Run 18

"Hello Sky, we're on our way."
Si Sky? Gusto ko siyang makausap. Marami na akong tanong na naipon. Kailangan nang masagot iyon. Hindi ko na papalipasin ang araw na hindi nasasagot iyon.
Napansin ko ang ibang daan na tinatahak namin. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito.
"Saan 'to?"
Hindi naman siya sumagot. Kaya kinalabit ko siya.
"Nasaan tayo, Sean?"
"Don't talk."
Medyo na offend ako sa sinabi niya, nahimigan ko rin ang lamig ng kaniyang boses.
Napapaligiran kami ng mga puno. Medyo nakakatakot dahil walang mga bahay. Kami lang din ang naglalakbay.
Nagulat kaming parehas sa putok ng baril.
"Hold tight." Ginawa ko ang sinabi niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit saka pumikit. Ayaw ko makita ang mga mangyayari. Wala na rin akong lakas magsalita. Ramdam ko na lalong bumilis ang takbo kaya lalo akong kumapit sa kaniya.
Napadilat ako nang gumewang ang sinasakyan namin.
"Natamaan ang gulong. We need to go inside the forest."
Lumingon ako sa likod at nakitang walang tao, siguro dahil paliko ay hindi lang kita ang sumusunod.
"We're gonna hide there."
Tumango lang ako. Ikaw na bahala sa akin, Sean. Ayaw kong umiyak, kailangan kong maging matatag para sa sarili ko.
Bumaba kami parehas kaya lang may bumaril na naman. Bumaril din pabalik si Sean kaya nagulat ako. Hindi ko alam na may dala siyang baril.
Hatak-hatak niya lang ako nang makatago na kami sa punong malaki ng nakatumba.
Naupo kami doon habang siyang nagbabantay.
"Just duck, huwag kang lilingin sa likod mo." Tumango lang muli ako.
Pumikit ako at hindi maiwasang maalala ang masasayang araw.
Gusto ko pang mabuhay. Marami pa akong gustong maranasan, marami pa akong mithiin. Kaya sana iligtas mo po kami. Hindi pa ako handa.
"At the count of three, let's run."
Naghanda ako pagkasabi niya.
"1..... 2...... 3"
Pagkatayo namin ay sabay na may bumaril. Napaluhod si Sean kaya nahinto kami. Kahit nakaluhod siya ay nagawa niyang bumaril pabalik.
"Yuko." Tinulak niya ako.
"Are you alright?"
May dugo ang kaniyang braso, halata ito dahil light color lang naman ang suot niyang polo.
Anong gagawin ko? Pakiramdam ko ang pabigat ko. Wala akong magawa. Naiiyak na naman ako.
"Your bleeding. We need to treat that."
"We don't have time."
Iyon lang ang sinabi niya at tumakbo ulit kami. Kada may babaril sa amin ay napapayuko kami saka babaril pabalik si Sean. Nabaril niya rin ang lalaki kaya medyo bumagal siya.
Hawak-hawak niya ang wrist ko nang madapa ako. Ang sakit. Naka maigsing palda lang ako. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa tuhod ko. May sugat na rin ako sa palad dahil natukod ko ito.
"Stand up. Malapit na tayo."
Hindi na ako makatayo. Hindi ko na kaya.
"Oo, malapit na kayo. Malapit na kayong mamatay."
Napatingin ako kay Sean nang may nagsalita. Siya naman ay nakatingin sa nagsalita.
Ito na ba? Katapusan na ba?
"Ihagis mo sa akin ang baril kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo nito."
Bigla na lang ako hinila nung lalaki. Mahigpit niya akong hinawakan saka tinutukan ng baril sa ulo.
Sunod-sunod na ang patak ng luha ko. Nanghihina na ang tuhod ko. Ang lalaki na lang ang umaalalay sa akin. Hindi na kaya ng katawan ko, ng isip at puso ko. Hanggang dito na lang ba talaga ako?
"Let her go."
"Sabi ko ihagis mo sakin iyang baril mo!"
Napapikit ako sa sigaw niya.
Basta na lang ako bumagsak sa lupa. Mas lalong humapdi ang mga sugat ko. Napalingon ako sa likod at nakitang nakabulagta ang lalaki. May dugong lumalabas sa bibig nito.
Sana hindi ko na lang nilingon. Nakakatakot, nakakawa.
"Aiana."
Lumuhod sa akin si Sean. Hindi ko alam pero nahihilo ako, dumidilim paningin ko.
"Aia? Aiana!" Pakiramdam ko na lang ay may bumuhat sa akin saka ako nakatulog.
***
Nagising akong masakit ang katawan. Dumilat ako sabay ng pagbangon. Nakahiga ako sa dati kong tinutulugan noong hindi pa ako naninirahan kila Senyor Jake.
"How is it?"
"Ok naman, sanay na. Kaya lang..."
Nakita kong naguusap sila Sky at Sean sa lamesa, parehas na nakaupo. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napapansin.
"What?"
"I can't see her."
Tumahimik silang dalawa saka bintukan ni Sky si Sean.
"Hindi ka kasi nag-iingat eh!" Bulyaw niya kay Sean.
"Nagingat naman ako ahh! Hindi talaga maiiwasan 'to."
They're laughing while fighting. For me, I can't laugh. Because of me, he got shot. It's my fault.
"But, thank you."
"No, that's what we need to do. Kaya kapag di ko siya inangatan, hindi lang ito matatamo ko sayo." Sabay turo niya kung saan siya nabaril, nakabenda na ito at iba na rin ang suot niya.
Kinurot naman siya ni Sky sa pisngi kaya napasigaw siya.
"Ano ba!? Lagi mo na lang akong sinasaktan."
"Tss."
Ahm, may namamagitan ba sa kanila? Bakit hindi ko alam.
Biglang lumingon si Sky sa akin.
"Ayan nagising. Ang ingay mo kasi eh."
"Ako na naman."
I thought they were just friends, more than friends pala.
"Are you okay?" Tanong ni Sean.
"Yup, thanks." Tinignan ko ang sugat niya. "And I'm sorry. Thanks for saving me." I smiled.
"You're welcome. And that's my job."
Napakunot ako ng noo, hindi ko nagets ang sinabi niya.
"I mean, malalagot ako dito." Turo niya kay Sky.
Ok. Malalagot nga.
"Hey."
Sky called my attention. I'll be honest. Sobra-sobra na ang tampo ko sa kaniya. Ang dami kong hindi nalalaman. I'm her best friend right? I'm with her for how many years. I feel like a stranger dahil hindi na siya nagkwekwento sa akin.
Bigla na lang siya hindi ma-contact, ang pagtatanong niya sa mansion ng Miller. Ang pagtugis sa akin ng lalaki kanina.
"You owe me an explanation." Malamig kong saad.
She looked stun because of my voice. First time ko rin itong maramdaman sa kaniya.
"Yeah right, I'm sorry. Well, it's only 6 o'clock so we have plenty of time to talk about it. But before that, I want you to call Manang. Kanina pa kasi sila tumatawag, tumawag din sa aking si Jake pero hindi ko sinasagot."
After niyang sabihin iyon ay tumawag ako kay Manang, sinagot niya rin naman ito.
"Manang." I called.
/"Maryosep kang bata ka! Bakit hindi ka na naman nagpaparamdam? Kanina pa nandito ang Ate Senya mo. Nag-aalala na kami sayo, hindi ka kaagad umuwi."/ Mahabang lintana niya.
"Sorry po Manang. Nakasilent po kasi phone ko. Nandito ako kasama ang pinsan ko, dito ho muna ako matutulog." Saad ko kahit wala namang sinabing ganon si Sky. Kaya kumunot ang noo niya sa akin.
Dito ako matutulog. No, dito ako mahpapalipas ng gabi para malaman ko na ang mga dapat kong malaman.
/"Ganoon ba? Sige, tumawag ka bukas bago ka umuwi ahh. Siya nga pala, kakausapin ka ng Senyor."/
My heartbeat goes fast suddenly.
/"Hey."/ He said.
"Senyor Jake."
/"What time you'll go home?"/
"Ahh, hindi ko pa po alam. Siguro makapananghalian?"
Pagkasaad ko noon ay matagal bago siya sumagot.
/"I see. Okay, enjoy there."/
"Salamat po."
This past few days, lumalalim ang pagtingin ko sa Senyor. I feel like I'm falling.
/"By the way."/
Bigla siya nagsalita.
"Ano iyon Senyor?"
/"Go straight to my room... tomorrow."/
"Para saan po?"
/"For punishment."/
Namatay ang tawag.
"Ohhh, I like that. Punishment, in room." He hissed.
"Dagdag ko kaya sugat mo?" Si Sky.
"Sabi ko nga, I'll shut up."
He acted zipping his mouth.
Nag-init naman ang pisngi ko sa naisip. Umiling ako, hindi naman siguro ganon, sa mga katulad sa mga nababasa ko.
"Look, Sky. She's blushing, she likes it. She imagines it."
Napatingin ako kay Sky. She's smiling full of happiness and satisfaction.
"Inlababo."
"Pati ba naman ikaw?"
Tinawanan lang ako ni Sky.
"Let's eat first before we talk about what happened earlier."
Kaya kumain kami, ang nagluto ay si Sean. Hindi ko alam na he's a great cook. Masarap lahat, nakakabusog.
Matapos kumain ay nasa salas kami, may nakahaing na dalawang kape at isang choco milk na para sa akin.
"The White Family is looking for you."
"Pati sila Mommy?" Putol ko sa kaniya.
"Nope. Actually, I talk to them." Tinitigan ko lang siya, gusto ko pa marinig ang sasabihin niya. "Remember the day na dinalhan ka ng food ni Sean? Noong gabi na dapat ay pupuntahan din kita." Tumango ako. "That day, your parents invited me for a dinner. And we... talked.. about you."
Ang sakit. I miss them, I don't want to leave them but I don't have a choice. Sanay ako mawalay sa kanila everytime na pupunta silang US. But this is different, they don't know where I am, and we don't have contact.
Dahil hindi ako nagsalita ay nagtuloy lang si Sky sa pagkuwento, habang si Sean ay nakikinig lang ng mabuti.
"They suspected me that I hide you, and that's true." Tumigil siya saglit at humigop ng kape saka nagpatuloy. "Of course hindi ako umamin. Humingi rin sila ng tulong sa aking mahanap ka, sabi ko ayoko. Gusto mong makawala, umalis, magtago, kaya kung hahanapin ka, lalong kang magtatago. Of course, they got mad at me, kasi wala raw akong pake sayo ngayong nawawala ka. But your Dad understand it. Si Tita lang talaga nagalit sa akin."
Of course, they'll think na tinulungan ako ni Sky. She's my only best friend. Hindi ko alam but somehow I'm happy na hinahanap nila ako, pero hindi ko alam kung dahil kailangan kong magpakasal o dahil anak nila ako at ayaw mahiwalay sa kanila.
I agree to what Sky told them, lalo akong hindi magpapakita. But iyong magalit si Mommy sa kaniya, I felt terrible. Dahil sa akin masisira ang pakikitungo ni mommy sa kaniya.
"And? Ano sabi nila?" Si Sean na ang nagtanong.
"They're aware na hinahanap ka ng mga White, kaya ipapaubaya na nila sa kanila. Buti pumayag si Tita sa gusto ni Tito. Also.." Tumayo si Sky para buksan ang drawer, may kinuha siya roon. "Here." Inabot niya sa akin ang isang alahas na pinakaiingat-ingatan ko. "Binigay ni Ion sa akin. Nakita niya raw sa ilalim ng drawer mo noong naglinis ang kasambahay."
Naalala ko, nalaglag ko ito noong nagpalit ako ng wedding dress, pinatanggal ito nung bakla at nailaglag ko ito. Saka ko na raw pulutin pagkatapos magbihis at nakalimitan ko na.
"Thanks. You know, it means a lot to me."
She smiled and then seated to continue talking.
"At iyong tungkol sa nangyari kanina. White feels that I know where you're hiding. Pinasundan nila ako. I lost them but hindi ko alam na pati si Sean ay pinasundan nila."
That's weird. Hindi naman kilala ng parents ko si Sean.
"Habang sinusundan nila ako ay nakita nilang lagi kong kasama si Sean kaya ganon." Pagpatuloy niya.
I see that's why.
"Also..." She looks at me with a sad face. "They are searching for you not to marry their grandchild, but to kill you."

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    YviMontenegro

    Thank you po and keep writing. ♥️

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Xian Carl Capistrano

    plss

    06/11/2024

      0
  • avatar
    Dela peñaAbanie

    maganda story

    11/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata