauwi na ako sa mansion. Bago umalis kila Sky ay tumawag muna ako kay Manang, nagulat nga ako dahil gising na siya nang tumawag ako, talagang hinihintay ako. Kaya naman nang nasa gate pa lang ako ay sinalubong na niya ako.
"Pasensiya na po Manang at pinagaalala ko kayo, hindi na po mauulit. Promise!" Tinaas ko ang kanang kamay ko bilang panunumpa.
"Oo at matatamaan ka sa'king bata ka! Lahat kami ay pinagaalala mo!"
Tinawanan ko na lang siya.
Nakasuot akong blouse at jeans, damit ko ito. May mga binili pala sakin si Sky na damit, para reserba. Ang uniform ko naman na nasira kahapon ay naayos na, siya rin ang nagtahi at naglaba. Kaya ngayon ay dala-dala ko at nasa loob ng paper bag.
"O siya! Dalhan mo ng almusal ang Senyor. Hindi yan umalis dahil nagaalala sayo, at balak niya sa kwarto kumain kaya ikaw na ang magakyat."
"Opo."
Tumungo kaming kusina at nakitang handa na pala ang almusal ni Senyor. Ngunit pandalawahang tao ito.
"Manang, kakain na rin po sa itaas si Kuya Felipe?"
"Hindi, kumain na siya. Kumain na kami. Para sa iyo yan at sa Senyor. Sabayan mo nang kumain." Saad ni Manang.
Ayaw kong damputin iyong tray, nahihiya akong sumabay kumain kay Senyor. Pero lagi rin naman kaming magkasamang dalawa, pero hindi ko alam kung bakit nahihiya ako ngayon.
"Bilisan mong kumilos Aia, nagugutom na iyon."
"Opo! Pasensya na."
Madali akong pumanhik sa kwarto ng Senyor dala ang almusal. Niyakap ko nang kaunti ang tray para makakatok sa pinto.
"Senyor, nandito na po ang almusal niyo."
"Come in."
Unti-unti kong binuksan ang pinto at nakita ang Senyor na nakahiga pa.
"Kumain na po kayo, sabi rin ni Manang na samahan rin po kitang kumain."
Nilapag ko ang tray sa mini table saka inayos ang mga kobyertos.
Tumayo si Senyor Jake at nagtungo sa likod ko. Haharap na sana ako ngunit naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko.
"Senyor?"
"How many times do you want me to say stop "po" on me?"
"Huh!?"
Naupo na siya ngaun sa katapat kong upuan.
"Choose Aia, saying po to me but you'll call me Jake or you'll stop saying po?"
"Huh!?"
Matagal bago ko naproseso ang sinabi niya.
"Ano po?"
Tatawagin ko lang siyang Jake? Medyo nag-init ang pisngi ko. Ayos lang kaya 'yun?
Ayos lang iyon Aia kasi sa kaniya naman mismo nanggaling, pero nakakahiya.
"Nevermind, let's just eat."
Nagiinit parin akong pisngi ko nang naupo ako. Buti di niya nakikita.
"What happened yesterday? Why you didn't go home?" Tanong niya nang naka-isang subo na siya ng kanin.
"Ahm, napasarap kwentuhan namin ng pinsan ko."
Tumaas naman ang kilay niya.
Bakit? Totoo naman eh!
"Then?"
"Ayun, kwentuhan lang talaga. Namiss ko rin kasi siya eh."
Well totoo rin naman. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.
Actually, hinihintay ko siyang magsalita. Natahimik na siya at kain lang ng kain. Nang matapos ay mabilis na ininom ang inumin.
"Aia." Tawag niya.
Sakto rin ay natapos na akong kumain.
"Bakit?"
"Do you remember your punishment?"
Naalala ko na may sinabi siya sakin kagabi. Inasar pa ako nila Sean.
"Oo, Senyor. Anong parusa ba iyon?" Medyo natatakot ako, parusa, walang parusa na maganda.
"You're forbidden to call me Senyor in three weeks."
Ano? Teka! Punishment ba iyon? Isa pa kawalang galang din un ah!
"Bakit iyon Senyor? Akala ko pa naman paglilinisin mo ako, o kaya may ipapagawa ka pa saking mahirap."
Mahirap nga, i mean physically and not mentally.
"Just do what I said. No further questions. Understand?"
No, I didn't get it.
"Pero bakit nga ganon ang parusa mo, Senyor?"
"If you didn't do it, you'll get another punishment."
Bat ba ang hilig nito sa punishment? Para naman masama ang ginawa ko.
"Ano naman yun?"
"Secret." Saka siya kumindat.
Sa sobrang hindi ko siya magets ay binatukan ko siya.
"Ito ang punishment." Saka ako lumabas dala ang pinagkainan.
***
"Aia! Gumising ka, tulungan mo kami magluto at may bisita tayo."
Naalimpungatan ako dahil kay Ate Senya. Tumingin ako sa orasan at ala-sinko pa lang ng umaga.
"Good morning ate."
"Good morning din. Tayo ka na dyan at mag-ayos ng sarili. Marami tayong gagawin ngayon."
Ginawa ko nga ang sinabi niya. I do my morning routine. Medyo masama rin pakiramdam ko dahil masakit ang puson ko.
Mabagal akong naglakad papuntang kusina dahil nga magluluto raw.
"Good morning po Manang."
"Buti gising ka na. Kailangan namin ng Ate Senyo mo ang tulong."
Nakita ko ang maraming sangkap sa lamesa, halo-halong gulay, seafood, at karne.
"Ano pong meron?"
Kagabi ay wala naman silang nasabi na may okasyon ngayon.
"Nandito ang pinsan ng Senyor." Saad ni Ate Senyq na kakapasok lang dala-dala ang mga kaldero. Tinulungan ko naman siya ilagay iyon sa sink.
"At ang lokong bata, hindi man lang sinabing pupunta siya ngayon. Sabi ko ay magsabi para hindi kami naaaligaga." Mahabang lintana ni Manang.
"Ah, kasi maarte yun sa pagkain. Kaya twing nanduto iyon ay marami kaming niluluto. Sakit niya sa ulo." Sabay tawa niya.
May ganon ata talagang tao, kaso parang sobra nan iyong pinsan ni Senyor Jake. Ay Jake lang pala.
"Ayos na ang pagiihawan." Si Kuya Felipe.
"Ito ang iihawin."
Binigay sa kaniya ni Manang ang ilang karne at mga isda.
Ang dami, sobra. Parang fiesta.
"Hindi parin ba sila tapos magusap?" Tanong ni Manang kay Kuya Felipe.
"Hindi pa, mukhang aabutin pa silang limang oras."
Ang tagal naman.
"Kanina pa silang alas-tres ah, dami naman ata nilang pinaguusapan."
"Isang taon mahigit din silang di nagkita at walang kumunikasyon, ganon talaga." Saan naman ni Manang kay Ate Senya.
Napatingin ako sa relo ko. Magaalasais na, sobrang aga naman nila magusap.
Nagluto na kami, iba't-ibang putahe. Mga inihaw, iba't-ibang salad, mga may soup na ulam, adobo, at iba pang pagkain na sa tingin ko'y pang ibang bansa.
Natapos kami ng magaalas-otso, sakto bumaba na ang dalawa.
"She's always mad at me, parang tigre. Pero pagtulog pusa."
Tumatawa ng malakas ang kasama ng Senyor.
"Hello guys! Kamusta? Wow! Ang dami! Ang sarap HAHAHAHHA" Saad niya ng mapabaling sa lamesa.
Inilipat na muna namin ang mga putahe sa labas, dahil maganda sikat ng araw ay doon namin naisipang kumain. Tumulong sa paglilipat iyong kasama ni Senyor Jake.
"Morning." Paos na saad ng Senyor.
"Good morning din, Sen--- ay Jake."
Buti nabago ko rin agad, ayaw ko mang hindi magbanggit ng Senyor pero ayaw ko rin ng isa pa niyang punishment.
Ngumiti siya sa pagkakasabi ko ng Jake. Ano? Satisfied?
"Oi, ano meron?" Singit bigla samin ng pinsan niya. "May something sa inyo noh?" Pagkasabi niya nun ay nabatukan siya ni Jake.
"You're talking nonsense."
That guy just shrugs. Buti nalayo na samin.
"Sige, tulong na ulit ako dun." Tumango lang naman siya.
Habang kumakain ay maraming kinuwento ang pinsan niya, puro kalokohan. Halata rin sa itsura, may pagkamadaldal din. Parang may motor sa bibig at di nauubusan ng battery.
Nalaman ko rin na Kim Jaehyun ang name niya, a half Korean. Mukhang koreano pero pagnagsalita pilipinong pilipino.
"And then she smack me. Kababaeng tao nananpak."
"Buti nga sayo, siraulo ka kasi eh."
Nagulat ako kay Ate Senya. I mean, pinsan siya ng Senyor pero sinabihan niya ng ganon.
"Nagmamalasakit nga ako eh. And she can't see that, she misunderstood my action. Kayong mga babae talaga, hirap niyong intindihin rin."
Napairap na lang ako. Nandamay pa.
"Ikaw, sino ka? Bago ka rito?" Turo niya sakin.
"Oi ayusin mo, hindi yan sanay sayo." Si Ate Senya.
Sila lang dalawa ang nagsasalita. Puro away lang naman na may halong biruan. Pansin ko na close na close sila. Sabagay, madaldal kasi si Jae eh.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    YviMontenegro

    Thank you po and keep writing. ♥️

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Xian Carl Capistrano

    plss

    06/11/2024

      0
  • avatar
    Dela peñaAbanie

    maganda story

    11/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata