Homepage/Lavandeir's Revenge/
Chapter 73 - She's Drank
Third Person's POV
Mabilis na nagsilabasan ang apat na myembro ng Black Chili sa kotse ni Ex nang marating na nila ang convenience store. Mabilis lang nilang nakita ang kinaroroonan ni Vanvan dahil nasa labas lang ito, nakalumbaba sa isa sa mga mesa. Nasa gilid lang ang guard nito na binabantayan siya baka mapa'no pa.
"Vanvan!"
Nakita nilang nasa mga apat na bote ng hard alcoholic drinks ang nasa mesa. Nagkalat din ang maraming Vcut at may dalawang C2. Sino ba namang hindi malasing sa daming nainom nito?
"Hay salamat dumating na rin kayo. Lasing na lasing na kasi 'tong babae."
"Ano pong nangyari rito guard? May kasama ba siya?" tanong agad ni Kevin.
"How long she's been here?"
"Magdadalawang oras na rin kasama 'yong lalaking kainuman niya."
"W-what?" hindi makapaniwalang tanong nina Natsy.
Bubuhatin na sana ni Ex si Lavandeir nang biglang nagsalita si Veign.
"Let me."
Hindi pa nga nakaangal si Ex ay binuhat na ni Veign si Lavandeir, 'yong pangkasal style. Hindi man lang sila tiningnan nito at mabilis na pumunta sa kotse. Hindi naman ma-explain ni Ex ang biglaang inis na kanyang nararamdaman. Wala namang masama kung si Veign ang bumuhat sa kanya since noon pa sila magkakakilala. Pero hindi niya alam kung bakit gano'n ang nafe-feel niya.
"What's with that expression insan? Pft!"
He just click his tongue and turn around to face the guard.
Sa kabilang banda naman, ingat na ingat na inihiga ni Veign ang bestfriend niyang matagal na niyang hindi nakasama. Hindi niya alam kung anong ere-react kasi hindi naman niya in-expect na iinom ito.
He's still being haunted by his conscience by leaving her back then. Alam niyang may rason siya kung bakit niya ito iniwan noon pero nakokonsensya pa rin siya. Alam niya ang lahat ng paghihirap ng kaisa-isang kaibigan niya noon kaya nagi-guilty talaga siya.
Ginawa niyang unan ang lap niya para makahiga nang maayos si Lavandeir. Hinaplos niya ang mukha nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito. Tinitigan niyang maigi ang mukha ng kanyang kaibigan... No, hindi lang kaibigan ang turing niya rito.
From her forehead to her eyebrows down to her nose then to her lips. Tinitigan niya itong maigi kasi ilang years din niyang hindi ito natitigan nang malapitan. Ngayon lang ang chance niya para gawin 'yon.
"I'm sorry."
Wala siyang ibang masabi kundi 'yon lang. Hinihimas niya ang buhok nito. Hindi pa rin niya maalis ang paningin niya sa babae. Kasi kapag hindi na ito lasing, hindi na niya magawang lapitan ito. Nahihiya pa rin kasi siyang lumapit dito. He knew he sounds unmanly for not having a courage to face her... still he can't. Marami pa siyang dapat ipaliwanag kay Lavandeir pero hindi pa sa ngayon.
Bumukas ang pinto ng kotse at mabilis na pumasok ang dalawang magpinsan. Si Ex ang magd-drive habang si Natsy ang nasa passenger seat.
"Where's Kevin?"
"Maiiwan na muna siya. Titingnan niya ang CCTV para tingnan kung sinong lalaki ang kainuman ni Vanvan. My God! I didn't even thought this would happen."
"Lalaki?"
"That's what we heard. Tangina!"
Wala nang nagsalita pa. Sinulyapan ni Natsy ang pinsan niya na sobrang seryoso kung makapag-drive. Para pa itong galit. Sinulyapan din niya ang front view mirror at nakitang alalang-alala si Veign na nakatingin kay Vanvan habang hinahaplos pa ang buhok nito.
Natasha bit her lips and look outside. Natatawa siya sa kanyang na-conclude.
'Him being angry knowing that Vanvan was drinking with some guy or him being jealous? Hmm!'
...
"They already got her," sabi niya sa kabilang linya habang pinagmamasdan ang mga members ng Black Chili sa isang convenience store.
"As expected magagawa mo talaga 'yan. That's so easy Marj!"
"Malalaman natin bukas kung pa'no siya malasing. Hahaha!"
"Baka magalit pa si Lava 'pag nalaman niyang pinagkaisahan mo siya. Haha!"
"Well, ginawa ko lang naman ang utos ni master. Isa pa 'pag nalaman na na 'tin kung anong epekto niya kapag malasing, makakapag-adjust pa tayo. We already saw how his brother got drank and we knew how dangerous he was."
"Charot eh ako lang naman nakakita no'n. Ako kaya in-charge sa pagmasdan siya."
"O ikaw na!"
"Pero nagtataka lang ako. Bakit kaya hindi na lang tayo ang unang makakita kung pa'no siya malasing? Ano bang binabalak ni master?"
"I don't know."
Ibinaba na niya ang tawag ni Kern. Nagsimula na siyang mag-drive at napangisi pa nang madaanan niya ang isang myembro ng Black Chili na si Kevin na nagpaiwan sa store. Alam niyang titingnan nito ang CCTV. Hindi naman na siya nabalaka kasi it's all planned after all.
Pinili niya itong convenience store kasi alam niyang walang camera sa labas nito at sa loob lang meron. Binigyan niya rin ng malaking pera ang guard para sabihin sa kanila na isang lalaki ang kainuman nito.
'Kinuha niya ang cellphone ni Vanvan at hinanap ang number ng isa sa myembro ng Black Chili na naka-save sa phone nito. Nakita niya ang pangalang Natsy kaya intension niya itong tinawagan.
"This girl! Hindi talaga niya sini-save number namin sa phone niya," bulong niya sa sarili.
"Hey! Van wake up! Tumatawag ang kuya mo."
"H-ha?"
"Tumatawag ang kuya mo. Bilis sagutin mo tas 'wag mong sabihin na kasama mo 'ko baka magalit pa 'yon sa 'kin."
Tumango naman ito na namumungay pa ang mata tsaka kinuha ang phone. Nang connected na ang tawag ay agad na siyang umalis at iniwan mag-isa si Vanvan. Pumasok siya sa kotse niya at pumwesto sa hindi kalayuan para pagmasdan kung sino ang dadating.'
"Nakaya pa talaga niyang tumango sa 'kin kahit sobrang lasing na siya," sabi niya sa sarili sa naalala niya. Nagsimula na siyang mag-drive nang mabilis habang hindi mawala ang ngisi sa labi niya.
...
Naunang pumasok si Veign sa guess room sa condo ni Ex habang buhat-buhat niya si Lavandeir. Nakasunod naman ang dalawang magpinsan sa kanya. He lay her down to the bed with so much care, afraid she'll wake up. The two cousins just watch him how he handle her with care. First time nilang makita ang ka-myembrong ganyan kung makapag-ingat at makapag-alala sa isang babae.
"He really cares for her," bulong ni Natasha na naka-crossed arms pa. Hindi pa kasi siya makapaniwalang dadating ang araw na makita niyang ganito si Veign. Sobrang liit pa ng mundo at si Vanvan pa talaga.
"I see."
Umalis ang dalawa sa guess room at pinabayaan na nilang si Veign ang bahala sa kanya. Nagtitimpla ng kape si Ex habang si Natsy naman umiinom ng sprite na nasa can. Walang nag-iimikan sa dalawa nang biglang tumawag si Kevin kay Natsy.
"Oh Kevs?"
"Walang CCTV ang labas ng convenience store kaya hindi na-capture sa video ang kasama ni Lavandeir. It's really weird."
"Oh sige pumunta ka na rito. Bring foods."
Pinatay na ni Natasha ang tawag bago pa makapag-react ito. Tiningnan niya ang insan niya tas sinabi ang binalita ni Kevin.
"I've been really wondering who's that guy."
Hindi maalis sa isip ni Ex kung sino ang lalaking tumatawag ni Lavandeir noon. Minsan mahuli pa niyang may ka-text ito just like when he caught her talking on the phone with some guy in the terrace.
"Yong Mais na nag-text sa kanya noon?"
Tumango lang si Ex at hindi na nagsalita pa. He took a sip of his black coffee. Later on, pumasok si Veign sa kusina at kumuha ng C2 tas sumandal sa lababo.
'They're really the same,' sa isip-isip ni Ex referring the C2.
Si Natasha naman, nagmamasid lang sa dalawang kamyembro niya. Tahimik lang ang mga ito at malalim ang iniisip. Ayaw niya tuloy magsalita. Para kasing may nafe-feel siyang tension sa pagitan ng dalawa. Pero hindi niya matukoy kung ano since wala namang rason na magka-tension ang insan niya at si Veign.
"How is she?" basag na tanong ni Ex.
"She's fine. She's sleeping."
Napalunok na lang ng laway si Natasha kasi pagkatapos n'on wala nang nagsalita.
'Really? What's with the tension here?'
Ilang sandali, nakita na lang nilang biglang pumasok sa kusina ang babaeng nalasing, si Lavandeir.
"What the hell."
'Sleeping huh?' sa isip ni Ex.
Muntik pang mabitawan ni Natasha ang sprite in can niya nang hindi man lang niya naramdaman ang presensya nito. Same goes for the two guys. Hindi man lang sila sinulyapan ng tingin ng babae at parang hindi sila nakita.
Hindi sila makagalaw kasi may kakaiba itong aura. Kung maglakad at kumilos ito, parang ibang-iba ito sa Lavandeir na nakilala nila. She walked with so much confidence just like a queen bee in the campus but move like one of the elegant ladies.
Binuksan nito ang ref at may hinahanap. Tinitigan, mali, parang ini-scan nito ang loob ng ref. Hindi nila alam kung anong hinahanap nito.
"Lav."
Veign and Natasha throw a glance of Ex nang tinawag niya si Vanvan. Kumunot ang noo ni Veign kasi si Vanvan pala ang tinutukoy niya na napagkamalan pa niyang Love noon nung binanggit 'yon ng leader nila.
Huminto bigla si Lavandeir tas sinarado ang pinto. Nilingon niya ang lalaking tumawag sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata pero wala man lang emosyon ang mata ni Lavandeir at iniwas ang tingin nito. Mapupungay pa rin ang mata nito at talagang lasing na lasing. Tiningnan niya si Natsy at hindi alam ni Nasty kung bakit siya napalunok. At huli niyang tiningnan si Veign. Nagkasalubong ang mga mata nila pero agad din niya iyong iniwas kasi tiningnan niya ang hawak nito.
Napatingin din ang tatlo sa tinitingnan niya. Ang C2 na hawak-hawak ni Veign. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ng lalaki at agad na inagaw ang C2.
"H-hey!"
Hindi na napigilan ni Veign si Lavandeir nang agad niya itong ininom. 'I'm drinking that,' sa isip-isip ni Veign.
Natasha find it cute when she saw Veign blushed at the moment while Ex? He walked out.
...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
27/12/2024
0good
18/11/2024
0RN week so we don't seem to
31/10/2024
0Tingnan Lahat