Run 17

Hindi naman dumating si Sky, naghintay lang ako sa wala. Nagmessage din ako sa kaniya kung bakit hindi siya natuloy, walang reply na dumating. Ilang araw na rin ang lumipas at wala akong balita sa kaniya. Sinubukan ko ring i-message si Sean pero cannot be reached naman.
"You're thinking so deeply."
"Ay palaka!"
Napahawak ako sa dibdib ko, ang puso ko.
"Senyor naman! Aatakihin ako sa inyo eh." Tinawanan lang ako.
"What are you thinking?"
"May program kami bukas sa school. Kailangan namin umattend, kahit homeschool daw."
"Then?" He just sitting beside me, waiting.
"Problema ko, wala akong masasakyan. Hindi ko ma-contact pinsan ko."
Isa rin sa dahilan kung bakit nagpupumilit akong makausap si Sky. Mandatory daw kasi ang pagpunta. May meeting na isasagawa ang PU, meeting para sa mga studyante kaya kailangan.
"You can just go with Senya. Talk to her."
Pwede naman kaya lang may kailangan talaga ako kay Sky, gusto kong makibalita kung anong nangyari sa kanila.
"Hindi na, ayos lang Senyor. Bukas pa naman, baka mamaya rin ay magreply na ung pinsan ko."
Inilabas niya ang phone at nakita kong pinindot niya ang #2. Nagdial ito at nagring din ka agad, iyon nga lang ang hindi nasagot.
"It seems like she's so busy."
Napatingin ako sa kaniya.
"Sino Senyor?"
"Alice."
Alice? Sino 'yun? Wala akong kilalang Alice.
Magtatanong sana ako sa kaniya kung sino iyon nang magring ang phone niya.
/"Hello?"/
Nakaloud speaker ito at nakababa lang sa lamesa.
"Hey!"
/"Who's this?"/
"Aia's friend, she said she can't reach you."
Wait, Sky? Si Sky itong kausap niya? Siya lang naman ang hindi ko ma-contact eh. Pero bakit iba boses? Wait nga ulit! Siya ba iyong Alice? My god Aia! Muntik mo na namang ipahamak sarili mo. Ba't ba nakalimutan kong si Alice ang pakilala ko sa Senyor.
/"I see. Where's she?"/
"Bedroom, studying."
The truth is nasa library kami at hindi ako nag-aaral. Napili ko lang tumunganga dito dahil medyo masarap ang simoy ng hangin. Nandito kami sa may veranda, kapag ganitong hapon ay mahangin.
/"I see. I'm sorry, may emergency kasi sa bahay at hanggang ngayon inaayos pa namin."/ Saad ni Sky sa kabilang linya.
I want to talk but ayaw ko namang lumabas na sinungaling ang Senyor. Nagtataka lang ako bat niya ginawa iyon, but I'll ask him later after the call.
"I understand, but if you have a minute please call her. She needs you." Saka bumaling sa akin ang Senyor.
Hindi nagsalita si Sky kaya nagsalita muli si Senyor.
"There's a program at her University, she needs to attend that. She as well needs something on you."
May nabuo na namang tanong sa aking isipan, pero mamaya ko na rin itatanong.
/"Ok. I'll call her later, after dinner. Please pass it to her, I'm really sorry."/
"It's ok, thanks."
"Thanks."
Saka namatay.
"Senyor?"
"Yes?"
Nakapalungbaba akong tumitig sa kaniya.
"Paano mo nalaman?"
"About what?"
"Paano mo nalaman na kailangan ko talaga siyang makausap. Isa pa, tinawagan mo pa siya talaga ah! Dagdag pa, bakit ka naman nagsinungaling na wala ako sa tabi mo?" Mahabang lintana ko.
He chuckled, na para bang may nakakatawa sa pinagsasabi ko kahit wala naman.
"It was so obvious, you don't want to go with Senya because of that. Second, I just tried if she'll answer it and she answered it. Third, I just want to. No particular reason."
I see. Bait naman ng Senyor, nagaalala yan?
"Thank you."
Ngumiti siya.
"Can you do that again?"
"Iyung alin?"
Pumalumbaba din siya at tinapik-tapik ang pisngi. Unti-unti, naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Ayaw ko nga! Bahala ka dyan Senyor!" Sigaw ko saka lumabas.
Nakakahiya! Pinaalala pa, gusto pa ng second round.
Kinabukasan gumagayak ako para pumuntang PU. Si Sean daw ang sasama sa akin dahil hindi pa raw tapos si Sky sa ginagawa niya. Nakausap ko na rin siya kagabi, tinanong ko kung ano ang nangyari pero hindi niya pinapansin ang tanong ko, iniiwasan niya at iniiba ang usapan kaya hinayaan ko na lang. Magkukuwento rin naman siya sa aking ng kusa.
Ako lang mag-isa ngaun sa mansion, dahil ala-syete pa lang ng umaga at mamaya pa ang uwi. Si Ate Senya naman ay nauna na, dahil isa raw siya sa magoorganize ng meeting kaya kailangan maaga.
Natapos gumayak ay lumabas na ako para abangan si Sean, sakto rin ay kakarating lang niya.
"Naks naman, ang ganda ng binibini."
"Buset ka. Binobola mo na naman ako."
Suot-suot ko ang uniform namin. Nung una ay medyo naawkwardan ako pero nang magtagal ay nasanay na ako sa haba ng palda.
"Cute. Let's go. Malate ka pa, binibini."
Sinuutan niya ako ng helmet at napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya. Kaya kinatok niya ang suot kong helmet.
"Masakit! Loko ka!"
"Bawal tumitigtig at may nagmamay-ari na sa akin, binibini."
"Tigilan mo nga ako sa binibini na iyan, masasapok kita."
Tumawa siya, "Biro lang ito naman. Pero totoong may nagmamay-ari na sa'kin."
"Wala akong pakeelam, tara na."
Sumakay na ako kaya umalis na kami.
"Oo, kasi type mo si Senyor." Pang-aasar niya na may kasama pang tawa.
"Heh!" Iyon na lang ang nasabi ko dahil nahihiya ako. Gusto kong i-deny kahit totoo naman.
Nakarating din kami nangligtas at napansin ko na maraming nang tao. Alas-nuebe kasi ang meeting at malapit na magsimula.
"Ang gwapo ko talaga."
Napalingon ako kay Sean. Nakatingin kasi sa amin ang mga studyante.
"Hoy! May takip kaya mukha mo, saka hindi ka gwapo. Isa pa, nagtataka lang sila dahil may lalaki dito."
"Hindi ako gwapo? Ano? Naku! Magagalit sayo si Sky, sumbong kita."
Edi sumbong niya. Minsan ko na kasing inasar ito na pangit at ang Sky ay pinagtanggol ang mokong na 'to.
Hindi ko na lang siya pinansin, pumasok na ako. Bahala siya dyan, kung uuwi na siya o kung saan man pumunta. Basta driver ko lang siya ngayon.
Mahigit isang oras din ang itinagal ng meeting. Ang napagusapan ay ang nalalapit na intramurals. Hindi naman obligadong sumali sa sports pero obligado ang pumasok sa unibersidad dahil may attendance. Nagpakilala rin ng mga bagong professors. Isa-isa sila ng pagspeech kaya napatagal.
Palabas na ako ng gymnasium nang makita ko si Sean na nakikipaglandian. Akala ko ba may girlfriend na 'to? Sumbong ko rin kay Sky 'to eh.
Lumapit ako sa kanila at kinalabit siya, nilingon niya naman ako.
"Akala ko ba may girlfriend ka?" Nilingon ko iyong mga babae at masama ang tingin sakin. Problema niyo? Binalik ko ang tingin kay Sean. "Uwi na tayo, nagugutom na ako. Paghindi mo ako pinakain susumbong kita." Panakot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay, "How? You don't even know her."
"Kay Sky ko sasabihin, panigurado kilala niya."
Lumaki ang mata niya sa gulat. Sige landi pa, iwan ka sana ng jowa mo.
"Halika na." Kinaladkad naman niya ako palabas. "Papakainin kita ng marami basta 'wag ka lang maingay."
Basta busog ako walang problema.
Sa may malapit lang din kami kumain. It's a fast food, wala din gaanong tao.
"What do you want?" Tanong niya sa akin habang nakapila kami, kami na ang next na oorder.
"Ayos na sakin iyung rice and chicken."
Ganon nga ang inorder niya, sa kaniya naman ay ang fries and burger lang, parehas din kaming coke ang inumin.
"Hanap lang ako upuan." Paalam ko habang nagbabayad siya. Siya nanagbayad, dapat ang driver ang nagbabayad.
Mahina akong napatawa sa naisip.
Nakahanap na rin ako ng pwesto, katabi nito ang bintana. Maganda rin itong pwesto dahil nakatutok sa amin ang aircon at hindi gaano kalamigan kaya ayos lang.
Habang naghihintay ay nakatingin lang ako sa labas, napansin ko ang isang tao na nakahelmet sakay-sakay sila kaniyang motor. Nakasuot siya ng leather jacket at maong na itim.
"Hey."
Dumating din si Sean na may dalang table number at iyung inumin namin.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko doon sa tao. Nagulat ako nang tinanggal niya ang kaniyang helmet. Lalaki ito, nakamask din. Tinaas niya ang kaniyang kamay at umakmang babaril.
Nanlamig ang buo kong katawan nang itutok niya sa akin ito at bumaril. Bumilis ang tibok ng aking puso.
Sino iyon? Bakit niya ginawa 'yun? Tumingon ako sa likod ko, nagbabakasakaling hindi ako ang tinignan niya. Kaya lang walang tao sa likuran ko o sa gilid ko man.
"Hey, are you ok?"
Binalik ko ang tingin sa lalaki. Sunod-sunod na baril na ang ginawa niya. Naiiyak na ako, para sa akin ba iyon? Ano ibig sabihin noon?
"Aia? Hey, what's wrong? Anong tinitignan mo?"
Tinaas ko ang kamay ko at tinuro ang lalaki. Mabilis niyong sinuot ang helmet saka umalis.
Nagulat ako sa pagtayo ni Sean, hinabol niya ang lalaki sa labas.
May babaril sakin? May gustong mamatay ako, may papatay sa akin. Naiiyak na ako. Natatakot ako, gusto kong tumakbo makauwi lang, kahit malayo pa. Kaya lang baka rin may humarang sa amin, hindi ko na alam gagawin ko. Natatakot na akong lumabas.
"Miss, order niyo po."
"Ako na, thanks."
Umiiyak na ako. Hindi ko mapigilan. Nasa panganib na buhay ko. Sino naman gagawa nun? Ang mga White? Sila lang naman alam kong gagawa noon. Hinabol nga nila kami noon ni Sky. Hindi kaya natunton na nila ako?
"Sean, umuwi na tayo. Gusto ko nang umuwi. Please." Humahagulgol na ako sa harap niya. Wala akong pakielam kung may makakita sa aking umiiyak, basta ligtas lang ako.
"Sige sige, uuwi na tayo. Saglit lang." Kinalikot niya ang phone niya.
"Ngayon na tayo umalis, baka bumalik pa iyon. Baka ano pa ang mangyari sa atin. Gusto ko nang umuwi, nasan ba si Sky. Sean please, natatakot ako. Ayaw ko pa mamatay."
"Hush! Nandito ako, di kita pababayaan. Hindi na babalik iyon. Tanghaling tapat kaya di niya magagawa iyon."
"Kilala mo ba 'yun? White ba iyong lalaki? Tauhan? Paano mo nasabing di niya magagawa iyun? Walang pinipiling oras ang krimen!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Gusto ko na talagang umuwi, mas ligtas ako doon.
"Yeah right, walang oras but Aia. You don't have to worry." Nagulo na niya ang buhok niya. "Ahm, how should I explain this?"
"Explain what?"
Tell me.
"We need to go." Tinaas niya ang kamay para tumawag ng waiter. "Excuse me, we'll take this out." Kinuha naman na ito ng waiter.
"Explain what, Sean? Ano iyon? White nga ba? White ba?"
"I'll explain later. Hindi pwede dito."
Dumating na rin ang pagkain naming nakatake out.
"Saan tayo pupunta? Uuwi na?" Nahimasmasan ako nang maisip na makakauwi na ako.
"No, may pupuntahan tayong lugar kung saan ka safe."
"Safe? Hindi ba ang sa Miller ay safe? Kaya nga doon ako dinala ni Sky para hindi ako mahanap."
"No, I mean. Much safer, Aia. Isang oras pa ang byahe dito papuntang Miller. Tama ka, baka bumalik nga iyon."
Lalo akong naguluhan, lalo akong natakot.
"Can't you just lie, Sean? Mas tinatakot mo ako."
"Ayaw mo akong magsinungaling tapos ngayon gusto mo akong magsinungaling? Fix yourself." Hinatak na niya ako palabas. Habang naglalakad ay inayos ko ang sarili ko.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    YviMontenegro

    Thank you po and keep writing. ♥️

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Xian Carl Capistrano

    plss

    06/11/2024

      0
  • avatar
    Dela peñaAbanie

    maganda story

    11/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata